Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo, likod at puson ko. Pesteng dysmenorrhea 'to. Ang hirap hirap maging babae.

Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko. It's still five-thirty in the morning, maaga pa. Kahit na gusto ko pang matulog, hindi ko na magawa dahil marami ang masakit sakin.

Ayoko sanang pumasok ngayon dahil tinatamad ako, pero hindi pwede dahil may quiz kami sa second subject namin ngayong umaga.

Bumangon na ako mula sa kama at inayos ito. Pagkatapos lumapit ako sa may bintana at hinawi ang kurtina, napansin kong makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa ngayon ah. Sumasabay pa sa karamdaman ko, tsk.

Inayos ko ulit ang kurtina para masara nang maayos, tapos pumasok na ko sa banyo. Naghilamos muna ako ng mukha ko atsaka nag-umpisang mag-toothbrush.

Habang nagtu-toothbrush naman, napatingin ako sa basket ng mga labahan ko. Nakatumpok ang mga damit ko at ang nasa pinaka taas nito ay ang puting short na suot ko kahapon.

Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Napasabunot ako sa buhok ko saglit dahil sa hiya at nagtoothbrush ulit.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkakasabi ni Flynn na meron akong regla sa short ko. Wala sa oras akong napatakbo dito sa kwarto ko at hindi na muling lumabas pa dahil sa sobrang pagkahiya ko sa kanya.

Nalaman ko na umalis na rin naman kaagad si Flynn kahapon dahil pinapauwi na rin naman daw siya. Sus, baka nagrarason lang siya. Kaya pala biglang sumeryoso ulit mukha niya. Pero okay na rin dahil hindi naman niya ako pinagtawanan e.

Mabuti nga at sinabi niya pa sakin atleast nalaman ko kaagad. Tama, think positive lang dapat. Normal lang naman sa mga babae ang matagusan e.

Tinapos ko na ang pagsisipilyo ko atsaka na naligo. Pagtapos naman no'n ay lumabas na ko para magpalit ng uniform. Like the usual, I wear the navy blue pleated skirt na above the knee ang haba and a white blouse with a logo of our university on the right side of my chest.

Nang makapag-ayos na ko lahat, umupo muna ako sa couch at nag-scroll sa social media. Maaga pa naman, hinihintay ko kasing mag alas syete. Malapit lang naman ang university dito.

Ini-open ko naman ang aking facebook account at nag-scroll sa news feed, kapag may nakikita naman akong mga nakakatawang memes ay kaagad ko itong shini-share.

Natigil lang ako sa pagii-scroll nang makita ko ang suggested friend ko, Floyd Santiago ang profile name pero mukha ni Flynn ang nasa profile picture nito. Kahit na naka side view siya alam kong siya 'yan. Sa tangos pa lang ng ilong e.

Sikat pala 'tong si Flynn, may poser pa. Ini-stalk ko ang profile niya at nakitang puro mga naka side view lang ang picture niya. Oo na, sige na ikaw na may matangos na ilong. Halos wala ring laman ang news feed niya at kokonti lang ang mga friends. Baka nga siguro poser lang.

I just closed my facebook app nang makitang alas syete na pala. I grabbed my things atsaka na lumabas ng kwarto, pagkababa ko as usual ay wala akong may naabutan. Siguradong nasa coffee shop na si mama.

Pagkatapos kong ma-check lahat ng bintana kung nasara lahat, lumabas na rin ako ng bahay at ni-lock ang gate. Napatingala ako sa kalangitan, mas kumalimlim kesa kanina.

Tinatamad na ko bumalik ulit sa bahay kaya hindi na ko nag abalang kumuha pa ng payong. Naglakad na rin ako papaalis ng bahay.

Nang makalabas ako ng village, saktong bumuhos naman ng tuloy-tuloy ang ulan. Kaagad nabasa ang suot kong blouse dahil sa lakas ng ulan. Tumakbo na lang ako nang mabilis, at sumilong sa nakita kong tindahan.

Mas lalo pang lumakas ang ulan, konti na lang magmumukha na akong basang sisiw dito. Pumapagaspas pa naman papunta sakin ang tubig na nanggagaling sa bubong dahil sa malakas rin na hangin.

Sabi ko na nga ba, dapat hindi na lang ako pumasok. Naiinis ako, sa sarili ko, sa ulan na 'to, sa sakit ng puson ko. Lahat ng bagay kinaiinisan ko ngayon. Malas naman! Dapat pala talaga binalikan ko na lang 'yung payong e, tsk!

Nangingiyak na ko dahil sa sobrang inis ko, nang makitang dahan-dahang tumigil sa gilid ng kalsada ang isang itim na SUV tsaka binaba nito ang bintana ng sasakyan.

Automatic na napataas ang isang kilay ko nang makita kong si Flynn ang nasa loob.

Ilang sasakyan ba ang meron siya? Hindi siya halatang mayaman ah.

"Get in." Seryosong saad niya, nakatingin siya sakin habang nakatungtong ang dalawang braso niya sa steering wheel, napansin ko ring nakasuot siya ng university uniform.

Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin sa kaniya. Nanatili akong nakatayo sa ilalim ng maliit na silong, malakas pa rin ang buhos ng ulan. Mukhang matagal pang tumila 'to.

"Sabi nila, maraming babae ang nabaliw dahil nagpaulan sila kahit na nireregla sila." Tuloy-tuloy at purong tagalog na sabi ni Flynn, kaagad na nag-salubong ang dalawa kong kilay at lumingon sa kaniya.

May balak pa yata siyang ipagsigawan na may period ako. Ang talas ng bibig ng isang 'to. Lord, give me a long patience.

Sumakay na lang ako bago ko pa mabato itong mukhang mamahaling sasakyan niya.

Pagkaupo ko pa lang ramdam ko na kaagad ang malamig na aircon na nakatutok sakin. Basa pa naman ang blouse ko. Mukhang napansin niya namang nilamig ako kaya pinatay niya ang aircon.

Umalis na rin naman kami doon kaagad. Sasabihin ko sanang lumiko siya sa may coffee shop at doon na lang ako baba para makapagpalit rin ako ng damit pero mabilis siyang magpaandar ng sasakyan niya kaya nakalampas kami.

Tahimik lang kami buong byahe. Bukod sa wala akong mood dumaldal, nahihiya pa rin ako nang very slight lang naman sa kanya. Kahit na suplado siyang tingnan at napaka prangka niya magsalita, masasabi kong tama naman sila na mabait siya, slight.

"Diyan na lang ako baba sa tapat ng gate," sabi ko sa kanya nang malapit na kami sa tapat ng gate ng university. Tumila na rin ang malakas na ulan, konting ambon na lang.

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko at dire diretsong nag-drive papuntang gate ng annex.

Binabawi ko na ang sinabi kong mabait siya. Lord, give me a longer patience. Konti na lang may masasapok na po akong gwapong nilalang.

Pumasok na siya nang tuluyan sa gate ng annex pagkatapos niyang ipakita sa guard ang car pass niya.

Nag park na si Flynn sa may car park, pagkatapos ay pinatay na niya ang makina nito. Agad kong tinakpan ng dalawang braso ko ang dibdib ko nang nakita kong tumingin siya sakin.

May trauma ako sa mga manyak. Kahit na gwapo siya, may nakahanda akong pepper spray sa bag ko.

Iniwas niya rin naman ang tingin niya. May kinuha siya sa back seat tapos ay binigay niya sakin ang isang brown na paper bag.

Magtatanong sana ako sa kaniya kung para sa ano 'to, pero bigla na lang niya binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas na. Hindi man lang ako pinagsalita. Hilig niya talaga 'yung gumanyan, ma-attitude rin e.

Tiningnan ko ang laman ng inabot niya sa 'king paper bag, uniform ito na katulad ng suot ko. Hinanap naman ng mata ko si Flynn, nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno sa hindi kalayuan.

Halata namang gusto niya akong magpalit ng damit. Hindi na ko nagdalawang isip pa, nagpalit na rin ako ng uniform. Mabuti na lang at tinted ang bintana ng sasakyan niya, hindi ako makikita dito sa loob na naka-bra lang.

Sige na nga, mabait na siya ulit.

Natapos na rin ako magpalit, saktong sakto lang ito sakin. Kanino kaya 'to? Baka naman sa kapatid niya, may nabanggit kasi siya kahapon na dito rin nag aaral ang kapatid niyang babae e.

Nilagay ko ang basang uniform ko sa paper bag tapos ay kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng sasakyan niya.

Lumapit ako kay Flynn kung saan siya naghihintay.

"Thank you. Babalik ko 'to kapag natapos ko nang labhan." Nakangiting sabi ko sa kanya pagkalapit ko.

"Yeah, make sure to give it back without red stain." Ngumisi siya pagkatapos umalis na sa harap ko. Kaagad ring nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

Sa pangalawang pagkakataon, binabawi ko na ang sinabi kong mabait siya.

~•~

A/N: I've decided to make the chapters short hehe.

-tan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro