
Chapter 15
♐ ♐ ♐
Agad nawala si Almanac matapos sabihin lahat ng tungkol sa pinagmulan ng mga Zodiacs.
Naiwan kami ni Archer at mahabang katahimikan ang naghari.
Wala akong magawa kaya sinusubukan kong gayahin ang paraan ng pagpana niya.
Wala naman akong palaso kaya hindi ko alam kung tama ang posisyon ko. Tumingin ako sa kinatatayuan ni Archer para magpaturo sana pero wala na siya roon.
Hindi ko rin naman mahagilap kung saan siya nagpunta at hindi ko alam ang pasikot-sikot. Bigla siyang nawala.
Naisip kong magliwaliw muna kahit saglit lang. Magkakaroon din naman ng tracks kaya wala akong dapat ipag-alala kung sakaling mapalayo ako.
♐ ♐ ♐
Naglakad lang ako ng naglakad pababa. May mga kaunting pataas din pero mas madaming pababa.
Mukhang makakarating na yata ako sa paanan ng bundok dahil may naririnig akong agos pero wala pa akong natatanaw na ilog.
Nage-echo rin ang hangin sa tuwing hahampas ito. Nakikisabay ang mga damo at wild plants. May mga puno rin sa bawat nadaraanan ko. Minamarkahan ko ito ng mga pinupulot kong bato. Tig-sampung bato sa mismong kinatatayuan ng puno.
Diretso lang ako sa paglalakad or masasabing pagha-hiking. Ginagamit kong tungkod ang pana dahil matibay naman ito at mahaba na aabot sa chest ko pag pinatayo.
Maaliwalas pa kanina pero bigla na lang kumulimlim at umambon.
Kinilabutan ako. Baka may engkanto?
Binilisan ko na lang ang paglalakad at may natapakan akong madulas. Hindi ko na naiatras ang paa ko. Na-twist ang ankle ko kaya imbes na dahan-dahan lang ay namadali ang pagdating ko sa baba. Na-outbalance ako at nasubsob sa damuhan.
Imbes na makakapit ako hindi ko nagawa dahil naputol agad ang nahawakan ko.
Gumulong ako at napadausdos dahil hindi lang madaling maputol kundi madulas din ang mga damo.
Di ko alam kung maituturing na swerte ako o malas. May bato kasi na nakaumbok at nadaganan ko sa paggulong saka nasabit ang damit ko sa likuran. May tumalbog sa itaas ko at dumiretso na parang boomerang sa ere. Hindi ko alam kung bato o yung pana. Nasisilaw ako kaya hindi ako sigurado.
Weird. Makulimlim dito banda pero sa kabila ay maaliwalas.
Nahihilo pa ako.
Pakiramdam ko nakasabit ako.
Hinintay kong mahimasmasan ako bago i-assess ang paligid. Umaambon pa rin.
Tumingin ako sa ibaba at nalula sa nakita ko.
Nasa gilid ako ng bundok habang nakasabit sa bato.
Imagine ang bundok na pa-slant na biglang natapyasan sa bandang paanan. At almost ten meters or 30 feet ang taas ng kinaroroonan ko. From talampakan ko hanggang sa baba.
Rumaragasa rin ang ilog na puting-puti na sa sobrang dami ng mga malalaking puting bato. Sa kabilang bundok pag tinawid ang ilog, may parang rice terraces pero triangular lang ito. Yung dulo ay malapit na sa tuktok.
Ang ganda! Ang daming halaman.
Ang sakit na ng buong katawan ko dahil sa pagkakadulas, paggulong, at idagdag pa ang iniinda kong balikat. Maayos na ang tinamaan ng palaso.
Maingat akong kumapit sa bato at tinanggal ang pagkakasabit ng damit ko. Sinubukan kong humanap ng matutuntungan. Sinipa ko ito para masiguro kung safe.
Himalang matibay naman ito kaya pilit kong inabot. Medyo bumaba ako at sinubukan ulit maghanap ng isang paa ko ng matutuntungan.
Tinuloy-tuloy ko ang ginagawa ko. Bawat matapakan ko, iyon ang kinakapitan ko pababa.
Ninenerbiyos ako. Parang wall climbing lang ang ginagawa ko na walang reins. Kapag nahulog ako, siguradong malalang injury or, worse, death ang aabutin ko.
Puro bato pala kaya matibay at walang nababaklas sa pagtapak ko. Ang kaso madulas.
Madulas talaga dahil nang makaabot na ako malapit sa baba, napabitaw ako at bumagsak.
Mabuti na lang at may makapal na shrubs na siyang sumalo sa akin.
I sighed in relief.
Natatawa ako sa sinapit ko. Paano na ako makakabalik? I shook my head at nakita kong nakatusok ang pana sa tabi ng bato sa gilid ng ilog. Nakalubog ang kalahati nito.
Tatlong metro ang layo ng shoreline nito sa gilid ng bundok.
♐ ♐ ♐
I rolled paalis sa ibabaw ng shrubs.
Gusti ko munang magpahinga kaya naman hindi muna ako tumayo. Nanatili akong nakahiga habang naambunan.
Magkahalong asul at gray ang kalangitan lalo na sa tapat ng ilog.
Nakatupi ang mga tuhod ko at relax na nasa side ang mga kamay ko. Gusto kong abutin ang kalangitan. I stretched my right arm at pinagdikit ang mga daliri para maka-focus sa parte ng kalangitan na gusto kong tignan.
May nabuong semi-circle space sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki ko at doon ako sumilip.
Steady lang ang clouds at puro gray.
Ni-rotate ko ang kamay patungo sa kabila.
Magalaw ang clouds at iba-ibang porma ang nakikita ko. May hugis dragon. Feather. Wing.
I smiled at nanatiling naka-focus sa isang part. Arrow. Ang nakakatuwa at na-deform ang arrowhead nito kaya naghugis puso. Parang fins naman yung buntot nito.
Kung ano-ano ang nai-imagine ko. Mabuti pang tumayo na ako at kunin ang pana.
I pushed myself up at nakasuporta lang sa mga siko kong nasa ground. Masakit din ang muscles ko sa tiyan pero pinilit kong bumangon.
Nagulo na ang buhok ko kaya tinanggal ko na lang ang ribbon at itinali ng mahigpit malapit sa right ankle ko.
I limped towards the river. Nang makaabot ako, naiiyak ako sa sakit na umupo sa makinis na bato.
Natabig ko ang pana kaya natangay ito ng tubig.
Oh my gosh!
Nataranta akong nag-dive patungo sa gilid nitong malawak na bato at halos maipit na ang dibdib ko sa nangyari.
Agad kong pinigilan ang pana at nakahinga ng maluwag nang mahawakan ko ito.
Para bang gusto rin nitong mahawakan ko ito. Kumislap kasi nang nasa kamay ko na. Or dahil lang sa galaw ng tubig at sa sinag ng araw mula sa kabila?
I don't care. Basta hawak ko na siya.
Pana. Oo. Ito ay pana. Hindi lang siya busog. May palaso rin ito pero hindi ko alam kung paano hugutin. Hindi ko alam gamitin. At wala akong ideya sa archery.
Naengganyo lang ako dahil sa liwanag nito noong isang araw.
♐ ♐ ♐
Nag-stiffen ako dahil naramdamn kong may tao sa paligid.
Pinakiramdaman ko kung saan.
Pumikit ako. May kaluskos sa dahon ng puno. Doon ako tumingin pero mga ibon na nagliligawan ang naroon.
May gumalaw sa batuhan. Isang usa ang nakatayo. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko kaya kinilabutan ako. Pero tumakbo ito nang umayos ako at akmang uupo.
Pinilit kong tumayo. Hindi ko pinansin ang agos ng ilog. Gamit ang pana bilang tungkod, itinusok ko ito sa lupa at pilay na bumaba mula sa bato.
Napasinghap ako nang may dumaang kung ano sa harapan ko at may nakatutok na matulis na bagay sa sa leeg ko.
Mabilis ang pintig ng puso ko. Ramdam ko ang panlalamig ng pawis ko.
Nagsalita ito pero hindi ko naintindihan. Lumipat sa batok ko at doon mas dumiin ang matulis niyang sandata.
Tinulak niya ako kaya sumunod ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng puno malapit sa kung saan ako nalaglag.
Nakaharap ako sa katawan ng punong sobrang tanda na sa laki nito at gaspang ng balat.
Humigpit ang hawak ko sa pana at pumikit. Lihim kong pinagdasal na sana may magligtas sa akin kahit pa sabihing imposibleng may makakita sa akin dito sa liblib na lugar.
Tsuk!
Napaigtad ako at nakitang may nakatusok sa puno. Nabuhayan ako ng pag-asa.
Please help me...
"Enrico!" Malamig na turan ng boses na nasanay na akong marinig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro