Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9: BIRTHDAY DATE?

Again, I'm sorry if may Typo and maling grammar. Di na ako nagproofread:)

CHAPTER 9: BIRTHDAY DATE?

Anong gagawin ko? Tatakbo? Hindi, e. Palapit na si tito sa akin. Hindi naman ako nanlalalaki. Kaibigan ko naman si Lance kaya bakit naman ako magi-guilty?

Napalunok ako ng sarili kong laway at lumapit na rink ay tito.

"A-ahm tito, nandito rin pala kayo?" Tumingin pa ako kay Jake na palapit na rin sa amin.

"Ikaw nga ang dapat kong tinatanong niyan. Diba may pasok pa kayo? Alam ko si Jake hindi na talaga pumasok."

"Dad, halfday kami." Sagot ni Jake sa daddy niya nang tuluyan itong makalapit sa amin. Sinungaling talaga siya kahit kalian.

"Gusto mo bang sumama sa amin o baka may kasama ka?" Lumipat ang tingin nilang dalawa kay Lance na ngayon ay nakikitawa na sa mga kaibigan niya sa isa pang table. Hindi talaga niya ako hinintay at hindi talaga tumingin dito! Paano pala kung hindi ako sumunod sa kanya sa loob? Papabayaan na lang niya ako sa labas?

"S-sasama po." Muli akong sumulyap sa kinaroroonan ni Lance. Mukhang hindi naman niya ako hinahanap.

"Kasama mo na naman siya." Pabulong na tukoy ni Jake kay Lance. Halata sa boses nito ang pagkainis pero ano bang magagawa ko?Wala namang masama kung sumama ako sa kaibigan.

"Isinama niya ako kasi iti-treat daw niya ako dahil birthday ko." Umiling si Jake na parang ayaw pa rin niiya ang narinig niya. "Hindi naman siguro masama kasi kaibigan ko naman siya. Hindi naman talaga dapat ako sasama." Rason ko pa kaya hindi na ito nagsalita pa tungkol kay Lance.

Masaya naman kasama ang parents ni Jake. In fact, legal naman kaming dalawa sa mga magulang namin. Basta ba hindi namin pareho napapabayaan ang grades namin. Iyon naman ang ibinilin nila.

Habang kumakain ay napatingin ulit ako sa table nina Lance. Wala na sila doon kaya napasimangot ako. Nag-aalala kasi ako kasi baka mamaya ay wala na ako makasabay pabalik sa school. Hindi naman pwedeng abalahin ko pa ang mga magulang ni Jake.

Nakita ko lang sina Lance sa labas at may kasama na itong magandang babae. Kitang-kita sa labas dahil salamin lang ang pader ng restau sa bandang harapan.

"May problema ba?" Agad akong napatingin kay Jake na parang nag-aalala sa akin.

"W-wala naman." Ngumiti pa ako dahil hindi ako makabawi sa pagkabigla sa nakita ko. Hinalikan ni Lance yung babae! Ewan ko kung dahil sa layo ba nila kaya hindi ko makita masyado at nagkakamali lang ako o talagang hinalikan niya? Pero ang sabi nya wala siyang girlfriend?"

"Miyuki?"

"H-hah? Sorry... ano nahilo lang bigla." Palusot ko na naman.

"Mom, as i was saying... Sasamahan ko na lang si Miyuki. Birthday niya ngayon kaya sana..."

"Kaya ba kanina mo pa gustong umalis?" Mapanuksong tanong ni tita kay Jake. "Fine, i'll let you guys have your date but, siguraduhin niyong maaga kayong uuwi. And make sure na mahahatid mo si Miyuki, alright?"

"Yes, ma'am." Masiglang tugon ni Jake sa ama bago nito hinawakan ang kamay ko. "let's go?"

"Ngayon na?" Tumingin ako kina tita and tito na ngayon ay nakangiti naman sa amin. "Mauna na po kami." Paalam ko sa kanila.

Bago kami umalis sa restaurant ay kinausap muna ni tita si Jake. Maayos naman kaming nagpaalam pagkatapos. Nang makalabas kami ay nakita naman namin kaagad sina Lance. Nakasakay ito sa motor niya at nakasuot ang helmet. Ang isang kaibigan naman nito ay kakatanggal lang ang helmet niya.

"Magpatalo ka naman Lance!" Angal ng kaibigan nito.

"Pwede ba?" Nagpamaywang ang kasama nilang babae, "Huwag na nga kayong magkarera. Nabubulok ako sa kahihintay sa inyo, e. Naiinip na ako Lance." Hinawi pa nito ang buhok niya bago niya kami mapansin. "Oh." Ngumiti ito na para bang kilala niya ako.

"Lance." Bigla akong kinabahan nang tawagin ni Jake si Lance.

"Bakit?" Walang ganang tanong naman ni Lance.

"Salamat sa pagsama sa girlfriend ko rito."

"Ah. No prob." Pagkasabi niya niyon ay hindi na niya ulit tinignan si Jake.

"Hi." Masiglang bati naman ng babae sa amin. "I'm his best friend, Ales." Pakilala nung babae. Hindi ko maiwasang isipin ang nakita ko kanina. Nagkiss ba sila? Magbest friend pero naghahalikan?

"N-nice to meet you, I'm Miyuki. And siya naman si Jake." Turo ko sa kasintahan ko.

"So, ikaw yung sadistang sinasabi ng best friend ko. Yung funny girl daw?" funny girl? Sadista? Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Lance. Nasabi niya talaga yun? At talagang yung mga walang katuturang bagay ang kinukwento niya sa kaibigan niya? "Anyway, aalis na kami." Ngumiti pa ito saka umangkas sa motor ni Lance.

Napangiwi na lang ako dahil sa kasinungalingang sinabi sa akin ni Lance kanina. Hindi naman pala totoong ako ang unang babaeng inangkas niya. May best friend siyang umaangkas sa motor niya. Sinungaling talaga.

"Tara na rin?" Nakangiting umakbay sa akin si Jake. Umalis na rin kami at nagpunta sa mall para manood ng sine.

Hindi ko ma-enjoy ang movie dahil naco-cornyhan na ako sa palabas. Kasi naman panay ka-cheesyhan na lang ang sinasabi. Parang di naman mangyayari. Hindi naman ako bitter, may boyfriend naman ako pero sadyang ang corny na lang kasi talaga.

After naming manood ng sine ay kumain na muna kami sa isang fastfood. Meryenda lang naman kasi marami naman kaming nakain kanina.

Nagkwentuhan lang kami ni Jake tungkol sa movie na pinanood namin kanina. Maski pala siya ay nacornyhan. Pinagtatawanan na lang tuloy namin ang mga linyahan kanina sa pelikulang pinanood namin.

Lumabas na kami matapos kaming kumain at sa paglabas namin sa kainan ay nakita na naman namin sina Lance kasama ng dalawa pa nitong kaibigan.

Agad na tumakbo sa amin ang best friend nitong si Ales. Sinundan naman siya nung dalawa pa.

"Hi, nasabi ni Lance na birthday mo raw." Nakangiting sabi ni Ales sa akin. "Happy birthday." Bati pa nito.

"Salamat."

"Nanood kayong movie?" Naglalakad na kaming pareho nang tanungin niya iyon. Kung saan kami pupunta? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ngayon ay nasa likuran lang namin yung tatlong lalaki. Yung lalaki kanina sa motor at sina Jake and Lance.

Habang naglalakad kami ni Ales ay kung anu-ano lang ang napagkukwentuhan namin.

"Ang cute mo talaga. Swerte sa'yo niyang si Jake." Sabi nito sabay tingin sa likuran namin.

"Kayo nga ni Lance ang maswerte sa isa't isa." Nakangiti kong sabi. "Ang sweet niyo nga, e."

"Eew! Seryoso ka dyan?"

"Nagkiss nga kayo, diba?" Nagtataka kong tanong rito.

"Kiss?" Kumunot ang noo nito at natigilan sa paglalakad. Medyo mas nauuna kami kesa sa mga lalaki. Ang layo na ng agwat namin sa kanila.

"K-kanina?" Patanong kong sagot. "Diba? Nagkiss kayo kanina? Nakita ko." Sigurado ako!

"Ah! Baka nung tinatanggal niya yung nalagay sa mukha ko. Hindi kami nagkiss. Grabe yang imagination mo. Pwede ka ng writer." Natatawa niyang sabi sa akin. "Alam mo bang bihira makipagkaibigan 'yang si Lance? Tayo nga lang ang kaibigan niyang babae, e. Akala kasi ng karamihan ay masungit at mayabang siya."

Pero masungit at mayabang naman kasi talaga siya.

Nang pumasok kami ni Ales sa isang shop ay nagpaalam na muna si Jake sa akin. Magsi-CR lang daw siya sandali.

Ang napansin ko lang kay Ales ay hindi na niya sinusukat ang mga nagugustuhan niyang damit. Basta na lang niya ito ipinapahawak sa saleslady at sinasabing kukunin niya iyon. After niya iyong bayaran ay sakto namang may tumawag sa kanya. Nakangiti pa nga itong sumagot sa tawag.

"Hey guys, mauna na ako. Happy birthday again, Miyuki." Bineso-beso ako ni Ales pagkatapos ay umalis na siya. Ang kasama naming lalaki kanina ay bigla na ring nawala.

"Si Rowie?" Tanong sa akin ni Lance. Siguro ay ang kaibigan niya.

"Diba kasama mo?" Tanong ko pero napakamot lang siya.

"That asshole." Kahit binulong niya iyon ay narinig ko pa rin. "Anak ng siopao talaga yung taong yun." Naiirita pa nitong sabi.

"Nanganganak yung siopao?" matalim ang mga mata nitong tumingin sa akin kaya naman hindi na ulit ako nagsalita.

"Yung cellphone ko nasa kanya." Napatingin ako kay Lance dahil sa kakasabi lang nito. "What?" Tanong nito sa akin nang nahalata niyang nakatingin ako sa kanya.

"Yung cellphone ko." Saad ko.

"What about your phone?" Nakakunot nitong tanong sa akin.

"Wala sa akin yung phone ko." Lumabas ako sa shop at tumingin sa mg anaglalakad na tao. "Si Jake! Hindi ko matitext si Jake." Pero imbes na makakita ako ng pag-aalala sa mukha ni Lance ay umiling lang ito at parang sinasabing ang hopeless ko na talaga.

Nakakainis talaga 'tong tao na 'to! Paano ako ngayon makakauwi kung hanggang ngayon ay wala pa rin si Jake?

Kinapa ko ang bulsa ko pero wala doon ang wallet ko. Agad akong nagpanic at binuksan ang bag ko. Great.

"Hindi ko rin dala ang wallet ko." Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga ni Lance sa tabi ko.

"Then I guess, I'll be sticking with you for awhile."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #book