
Chapter 13
♐ ♐ ♐
Maaga ulit akong ginising. Matapos ang morning exercises, nag-remind agad si Archer na magkita-kita raw kami sa labas.
Heto ako ngayon, hinahaplos ang pendant ko habang dinadaanan ang hallway na puno ng arrow marks. Pati sa kwarto ay madaming nasirang mga bintana.
Palinga-linga ako nang may marinig na boses. Tila nagtatalo sa bandang kinaroroonan ng malaking poste di kalayuan sa gate or entrance-exit.
Tumayo ako at parehong gwardiya ang tumingin sa akin bago buksan ang gate.
Isang preskong hangin ang sumalubong sa akin. Ang lakas at sobrang nakakaengganyo ang salubungin ito.
Nag-stretch ako ng mga kamay at tumakbo, taliwas sa direksyon ng hangin habang umiikot at ini-enjoy ang hampas nito.
Unti-unting nag-form ang pathway bawat hakbang ko kaya mas nakakaaliw.
Kwak! Kwak!
Tumigil ako at tumingala. Isang uwak ang lumilipad at paikot-ikot sa ere.
May nag-cross na palaso at nasapul ito bago tumigil at maging abo. Naiwan na lang ang palaso na nakalutang at umikot pabalik kung saan ito nanggaling.
Sinundan ko iyon at puro talahib ang nadaanan. Matataas ang mga ito kaya nahirapan akong makarating sa tuktok.
Pagod na ako.
Tumingala ako at nakita si Archer.
Nakaposition.
Hawak ang pana, nakatutok ito sa itaas. Yung palaso nakahanda at anumang oras ay pwedeng iangat.
Hinila pa niya iyon bago lumingon. Sa mata ko nakatutok ang mga mata niyang tila nagliliyab against the sun.
Hindi pa naman mainit pero mataas na ang sikat ng araw. Hindi siya kumilos. Hindi rin nagsalita. Then, binitawan niya ang pana.
Awk!
Sinundan ko kung saan nanggaling ang huni ng uwak na parang may kung anong tumama rito.
Abo na lang na nagkalat sa itaas ang naabutan ko saka bumalik ang palaso sa kamay niya.
He fully turned towards me. Without breaking eye contact. "You're late."
"Teka, wala namang oras na binanggit." Lumabas na ako sa may talahiban dahil nangangati na rin ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro