Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ni Flynn kanina sa loob ng kaniyang magarang sasakyan.

Gano'n ba talaga siya mag-offer ng friendship? To the point na napa-oo na lang ako sa offer niya dahil masyado akong na-speechless sa paraan nang pagkasabi niya.

Magkaibigan na kaming dalawa. Kaya kailangan daw ay maging komportable na ako kapag magkasama kami. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi 'yon, siguro nahalata niya sa kinikilos ko na medyo awkward pa ko kapag nasa harap ko siya o kapag magkalapit kami.

"Yssa!" Nagulat ako nang bigla akong tinapik ni Jean sa aking balikat.

"Huh?" Tuliro kong usal. Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong nakatingin ang lahat ng members ng MAPO sa 'kin.

"Kanina ka pa tinatawag ni Ms. Lia, oh." Ani Jean kaya naman napalingon ako kay Ms. Lia na nasa harap ng long table kung saan kami kasalukuyang nagmi-meeting.

Sa sobrang kakaisip ko sa sinabi kanina ni Flynn, nakalimutan kong nasa gitna pala kami ng meeting. Kakatapos lang naming mag-lunch nang biglang pinatawag ni Ms. Lia ang lahat ng members ng organization. Meeting ito para sa iko-cover naming mga event sa intramurals week dito mismo sa university.

"Ano 'yon, Ms. Lia?" Tanong ko sa kaniya.

Napailing si Ms. Lia atsaka siya tumikhim, "Ang sabi ko, ikaw ang kasama ni Jean sa pagko-cover ng sports event na gaganapin sa covered gym at sa ibang sports area dito sa university. Make sure you take all the best photos para may maganda tayong mai-publish sa ating gagawin na university magazine, maliwanag ba?" Lintanya niya, mabilis naman akong tumango bilang tugon.

"Good. By the way, mamaya may magaganap na sports tryout para sa mga freshmen na sasali sa intramurals. Gusto kong kunan mo sila ng litrato habang ini-interview sila ni Jean, okay?" Ani Ms. Lia.

"Yes, miss." Tugon ko, habang tumango naman si Jean.

Pinagpatuloy ni Ms. Lia ang meeting, kinausap rin niya ang ibang members para sa naka-assign na events para sa kanila. Sina Marie Ann at Josie ang magko-cover para sa pageant na magaganap rin dito mismo sa university. Sina Kristoff at Jella naman para sa academic activities. Habang sina Leilanie at Rosie naman ang bahala para sa opening at closing event. Pinasama rin ni Ms. Lia sa 'min ang freshmen na kakasali lang sa organization.

"Meeting adjourn. Please do your tasks now. Mag-report kayo mamaya sa 'kin kung ano na ang natapos niyo, maliwanag?" Saad ni Ms. Lia.

"Yes, miss!" Sagot naming lahat at nagsitayuan na sa kaniya kaniya naming mga upuan.

Nagsilabasan na ang ibang members habang si Jean naman ay sinabihan kong maghintay sa 'kin dahil may kukunin akong gamit.

Dumiretso naman ako sa locker kung saan nakalagay ang lahat ng gamit ng mga members. Kinuha ko ang aking DSLR na palagi kong ginagamit sa tuwing may event dito sa university.

Pagkatapos ay inaya ko na si Jean na lumabas ng office. Wala na rin kaming mga klase dahil naghahanda ang lahat ng estudyante pati na rin ang faculty and staff para sa intramurals na magaganap na next week.

Habang naglalakad kami papunta sa covered gym, hindi naman mapigilan ni Jean ang ngiti niya, "Balita ko nasa covered gym daw yung mga freshmen na magta-try out mamaya." Sabay hagikhik niya.

"Sumbong kita sa bantay bata, Jean. Child abuse 'yan." Natatawang sabi ko sa kaniya, ngumuso naman siya.

"Naku, hindi naman ako mapagkakamalang mas matanda sa kanila 'no. Baby face kaya ako," aniya sabay haplos sa makinis niyang mukha.

Tama naman siya, mas bata siya tingnan kesa actual age niya. Hindi kasi siya mahahalatang third year college na, dahil sa mataba niyang pisngi na nagpa- cute pa lalo sa kaniya.

Tumawa na lang ako at napailing dahil sa kakulitan niya.

Nang makarating kami sa loob ng covered gym, bumungad sa 'min ang mga estudyanteng nakapila sa kani-kanilang table para magpalista sa nais nilang salihang sports. May ilang kagamitan na rin ang nakahanda sa isang sulok.

Malaki at malapad kasi ang covered gym, kaya pwede mag-try out ang maraming estudyante dito. Iba't ibang klase ng sports kasi ang ita-tryout dito. May basketball, volleyball, badminton at table tennis.

Umupo muna kaming dalawa ni Jean sa may bleachers para hintayin matapos ang mga estudyanteng nakapila, atsaka kami kukuha ng tiyempo para interview-hin ang mga freshmen.

"Shit! Sabi ko na ang dami gwapong bata dito..." rinig kong sabi ni Jean habang palinga linga ang tingin niya sa mga estudyante.

"Ehem, child abuse..." Pabirong bulong ko sa kaniya, kaagad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Ano ka ba, dalawang taon o kaya tatlong taon lang naman ang agwat natin sa kanila 'no." Pangangatwiran niya pa, tumawa na lang ako sa kaniya.

Mayamaya pa nakita ko si Ricci na kakapasok lang sa covered gym kasama ang members ng student council. Siguro ay iche-check nila kung ano na ang progress dito sa loob.

Kumaway ako sa direksyon niya mabuti na lang at kaagad niya akong napansin. Nakita kong nagpaalam muna siya sa mga kasama niya bago siya lumapit sa pwesto namin ni Jean.

"Hi, Ricci!" Nakangiting bati ni Jean sa kaniya nang makalapit siya sa pwesto namin.

"Hi, Jeannie baby!" Bati rin sa kaniya ni Ricci, pabirong ngumuso naman si Jean sa kaniya nang marinig niyang tinawag siya nito sa buong pangalan niya.

Iyan kasi palagi ang tawag ni Ricci sa kaniya dahil daw mukha itong bata atsaka nagagandahan din kasi siya sa buong pangalan ni Jean.

"Magi-interview kayo?" Tanong ni Ricci sa 'min ni Jean, napatingin kasi siya sa hawak na journal ni Jean pati na rin sa DLSR na nakasukbit sa leeg ko.

"Oo para sa university magazine. Kami rin nakatoka para mag-cover sa mga sports event." Sagot ko sa kaniya.

"Hinihintay lang namin matapos ang ibang freshmen sa pag-register nila sa tryouts." Ani Jean na nasa tabi ko.

"Teka, tapos na yata yung iba sa pagpila e. Tara sama kayo sa 'kin, check na 'tin yung mga available na." Aya sa 'min ni Ricci, pareho kaming tumango ni Jean atsaka na tumayo mula sa bleachers.

Sumunod kaming dalawa ni Jean kay Ricci sa paglalakad, napansin ko na yung ibang mga estudyante na nakapila kanina ay naghahanda na para sa paguumpisa ng tryouts.

Nakita kong lumapit si Ricci sa isang student facilitator at may tinanong, mayamaya pa ay bumalik siya sa 'min ni Jean.

"Tapos na daw yung ibang nagpa-register sa volleyball..." sabi ni Ricci, may tinuro naman siya sa kanang bahagi ng covered gym kung saan nakahanda na ang net ng volleyball, "Naghahanda na do'n yung ibang mga students." Dagdag niya pa.

"Sige, mas maganda kung volleyball players na lang yung unahin na 'tin," sabi ko kay Jean, tumango lang ito sa 'kin.

Dumiretso na kami papunta sa pwesto ng mga nagvo-volleyball. Pagkarating na 'min doon ay nakita kong naghahanda na ang mga magta-tryout mapa-lalaki man o babae.

Nagpaalam na rin si Ricci sa 'min na may gagawin pa siya kaya iniwan niya muna kami ni Jean dito sa volleyball court.

Nilapitan na 'min ang ibang mga estudyanteng babae na naga-ayos ng mga gamit nila.

"Hi, girls!" Bati ni Jean sa kanila kaya agad silang napalingon sa gawi na 'min, "Pwede ba namin kayo ma-interview? Para kasi 'to sa university magazine natin. Saglit lang naman." Nakangiting sabi sa kanila ni Jean.

May ibang nahiya kaya medyo lumayo sila sa 'min pero may tatlong babae ang nag-volunteer na magpa-interview kaya sila na lang ang ini-interview ni Jean.

Nang mag-umpisang tanungin ni Jean ang tatlong babae, nag-umpisa na rin akong kumuha ng litrato habang nag-uusap sila. Nang nakakuha ako ng sampung magagandang shots ay tumigil na ko sa pagkuha ng mga litrato.

"Yssa?" Rinig kong pagtawag sa 'kin ng boses ng isang babae kaya napalingon ako sa gawi nito.

Medyo nagulat ako nang makita si Fineena na nakatayo sa likod ko, nakasuot ito nang white volleyball jersey shirt na may numerong dos sa harap at maikling navy blue short, naka white knee socks at white rubber shoes.

"Nina..." tawag ko pabalik sa kaniya sabay ngiti. Lumapit naman ako sa kaniya at pinabayaan muna sina Jean

Sinalubong naman ako ni Nina ng isang ngiti, "Anong meron diyan, Yssa?" Tanong niya sa 'kin atsaka sumulyap saglit kina Jean at sa tatlong babae na abala pa rin sa pag-uusap.

"Ah, ini-interview namin ang mga estudyanteng magta-tryout para sa paparating na intramurals next week, ipa-publish kasi namin sa university magazine," saad ko sa kaniya, automatic na kumurti ang bibig niya nang pabilog.

"Wow, you mean member ka ng media and publication ng university?" Manghang tanong niya sa 'kin, nakangiting tumango naman ako sa kaniya.

"Magta-tryout ka rin ba sa volleyball?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, kakatapos ko lang magpalista ng pangalan ko e." Sagot niya sa 'kin.

"Gano'n ba... gusto mo bang magpa-interview? Promise, ilalagay kita sa university magazine," sabi ko sa kaniya, mabilis naman siyang umiling.

"Gusto ko sana pero nahihiya kasi ako e," nahihiyang aniya atsaka siya napakamot kaniyang batok.

"Ayos lang 'yan. Kung hindi ka komportable, okay lang," saad ko sa kaniya atsaka siya binigyan ng sinserong ngiti.

"Next time na lang kapag hindi na ko mahiyain," natatawang sabi niya, "Tsaka hinihintay ko rin kasi ang kuya ko." Dagdag niya pa.

Automatic namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "K-kuya mo?" Nauutal kong tanong kay Nina.

Shit! Ibig sabihin pupunta si Flynn dito? Oh no... hindi pa nga ako nakaka-get over sa sinabi niya kanina sa sasakyan e. Paano ko pa haharapin 'yung isang 'yon?

"Yes, hindi ko pa pala siya napapakilala sa 'yo. Dito rin siya nag-aaral, architecture student— oh, there he is!" Saad ni Nina sabay turo sa likod ko kaya kaagad akong napalingon sa gawi ng tinuturo niya.

Nakita ko si Flynn sa gilid ng covered gym na naglalakad na papunta sa pwesto namin ng kapatid niya, may bitbit siyang pink na duffel bag sa kanang kamay, habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakalagay sa kaniyang navy blue pants.

Kaagad akong napaiwas ng tingin sa kaniyang nang biglang magtama ang mga mata namin.

"Ngayon pa lang sinasabihan na kita, Yssa. Huwag mo pansinin ang pagkasupladong mukha ni kuya, pero mabait 'yan," sabi ni Nina sa 'kin.

Tanging tango lang ang sinagot ko sa kaniya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

What should I do? Kailangan ko bang magrason na tinatawag na ko ni Jean o hahayaan kong makaabot dito sa 'min si Flynn?

"Kuya!" Tawag ni Nina sa kay Flynn, nanatili akong nakatayo sa puwesto ko.

Ilang sandali pa naramdaman ko na kaagad ang presensya ni Flynn sa likod, naamoy ko na rin ang panlalaking pabango mula sa kaniya.

"Here's your bag, Fineena. Huwag ka daw magpapawis masyado sabi ni mom," rinig kong sabi ni Flynn sa nakakabatang kapatid.

Nakita kong napanguso naman si Nina, "Kuya, ginagawa niyo kong baby. Nakakahiya kaya..." sabay sulyap sa 'kin ni Nina, nginitian ko lang siya.

"There's nothing to be ashame of, Fineena. It's understandable since you're the only girl in the family," saad ni Flynn kay Nina.

Bahagya naman akong napangiti sa sinabi. What a sweet brother...

"I know, I know! Anyway, I would like you to meet my new friend! Actually, kapitbahay na 'tin siya," sabi ni Nina na ikinataranta ng buong diwa ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko atsaka niya ko marahang pinaharap sa nakakatanda niyang kapatid.

"Her name is Yssa," pagpapakilala ni Nina sa 'kin.

Napatingin naman ako kay Flynn na mukhang gulat pa nung nakita ako kaya tanging pilit na ngiti na lang ang binigay ko sa kaniya.

"Na-meet ko siya dati sa convenience store doon sa village na 'tin. She actually helped me that time kasi kulang ang dala kong pera," sabi ni Nina habang nakangiti sa kaniyang kuya.

Nagpalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napansin ko kaagad ang magkahawig nilang mukha.

"I..." usal ni Flynn atsaka alinlangang tumingin kay Nina, "I know her," dagdag niya pa.

"A-ako rin, Nina... Magkakilala kami ng kuya mo." Nahihiyang saad ko rin sa kaniya.

"Oh my gosh, really?!" Gulat na tanong ni Nina at mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya, "How?" Tanong niya pa.

"She's my friend..." Pareho naman kaming napatingin ni Nina kay Flynn nang marinig namin ang sinabi niya.

Seryoso talaga siya sa sinabi niya kanina na gusto niyang makipagkaibigan sa 'kin...

"That's great!" Masayang saad ni Nina, nanatili naman akong tahimik lang.

"She's the daughter of Mrs. Ana and her name is Allyssa Coleen Rios," patuloy na saad ni Flynn habang blanko ang mukha na nakatingin sa 'kin.

Kailangan ba talagang sabihin niya na anak ako ng nanay ko at paano niya nalaman ang buong pangalan ko?

"What..." rinig kong usal ni Nina kaya takang napatingin naman ako sa kaniya, biglang nawala ang ngiti sa labi niya at seryosong napatingin kay Flynn.

"Bakit Nina? May problema ba?" Takang tanong ko sa kaniya.

Nakipagtitigan siya kay Flynn na parang may pinag-uusapan sila gamit ang kanilang mga mata. Mayamaya pa ay lumingon ulit sa 'kin si Nina atsaka ngumiti.

"Nothing, Yssa. Ay, teka aayusin ko muna yung mga gamit ko. Mukhang mag-uumpisa na kasi yung tryout e," sabi ni Nina atsaka niya kinuha mula sa kamay ni Flynn ang duffel bag at naglakad na palayo sa 'min.

May problema ba? Bakit nag-iba ang timpla ng mood ni Nina?

"Don't mind that kid. She's okay," sabi ni Flynn sa 'kin, "Mauuna na ko, Yssa." Dagdag niya pa atsaka na tumalikod at naglakad rin palayo sa kin.

Okay... What the hell was that?

~•~

A/N: Kung nakaabot ka hanggang dito sa pagbabasa mo, maraming salamat! Sana ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa mo ng storya nina Yssa at Flynn. There are lot of things to unfold about Flynn's background so please keep reading! :>

-tan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro