
Chapter 17
♐ ♐ ♐
Yung magandang taniman kanina ay biglang naging masukal na gilid ng bundok. Nawala ang mga pananim at naiwan lang ang naglalakihang puno, matatayog na talahib at damo.
"And a mere human found out." Nilingon ko ang nagsalita pero wala na ito at nakaramdam na lang ako ng pananakal. Napasandal ako sa puno kung saan niya ako tinulak.
Mawawalan na yata ako ng hininga pero hindi pa rin ako bumibitaw sa pana. "Ano bang...ma...sama..." Isang mata mang ang naka-open habang tinitiis ko ang pagkakasakal sa akin. Masyado siyang malakas.
Nabalian pa ang kanang kamay ko kaya useless itong nakalaylay na siyang may hawak ng pana. Pilit kong nilalabanan gamit ang kaliwang kamay pero wala talaga akong magawa.
Kahit pukpukin, paluin, o kurutin ko, walang pinagbago. Mas humigpit ang kamay niya na saklaw na ang buong leeg ko. I choked and coughed. "Don't you try." Banta nitong nilingon si Archer na nakatutok ang pana sa amin.
Steady lang ito. Walang anumang reaksiyon. No worries. No regret. No pain. No dilemma. Just pure concentration.
Parang tumigil ang oras sa mga panahong iyon. Heartbeats ko na lang ang nagpapatuloy na tila mawawala na rin dahil wala ng dadaluyan ang aking dugo.
"NO!" Narinig kong sigaw mula kay Leon.
Nagising ako at napahigpit ng hawak sa pana.
Napamulagat ang lalakeng nakahawak pa rin sa akin. Lumuwang ang pagkakahawak niya at parang ahas na natanggalan ng balat.
Isang magandang babae ang tumambad sa akin. Galit itong lumingon.
Nagulat si Stephen na nakahawak ng punyal na kristal matapos niya itong saksakin. Umuusok lang ng puti imbes na tumulo ang dugo.
Pinulot siya ng babae at tinapon sa itaas. Tinakbo ni Vic ang lugar kung saan ito babagsak. Nasalo niya ito at itinukod ang isang braso palikod para hindi sila tumama sa bato.
Nag-unahan sila Aries at Leon sa pagligtas sa kanila dahil mukhang tumama pa rin ang likod ni Vic kaya imbes na makakapit ay nanghihina itong tumayo kasabay ng pagguho ng kinatatayuan nila.
Nakakapit pa si Stephen sa isang tuyong ugat ng kahoy at nahila niya ang kamay ni Vic. Yung punyal ay nahulog at naitusok sa ugat nitong punong kinatatayuan ko.
The girl hissed.
♐ ♐ ♐
Tama nga ang kasabihan na lahat ay nagsisimula sa maliit o konti lang. Saka ito dadami at lalala kapag hindi napigilan.
Nanlalabo na ang paningin ko.
Nakita kong ligtas na nasalo ni Leon si Vic bago ito abot sa batuhan. Ganoon din si Aries kay Stephen na nakabitaw na at hindi na rin kinaya ng lupa ang bigat nila na siyang kinatutusukan ng tuyong ugat.
Nag-aaway na silang lahat.
Nakatayo pa rin sa magkabilaang banda sina Archer at masasabi kong si Aquarius dahil sa kakayahan nitong gawing yelo ang tubig.
Sinugod agad ni Virgo si Sapphire. Mas madame silang Zodiacs sa kabila. Unskilled at wala pang training kaking mga taong recruit.
Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan si Archer. Pumana ito na siyang hinuli ni Leon na binato sa shoreline ng ilog.
Tumayo na ako at pinilit maglakad palayo sa puno. Kahit hindi na klaro ang nakikita ko.
Ngayon ko lang ulit napansin kakaibang sensasyon sa aking collarbone. Napahawak ako rito.
Aksidenteng nalaglag ito kaya yumuko ako para saluhin pero lumusot sa kamay ko.
Hindi ko mahagilap dahil sa halos magkakaprehong kinang ng mga bato sa ibabaw ng lupa.
Kinapa ko ang batuhan hanggang maramdaman ko ang lamig ng pendant sa palad ko. Dinakma ko ito kasama ng ilang bato at pilit tumayo.
Nabubulag ako.
Naririndi sa sigawan.
Naguguuluhan sa pangyayari.
Nanghihina.
Umayos ako. Walang pumapansin sa akin dahil siguro wala akong laban.
Pinagtiyagaan kong banatin ang busog. Yung kamay na nakahawak ng pendant ang siyang nakapwesto sa may harapan.
Huminga ako ng malalim. Nag-bend. Gamit ang buong pwersa, hinila ko ang string ngunit natumba ako at hindi sa kalaban nagtungo ang tila kumikinang na palaso. Dumiretso ito sa kalangitan.
Sa pagbagsak ko, kaguluhan ang narinig ko.
♐ ♐ ♐
Blackout.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro