Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

Kaagad akong napatakip ng dalawa kong tainga ng biglang naghiyawan ang lahat ng mga taong nasa loob ngayon ng covered gym.

Nagsimula na kasi ang larong basketball. College of Engineering and Architecture versus College of Business Management and Accountancy ang kasalukuyang naglalaro sa gitna ng basketball court.

"Go number nineteen! I-shoot mo 'yang ball ha!" Bahagya akong natawa sa sinigaw ni Jean na nasa tabi ko.

"I-shoot niyo! I-shoot niyo! I-shoot niyo na ang ball! Ang sarap magbasketball! Go number two!" Napalingon naman ako sa kanang bahagi ko, si Lara na halos maputulan na ng ugat sa leeg kakasigaw.

Napailing ako ng aking ulo habang natatawa. Talaga nga namang magkasundo ang dalawang kasama ko kapag lalaki na ang pinag-uusapan.

"Tumahimik nga kayong dalawa. Kakaumpisa pa nga lang e," natatawang saad ko sa kanila.

"Gumaya ka rin kaya! Malay mo mapansin tayo ng mga papi na 'yan! Instant jowa gano'n!" ani Jean na parang hindi mapakali kakatili sa kaniyang upuan.

Kaagad akong napairap sa kaniyang sinabi, "Dinamay mo pa ko," sagot ko.

"Jean is actually right, Yssa. Maybe it's time for you na magka boylet na ulit!" Sabay hagikhik naman ni Lara sa tabi ko.

"Che! Tumahimik kayong dalawa, huwag niyo kong idamay diyan. Atsaka, i-cheer niyo naman yung department namin lalo na ikaw Jean! Hindi halatang kamping kampi ka sa mga engineering student!" Sigaw ko na rin dahil naguumpisa na namang mag-ingay ang mga tao sa loob ng covered gym.

"Ssh! Mag-picture ka na nga lang diyan, Yssa! Hayaan mo kaming mag-concentrate ni Lara sa mga boys!" Pagpapatahimik sa 'kin ni Jean atsaka sila parehong tumawa ni Lara.

Muli akong napailing sa kanila. Sana nandito si Ricci para kahit papaano ay may kasama akong matino. Masyado kasi siyang abala sa iba't ibang events ngayon. Lalo na't ito na ang ikalawang araw ng intramurals.

Si Lara kasi ay nag-volunteer na samahan kami ni Jean sa lahat ng sports event na pupuntahan namin. Actually, iilan na lang rin ang kailangan naming mapuntahan, swimming competition, taekwondo at ultimate Frisbee.

At itong basketball ang huling ball game na gaganapin ngayon.

Hinayaan ko na lang sina Jean at Lara na magsisisigaw at tili sa kilig. Kasalukuyan akong nasa gitna nilang dalawa kaya rinig rinig ng dalawang tainga ko ang mga matitinis nilang mga boses.

Muli akong kumuha ng mga litrato ng mga manlalaro. Pati na rin ang mga audience na nasa kabilang bahagi ng covered gym ay kinuhaan ko ng mga litrato.

Halos isang oras rin ang nakalipas nang matapos ang larong basketball. As expected ay nanalo ang College of Engineering and Architecture. Many people congratulated them, especially girls.

"Congrats boys!" Bati ni Jean sa mga dumaan na  mga players sa gilid ng bleachers.

"Good game!" Ani Lara na ngiting ngiti rin sa kanila.

Mabuti na lang at nagpa-salamat sa kanila ang mga players na kanilang binati, kung hindi ay tiyak na hiya ang aabutin nilang dalawa.

Umalis na rin kaming tatlo nang mawala na ang gitgitan at siksikan sa may exit ng covered gym. Nagsi-alisan na ang lahat dahil mamaya naman magpapatuloy ang susunod na laro ng basketball.

Dumiretso kaming tatlo sa mga booth ng pagkain na sinadyang pinatayo sa labas ng covered gym. Nag-aya kasi ako sa kanila na kumain muna tutal ay lunch time na rin naman.

Bumili kami ng iba't ibang pagkain. Pagkatapos ay nagtungo kami sa isang sementadong lamesa at mga upuan. Nasa ilalim ito ng isang malaking puno kaya naman ay protektado kami sa init ng araw.

Nang makaupo kaming tatlo ay atsaka na kaming nag-umpisang kumain. Habang kumakain naman ay panay naman ang kwentuhan naming tatlo.

"Tawang tawa pa rin talaga ako do'n sa lalaking sumemplang kanina sa gitna ng court!" Natatawang saad ni Jean atsaka siya kumagat sa hotdog bun na kinakain niya.

Pareho naman kaming natawa ni Lara nang matandaan rin naman ang itinutukoy ni Jean

Kanina kasi sa gitna ng intense na laban ay may isang player ang nadapa. Player iyon ng aming department. Sa sobrang bilis kasi niya kanina tumakbo na animo'y nasa bola ang linya ng buhay niya, bigla bigla na lang siyang nag-dive sa gitna ng court.

"Oo nga! Dapat lang sa kaniya 'yon, nakita ko kaya sinasadya niya masiko yung ibang players. Ilang beses na rin siyang nakalabag sa ilang violation pero hinahayaan lang siya," ani Lara na sumasang-ayon kay Jean sabay higop sa binili niyang milktea.

Tama naman si Lara. Bago kasi madapa ang lalaking pinagkukwentuhan namin ay ilang beses pa siya nandaya sa kabilang grupo at ilang beses na rin niyang sinadyang siniko at pinatid ang kalabang mga players.

"Mabuti na lang at hindi sila nanalo." Pagsang-ayon ko rin habang patuloy sa pagnguya ng kinakain kong burger.

Nang matapos kaming tatlo na kumain, nag-ayos muna kami bago tuluyang umalis. Naglagay lang ako ng konting pulbos at liptint para hindi ako magmukhang haggard atsaka ko sinuklay ang mahaba kong buhok.

Mabuti na lang at naka department t-shirt kami ngayon kasi baka nahirapan pa ko kanina sa pagpili ng susuotin. Parehong kulay light blue ang suot na department t-shirt namin ni Jean. Mayroon itong print na logo ng deparment namin at acronym na CBMA. Habang si Lara naman ay kulay pink na department shirt ang kaniyang suot na may logo rin ng kanilang department at acronym na CTHM.

Ilang sandali pa ay umalis na rin kami matapos naming mag-ayos. Dumiretso naman kaming tatlo sa activity hall kung saan ginaganap ang laro ng taekwondo. Nasa likod lang iyon ng natatorium kaya naman madali lang kaming nakapunta.

Pagkapasok namin sa activity hall ay saktong sakto naman ang pagu-umpisa ng laro.

Nakita namin si Ricci sa isang gilid at mukhang manonood rin ng laro. Mahilig kasi siya sa taekwondo lalo na't isa na siyang black belter.

Lumapit naman kami sa kaniya. Mukhang nagulat pa nga siya sa pagdating naming tatlo sa tabi niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ni Ricci.

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba busy kayong mga students council members?" Balik tanong rin sa ni Lara habang nakaharap na nakapamewang sa kaniya.

"Kakatapos lang namin sa mga ginagawa namin," sagot niya.

"Ayun! Sama ka sa 'min Ri. Naghahanap kami ng majojowa." Natatawang saad ni Jean sa kaniya.

"Loka, hindi ako interesado diyan," ani Ricci atsaka siya bahagyang napailing.

"Thank goodness! May kasama na akong matino," sambit ko at kaagad akong nakatanggap ng matalim na tingin kina Lara at Jean.

I sheepishly smiled to the both them atsaka na ako umalis muna sa harap nila para kumuha ng mga pictures ng mga naglalaro.

Marami rin ang taong nanonood ngayon dito sa loob ng activity hall. And It's actually divided into four parts. Dalawang parte para mga lalaking manlalaro at dalawang parte rin para sa mga babaeng manlalaro.

Nag-umpisa akong kumuha ng mga pictures habang unti-unting nililibot ang buong activity hall. Nang matapos ako sa pagkuha ng maraming litrato bumalik na rin ako sa puwesto ng tatlong babaeng kasama ko.

Naabutan ko silang nagkukwentuhan at tila'y nabalewala na ang panonood ng taekwondo.

"Tapos ka na ba?" Tanong sa 'kin ni Lara pagkalapit ko sa kanila.

Kaagad naman akong tumango bilang tugon, "Bakit?" sambit ko.

"Nag-uumpisa na daw yung swimming competition sa natatorium!" Kinikilig na sabi ni Jean.

Napansin ko naman ang bahagyang pag-iling ng ulo ni Ricci, "Halika na, Yssa. Mukhang uhaw na uhaw 'tong dalawa sa pandesal," aniya.

"Hoy, si Jean lang kaya!" Depensa ni Lara sabay turo kay Jean na kaagad rumesponde ng irap sa kaniya.

"Tara puntahan na natin ngayon. Tingnan ko lang kung hindi ka maglaway sa mga pandesal na lumalangoy." Paghahamon ni Jean kay Lara.

Pareho naman kaming napailing at tumawa ni Ricci dahil sa kanilang dalawa.

Ilang sandali pa ay umalis na rin kaming apat sa activity hall atsaka lumipat sa natatorium.

Pagkarating namin sa loob ng natatorium tili at sigawan ng mga kababaihan ang sumalubong sa aming apat.

"Hindi lang ako ang nagi-isang sabik sa pandesal," ani Jean.

"Wow, hindi uso salitang chill sa mga babaeng 'to," sambit rin Ricci habang nakatingin sa mga babaeng nagsisitilian sa may bleachers.

"Sinong makakapag-chill sa hotness ng mga players dito? Geez, look at those abs! Holy pandesal..." komento naman ni Lara.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang tatlo. Umupo muna kami sa bakanteng upuan na nasa sulok na parte ng bleachers.

"I told you! Mamangha ka rin sa spicy hotness overload ng mga players dito," ani Jean na parang ina-advertise pa ang mga players na kasalukuyang naghahanda na sa paglangoy.

Kagaya noong nag-tryout sila, nakasuot lang ang mga ito nang swimming trunks, swimming caps at goggles. Makisig na nakatayo ang mga players sa harap ng kaniya kaniya nilang mga swimming lanes.

"Gosh! Papunta dito ngayon yung hot na chinitong facilitator!"

Automatic namang napalingon kaming tatlo nina Ricci at Lara sa tinutukoy ni Jean na paparating.

"Oh? Si Flynn 'yan diba? Facilitator rin pala siya dito..." sambit ni Ricci habang nakatingin sa dalawang lalaking paparating sa direksyon namin.

Sina Gio at Flynn ang tinutukoy nila. Napansin ko rin na bawat hakbang nila ay may mga matang nakasunod. Parang sanay na sanay na silang pinagtitinginan ng mga kababaihan. May iba pa ngang palihim silang kinukuhaan ng mga litrato.

Katulad namin ay nakasuot rin sila pareho ng kanilang department t-shirt. Kulay gray ito na may halong orange at may tatak na logo ng kanilang department atsaka acronym na CEA. Hindi ko alam kung naubusan lang ba talaga sila ng malaking size o talagang fitted sa kanila ang mga t-shirt na suot nila. Bakat na bakat kasi ang kanilang mga muscles.

Bahagyang ngumiti at kumaway sa direksyon namin si Gio nang makita niya kaming apat samantalang nanatiling blanko ang expression ng mukha ni Flynn. Pareho naman silang lumapit sa puwesto namin.

"Hi, Yssa. Hi, Jean. And ooh, hello girls." Malawak ang ngiti ni Gio nang makalapit siya sa aming apat.

"Hello... Oo nga pala mga kaibigan ko si Lara at Ricci." Pagpapakilala ko sa dalawa kong kaibigan.

"Nice to meet you," nakangiting saad ni Ricci kay Gio.

"Nice to meet you, Gio! I think I've already seen you before..." ani Lara na tila'y nagiisip kung saan niya nakita si Gio.

"Malamang naman Lara, dito rin 'yan nag-aaral e." Pambabara ni Ricci sa kaniya, nag-make face lang ito bilang tugon.

Napansin ko naman si Flynn na tahimik lang na nakatayo sa likod ni Gio.

Bahagya naman akong ngumiti sa kaniya nang magtama ang mga mata namin. Tipid itong ngumiti sa 'kin atsaka tumango ng isang beses.

"Nice to see you here, Flynn..." bati ni Ricci sa kaniya.

"Yeah, same." Tipid niyang sagot atsaka tumango rin ng isang beses.

"Hi, Flynn! Nice to see you again. Palagi kang kinukuwento sa 'min ni Yssa." Sabay hagikhik ni Lara. Kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Unti-unti rin akong nakaramdam ng pag-init ng pisngi ko.

Naikuwento ko kasi sa kanila na kapitbahay ko si Flynn at regular customer namin siya sa coffee shop. Hindi ko akalaing ibubuko ako ni Lara sa mismong harap nito.

Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang madaldal? Jusko naman!

Napansin ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Flynn sa sinabi ni Lara sa kaniya sabay saglit na sumulyap sa 'kin ngunit binalewala ko lang siya.

Mayamaya pa ay nagpaalam na muna ang dalawang lalaki na mauuna na. Kailangan daw kasi nilang asikasuhin ang mga players nila.

Nang makaalis sa harap namin sina Gio at Flynn kaagad akong humarap kay Lara.

"Ikaw talaga! Kahit kailan ay madaldal ka 'no?" saad ko sa kaniya.

Tumawa naman silang tatlo sa 'kin. Kaya kaagad ko silang sinamaan ng tingin.

"Napansin niyo ba kanina ang napansin ko?" Tanong ni Ricci sa dalawa mabilis namang tumango ang mga ito.

Automatic namang tumaas ang kanang kilay ko dahil sa tanong niya. Ano naman kaya ang napansin ng mga 'to?

"Malagkit..." sambit ni Lara na ikanakunot naman ng noo ko.

"Ang mga tinginan..." pagpapatuloy ni Jean habang tinataas baba ang dalawa niyang kilay sa 'kin.

"A-ano?" nauutal na usal ko sa kanila.

Muli kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko nang mapagtanto ko kung anong ibig nilang sabihin.

"That's right, girls." Nakangising sabi naman ni Ricci habang nakatingin sa 'kin nang nakakaloko.

"Tumahimik kayo diyan. Walang ibig sabihin ang mga tinginan namin. Magkaibigan lang kami..." saad ko.

Kung ano ano ang mga iniisip nitong tatlong ito. Ang mga bagay na wala namang meaning ay binibigyan ng meaning. Jusmiyo!

"Ehem, correction. Magkaibigan pa lang kayo." Sabay hagikhik ni Lara.

"Tama na 'yan. Huwag niyo bigyan ng meaning ang mga tinginan namin. We're really... just friends, yun lang." Atsaka na ako tumayo mula sa inuupuan ko sabay tipid na ngumiti.

Nakangiting nagkibit balikat lang ang tatlong babaeng kaharap ko kaya bahagya akong napailing sa kanila.

"Teka nga lang... kukuha muna ako ng ilang shots doon," pagpapaalam ko sa kanila atsaka na nag-umpisang maglakad.

"Kumuha ka ng magandang shot! Gagawin kong wallpaper sa laptop ko!" Rinig kong sigaw ni Jean sa 'kin. Tinawanan ko lang siya at bahagyang tumango bilang tugon.

Naglakad naman ako papunta sa kabilang bahagi ng swimming pool kung saan ko makikita nang maayos ang mga players.

Nang nasa tamang puwesto na ako, binuksan at inaayos ko na ang kanina ko pang dala na DSLR camera. Mayamaya lang rin ay nag-umpisa na akong kumuha ng ilang litrato.

Sa bawat kuha ko ay kitang kita ang mga nagagandahang katawan ng mga players. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang paligsahan gano'n di ang hiyawan at tilian ng mga tao sa loob.

Mula dito sa puwesto ko ay kitang kita ko rin na nakatayo na habang sumisigaw at tumitili sina Lara at Jean samantalang prenteng nakaupo pa rin sa kaniyang upuan si Ricci.

Mahinang tumawa naman ako atsaka ko pinagpatuloy ang pagpindot sa aking camera. Habang nagsisilangoy ang mga players ay sinasabayan ko rin ang pagkuha ko ng ilang litrato.

Bahagyang napangiti ako ng tipid habang pinagmamasdan na makipagunahan sa isa't isa ang mga manlalaro.

Matagal ko na rin kasing pinapangarap na lumangoy. I'm actually afraid to swim, mapa-dagat man, ilog o swimming pool because I have this phobia called aquaphobia.

Marahan naman akong napailing para hindi na matandaan ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Iniisip ko pa nga lang ay tumatayo na kaagad ang mga balahibo ko.

Muli kong inayos ang aking camera at naghanap ng anggulo. Mayamaya pa ay natapos na rin ang paligsahan, at mukhang may nanalo na sa first batch. Muling naghiyawan ang mga tao sa loob.

Lumapit ako ng konti sa gilid ng swimming pool upang kuhaan ng magandang litrato ang mga players pati na rin ang nanalo.

Natapos ko nang kuhaan ng magandang shots ang mga players kaya naman ay balak ko nang bumalik sa puwesto nina Ricci.

Iikot na sana ako para umalis sa gilid ng pool ngunit bigla akong nadulas and the last thing I heard was the loud scream of the people...

After a second the only thing I saw was the blue and clear water of the pool.

Hindi ako makahinga! I tried to reach the top of the water but I couldn't! I don't even know how to swim! Ang bigat bigat ng pakiramdam ko! Parang may humahatak sa akin sa pinaka ilalim na parte ng swimming pool.

Nanghihina ako at unti unti na rin akong nawawalan ng pag-asang makaahon. Sobrang natatakot ako sa kung anong puwedeng mangyari sa 'kin.

Hindi ko na kayang magpumiglas pa at hinayaan ko... hinayaan ko ang katawan kong hilain pababa ng tubig.

This is exactly what I felt when I was a kid...

Papa... help...

Pinikit ko ang mga mata ko. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang malakas na paggalaw ng tubig na tila ba'y may biglang tumalon. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na rin ang paghatak sa 'kin pataas ng isang kamay.

Dali dali akong inahon ng taong nagligtas sa akin atsaka niya ako hiniga sa gilid ng swimming pool. Ramdam na ramdam ko ang lamig na dumadampi sa basa kong katawan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mga basang kamay ngunit mainit na humaplos sa mukha ko.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. The moment my eyes met his worried eyes, I immediately hugged him.

Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya at tuluyan nang umiyak. Alam kong basang basa ako ngunit hinayaan ko lang ang sarili kong yakapin siya.

This is what I need the most right now.

"Ssh... stop crying, Yssa." rinig kong bulong ni Flynn sa 'kin habang mahinang hinahagod niya ang likod ko. Hindi ako sumagot sa kaniya at patuloy na humikbi.

"I-I'm scared..." nauutal kong saad sa gitna ng hikbi ko. Ngunit napatigil ako nang bigla kong marinig ang sunod niyang sinabi sa akin.

"Don't be afraid... You're safe now."

~•~

A/N: Ano ba Flynn!!! Huhu ;( anyways, leave a comment and vote if you love this chapter! xoxo

-tan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro