Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Katulad nang pagkakita ko sa kanya noon. Matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan. Nakasuot ng t-shirt na puti, denim na pantalon at puting sapatos. Napatingin naman ako sa suot ko. Pati rin si Lara napatingin sakin.

"Ay, couple outfits. I love it." Pang aasar niya sakin atsaka bumingisngis.

Halos pareho kasi kami ng suot ngayon. Puting shirt, denim pants at puting sapatos. Kapag kinuha ko ang apron kong suot, baka mapagkamalan kaming magkasama.

"Sira. Hindi ko kilala 'yan." Sabi ko sa kanya.

Totoo naman. Hindi ko naman talaga kilala ang isang 'yan. Tsaka baka nga hindi na ko natatandaan niyan e. Mukhang suplado pa naman pero sige medyo mabait na rin kasi pinahiram niya ako ng panyo niya dati.

"Nakita ko na siya dati, doon sa party ni Sera. He's one of those guys na pinakilala satin ah, hindi mo ba natatandaan?" Tanong niya.

Isa sa kanila? Paano ko malalaman, e hindi nga ako tumitingin sa mga lalaki na pinakilala samin ni Sera kasi hindi ako komportable. Malay ko bang nandoon siya.

Tsaka, kaya pala nandoon rin siya sa hotel that time. Siguro nagkataon lang na lumabas siya tapos napadaan sa may open garden. Pero paano naman niya nalaman na nandoon ako? Hmm.

Napalingon ulit ako doon sa lalaking pinag-uusapan namin. Kasalukuyang nakapila sa harap ng counter. Kahit na sa malayo siya kitang-kita pa rin ang pagkatangos ng ilong niya.

"Hindi halatang type mo, girl." Napalingon naman ako ulit kay Lara na inuubos na ang iniinom niyang smoothie.

"Ha? Sino bang may sabi na type ko?" Takang tanong ko sa kanya. Napangisi naman siya sakin.

"Yung mata mo. Malagkit ang tinginan e." Sabi niya tapos tumawa siya ng mahina.

"Che! Natandaan ko lang kasi nakita ko rin siya doon sa hotel." Pagrarason ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nakakalokong tingin.

"Weh? Maniwala." Aniya. Aapela na sana ako pero bigla naman siyang tumayo. "I should go. Naghihintay na ang uber driver ko. Mabuti na lang at malapit siya dito sa shop niyo." Sabi niya at sinukbit na ang bag sa balikat niya.

Napatayo na rin ako at inayos ang upuan naming dalawa. "Ingat ang uber driver mo sa 'yo." Sabi ko at nginisihan siya, pabiro naman niya akong iniripan.

"Mag-ingat kamo ang customer mo sa 'yo." Sabay nguso niya sa direksyon ng lalaki na nasa harap na ng counter at umu-order.

"Siraulo." Sagot ko sa kanya, tumawa lang siya.

"Alis na ko. Thank you sa smoothie! Bye-yie!" Paalam niya atsaka na siya lumabas ng shop. Sakto rin namang may dumaan sasakyan sa labas at tumigil sa harap niya kaya sumakay na siya kaagad. Baka yung uber driver na niya 'yon.

Kinuha ko na ang basong pinaginuman ni Lara at binitbit ito papuntang kitchen tapos nilagay sa lababo. Pagtapos ay lumabas na ko ulit doon sa may counter.

"Yssa, pwede mo bang ma serve 'to kay sir Flynn?" Sabi ni Ate Joyce na kumukuha ng isang slice ng caramel cake mula sa display case pagtapos ay nilagay niya ito sa isang tray na may mainit na kape.

"Sir Flynn? Sino 'yun?" Takang tanong ko sa kanya. Agad naman niya akong hinila nang marahan at tinuro niya ang lalaking nasa isang sulok ng shop na mag isang nakaupo habang may hawak na isang sketch pad.

Nagulat pa nga ako kasi 'yun yung lalaking tinitingnan ko kanina. Yung lalaking nagpahiram sakin ng panyo. Sir Flynn? Kilala siya ni Ate Joyce hindi kaya...

Jowa niya 'yon?

"Regular customer natin siya dito. Madalas ang pagtambay niya dito sa shop natin kaya nakilala na rin siya namin nila ma'am. Ikaw, hindi mo ba siya kilala? Kasi sa pagkaka alam ko dyan din siya sa university niyo nag-aaral e." Sabi ni Ate Joyce.

Ah, regular customer pala. Akala ko naman jowa ni Ate Joyce. Masyado yata akong judgemental.

Madalas siya dito? Hindi ko alam 'yun ah. Kung sabagay ngayon na lang ulit ako tumagal dito sa shop. Tsaka dyan lang pala siya nag-aaral. What a small world nga naman.

"O'sya. Paki-serve muna 'to sa kanya. Pagkatapos mo ay ikaw naman dito sa counter, may aasikasuhin lang ako." Dahan dahang binigay sakin ni Ate Joyce ang tray atsaka na sya umalis sa harap ko.

Medyo nagdadalawang isip pa ko, napalingon ako kay Ate Joyce na abala na sa ginagawa niya tapos ay kay Rina na abala rin sa pagpunas ng mga table.

No choice ako kaya naman ay lumakad na ko papunta doon sa kung saan siya naka upo.

Sir Flynn? Parang jowa lang ni Rapunzel ah.

Nilapag ko na sa table niya ang tray na may lamang caramel cake at isang hot coffee at sinerve ito. Napatigil siya sa pagd-drawing niya ng kung ano sa kanyang sketch pad at napatingin sakin.

Akala ko may sasabihin siya sakin kaya nanitili akong nakatayo sa harap niya pero binalik niya ulit ang tingin niya sa kanyang sketch pad at tinuloy ang kaniyang ginagawa.

Seryoso? Anong ini-expect ko sa kanya? Tsk. Kakahiya naman.

Lumakad na lang ako paalis pero bago pa ko makalayo nang tuluyan sa kanya narinig ko yung tipid na sinabi niya.

"Thanks."

Napasulyap lang ako saglit sa kanya atsaka na tuluyang dumiretso pabalik sa counter.

"Ate, sigurado ka bang regular customer 'yung lalaki na 'yan dito? Bakit hindi niya alam na ako ang anak ng may ari, sinupladuhan pa ko." Sumbong ko kay Ate Joyce na parang bata habang nakatingin sa direksyon nung Flynn, jowa ni Rapunzel.

"Baka hindi ka lang niya nakilala, Yssa. Tsaka, suplado man tingnan 'yang si sir Flynn pero mabait naman 'yan." Nakangiting sabi ni Ate Joyce habang nag aayos ng kahera.

"Mabait? Tsk." Mahinang sabi ko atsaka nagpahalumbaba sa may counter.

Mabait... pwede na. Nagpa salamat naman siya sakin e, kahit na medyo mahina ang pagkakasabi niya.

"Kilala rin 'yan ng mama mo. One time, kasi tumulong na rin siya sa pag aayos nitong shop. Ang totoo nga niyan, siya ang nag design nitong interior ng coffee shop. Nakita kasi siya ng mama mo na palaging nagd-drawing ng bahay. Architecture student daw siya e, kaya ayun nagpasuyo si ma'am na kung pwede siya ang mag design nito." Kwento ni Ate Joyce.

Architecture? Kaya pala hindi ko siya nakikita sa school. Nasa annex kasi ang department ng college of engineering and architecture, bale nasa kabilang building pa 'yon.

"At alam mo ba, hindi niya tinanggap ang bayad ng mama mo. Tutal ay estudyante pa lang naman daw siya at kino-consider daw niyang practice ang pag design ng shop, libre na lang daw. Kung sabagay, mayaman naman 'yang si sir Flynn e." Dagdag niya pa.

Napatingin ako sa kabuuan ng shop namin. Maganda nga ang pagkaka design niya. Lumapad rin ang space sa loob kumpara noong bago pa lang ito. Pagkaka-alam ko kasi last year 'to pina-renovate ni mama. Hindi ko alam na siya pala ang nag design ng lahat na nandito.

The coffee shop has a very retro feel. Yung pattern at color ng accent wall ay dumagdag sa perspective tapos yung pagkasimple ng design niya ang mas nagpaganda. Parang ang cozy tingnan, yung talagang makakapag chill ka.

Hindi ko rin alam kung paano niya nahati ang apat na sulok nitong shop. May dalawa kasing spacious room bale pinagigitnaan ang counter kung saan doon rin pumipila ang mga customer. Imbis na concrete wall, ang ginamit ay glass wall. Bale ganito siya, pader na may malapad na bintana, glass wall, may space sa gitna, then glass wall ulit tapos pader na may malapad na bintana.

Ah, basta! Ang hirap i-explain. Paano niya kaya 'to na design at nagawang maganda ang kinalabasan? Hindi ko rin alam. Pero masasabi kong cool tingnan ang shop namin.

Yung isang malapad na kwarto doon yung mga magbabarkadang tumatambay, kada table ay may mahabang sofa. Tapos yung kabila naman ay para sa mga taong mag isa o di kaya ay nagc-coffee date. Pwede sila doon makapag isip isip o di kaya payapang mag usap. May libreng wifi rin kami, syempre, kaya marami talaga ang tumatambay dito. May speaker rin kami sa bawat kwarto para pwede sila mismo ang makapagtugtog kung gustuhin nila. Pero kung hindi, kami ang nagp-play ng music.

Napalingon ulit ako doon sa lalaking nakaupo sa sulok ng shop, busy pa rin siya sa pagd-drawing niya sa sketch pad.

"Crush mo ba siya Ate Joyce? Dami mong alam sa kanya ah." Biro ko atsaka napatingin sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Naku! Hindi ah, kahit na gwapo si sir Flynn hindi ko siya crush. Nababaitan lang ako sa kanya." Kaagad na apela niya. "Tsaka ano ka ba, hindi ako pumapatol sa mas bata sakin at may boyfriend na ko." Nakangiting dagdag niya pa.

"Ooh, 'yon ba yung palaging bumibisita sa'yo dito?" Tanong ko sa kanya at binigyan siya nang nakakalokong ngiti. Nakita ko namang namula siya kaagad.

"Oo e. Alam na rin naman 'yun ng mama mo. Hay nako, ikaw na muna dito sa counter ako naman maglilinis doon." Nahihiyang sabi niya habang namumula pa rin ang kanyang mukha.

Umalis na siya sa harap ng counter at ako naman ang pumalit. Inasikaso ko na rin ang mga customer na nakapila.

Muli, napatingin ako sa lalaking nasa sulok na ang pangalan daw ay Flynn but to my surprise he's already looking at me. Blangko lang ekspresyon ng mukha niya.

Umiwas rin siya kaagad ng tingin sakin at tinuon pabalik ang atensyon niya sa kanyang sketch pad.

Nabalik lang ang atensyon ko sa grupo ng mga babae na lumapit sa counter. Nagtuturuan pa sila kung sino ang mago-order. Halatang mga high school pa lang dahil sa suot nilang uniform.

"Miss, isang tall mocha frappe nga tapos— uy ano sa inyo?" Tanong nung isang babae sa mga kasama niya na pumipili pa rin.

Nang makapili silang lahat ng kanilang o-orderin ay tsaka na sila umalis sa harap ng counter.

Inasikaso ko na ang kanilang mga order, nagpatulong rin ako kay Rina dahil medyo marami rami rin yung inorder nila. Nang matapos kami sa pagaasikaso ay pina serve ko na kay Rina.

Inayos ko muna ang kitchen atsaka lumabas ulit sa counter. I don't know why but my eyes automatically search for that guy. Nakita kong tanging baso, platito at kutsara na lang ang nandoon sa table niya, wala na rin siya doon.

Kumuha ako ng basahan at tray sa lalagyan nito tapos pumunta sa table niya kanina. Kinuha ko ang mga gamit na nasa taas ng table, pupunasan ko na sana ang ito nang mapansin ko ang isang sticky note sa gilid at bandang sulok ng lamesa.

Agad ko itong kinuha sa pagkakadikit at binasa ang nakasulat.

Nang mabasa ko ang sulat nito ay automatic na ni-lamukos ng kamay ko ang maliit na papel. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya.

Focus on your customer, not on me.

Great, Yssa. Just great.

~•~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro