
Chapter 11
♐ ♐ ♐
Nasa itaas ko si Archer. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa kama. Yung isang paa ay naka-stretch. Nakatukod naman sa headboard ang kanang kamay niya na halos nakadikit na sa side ng ulo ko.
Naghahabol siya ng hininga at nakatingin lang sa kung saan nanggaling ang nagliliyab na bagay.
Sinundan ko ang tingin niya.
Mahigpit siyang nakahawak sa isang palaso. At mukhang may sarili itong buhay dahil pinipigilan itong makaabot sa akin.
Nang hindi na niya mapigilan, iniba niya ang direksiyon ng kamay at ihinampas palikod.
Lumiko ito sa ere at dumiretso sa may pintuan na saktong binuksan ni Vic. Lumusot ito sa tapat ng ulo niya na isang hibla lang ang layo sa kanyang pisngi.
Tumama ito sa hamba at nanigas siyang napamulagat. May tumulong pulang likido mula sa kanyang tenga.
Sunod-sunod naman ang nagbabasagang mga bintana at tila nagkakagulo.
"We have to go!" Naka-recover na saad ni Vic kaya umalis si Archer sa ibabaw ko. Dumausdos naman ako.
Wala ng pagkakataong magsapatos.
Pumunta siya sa dingding sa pagitan ng pintuan ng banyo at closet saka hinablot ang nakasabit kong palaso bago ako hilain.
Bago pa man kami makaabot sa pintuan, umulan na ng mga palaso.
May dumaan sa harapan ko at tumama sa dingding. Iwinasiwas ni Archer ang pana at nasangga niya ang halos sampu na tumalsik palayo. Ang ilan ay bumalik palabas habang yung iba ay kung saan na tumama sa kwarto.
Tinulak niya ako palabas.
Natumba ako at sinalo ni Vic ang pana. Nag-nod siya kaya lumingon ako.
Nakita ko na lang ang isang batch na naman ng umuulan na palaso.
Nag-stretch siya ng kamay at may nabuong pana. Hindi ko na nakitang maayos dahil nagkakagulo na kaming lahat sa hallway. Unahan sa pagpunta sa elevator.
Maluwang pa sa loob kaya pinatigil namin sa pagsara ngunit nag-smirk yung lalakeng kasama nung may tattoo sa jawline.
May mga kasama siya sa loob at hinabol namin pero pinindot na niya ito kaya naiwan kaming kumakatok.
Napilitan kaming tumakbo sa kabila at hinintay itong magbukas.
Ang pintuan ng karatig nitong kwarto ay nakabukas. Pagkabukas ng elevator, tumapak na si Vic.
At sa kamalas-malasan, nasagi ako sa balikat bago makasunod papasok.
Magkabilaang balikat na ang masakit.
Someone shoved me inside at humahangos kaming isinara ang pinto. "What a terrible event to start." Iiling-iling na sasd nung lalakeng may tattoo sa jawline.
Tinitigan ko siya. Nang maramdaman niya na may nakatingin sa kanya, nilingon niya ako, "What's wrong with you?"
"Uh...nothing. It's just, argh..." I grunted dahil mahapdi yung sugat ko. Bumukas na yung elevator at diretso na kami sa training room.
Agad hinanap ng mga mata ko si Stephen at nakita ko siya sa sulok. Tahimik siyang nago-obserba. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit.
Nakaalalay pa rin si Vic. Halos lahat ng nasa loob ay walang pakealam kung anong hitsura nila.
May walang isang sapatos. May nakalugay na hindi pa nagsusuklay. Mayroon ding naka-topless.
Isa na si Leon na ngayon ko lang napansin. Naglalagay siya ng bandage sa binti nung payatot na lalake. Bakas sa mga balikat niya ang ilang kalmot.
Si Sapphire ay naka-standby at nag-frown nang mapatingin sa amin.
♐ ♐ ♐
Puno ng reklamo at iyakan mula sa mga kasama naming mga babae habang naghihintay kami sa pagbukas ng kahit isang pintuan. Na-lock ito nang makapasok kaming lahat maliban sa mga Phantom na nasa labas pa lang na nakikipaglaban o may inaasikaso.
At sa lahat ng nasa loob, ako yata ang suki ni Sapphire dahil ako na naman ang pinuntahan niya. The rest is psychological at shock ang nangyari kaya si Aries ang bahala sa kanila.
I heard genius daw siya. Malamang alam niya rin kung paano sila pakalmahin.
Minor injuries ang inasikaso ni Leon.
Napansin kong medyo mailap siya kay Vic. Umcomfortable naman ito sa kanya base sa kilos nito. Lalo na nang hawakan nito ang tenga niyang may sugat.
Napatayo ako dahil bigla na naman akong nahigop sa mala-aquarium ni Sapphire. "Don't move." She said strictly.
"What's happening?" Exhausted akong bumalik sa pagkaka-squat. Pero nakalutang na kami.
"They have began another attack." Saad niya na hinihimas ang braso ko bago hawakan ang sugat.
Napapikit ako sa hapdi. Parang pumapasok ang tubig at ramdam ko ang pagdaloy sa mga ugat ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro