Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

♐ ♐ ♐
Amoy kape. Nagkalat sa kwarto ang amoy nito. Maririnig din ang mahinang pagtama ng kutsara sa mug.

I clenched my fist. Mabigat ang left hand ko at mahirap igalaw.

Nagmulat ako at nakita ko si Stephen na nakatayo sa gilid ng kama habang tahimik na nagtitimpla si Sapphire.

"Gising ka na." Leon spoke at umalis sa pagkakasandal sa pader.

Lumapit siya kay Sapphire at pinigil itong mag-serve. I can see silent warning from his eyes. She sighed at inilapag sa mesa ang tray.

"You should rest too." Saad nito.

"No. I still have to tend to my patient." Tanggi ni Sapphire.

"Tarrie, are you alright?" Ang cute talaga ni Stephen. Nakakapawi ng pagod at sakit.

"I'm fine. Come here." Tawag ko sa kanya kaya lumapit siya. Napansin ko na parang natatakot siya kay Leon nang bumaling ito sa amin.

Nakipagtitigan ito sa kanya na sa huli, sinukuan ng bata. "I thought I will lose you."

I chuckled. "That's just a small wound."

He looked grim. "No. It was fatal. Archer is lying on bed---"

"Shut your mouth, kiddo." Swabeng naglakad papasok si Aries. Hinawakan niya ito sa ulo at kinindatan.

Bakit ba nandito silang lahat? At ano ang tinutukoy ni Stephen? Nabuo na naman ang curiosity sa utak ko kaya hindi ko napigilang magtanong, "Anong nangyari kay Archer?"

Matalim na titig ang binigay ni Aries kina Sapphire at Leon. Matagal silang nagsukatan ng tingin bago ito bumuntong-hininga, "Alright, if he knew about this, I don't have participation in telling the girl."

Tumango si Leon kaya lumapit si Sapphire dala ang tasa ng kape. Nilapag niya ito sa bedside table saka hinawakan sa ulo si Stephen. Lumambot ang reaksiyon ng bata na kanina ay stiff. Lalo na kapag nasa paligid ng mga Zodiacs.

"Si Archer ang sumalo sa lason. Hindi kaya ng kapangyarihan ni Sapphire ang lason na nasa kamay mo." His jaw muscles tensed then continued, "Archer's body is the best to take in venoms or poisons."

"Anong nangyari?"

Nakanganga lang sa amin si Stephen. Aries rolled his eyes. "Yo, they are talking about---"

"There's no point in telling her." Nakatayo na pala sa pintuan si Archer. Magulo ang buhok niya na parang kagigising o kagagaling lang sa mahangin na lugar.

"You think telling me is a problem?" Napakunot-noong akmang babangon ako pero pinigilan ni Sapphire. She shook her head.

Masakit pa ang balikat ko, hindi lang kamay kaya hinayaan kong itulak ako pabalik sa pagkakahiga.

Mahinahon na naglakad patungo sa amin si Archer. Yung kaliwang kamay niya, na nahaharangan ng sleeves ng sweatshirt...

I winced.

Medyo nangingitim iyon. Pero kung hindi tititigan, hindi mahahalata.

Napuno ng tensiyon sa buong kwarto.

Kakaiba talaga ang presence niya. Ako lang ba ang masyadong affected?

Tinignan ko ang mga kasama namin. Seryoso lang sila.

"Once you took the weapon's, there's no turning back. And I clearly told you the danger..."

"Yes, I know. At gusto kong tumulong sa problema."

"You have so much courage for a human. But if you saw the actual war, you might even think twice." Sabat ni Jean na may dalang isang rosas. "A rose for you. You resemble that." Kumindat siya na agad nasa tabi ko. Nilapag niya iyon sa tabi ng kape.

"You're not giving me that rose, are you?"

An evil grin crossed his lips. "Flowers are friendly to me."

Mabuti na lang at dumating siya kaya parang nagliwanag.

♐ ♐ ♐
Hindi nagtagal ng isang minuto ay nagpaalam na sila, maliban kay Archer na nakatayo pa rin.

Si Stephen ay nag-hesitate pa saglit bago tuluyang lumabas.

Mainit ang hangin sa pagitan namin. Ngayon ko lang napansin ang mga kurtina kahit kanina pa nahahangin.

Tumingin siya sa bedside table at kinuha ang kape. "You should drink this. It will help your upset stomach."

"P-Paano mo nalaman na---"

"It's normal after poison treatment from Pisces." Nilapit niya ito sa kanyang ilong at inamoy. Satisfied look is on his face bago iabot sa akin.

"Salamat. Ikaw ba?" Tanong ko. Saglit lang na nagdikit ang mga balat namin pero para akong nakuryente ng malakas na boltahe.

I jolted pero hindi ako nagpahalata. Nag-iwas siya ng tingin. Alam kong naramdaman niya rin iyon. Kung oo, ang galing niyang magtago. Kung hindi man, at least nakakadama siya. Na may nahahawakan pala siya.

Walang manhid na nilalang. Sigurado ako. Walang pakealam? Well, isa na siya sa marami.

Humigop ako at halos maibuga ko sa sobrang pait. Wala man lang asukal.

"Don't spit it out or you will have another cup." Sabi niya kahit nakatingin sa bintana. Nagre-reflect ang sikat ng araw sa makinis niyang balat.

Nalunok ko ang kape.

Napatitig na lang ako sa kanya at sinuri siya habang may pagkakataon ako.

Lumingon siya kaya nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin kaya hinigop ko ang kapeng umuusok pa rin sa init.

"Ang init!" Napaso ang dila ko. Nagkalat pa ito sa baba ko at natanranta namang inagaw niya agad mula sa akin yung mug.

"Be careful." He said. Dumukot siya ng tissue mula sa box at inunahan ako sa pagpunas.

Marahas ang kamay niya. Halatang hindi nito ginagawa o ginawa kahit minsan.

Parang magagasgas na ang left side ng labi ko sa ginagawa kaya hinuli ko ang kamay niya, "Tama na. Tama na. Ayos na ako..."

Sa ginawa ko, nag-freeze ang palad niya sa mukha ko.

I squeezed it habang nakatitig sa mga mata niyang puno ng lungkot, pait, sakit...

Hindi ko pa nailarawang maigi ang mukha niya nang may parang sigawan sa labas.

Parang slowmo ang pagkabasag ng bintana. Tumingin ako rito at saktong sa mukha ko tatama.

Kulay itim na umaapoy.

Pumikit na ako.

Hinintay ang kung anumang nasa ere.

Kasabay ng pagkabasag ng bintana ay naramdaman ko ang paglubog ng isang parte ng foam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro