Chapter Nine
Kasalukuyan kaming nagkaklase, natapos na ang quiz namin kanina-nina lang. Sinusubukan kong makinig sa discussion at mag-focus pero nakakaramdam ako nang pagsakit ng ulo at puson ko.
Pinipigilan ko rin ang maya't mayang pag-ubo at bahing ko dahil baka makaistorbo sa klase namin. Hanggang ngayon pa rin kasi nanginginig ako sa lamig. Tumila na rin naman ang ulan ngunit hindi pa rin umiinit ang panahon, makulimlim pa rin ang kalangitan.
"Okay ka lang ba talaga, Yssa? Namumutla ka na, oh." Mahinang saad sakin ni Jean na nasa tabi ko.
Kanina niya pa kasi ako tinatanong kung ayos lang ba ako dahil panay ang ubo at bahing ko, ngayon naman namumutla na ko.
"Sus, okay lang nga ako. Don't worry, Jean." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong sabihin 'yon para mawala ang paga-alala niya sakin.
"Punta na lang tayo sa clinic pagkatapos nitong klase, malapit na rin namang mag-time," saad niya habang nakatingin sa wrist watch niya.
Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya. Nakinig na lang ako ulit sa prof namin, pilit na binabalewala ang sakit ng ulo at puson ko.
"Tomorrow is our midterm exam. I already gave you the photocopies of each lesson that we discussed. So, I'll just give your pointers. Please review your notes well." Paga-anunsyo ng prof namin na nakatayo sa harapan ng table niya.
"Shit, midterm week nga pala ngayon." Rinig kong sabi ni Jean.
Hindi lang ako nagsalita. Kinuha ko ang binder ko sa bag pati na rin ang ballpen atsaka nag-take down notes ng sinusulat ng prof namin sa white board.
Nang matapos na sa pagsusulat ng pointers ang prof namin, nagpa-dismiss na rin siya ng klase kaya nagsilabasan na kami ng classroom.
"Putlang-putla ka na talaga, Yssa." Sabi ni Jean nang makalabas kami sa classroom, dinampi niya ang kanyang kanang kamay sa noo ko. "Ay! Ang init mo na ah. Tara, samahan kita papuntang clinic." Sabay tanggal niya ng kamay niya mula sa noo ko.
"Pupunta sana ako ng library pero nahihilo na rin ako, kaya sige tara." Sagot ko sa kanya. Inalalayan niya naman ako sa paglalakad.
Gustong gusto ko nang humiga at magpahinga muna. Gusto ko rin sana umuwi muna ng bahay pero nag-uumpisa na naman ang pagbuhos ng ulan.
"Nurse, nilalagnat kasi 'tong kasama ko e, nahihilo rin siya." Sabi ni Jean sa nurse nang makapasok kami sa clinic.
"Gano'n ba? Sige, pahigain mo muna siya doon sa bakanteng higaan." Saad ng nurse, pareho naman kaming tumango ni Jean atsaka niya ko inalalayan papunta sa may higaan.
Hinawi ni Jean ang nakaharang na kurtina atsaka niya ko pinaupo sa kama pagkatapos ay inayos niya ulit ang pagkakaharang ng kurtina.
"Thank you, Jean. Naulanan kasi ako kanina bago ako pumasok e." Mahina at malumanay kong saad sa kaniya. Tinanggal ko na ang sapatos ko atsaka humiga nang maayos sa kama.
"Ay, ang galing. Bakit ka ba kasi nagpa-ulan? Nagpa-late ka na lang sana, wala naman tayong ginawa kanina sa first subject natin." Halata sa boses niya ang pagka-inis at may halong paga-alala.
Napangiti lang ako sa kaniya. Si Jean, para siyang combination nina Ricci at Lara. May pagka-seryoso rin siya minsan katulad ni Ricci, pero madalas ay may pagkaloka-loka at jolly siya katulad ni Lara.
"Sige na, alis na muna ako. Punta lang ako sa library para gumawa ng reviewer." Aniya, tumango lang ako sa kanya bilang tugon atsaka na siya umalis.
Mayamaya pa ay pinuntahan na ako ng nurse para kuhaan ako ng body temperature pagkatapos ay pinainom niya ako ng gamot. Sinabihan niya rin akong magpahinga na muna hanggang sa bumalik ang lakas ko tsaka na siya umalis.
Inabot ko ang bag ko na nakatungtong sa taas ng side table, binuksan ko ito at kinuha ang cellphone ko. Tinext ko sina Ricci at Lara na kung pwede ay dalhan nila ako dito sa clinic ng makakain. Pagkatapos binalik ko na ulit ang bag ko sa side table matapos kong ilagay ang cellphone ko.
Umayos ulit ako nang higa ko, pinikit ko ang mga mata ko. I-idlip muna ako ako saglit.
Wala pa sigurong dalawang minuto nang biglang bumukas ang kurtina kung saan ako nakahiga at nakita ko sina Ricci at Lara na nakatayo sa harap ng higaan ko. Pareho rin silang nakasuot ng university uniform.
"Anong nangyari sa 'yo?" Alalang tanong ni Ricci sa 'kin. Lumapit silang dalawa ni Lara sa higaan ko.
"Wala, lagnat lang 'to." Malumanay na sagot ko.
"Ay, paniguradong nagpa-ulan 'tong friend natin." Sabi naman ni Lara sabay halukipkip ng dalawang braso niya.
"Nagpa-ulan ka pa, alam mo naman na madali kang dapuan ng sakit." Iritang saad ulit ni Ricci pero may bakas pa rin nang paga-alala.
"Sus, mawawala rin 'to mamaya. Nasaan na pagkain ko?" Pagi-iba ko. Masyadong masakit ang ulo ko para sa sermon nila.
"Oh, ito. It's lugaw with egg. May pepper rin diyan na naka-plastic tsaka toyo and calamansi." Sabi ni Lara at binigay niya sakin ang dala niyang puting plastic, kinuha ko naman ito.
"My favorite." Nakangiting sabi ko atsaka ako napaupo sa higaan ko. Binuksan ko ang puting plastic at nakita ang isang paper bowl na may lamang lugaw, may plastic spoon rin tapos toyo, calamansi at paminta. "Thank you hehe." Dagdag ko pa atsaka na nag-umpisang kumain.
"Mabuti na lang at nag-chat sakin si Jean na nandito ka," sabi ni Ricci at napaupo rin sa may kama, tumango lang ako bilang tugon habang busy sa paghigop ng sabaw.
Tumambay lang sila saglit at nang matapos na ko sa pagkain ko, umalis na rin silang dalawa. Magla-lunch na rin daw kasi sila atsaka para na na rin daw makapagpahinga ako nang maayos.
Medyo humuhupa na rin naman yung init ng katawan ko, hindi katulad kanina na sobrang init. Madali kasi akong magkasakit, kahit na naulanan lang ako nang konti, magkakasipon o ubo na ko.
Sinabi ko na rin nga pala kina Lara at Ricci na huwag na nilang sabihin kay mama dahil baka maga-alala lang 'yun. Alam kong madali lang ako gumaling kapag nakapag-pahinga naman ako.
Ilang minuto muna akong nagmuni-muni sa higaan ko nang unti-unti na kong nakatulog.
~•~
"Uy, 'tol. Ano, ayos ka lang ba?! Masakit ba?"
Nagising ako sa isang boses ng lalaki. Agad akong napadilat ng mga mata ko at hinanap nito ang nilalang na umistorbo sa tulog ko.
Tanging kurtina na nakapalibot lang sa higaan ko ang nakita ko.
"Gusto mo batuhin rin kita ng bola sa mukha? Then I'll ask you if you're okay." Sabi ng isa pang lalaki. Nagmumula 'yun sa right side ng kurtina, sa kabilang higaan yata.
Agad na napakunot-noo ako dahil parang familiar ang boses nung huling nagsalita.
"Sabi ko nga diba 'tol masakit. Tarantado kasi si Rafael e, kung ano-ano sinasabi na suntok mo tuloy. Nakalimutan niya yatang mas maliit pa sa posporo 'yang pasensya mo. Imbis na suntok iganti sa 'yo bola pa talaga, nabakla yata lumapit sa 'yo 'tol e." Lintanya nung lalaking gumising sa 'kin. "Pero Flynn, huwag mo na aalahanin 'yung sinabi niya." Dagdag niya pa.
Kaagad akong napaupo sa higaan nang marinig ko ang pangalan ni Flynn. Mukhang napa-trouble yata ang supladong lalaki.
"Yeah, right." Boses ni Flynn yung nagsalita.
"Seryoso 'tol, alam naman nating hindi totoo yung sinabi ni Rafael." Salita ulit nung isa, feeling ko si Gio 'to na sinasabing friend ni Flynn.
Umupo pa ako nang maayos, inihilig ko ang ulo ko para marinig ko nang maayos yung sinasabi nila. Naka-slant na ang posisyon nang pag-upo ko kaya naman nilagay ko ang isang kamay ko sa gilid ng kama para sumuporta sa katawan ko.
"Alam naman natin 'tol na hindi mo kasalanan 'yung nangyari kay pareng Martin. Huwag mo na sisihin sarili mo." Salita naman ulit nung kasama ni Flynn.
Napakunot naman ulit ang noo ko. Ano kayang kasalanan nitong si Flynn? Bakit naman niya sisihin sarili niya?
"Alam ko namang hindi madali kalimutan 'yun 'tol e, lalo na't—,"
Nang dahil sa kakalapit ng ulo ko sa direksyon ng pinanggagalingan nung boses, na out-of-balance ako. Nalaglag ako mula sa kama na inuupuan ko. Ka-tanga tanga naman talaga, Yssa.
"Ano 'yun?!" Rinig kong sabi sa kabila.
Bigla akong nataranta nang marinig ang mga nagmamadaling yapak nila.
Tatayo na sana ako kaagad kaya lang biglang bumukas ang kurtina na humaharang sakin at nakita ko ang dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko.
Isang lalaki na chinito na mukhang gulat pa nung nakita ako kasama si Flynn na nakasalubong ang dalawang kilay at may sugat sa kanang bahagi ng labi niya, may hawak rin itong ice pack.
"Eavesdropping, huh?" Flynn said.
Uh-oh his expression doesn't look good.
~•~
;>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro