Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6: He called me, what?


CHAPTER 6: He called me, what?

"So, are you...uhmmm."

"What?" Parang naiinis na si Lance sa akin.

"W-wala. Nevermind." Sabi ko na lang dahil malay ko ba kung straight naman pala si Lance. Edi awayin pa niya ako.

"Ano nga? Ayoko sa lahat yung may sasabihin pero hindi naman pala itutuloy." Napangiti lang ako dahil ang cute niyang mainis. Lalo na't naniningkit yung mata niya.

"And i'm not joking." Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang ngiti ko. Sabi ko nga, tatahimik na lang ako at hindi ko na lang siya asarin.

Ang hirap naman kasing paniwalaan na ang loner na katulad niya sa school ay may best friend na babae. Pambihira! Mabuti pa nga siya at may kaibigan, ako wala talaga!

"Lance, anong hobby mo?"

"Soccer, reading, sleeping."

"Yun lang?"

"Yeah."

"What about DOTA? Ang mga lalaki kasi ang hilig doon."

"Not all. It's a Devil Organization Training Activity afterall."

"You're weird. Alam mo bay un?"

"I detest computer games, Sharlot." Para akong kinilabutan bigla nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Kahit naman yata ilang beses kong sabihin sa kanya na ayaw kong magpatawag ng Sharlot ay gagawin pa rin niya.

"Bakit ayaw mo?"

"Ayaw kong masira ang mata ko. I'm more a reader and player than a gamer."

"Sabi ko nga." Nakakasira din naman ng mata ang pagbabasa ng libro. Dami pang palusot. Siguro lagi siyang talo sa dota?

Nagiging magaan na rin ang pakiramdam ko tuwing kasama si Lance. Hindi naman super pero at least sa school, maliban kay Jake ay siya ang nakakausap ko madalas.

"Lance, pwede kitang maging kaibigan?" Napatingin siya sa akin at parnag nagulat dahil sa tanong ko sa kanya. Mukhang hindi nga makapaniwala, e. Sarap tuloy kurutin ng pisngi! Pero tiis Miyuki, hindi pwede. Masakit ka pa naman mangurot.

"Hmmm." Aba't talagang pinag-isipan pa! "Ayoko."

"Oka---teka...ano? Ayaw mo akong maging kaibigan?"

"Ayoko." Pumikit siya at sa kabilang side naman siya humarap.

"At bakit ayaw mo?" Sinubukan kong tarayan ang boses ko pero hindi ko alam kung ubra bas a kanya.

"Lumalayo lang ako sa gulo." Sagot niya. Dahil pa rin ba kay Jake?

"Hindi 'yun, swear!" Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang tanda na nagsasabi ako ng totoo.

"Ayaw pa rin."

"Why?" I said almost pouting. Kasi naman, nakakalungkot na rin na graduating na nga ako pero wala naman akong kaibigan. Sino na lang ang magsusulat sa akin pag retreat?

"Ang kulit."

"Sige na kasi, please?" Pinaliit ko pa ang boses ko para maging cute lang. Ewan ko na lang kung hindi pa effective.

"Ayoko nga." Muli akong ngumuso dahil sa pag-reject niya sa pakikipagkaibigan ko sa kanya.

"Siguro insecure ka sa beauty ko kaya ayaw mong makipagkaibigan sa akin?" Humalukipkip ako at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla itong umupo at hinigit ako papalapit sa kanya. Nakakailang at parnag bumibilis ang heartbeat ko. "Uhh, Lance?" Medyo lumayo ako kaunti pero mas inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

"What are you trying to say?"

"N-nothing. W-wala naman talaga." Sinubukan ko ulit lumayo pero napasandal na ako sa puno.

"I'm not gay Sharlot and I can prove that to you. I can kiss you here," Ngumisi ito bago nagpatuloy "right now. And I don't give a fck if you have a boyfriend." Napalunok ako at tumango. Ewan ko nga kung bakit ako tumango! Nalunod na lang ako bigla sa mga titig niya sa akin.

"Di ko naman sinabi---"

"Pero yun ang pinapalabas mo." Lumayo na ito kaya naman nakahinga na ako nang maluwag. "Fine, I'll be your friend. Happy?" Sunod-sunod ang pagtango ko at lihim akong ngumiti nang tinalikuran na niya ako at muling nahiga.

Ang tahimik na namin at napansin ko na naman yung nakasulat sa puno. Ang childish niya dahil talagang inukit pa niya ang pangalan niya rito.

"Kailan mo inukit yang pangalan mo rito?"

"When i was seven."

"Iuukit ko rin ang pangalan ko."

"No!" tumingin pa siya sa akin at umiling. "Don't. This place is mine. This tree is mine. Go find your own tree." What the heck? Seriously?

"Damot!" Maka angkin naman siya ng puno! Kala mo naman dinidiligan! NABUBUHAY YANG PUNO KAHIT DI MO DILIGAN! Kaloka siya. "Iyong-iyo na! Kainin mo pa lahat ng sanga niya!" Sa inis ko ay tumayo ako at pumunta sa kabilang puno. Katulad ng puno ni Lance ay may nang-akin din dito.

"I'm still in love with you."

"Really?"

Yeng tetee? Petewe teng deleweng ete!

Inikutan ko yung puno at nakita kong may mga nakasulat pa rin dito.

"I'll take you away from her!"

"Lance!" tawag ko sa kanya. "nabasa mo na ang mga nakasulat dito?"

"Yeah." Muli na lang akong lumapit sa kanya dahil mukhang inangkin naman na ang lahat ng puno. Kawawa talaga yung puno dahil sa vandal na ginawa nila.

"Nakailang girilfriend ka na?" Random kong tanong.

"Close ba tayo?"

"Friends na tayo, ah."

"Tatlo."

Sabi ko nga. Gwapo naman siya kaya may karapatan na makatatlong girlfriend sa taon namin ngayon.

"Bakit ka nagtransfer?"

"I dropped out."

"Anong kwento ng book na binabasa mo?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Gee! Napansin pa! Dapat sagot na lang siya nang sagot, e.

"Last na lang! Kailan mo naging bestfriend si Ales?" Tumingin siya sa akin tapos ngumiti siya. NGINITIAN NIYA AKO! HIMALA NA BA ITO?

"Noong nagbreak kami." Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Paano niya magiging best friend ang taong hiniwalayan na niya? Ex niya ang best friend niya! Wala ba silang ilangan?

Kinaumagahan ay may pasok na kami. Physics ang subject namin at naiinip na ako. Bumabaksak na ang mga mata ko nang mapatingin ako sa bandang kanan ko. Tulog si Lance. Mabuti pa siya ay malayang matulog, paano kapag tinatawag siya para magrecite ay nakakasagot siya! Paano na lang ako kapag ako ang natawag?

Muli ko siyang tinignan ang napatingin ako sa pisngi niya. Ang puti-puti niya kahit pa nabababad siya sa araw. >o<

Ang unfair talaga!

Dapat ko siyang gisingin. Hindi siya pwedeng matulog dahil wala akong kausap! Naiinip na ako! Sinubukan ko siyang sundutin pero hindi talab sa kanya. Medyo niyugyog ko pa pero wala talaga! Ugh! Goodness!

Last resort na talaga.

Humawak ako sa braso niya at bigla ko siyang kinurot.

"SIOPAO! Aray naman! Sadista ka ba?" napalunok ako. Napatingin ako sa teacher namin. Napatingin ako sa mga kaklase namin. At lahat sila ay nakatingin sa amin.

"Napakababaeng tao, sadista. Tuwang-tuwa ka bang saktan ako?" narinig ko pang nagmura siya pero mahina lang ito at sapat lang para marinig ng mga nakaupo malapit sa kanya.

And what did he call me? A sadist? Goodness talaga!


***

A/N: Again, kung may mga mali man ako na nalagay dyan, pasensya na. Di na ako nagababasa ulit after ko matapos ayusin, e. Gumagawa pa kasi ako ng update sa Hello, Neighbor (READ IT!!!)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #book