Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

"Please give her around of applause." Sabi ng prof namin, natapos na kasi ang report ko. Masaya akong nagustuhan niya, pinagpuyatan ko rin kasing gawin 'yan e. Major subject kasi.

"Thank you, Miss Rios. You may now take your seat." Tugon ulit ng prof habang nagsusulat sa class record niya. Sinusulat siguro yung grade ko sa report ko kanina. Sana mataas.

Lumakad na ko at dumiretso sa aking upuan.

"Ay nga pala, pinapatawag tayo ni Ms. Lia sa organization office. May meeting yata, punta daw tayo after nito." Pagi-inform sakin ni Jean pagkaupo ko, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Si Ms. Lia ay ang adviser ng Media and Publication Organization o mas kilala bilang MAPO. Member rin kasi kami ni Jean nito. Isa siyang student writer at ako naman ang student photographer. Hindi lang ang department namin ang sakop ng organization kundi pati na rin ang iba pang department, in short sakop ng organization ang buong university.

Kaya kapag may event dito sa university, sobrang busy kami. Lalo na ako, panay sunod ako sa mga event na ina-assign sakin para may ma-publish kami sa university magazine. Dalawa lang kasi kaming photographer sa organization. Pero madalas ang kasama ko ay si Jean dahil kami palagi ang partner sa pagko-cover ng isang event.

Freshmen pa lang kami ni Jean nang maisipan naming sumali sa organization. Tutal naman, mahilig ako sa pag-capture ng kung ano-ano at mayabang man pakinggan pero I have a great photographing skills. Same rin kay Jean na hilig ang pagsusulat.

Natapos ang klase namin at sabay na kaming lumabas ni Jean mula sa room. Pupuntahan na kasi namin ang office ng organization. Siguro nga ay late na rin kami dahil ang tagal mag-dismiss ng prof namin.

Pagkapasok namin sa office, wala kaming may naabutan. Walang may nagmi-meeting sa long table.

"Akala ko ba may meeting?" Tanong ko kay Jean.

"Akala ko rin e. Tinext kasi ako kanina ni Ms. Lia." Sabay kamot niya sa ulo niya.

"Tara, baka nasa kwarto niya." Aya ko at dumiretso sa isang kwarto kung nasaan ang opisina ng adviser namin.

Pagbukas namin ng pinto, bumungad samin si Ms. Lia na busy sa pagta-type sa kaniyang laptop. Kaagad naman siyang napatingin sa aming dalawa.

"Come in." Saad niya, sumunod naman kaming dalawa ni Jean at umupo sa dalawang upuan na nasa harap ng kaniyang table.

"Masyado ba kaming maaga sa meeting o late na talaga kami ng dating?" Tanong ni Jean sa kanya.

Hindi na kailangan i-po si Ms. Lia dahil dalawang taon lang naman ang agwat niya samin. Kaka-graduate niya lang rin last year dito mismo sa university, then she decided to work here as a professor.

"Neither. Actually, kayo lang pinatawag ko dito dahil puro busy ang mga kasama niyo sa kani-kanilang business. May favor kasi ako sa inyo." Sabi niya atsaka niya sinarado ang kaniyang laptop.

Tumayo siya mula sa kanyang upuan at pumunta sa kabilang table kung saan maraming mga papel ang nakatumpok. Kumuha siya ng isang folder na may lamang mga papel.

"Here." Sabay lapag niya ng folder sa itaas ng table.

Kinuha ko naman ito at binuklat. Napakunot-noo ako nang mabasa ko ang nakasulat sa papel. Tiningnan ko pa ang ibang papel at gano'n rin ang nakasulat.

"Survey for graduating students?" Pagbasa ko sa nakasulat sa papel.

"Yep. Dapat kasi sila Marie Ann at Josie ang bahalang magpa fill-up ng mga 'yan, pero ang sabi nila busy sila for their upcoming midterms so hindi sila pwede. But don't worry natapos na sila magpa-fill up sa ibang graduating students. I tried to contact your other members but I got nothing. Fortunately, Jean replied to my text. So yeah, kayo na muna bahala." Sabi niya tapos ay ngumiti sa amin.

"Anong department na lang ba ang hindi pa nakakapag fill-up sa survey?" Jean asked. Napaisip naman si Ms. Lia.

"Wait, check ko sa notes ko." Sabi niya at kinuha ang cellphone sa bulsa ng kaniyang blouse.

Napatingin naman ako sa hawak ko pa ring folder. Medyo konti na lang naman ang lamang mga papel nito.

"Hmm, ang department of engineering and architecture na lang ang walang check dito sa notes ko. So I think, doon na lang kayo pupunta." Sabi niya matapos niyang i-check ang kaniyang notes.

Parehong tumango naman kami ni Jean atsaka na tumayo. Ako na yung nagbitbit ng folder tutal naman ay kanina ko pa ito hawak.

"Thank you guys. Babawi ako sa inyo sa susunod." Ms. Lia said.

"Don't worry, wala na rin kaming gagawin dahil vacant time. You're welcome." Sabi ko sa kanya.

"Sabi mo yan ha? Pa-burger ka sa amin next meeting." Natatawang saad ni Jean.

Pagkatapos namin makapagpaalam kay Ms. Lia, lumabas na rin kami sa office. Mabuti na lang at may daanang malapit papunta sa kabilang building kung nasaan ang department of engineering and architecture.

Nagumpisa na kaming maglakad ni Jean papunta doon. Nang makarating kaming dalawa, bumungad samin ang maraming estudyanteng nakatambay sa waiting area. Mostly boys ang mga estudyante sa department na 'to, kakaunti lang ang makikitang babae.

"Ang daming gwapo, shit." Bulong ni Jean sakin habang naglalakad kami. Papunta kami ngayon sa office ng department nila para magtanong kung saan ang mga lungga ng mga fourth year students.

"Ikalma mo 'yang ovaries mo, Jean. Huwag kang malandi." Bulong ko rin pabalik sa kanya.

Totoo naman yung sinabi niya dahil marami kaming nadadaanan na mga lalaking gwapo. So, totoo nga talaga ang mga sabi sabi ng mga taga ibang department. Halos dito mo makikita ang mga gwapo.

Nang makapunta kami sa department office, nagtanong kami kung nasaan ang mga room ng fourth year students nila, binigyan naman kami nung student assistant ng list of rooms.

"Saan tayo mauuna, Yssa?" Tanong ni Jean habang nakatingin sa papel na hawak niya. Lumapit naman ako sa at tumingin rin sa papel.

Ang mga nakalista doon ay ang Mechanical Engineering, Civil Engineering, Electrical Engineering at Architecture.

"Mauna tayo sa ME." Suggest ko. Tumango naman siya tapos naglakad na kami para maghanap. Mabuti na lang, hindi kami nahirapan ni Jean sa paghahanap dahil nasa first floor lang ito

"Jean, ikaw katok dali." Sabi ko sa kanya at marahan siyang tinulak. Nasa labas na kasi kami ng room ng mechanical engineering.

"Wait, teka lang. Pakihawak muna 'to." Sabi niya at binigay sakin ang hawak niyang papel.

May kinuha sa bulsa niya. Napairap na lang ako sa kanya nang makita ko ang hawak niyang maliit na salamin. Kumuha rin siya sa bulsa niya na liptint at naglagay sa bibig niya.

"Seryoso ka? Hindi halatang handa ka." I said to her sarcastically. Ngumiti lang siya sa 'kin pagkatapos niya maglagay.

"Okay na. Sige, tara." Sabay hila niya sa 'kin papalapit sa pintuan.

Kahit na bukas ang pinto, kumatok pa rin siya para makuha ang atensyon ng mga estudyante sa loob. Nanatili ako sa likod niya, sumilip rin ako sa may bintana, at nakita kong napalingon silang lahat kay Jean dahil sa pagkatok nito. Kakaunti lang silang nasa loob, siguro ay nasa labing lima lang sila. Puro lalaki pa, pero may nakita rin naman akong dalawang babae.

"Hi guys! We're from MOPA or the media and publication organization." Pagsisimula niya, nakita kong humarap na silang lahat sa kanya at nakinig.

"You're all fourth year students here, right?" Tanong ni Jean sa kanila, nagsitanguan naman sila.

"Pwede ba naming mahiram ang ilang minuto niyo para sa sasagutan niyong survey?" Tanong niya ulit.

"Kahit buong oras ko pa ang ibigay sa'yo, Miss." Biglang banat nung isang lalaki sa dulo. Natawa naman ako, si Jean kasi biglang namula.

Naghiyawan ang mga lalaking nasa loob ng room. Kahit na konti lang sila, maingay pa rin ang mga ito.

"Yun oh!" Hiyaw ng isang lalaki.

"Hanep bro! Gumaganon ka?" Sabay batok niya sa lalaking kumausap kay Jean

"Naks naman 'tol!" Hiyaw rin ng isa pang lalaki. Mga magbabarkada siguro sila.

"Anyway! My partner will distribute this survey forms to all of you." Singit ni Jean nang makarecover sa pagb-blush niya. Tumingin naman siya sakin atsaka niya ko sinenyasang pumasok kaya naman ay sumunod ako sa kanya.

"We'll just wait for you to finish those, siguro ay five minutes tapos na rin 'yan." Dagdag pa ni Jean.

Hindi na ko nagsalita pa at binigyan na sila isa isa ng mga survey forms. Naghintay lang kami ni Jean sa labas. Makalipas ang limang minuto tapos na ang lahat sa pagsagot. Umalis na rin kami pagkatapos no'n.

Sunod na pinuntahan namin ay ang Civil Engineering pangatlo naman ay ang Electrical Engineering. Madali lang kami natapos sa dalawang course dahil nakipag-cooperate sila kaagad sa 'min.

Pagkatapos namin doon, ang huling pinuntahan namin ay ang room ng mga Architecture students. Kaso pagdating naman namin doon sarado, sumilip kami sa bintana pero wala namang katao-tao.

"Baka nakatambay sa labas." Sabi ko kay Jean.

Naalala ko kasi yung sinabi nung babae sa department office na kung wala sa room nila ay baka nasa labas at pag gala gala lang.

Umalis na kami doon ni Jean at naghanap na lang sa labas. Kagaya kanina maraming estudyante pa rin ang nakatambay kung saan saan. Hindi ko alam kung paano namin mahahanap ang mga hinahanap naming estudyante.

"Wait, magtatanong ako." Sabi ni Jean at iniwan na muna niya ko. Nakita kong lumapit siya sa isang babaeng may dalang puting cartolina. Maya maya pa ay bumalik na rin siya sakin.

"Nandun daw malapit sa soccer field." Sabi niya. Inaya na kaagad ako ni Jean papunta sa soccer field.

Pagdating namin doon, may mga estudyanteng nagkalat na nakaupo kung saan saan. Meron sa damuhan, sa ilalim ng puno, sa may bench. Lahat sila ay busy sa pagd-drawing tapos ang weird nga e, kasi parang may sinusukat sila sa ere gamit yung lapis nila, tapos magd-drawing ulit.

Lumapit kami ni Jean sa kanila. Hindi pa rin nila kami napapansin dahil busy sila sa kaniya-kaniya nilang mga sketch pad. Napatingin naman ako sa mga drawing nila, napahanga ako nang makita kong kapareho ng department building nila ang ginuguhit nila.

"Magsalita ka na, Yssa." Bulong sakin ni Jean, tumango naman ako sa kanya. Kinalabit ko ang lalaking malapit samin kaya agad siyang napatanga samin.

"Hi! Fourth year architecture student kayo, right?" Tanong ko sa kanya, napatango naman siya bilang sagot.

"Galing kaming MOPA, may ipapa-survey sana kami sa inyo. Pwede mo bang masabihan mga kasama mo." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Nilapag niya naman ang kanyang sketchpad sa inuupuan niyang bench at biglang pumalakpak para makuha ang atensyon ng mga kasama niya. Kaagad naman silang napalingon lahat sa ka-blockmate nila.

"May ipapa-survey daw sila sa 'tin!" Medyo nagulat pa kami ni Jean dahil sa biglaang pagsigaw nung lalaking kinausap ko. Hindi ko kasi ini-expect na malalim ang boses niya, yung mukha niya rin kasi ay maamo.

Humarap na ako sa kanila nang maayos at pinakita ang folder na hawak ko.

"Ah, yes. Actually, required kayong sumagot sa survey na 'to but don't worry it will only take five minutes to—," napatigil ako sa pagsasalita nang may makita akong familiar sakin.

Nakaupo siya sa ilalim ng puno, may hawak na sketch pad at lapis. Nakatuon ang atensyon sakin, halatang nakikinig.

Si Flynn. Yung regular customer sa coffee shop namin. So, totoo nga dito rin siya nag-aaral sa university. Fourth year architecture student. Hmm, intere—

"Uy, Yssa." Napalingon ako kay Jean, ngumuso naman siya sa harap niya at para sinesensyan ako na tumuloy sa pagsasalita.

"Ay, oo yun nga five minutes niyo lang 'to sasagutan." Pagkatapos kong sabihin 'yon, binigay ko na kay Jean ang folder at siya na nag-distribute sa kanila.

Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nagbabasa nung survey form na binigay sa kanya ni Jean. Nakita kong lumingon siya sa kanyang katabing lalaki tapos lumingon ulit sakin, blangko pa rin ang expression niya.

Tinaasan ko naman siya ng isang kilay nang makitang nakatingin pa rin siya sakin tapos ay iniwas naman kaagad.

Pagkatapos ma distribute lahat sa kanila ang mga papel, nagumpisa na silang magsagot. Naghintay lang kami ni Jean na matapos sila.

Pero habang busy ang iba sa pagsagot ng survey, napapansin ko ang panay sulyap ni Flynn sa gawi ko, pati na rin nung katabi niya pang lalaki. Kung tinitingnan ko naman siya iniiwas kaagad.

"Pwede ba ko makahingi ng maliit na papel, tsaka ballpen?" Tanong ko sa lalaking kinausap ko rin kanina.

Tumango lang sya tapos nagpunit ng maliit na papel sa sketch pad niya, binigay niya sakin atsaka kumuha rin ng ballpen sa bulsa ng kaniyang bag tapos binigay rin 'yon sakin.

Nagsulat ako saglit pagkatapos ay binalik ko na sa lalaki yung ballpen niya.

Nang matapos sila, kinuha na rin namin ni Jean ang mga papel. Nagpasalamat kaming dalawa sa kanilang lahat. Pero bago pa kami makaalis, kinalabit ko ulit yung lalaki.

"Last na lang, pwede mo bang ibigay 'to sa lalaking nakaupo doon sa ilalim ng puno." Sabi ko sabay bigay ko sa kanya ng maliit na papel na hawak ko.

"Sino si Flynn o si Gio?" Tanong niya sakin. Gio pala ang pangalan nung katabi niyang panay rin ang sulyap sakin.

"Kay Flynn." Diretsang sagot ko. Tumango lang ito tsaka tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Tara na, Jean." Sabay hila ko kay Jean papaalis doon.

"Ano 'yun?" Takang tanong niya. Nakita niya kasi yung pagbigay ko ng maliit na papel sa lalaki.

"Secret." Nakangising sabi ko.

"Malanding 'to." Sabay tawa ni Jean. Umangkla lang ako sa braso niya.

Nang medyo nakalayo na kami doon sa soccer field, napalingon ulit ako kay Flynn. Kahit na medyo malayo, nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya habang nakatingin sa maliit na papel na pinabigay ko sa kanya.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko.

I got you there, Flynn.

~•~

A/N: This chapter is kinda too long :< Please vote and comment if you like this chapter, xoxo.

-tan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro