Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

6 months later...

Ang ingay.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa pinto ko gawa nang pagkatok ng kung sinong mang nilalang.

"Yssa! Allyssa! Allyssa Coleen!" Rinig kong sigaw ng isang familiar na boses mula sa pintuan. Nakakunot noo naman akong napatingin sa orasan.

Leche. Alas otso pa lang ng umaga.

Mas lalong lumakas ang pagkatok nito sa pintuan ko na para bang masisira na sa sobrang atat makapasok.

Agad naman akong bumangon mula sa kama at nagtungo sa pintuan para buksan.

Isang babaeng maputi ang bumungad sakin. She's wearing a pink off-shoulder dress and a cute pair of pink doll shoes. Nakalugay ang mahaba at wavy niyang buhok at naka simpleng make up lamang siya. And she's my bestfriend. Ricci Dela Verde but we call her Riri.

"Hoy babae anong petsa na ha? Hanggang ngayon hindi ka pa rin lumalabas sa lungga mo? What the hell is wrong with you?"

Napairap na lang ako. Ang aga aga binubungangaan na naman ako ng babaeng 'to. Kung gaano ka elegante ang itsura niya ay siyang kinabaliktad ng ugali niya. Parang tambay sa kanto e.

"Look! Ang gulo gulo ng kwarto mo. Tao ba talaga ang nagmamay ari ng kwartong 'to o baboy?" Nandidiring saad niya habang pinupulot ang basurang nakalat sa sahig.

I just rolled my eyes at her. She's at her nanay-mode again. Pinagpatuloy niya lang ang pagpulot ng mga kalat ko. Mga plastic ng chichiryang kinain ko kagabi. Inayos rin niya ang kama kong magulo.

"Pumunta ka lang ba dito para maglinis ng kwarto ko? Inistorbo mo pa ko sa pagtulog ko, puyat kaya ako!" I said then I crossed my arms over my chest. "Atsaka teka, paano ka nakapasok dito?! Hindi naman umuwi si mama." Takang tanong ko sa kanya. Napaupo ako sa may couch tapos ay humikab.

Inaantok pa ako, kainis.

"Sino ba kasing may sabi sa 'yong magpuyat ka? I thought we already agreed on what we talked about last week? And, hello? Obviously nanghiram ako kay Tita ng key at pumasok ako through the door s'yempre, duh." Nakapamewang siya at nakaharap sakin.

Napakunot naman ang noo ko habang nag iisip kung anong pinag usapan namin noon. "I can't remember anything about last week. Can you please enlighten me?" sabi ko tapos ay napakamot ako sa aking ulo.

Inirapan niya muna ako bago siya naupo sa kama ko. "It's Sera's birthday today! She invited us to go to her party tonight." Sabi niya habang ina-arrange ang mga unan ko sa kama.

"Wait, what? Pumayag ba ako na sumama?"

Seryoso hindi ko talaga matandaan. Epekto siguro 'to ng kulang sa tulog.

She stopped fixing the bed then glared at me as if she's already stabbing me a hundred times in her mind.

"Yssa? Gusto mong i-try ko sa'yo yung bagong tinuro sakin ni Dad na taekwondo moves?" She calmly asked and she flashed her creepy smile at me.

"Hehe sabi ko nga diba pumayag ako." I said then I gave her my sweet smile.

Riri is really scary.

"Good girl. Now, go to your bathroom and take a bath. Parang ilang araw ka nang hindi naliligo, yuck." Nandidiring sabi niya sakin.

"Masyadong maaga pa, Riri. Mamayang gabi pa 'yon. Mas excited ka pa yata kesa sa may birthday." Reklamo ko sa kanya.

"Hello? You didn't know, girl?"

"Know what?" I asked her curiously. May pagka chismosa kasi rin 'tong babaeng 'to. Kaya kahit kaninong balita ay updated siya.

"Your cheater ex will come too, with his new girlfriend." Talagang in-emphasize niya ang word na ex.

"So what? Wala akong pake. Mag move on ka na nga." Iritang sagot ko sa kanya.

It's been six months since we broke up. Six fucking months.

"Oh really, hon? You really thought I would believe that? Neknek mo, girl." She mockingly said.

Natahimik ako. I just stare at her. She stares back at me. Great, now we're doing this staring-shit game.

"Fine! You won, Riri. Pero don't worry malapit na ako matapos sa moving-on phase na 'to. Just don't mention him to me anymore. Nakakawala sa mood." I said in defeat.

She's totally right. Sino bang maniniwala na nakapag move on na ko? Halos anim na buwan pa lang ang nakakalipas. Dalawang taon rin ang relasyon namin ni Lance. Sinong hindi mahihirapan makalimot no'n? Lalo na't niloko pa ko. Medyo fresh pa sakin ang lahat.

"Okay, I won't. Just get up already. Maligo ka na, we're going to Lara's condo then go shopping for fancy clothes then go to salon— get the fuck up, Yssa!" Ibabato na sana niya ang unan sakin nang makitang hindi pa ko tumatayo sa couch. But before she can do that, tumayo na ko kaagad.

"Luh, excited ka teh?" I scoffed at her.

"Yes! Bagal mo pa naman kumilos." Then she rolled her eyes at me.

Hindi na lang ako sumagot at dumiretso na ako sa cr, then naligo na ako.

After an hour and a half, natapos na rin ako sa pagligo atsaka ako nagbihis. I just wore a plain v-neck pastel peach shirt then I tucked into my high waisted denim short at nagsuot ng white stan smith. I also put a light make up then pinabayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok.

Umalis na rin kami ni Ricci pagkatapos. Malamang ay nauna na ring umalis si mama ng bahay. Maaga kasi palagi 'yon pumupunta sa shop namin. A cake and coffee shop. We named it Cake 'N Coffee, in short C 'n C. That was actually my idea.

Isang pastry chef si mama, siya rin palagi ang nagbabantay ng shop namin. Kahit na may dalawang empleyado naman siyang kinuha, she still insisted na siya pa rin ang magbantay.

I have an older sister pero wala siya dito sa Pilipinas. Nasa New Zealand siya ngayon at isa siyang nurse doon. Nabalitaan niya kasing in-demand ang mga nurse doon at malaki ang sweldo kaya ayun, she decided to go there. Para na rin tulungan si mama sa shop, at siya na rin ang nagpapa aral sakin ngayon.

Yung tatay ko? Wala, may ibang pamilya na. Nilayasan na niya kami nila mama. Siguro ay pitong taon na rin mula nung iniwan niya kami at sumama sa babae niya.

Ayoko siyang isipin. Galit ako sa kanya e. Galit ako sa mga manloloko. He's the first man who broke my heart. Pumangalawa pa 'yang si Lance.

Now, I don't know what will I do if ever na may dumagdag pa. It really sucks to give all your trust to a wrong person. Really, really sucks.

We're on our way going to Lara's condo. Dala ni Ricci ang sasakyan niya at mabuti na lang dinala niya talaga. Ang hassle naman kasi kung makikipag siksikan kami sa lrt or sa jeep diba. Sabayan pa ng mainit na panahon.

Nakarating na rin kami sa building ng condo ni Lara. Dumiretso na kami sa may elevator pero bago pa kami makapasok napahinto ako sa paglalakad.

Napatingin ako sa lalaking naglalakad sa hindi kalayuan, parang familiar kasi yung hoodie na suot niya.

"Hoy, babae!" Bigla akong napalingon kay Ricci ng bigla niya akong tawagin. Nasa loob na siya ng elevator at hinihintay na lang akong pumasok.

"Ano maghahagdan ka lang? Sige, see you sa 16th floor." Akmang pipindutin na niya sana ang button ng elevator pero kaagad na akong pumasok bago pa ito magsara.

Habang nasa elevator, napaisip naman ako doon sa lalaking nakita ko kanina sa may ground floor ng building. Kapareho kasi ng hoodie niya ang hoodie ng lalaking tumulong sakin six months ago pero baka ibang lalaki 'yon. Marami naman siguro ang nagmamay-ari ng ganoong hoodie.

Besides, I don't even know what he looks like! I didn't get to see his face. Kaya hindi ko alam kung makikita ko pa siya ulit. I'm actually hoping to meet him one day. Gusto kong magpasalamat ulit sa kanya at bumawi man lang.

If it's not because of him, baka nabaliw na ako ngayon. Worst, baka wala na ko sa mundong 'to. That's why I owe him my life.

"Hi girls! Nandyan na pala kayo." Ang bungad samin ni Lara pagkapasok namin sa condo niya. Nakaupo siya sa sofa habang hawak hawak ang cellphone niya.

"Hindi, kaluluwa lang kami. Minumulto ka namin." Pangbabara ko sa kanya atsaka ako umupo sa may bean bag sa gilid ng sofa.

"Ay ikaw pala yung ghost? Akala ko ikaw ang na-ghost e." Pang aasar niya sakin pabalik. Kaagad ko naman siyang binato ng maliit na unan na nakalagay sa sofa.

"Siraulo ka ah," saad ko at siya naman tumawa lang nang malakas.

Her name is Larraine Mendoza, in short Lara. She has this cute dimple on the right side of her lips, and medium length hair. She's my best friend too, best friend namin ni Ricci. Our friendship began when we were in high school.

"Mag-ayos ka na, Lara. We're going to the mall!" Masiglang sabi ni Ricci at siya naman ang umupo sa may couch.

"Really? Kasama na ang ating cavewoman friend?" Sabay turo sakin ni Lara. Napairap lang ako sa kanya.

Cavewoman, really? Matagal na ba akong hindi gumagala para tawaging cavewoman? Tsk.

"Of course! Magre-ready siya para sa party mamaya."

Nakita ko naman na parang lumiwanag ang mukha ni Lara ng sabihin iyon ni Ricci tapos napatingin siya sakin.

"Ay, bet ko 'yan!" Sabay tayo niya at dumiretso na sa banyo.

Pagkatapos ng halos isang oras. Natapos na rin sa wakas si Lara sa pag aayos niya. She's wearing a white knitted croptop and a denim high-waist skirt na above the knee ang haba tapos pinares niya ito with a pair of white sneakers.

Nag-ayos lang ulit kami ng sarili namin pagkatapos ay lumabas na kami ng condo ni Lara. Ginamit namin ang sasakyan niya at iniwan naman sa parking lot ng building ang kotse ni Ricci. After twenty minutes na byahe, nakarating na rin kami sa mall. Mabuti na lang at malapit iyon sa place ni Lara.

Lumibot muna kaming tatlo kung saan-saan. Then they decided to go shopping for our clothes na susuotin namin mamaya para sa party ni Sera. Hindi ko alam kung anong klaseng theme ang party niya, basta ang sabi lang ni Ricci ay dark red, black at gold ang color na dapat suotin.

"Ayoko nito. Baka malaglag 'to mamaya." Reklamo ko sa kanilang dalawa. Tapos na silang mamili ng susuotin nila para mamayang gabi. Kaya ako naman ang namimili ngayon.

Pinasukat nila sakin 'tong tube dress, dark red ang shade ng color nito, fit na fit sakin at above the knee ang sukat. I actually like it ngunit hindi nga lang ako komportable magsuot.

"Yssa, ano ka ba? Bagay kaya sa 'yo! Ikot ka nga," sabi ni Lara at pinaikot niya ko. Ako naman si tanga, sumunod rin.

"Wala na bang iba dyan?" Tanong ko habang hinihila pataas ang tube dress para hindi dumaus-dos pababa sa dibdib ko.

"Oh, ito sukat mo 'to dali." Binigay naman sakin ni Ricci yung black na dress at tinulak na ko nang marahan papuntang fitting room.

Pagkatapos ko magsukat ay lumabas na kaagad ako at pinakita sa kanilang dalawa. Ngayon naman hindi na siya tube dress. This time, it's black fitted dress with spaghetti strap at above the knee rin ang haba.

"Ay, ito girl perfect rin 'to sa 'yo." Pagpuri sakin ni Lara. Sumang-ayon rin sa kanya si Ricci na tumatango at nakangisi habang nakatingin sakin.

Sumang-ayon na lang rin ako dahil nagustuhan ko rin naman. Bumalik na ulit ako sa fitting room para magpalit. Pagkatapos ay binigay ko na sa sales lady at sinama niya yung dress sa kanina niya pang hawak na dress nina Ricci at Lara.

Pagkatapos namin magbayad nung binili naming dress, dumiretso naman kami sa Salon & Spa. Magpapa manicure at pedicure daw kami.

Nang matapos na kaming tatlo sa lahat-lahat, umalis na rin kami doon sa Salon & Spa. Dumireto na rin muna kami sa isang restaurant. Nakaramdam na kasi kami ng gutom kaya nag decide kaming kumain na muna bago bumili ng iba pang kailangan.

"Ay hala! May report pala ako sa lunes." Biglang sabi ni Lara. Nakaupo kaming tatlo dito sa loob ng restaurant at naghihintay nung inorder namin.

"Oh, for a second nakalimutan kong nag-aaral pa pala ako." Bored na sabi ni Ricci habang pinaglalaruan yung tissue sa lamesa. Medyo kanina pa kasi kami naghihintay sa order namin.

"Ako, may quiz kami sa major subject namin next tuesday, tapos report ko naman sa thursday. Please pray for me." Sabi ko naman.

Magkakaiba ang degree program na kinuha naming tatlo. Ako kinuha ko kasi accountancy. Si Ricci naman tourism tapos si Lara ay hospital management. We're bestfriends pero hindi naman kami yung tipo ng magkakaibigan na kung saan yung isa dapat doon din lahat. We choose what do we actually want and I like the idea that we have different dreams in life.

"Sige lang, konting tiis na lang graduate na tayo. Isang semester na lang at isang taon." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ricci.

Third year college na kaming tatlo, same university ang pinapasukan namin.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating na rin yung order namin. Mabuti nga at nag-sorry samin mismo yung manager ng restaurant kaya hindi na kami nagreklamo pa, dala na rin siguro ng gutom.

Pagtapos namin kumain bumili na rin kami ng footwear na ipapares namin sa mga susuotin namin mamaya. Hindi ako marunong pumili kung anong bagay sakin kaya sila na lang pinapili ko.

Sabi ko yung hindi lang masyadong mataas kasi baka naman matumba ako sa sobrang taas, alam naman nilang hindi ako sanay gumagamit ng heels. So in the end, they chose a simple nude block heels na 3 inch lang ang taas. Nagustuhan ko naman kaya kinuha ko na. I mean binayaran, of course.

Pagkatapos namin bilhin lahat ng kailangan, bumalik na kami sa condo ni Lara.

"Ay, sa wakas!" Sabay higa ni Ricci sa may sofa. Ako naman naupo ulit sa may bean bag.

Malapit ng mag-alas kwatro nung nakabalik kami. Mga ilang minuto lang kami nagpahinga na tatlo and then they decided na mag-ayos na daw kami kasi six o'clock daw ang start ng party sabi ni Ricci. Sila lang talaga nag decide kasi ako tinamad na naman ako gumalaw.

"Yssa! Get up already!" Sabay hilay sakin patayo ni Lara. Kakatapos niya lang kasi maligo. Si Ricci naman kanina pa nakaligo, ayun nagma-make up na.

"Oo, ito na nga." Sabi ko at kinuha na ang extra'ng tuwalya ni Lara. Dumiretso na rin ako sa banyo tapos naligo na.

After twenty minutes tapos na rin ako atsaka na lumabas. Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan silang dalawa. Nadatnan ko naman si Ricci na bihis na at nagkukulot na lang ng buhok niya samantalang si Lara naman ay nakabihis na rin at nagma-make up.

"I'm almost done. Yssa wait there, okay?" Sabi ni Ricci na nakatingin sakin sa salamin. "Don't fucking sleep, Yssa!" Suway niya sakin nang makitang papahiga ako sa kama. Tinawanan naman ako ni Lara. Napanguso ako at umupo na lang habang hinintay siyang matapos.

After ten minutes tapos na rin si Ricci sa pagkukulot kaya naman pinaupo niya na ako sa harap ng salamin kung saan nakaupo kanina si Lara na ngayon ay nag aayos na ng buhok niya.

"Okay, sige na pikit ka." Utos ni Ricci matapos niya akong lagyan ng moisturizer. Sumunod na lang ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya sa mukha ko. Pagtapos niya akong malagyan ng make-up, kinulot niya rin ang dulo ng buhok ko.

It's already six-thirty nung natapos na kaming tatlo sa pag-aayos. Ready na rin kaming umalis at ito kami ngayong tatlo naglalakad papuntang sasakyan ni Lara.

"Fuck, we're already late!" Sabi ni Ricci na nagmamadaling sumakay sa driver seat. Sumunod naman kaming dalawa ni Lara, siya sa passenger seat at ako naman sa back seat. Si Ricci na daw magda-drive dahil alam niya kung saan ang venue.

"Oh, c'mmon! It's good kaya na we're late, it's exciting, diba Yssa?" Tumingin naman sakin si Lara na halatang excited sa kung anong mangyayari mamaya sa party.

I was excited at first pero nang maalala ko na invited rin pala si Lance, naghalo halo ang emosyong naramdaman ko. Maybe because it will be the first time na makikita ko siya ulit pagkatapos ko siyang mahuli sa panloloko niya sakin. Six months have passed already.

"Hindi rin." Mahinang sagot ko na lang.

Okay, I should not think about him. Don't overthink.

Just enjoy, Allyssa. Relax.

~•~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro