Chapter Fifteen
Nagising ako sa tunog ng alarm clock, kaagad ko itong inabot mula sa side table ko atsaka ito pinatay.
Alas sais na ng umaga.
Nag-inat ako ng aking katawan pagkatapos ay bumangon na mula sa pagkakahiga ko. Kaagad ko ring inayos ang magulo ko na namang kama.
Pagkatapos kong ihanda ang susuotin kong uniform, dumiretso na ako sa banyo. Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago maligo.
Napatingin naman ako sa salamin habang nagsisipilyo at sinuri ang buong mukha ko. I have this heart-shaped face, with two soft-arch brows. Many people like my hazel brown eyes, and my long eyelashes. May katangusan rin ang ilong ko pero ang pinagmamalaki ko na maganda sa lahat ay ang aking pinkish baby lips.
Pagkatapos kong magsipilyo ay kaagad na akong naligo. Halos dalawampung minuto ang inabot ko sa pagligo, alam ko na kung bakit palaging sinasabi ng mga nakakilala sa 'kin na ang kupad kupad ko kumilos.
I stepped out of the bathroom para magpalit na ng aking uniform. Pagkatapos kong magbihis hindi na ko masyadong nag ayos pa, nagpulbo lang ako at naglagay ng konting red cherry liptint.
Kinuha ko na ang aking tote bag mula sa couch atsaka na lumabas ng aking kwarto. As usual ay hindi ko na naabutan si mama pero meron naman siyang iniwan na almusal sa lamesa kaya kumain na ko.
Nang matapos na ako sa pagkain ko ng almusal, chineck ko na lahat ng bintana kung nakasara. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang main door pati na rin ang gate namin.
Nag-umpisa na akong maglakad paalis sa bahay. Balak ko rin na dumaan muna sa coffee shop dahil maaga pa naman bago mag-umpisa ang first subject namin.
Ilang hakbang na lang papuntang coffee shop nang may nakita akong isang familiar na itim na sports car ang nakaparada sa labas nito.
Binalewala ko na lang ang magarbong sasakyan at pumasok na lang sa coffee shop. Naabutan ko naman si mama na nag-aayos ng mga cake at cupcake sa display case, si Rina na nagmo-mop ng sahig at si Ate Joyce na abala sa may coffee machine.
Napatingin tingin ako sa loob ng coffee shop, medyo marami rin ang nagka-kape at kumakain sa loob. Ngunit napako ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa isang sulok ng shop. Nakasuot rin ito ng uniform ng university namin. Tahimik itong nagd-drawing sa sketchpad na hawak niya habang may kape na nakapatong sa kaniyang lamesa.
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Unti-unti ko ring narinig ang paglakas ng tibok ng puso ko.
What the hell... is wrong with me? Noong isang gabi ko pa 'to nararamdaman, simula nung nagsabi lang naman siya ng 'good night' sa 'kin na may kasamang ngiti.
I know what are the meaning of these signs... It's a sign when you're starting to like someone. Hindi na bago sa 'kin kasi naramdaman ko na rin naman 'yan noon kay Lance.
But seriously? Kung gusto ko si Flynn, parang ang bilis naman yata... I don't even know him that well. Besides, alam kong hindi pa ako masyadong nakaka-move on sa ex-boyfriend ko.
I think it's just a mere attraction. Masyado kasi siyang gwapo e. Aaminin ko rin na nababaitan ako sa kaniya.
"Yssa!" Kaagad kumawala ang tingin ko kay Flynn nang marinig ko ang boses ni mama.
Mabilis akong napailing para balewalain ang kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Lumapit naman ako kay mama na nasa counter atsaka ako humalik sa pisngi niya.
"May pasok ka pa ah, bakit ka nandito?" Tanong ni mama sa 'kin.
Napakamot naman ako noo ko kahit na hindi naman makati, "Ah, napadaan lang ma," sagot ko sa kaniya.
"Kinain mo ba ang almusal na nasa lamesa?" Tanong ulit ni mama habang nakatungtong ang dalawang braso niya sa may counter.
"Yep, ininom ko pati yung gatas." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Oh, ano ba oras pasok mo?" Tanong na naman niya ulit.
"Seven-thirty." Napatingin naman ako sa aking wrist watch, "Uh... seven-fifteen na, ang bilis naman ng oras," dagdag ko matapos kong i-check ang oras.
"O'sya sige na, pumasok ka na bago ka pa ma-late," sabi ni mama sa 'kin pero napako ang tingin niya sa isang direksyon kaya pati ako ay napatingin rin.
Automatic naman akong napasuklay ng buhok ko nang makita ko si Flynn na papalapit dito sa counter habang may dala dalang sketchpad at lapis.
"Flynn, hijo." Nakangiting tawag sa kaniya ni mama nang makalapit siya sa harap ng counter. Pa-simpleng napatikhim naman ako at umiwas ng tingin sa kaniya.
"I'll get going, Mrs. Ana. Thank you for the free breakfast," rinig kong sabi ni Flynn kay mama.
Kaagad naman akong tumingin kay mama habang nakataas ang isang kilay ko.
Free breakfast? Seryoso ba siya...
"Naku, wala 'yon Flynn. Kulang pa nga 'yon kesa sa ginawa mong paghatid kay Yssa sa bahay." Nakangiti pa ring saad si mama.
Isa pa 'yan, sinabihan ko si mama tungkol sa paghingi niya ng favor kay Flynn para puntahan ako sa nightclub. Nakakahiya kaya 'yon lalo pa't nalaman ko na hindi naman pala nito intensyon magpunta doon para maki-party. Pero sabi ni mama, hindi naman niya pinilit si Flynn na puntahan ako. Ang totoo nga daw ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang favor ni mama.
And it's kinda... weird for me. Kasi hindi niya naman ako kilala, at hindi ko rin siya gaanong kakilala. Siguro ay nahihiya lang siyang tanggihan si mama.
"Teka, papasok ka na ba? Sabay na kayo ni Yssa, papasok na rin naman kasi siya." Gulat akong napatingin kay mama nang marinig kong ang sinabi niya.
"Ma!" Pag-apela ko sa kaniya kaya napatingin rin siya sa 'kin na nakangiti pa rin, pinanlakihan ko naman siya ng mata.
Gusto kong sabihin kay mama na uso ang mahiya.
"Sure..." Lumipat naman ang tingin ko kay Flynn nang marinig ko ang sagot niya.
"Oh, 'yun naman pala e. Yssa, sumabay ka na kay Flynn parang hindi naman kayo magkaibigan kung maka-react ka diyan." Natatawang saad ni mama.
Hindi ako na-inform na magkaibigan kami ni Flynn. Kasi hindi naman talaga!
"We should go," saad ni Flynn habang nakatingin sa wrist watch niya.
"S-sige, mauna ka na susunod ako," sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya sa 'min ni mama atsaka na naunang lumabas ng coffee shop.
Lumingon naman ako kay mama na nanlalaki ang mata, "Ma, seryoso ka ba? Nakakahiya kaya." Hindi makapaniwalang usal ko.
"Sige na 'nak, mabait naman 'yan si Flynn." Nakangiting sagot niya sa 'kin.
Napabuntong hininga na lang ako, "Ma, sana last na 'to, ha? Alam ko namang mabait siya. Hindi naman sa hindi ko siya gusto maging kaibigan pero ma..." napatigil ako saglit bago ituloy ang sasabihin ko, "Huwag natin abusuhin 'yung kabaitan nung tao, malay mo baka labag pala sa loob niya na kasama niya ako. Ang akin lang, ako ang bahalang kumilala sa kaniya at hahanap ng paraan para maging kaibigan ko siya." Mahabang dagdag ko, napansin kong nawala ang ngiti ni mama sa labi.
"Pasensya na anak, ang totoo ay gusto ko lang makahanap ka ng lalaking matino at may respeto sa kapwa. Yung lalaking alam kong hindi ka sasaktan." Malumanay na saad ni mama, nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko nang sabihin niya iyon.
"Don't worry, ma. Siya ang hahanap sa 'kin kung talagang siya na ang para sa 'kin," tipid naman akong ngumiti kay mama, "Pero huwag mo na ko ibugaw kay Flynn, hindi natin alam baka may girlfriend pala yung tao." Dagdag ko.
Tumango lang si mama at matipid na ngumiti sa 'kin, "Una na kami, ma. Love you." Pagpapaalam ko atsaka ako humalik sa kaniya.
Umalis na rin ako sa counter atsaka na lumabas sa coffee shop, naabutan ko si Flynn na nakatayo sa gilid ng itim niyang sports car habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa dalawang bulsa ng navy blue pants niya.
"Tara na..." usal ko, tumango lang ito bilang tugon. Medyo nagulat pa ko nang bigla niyang buksan paitaas ang kaniyang sasakyan.
Lumapit na ako atsaka sumakay doon. Aaminin kong first time ko makasakay sa isang sports car kaya nakaramdam rin ako ng pagkamangha.
Sinara na ni Flynn ang pinto ng sasakyan atsaka umikot papunta sa driver seat. Binuksan niya ang pinto at sumakay na.
"Put your seatbelt on," saad niya, kaagad ko naman iyong sinunod at sinuot ko ang seatbelt.
Mayamaya pa tahimik na pinaandar ni Flynn ang kaniyang sasakyan atsaka na kami umalis mula sa coffee shop.
Habang nasa biyahe kami, ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa loob ng sasakyan. Wala ni-isa ang nagsasalita sa 'ming dalawa.
Tumikhim ako bago ko mapagdesisyunang magsalita, "Pasensya na kung naistorbo na naman kita sa pangalawang pagkakataon..." saad ko, napasulyap naman ako sa kung anong magiging reaksyon niya ngunit blanko lang ang mukha niya kagaya ng inaasahan ko.
"Ang akala kasi ni mama magkaibigan tayo kaya ganyan siya sa 'yo makitungo. I'll make sure that this will be the last time, ayoko lang na abusuhin yung pagiging mabait mo..." pagpapatuloy ko.
Napansin ko ang pagsalubong ng dalawang kilay niya pati na rin ang biglang paghigpit nang kapit niya sa manibela.
Naiingayan na siguro siya sa 'kin kaya pinili ko na lang tumahimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng university
Tumigil siya sa may gilid ng kalsada kung saan malapit ang main gate ng university namin. Ang akala ko nga ay lalampas siya dahil palagi siyang dumidiretso sa gate ng annex kung nasaan ang building ng department nila.
Kaagad ko nang sinukbit ang bag ko sa aking balikat, "Uh, thank you..." mahinang sabi ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot.
I'm about to open the door of his sports car when he suddenly starts to talk kaya napalingon ulit ako sa kaniya.
"Are you comfortable with your friends?" Tanong niya na ikana-kunot ng aking noo.
Takang napatingin naman ako sa kaniya, "Yes, why?" Balik tanong ko sa kaniya, napatingin rin siya sa 'kin na nakataas ang isa niyang kilay.
"How about to your guy friends? Are you comfortable around them?" He asked again.
Napaisip naman ako. May lalaki naman akong kaibigan na taga ibang department, meron rin akong naging kaibigan na lalaki noong high school ako.
Tumango ako sa kaniya bilang sagot, "Bakit mo natanong?" Takang tanong ko sa kaniya.
Tinapik tapik ng mga daliri niya ang hawak niyang manibela, "How about being friends with me?" Tanong niya, ilang beses pa ko napakurap ng aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.
"Anong ibig—," he cut me off.
"I want you to be comfortable around me, so let's be friends... Yssa," he said that made me look at him in awe.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Bukod sa gusto niya akong maging kaibigan...
Ito rin ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko.
~•~
A/N: Hi! May nagbabasa pa ba nito? Kung meron, sana patuloy niyong suportahan ang storya nina Yssa at Flynn. Marami pa ang mga mangyayari sa istoryang ito kaya keep reading! :>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro