Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

♐ ♐ ♐
Warm moist air flowed above me.

Sinubukan kong gumalaw.

May mga boses sa paligid ko kaya unti-unti akong nagmulat ng mga mata.

Ceiling na madameng glow in the dark na figures ang sumasayaw. Walang strings kaya na-amaze ako.

May arrow na umiikot lang. Tila walang patutunguhan. Kasabay nito ang mga isdang lumalangoy.

Tahimik lang na nakaupo ang isang ram sa gitna habang may leon na bumubwelong sumugod sa labas ng bilog na iniikutan ng mga isda at palaso.

Scorpion at alimango naman ay naghahabulan. Nag-aaway ang sipit at buntot nila.

May babaeng parang nang-aakit. Sa tabi ng malaking clay jar, sumasayaw ang kanyang kasuotan pati buhok.

Natigil ang galaw ng mga ito at biglang naglaho nang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, si Stephen pala.

Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. I smiled kaya gumanti siya ng malawak na ngiti.

Nang maalala ko ang mga pangyayari, I pushed myself up at nakasuporta ang elbows ko sa kama.

Tinignan ko kung nasaan ako. Sa kwarto ko.

Lahat sila narito.

Pero napansin kong iilan lang sila.

Nakaupo si Aries sa may bintana katabi ni Rain Harvey. Si Sapphire ay kakalabas mula sa closet dala ang isang kulay gintong pouch.

Halos hindi naman nagkikibuan sina Leon at Vic na nasa sulok at parehong nakahalukipkip at nakasandal sa pader.

Parang alien naman na nagsasalita yung payatot kahit walang kausap. Kasama niya si Jean na naiiritang makinig ngunit nagtitimpi lang.

Pumasok si Archer kaya nagbago ang ihip ng hangin.

"A-anong..." Napa-frown ako sa sakit ng katawan at sobrang dry na lalamunan. Agad iniabot ni Stephen ang isang basong tubig kaya nilagok ko.

Nakaginhawa pa ako. Ibinalik ko ang baso kay Stephen at pinatong niya sa lamesa. "Paano tayo nakaligtas?" Tanong ko. "At nasaan na yung iba?"

Napansin ko kasing konti lang kami. Si Sapphire ang sumagot, "They're gone. The others decided to leave while the other five were sent away."

"How...what..."

"You've been asleep for nine days." Swabeng naglakad palapit si Archer.

Kinuha niya yung pouch mula kay Sapphire. "You are 720 hours behind training." Saad niya sabay hablot sa kamay ko at pinasak sa palad ko ang pouch. "You'll need that." Saka siya umalis.

Nagtataka akong tumingin sa kanilang lahat. 720 hours? Akala ko ba 9 days lang. Napa-compute pa ako mentally dahil hindi naman siguro aabot ng 700+ hours ang nine days. 9x24? 216 naman di ba? Or something 200+...

"One day is 80 hours here in Phantasia." Komento ni Aries nang makitang hindi ko ma-gets ang computation ng oras. "Yet he was a bit exaggerated. It's only been about 715 hours...or...well, it's almost 9 days already." He shrugged.

Pinagpatuloy kong mag-compute sa utak ko.

Goodness! 30 earth days?! As in isang buwan akong nakahiga?

That makes sense. Kaya pala ang tagal gumabi. At matagal din umaraw.

♐ ♐ ♐
Dahan-dahan akong pumasok sa training room. Inayos ko ang pagkakasabit ng pana sa balikat. Hawak ko rin ang pouch na hindi pinaliwanag sa akin ninuman kung ano ang gamit. I sighed. Mabuti na lang at wala pa siya.

Isasara ko na sana ang pinto ngunit napapitlag ako dahil sa malamig na kamay na humawak sa kamay kong nakapulupot pa rin sa knob.

Lumingon ako. Nagtatakang tinignan niya ako bago bawiin ang kamay at isara ang pinto.

But I'm sure may sparks nang magdikit ang mga kamay namin. Malakas ang pakiramdam kong meron pero hindi ko mawari kung naramdaman niya.

Isang araw lang ang pahinga at paghahanda ko para sa training. Medyo mahina pa ang katawan ko dahil sa matagal na wala akong malay.

♐ ♐ ♐
Pawis na pawis na ako matapos naming mag-sparring gamit ang sticks. Halos madikit na sa katawan ko ang white T-shirt kong basa na sa pawis. Hingal na hingal na rin ako.

Disappointed akong tumingin sa kanya dahil wala man lang bakas na napagod siya.

Nagulo lang ang buhok niya pero hindi siya napagod. Stiff siyang nakatayo at parang nanghahamon pa rin. He gave me a look saying, 'you're too weak...'

Pake ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa stick at tumakbo para sugurin siya ngunit nasangga niya ako. Nag-ready siyang sumipa kaya napamulagat ako.

Hindi ako prepared kaya nasipa niya ako sa tiyan pero hindi malakas dahil halatang pinipigil niya ang pag-atake. "Ano ba? Bakit di ka magseryoso?" Inis kong tanong at pilit tumayo.

"I'm serious. It's just that you are not yet ready for a real fight." He answered sabay baba ng stick. He mumbled at narinig ko. "You  were just lucky that time."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro