CHAPTER 5: He's a what?
CHAPTER 5: He's a what?
Sinabi sa akin ni Jake na kinausap na niya si Lance. Lance told him that everything's okay and didn't let Jake apologize.
"Spoiled kasi siya." Sabi ko habang ngumunguya. Kasama kong kumain ngayon si Jake bilang pagbawi man lang daw niya sa nagawa niyang kasalanan.
"isang araw ka lang nagpunta sa kanila pero ang dami mo ng alam sa kanya." Nagpout si Jake kaya hindi ko napigilan ang sarili kong kurutin siya. Nanggigil talaga ako tuwing ginagawa niya iyon. "Ayan ka na naman."
"Ang cute mo kasi, e. Alam mo naman nanggigigil ako tuwing ginagawa mo iyon."
After naming kumaing dalawa ay inihatid na niya ako sa classroom. Tumunog na rin kasi ang bell kaya kailangan ko ng pumasok.
"Good luck sa quiz mo."
"I'll do my best!" nakangiti kong sabi sa kanya bago niya ako hinalikan sa pisngi ko.
Pagpasok ko sa room lahat na naman ng mga mata nila ay nakatingin sa akin. Tanging sina Lance at Gail nga lang yata ang walang pakialam dahil si Gail ay nagbabasa ng notes niya at si Lance naman ay nakadukmo ang ulo sa lamesa.
Kaming tatlo pa talaga ang magkakalapit gayong kaming tatlo ang mga walang kaibigan dito sa klase na ito. Si Lance kasi mukhang walang balak makipagkaibigan sa mga lalaki.
"Gusto mo ba siya?" Napatingin ako kay Gail dahil sa tanong niya. Ako ba ang kausap niya? "I'm talking to you. And i'm pertaining to him." Turo niya kay Lance kaya napangiwi ako.
"Hindi ko siya type. Saka may boyfriend ako." Bulong ko lang dahil baka kung sino na namang bitchesa ang makarinig sa akin tapos aawayin na naman ako.
"As in? Kung tignan mo kasi siya parang may admiration."
"Oh, please. Never, Gail."
"Okay." She said in defeat saka binasa na muli ang kanyang notes. Admiration pa ang gusto. Gwapo lang si Lance pero hindi ko naman gusto.
Lumipas ang isang linggo at wala namang improvement sa ugali ni Lance. Tahimik lang siya at sinusungitan ako. Tapos habang tumatagal ay pakonti nang pakonti pa ang mga sagot niya. Mahaba nga lang yata ang sagot niya tuwing natatawag siya sa recitation. Madalas kasi itong tulog kaya madalas din siyang gisingin ng teachers para mag-recite. Ang hindi ko lang gets ay, never ko pa naman siya nakitang nakinig talaga pero kung sumagot siya parang alam niya from cover to cover ang mga libro. Especially, physics.
Anyway, today is Saturday kaya naman napagpasyahan kong maglakad-lakad lang muna. Naiinip na kasi ako sa bahay at wala naman akong assignment na gagawin. Jake is busy, too. Ang sabi niya ay may gagawin siya pero he never mentioned kung ano man iyong gagawin niya. I don't want to ask din naman dahil hindi rin naman niya sasabihin sa akin. His Saturdays were never spent on me, anyway.
Nang makarating na ako sa soccer field ay napansin ko ang mga taong nanonood. Madalas may practice games dito pero never kong pinanood. Madali kasi akong mainip, tanging basketball nga lang ang pinapanood ko dahil kay Jake.
"Kyaaah! Number ten aylabyuberimats!" Tumigil ako sa paglalakad ng diretso at nagpasyang manood. Wala naman sigurong mawawala kung ngayon ay manonood naman ako ng isang sport na hindi related kay Jake.
"OMG NUMBER TEN!" sigaw pa ng isa pang babae. Sa totoo lang super daming nanonood ngayon kumpara dati. Dati kasi may space pa ako, pero ngayon wala talaga!
"TEN! CRUSH NA CRUSH NA KITA!" ano ba namang mga babae ito? Wala ba silang makitang ibang lalaki? Panay si number ten na lang?
"Anong meron?" tanong ko sa babaeng sigaw nang sigaw ng number ten. Isa pa to. Ang sarap pektusan sana kaso kailangan ko ng information! Wala kasi talaga akong makita. Ang tatangkad ng mga nasa harap ko.
"Soccer. Practice game lang pero ang gagaling nila lalo na yung may jersey number ten." Ten again. Kung sino mang ten 'yan, masyado na akong naiintriga sa kanya.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAH GOAL NA YAN!" Halos maalog na yata ang utak ko dahil sa sabay-sabay na tilian ng mga babae dito ngayon. Gusto ko na nga sanang umalis kaso naipit na ako gawa ng iba pang sumisiksik. Great!
Tulak pa. Apak pa sa paa. Dang it! Ni hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa pinakaharapan nila.
"Ouch." Humingi ako nang paumanhin dahil sa nasiko ko.
"Go number ten!" This time ay malinaw na sa akin ang mag hitsura ng player. Agad kong hinanap ang number ten na sinasabi nila at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Go number 16!"
"Mas magaling si ten!"
I blinked several times just to make sure that i'm not seeing things. But this is real! He's the real thing!
"And goal by Lance Mariano!" Akala ko ba practice game lang ito? Bakit may commentator? At bakit nandyan si Lance? Bakit siya pinagtitilian ng mga babae?
Namamangha ako. Hindi ko maalis ang mga titig ko sa kanya, yung mga pagsipa niya ng bola, ang pag-gulo ng mga kasama niya sa buhok niya, ang mga ngiti niya. Hindi ko maalis ang mga nakapako kong tingin sa kanya.
Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siyang nakangiti at nakikipagtawanan sa mga kasama niya. So this is the real Lance Mariano.
"NUMBER TEN!!!" sabay-sabay na tili ng mga katabi ko dahilan kung bakit napatingin si Lance sa lugar namin. Parang nagulat ito nang makita ako pero agad naman siyang ngumiti na dahilan kung bakit mas lumakas ang tili ng mga katabi ko. "Oh my gulay! Nginitian niya tayo! Ang sabi nila hindi yan ngumingiti sa fangirls niya!"
Napahawak ako sa dibdib ko. Bumilis ba ang tibok nito? Oh, no. Nashock lang ako dahil sa pagngiti niya. Alam kong sa akin siya nakatingin at alam kong ako ang nginitian niya.
After ng practice game nila may ilang nanood ng game na lumapit sa players at nagpakuha ng litrato. Si Lance, hindi ko talaga mapigilang hindi mapatingin kay Lance kahit dito sa malayo. Napansin ko nga na wala siyang pinagbigyan sa mga lumapit sa kanya. He's definitely a snob.
Umupo ako sa ilalim ng puno para may sandalan ako at para mapanood ko ang mga ulap. Sa wakas ay tumahimik na dito sa field.
"Are you my stalker?" Inirapan ko siya nang makita ko siya sa harapan ko.
"Ako pa ngayon?" Mahina kong sabi. "Ikaw siguro ang stalker, nakita mo na ngang nandito ako tapos lumapit ka pa."
"I always go here after practice, my favorite place to have a good rest." Hindi ako naniniwala sa kanya. "Hindi ka naniniwala?" Umiling ako dahil totoo namang hindi ako naniniwala sa kanya. "Look." May itinuro siya sa puno kaya naman tumayo ako para lang tignan ito.
LANCE MARIANO'S PROPERTY
Don't sit here. Don't sleep here.
My territory, mine alone.
"Vandalism. Alam mo bang bawal 'yan?" Ang damot. "At paano naging sa'yo 'to aber?"
"Self-declared, obviously." Ngumisi ito at humiga sa damuhan.
"Government property ito, e! Makaalis na nga, isaksak mo sa baga mo yang puno." Pagsusungit ko pero nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Huwag ka munang umalis. Dito ka muna. Boring, e." Muli akong umupo dahil sa request niya. Wala pa rin naman kasi akong gagawin.
"Uhm, okay na ba yung pasa mo?"
"May nakikita ka pa ba?" umirap ako dahil sa sinabi niya. Mahulugan sana siya ng higad.
"Ang sabi ni Jake ay hindi mo raw siya hinayaang magsorry."
"Because he's still a bastard."
Matagal kaming natahimik na dalawa at nabasag lang ang katahimikan nang tumunog ang cellphone niya.
"What now?" Iritableng tanong nito sa kausap pero bigla naman itong tumawa nang malakas. Yes! Tumawa talaga siya! Magugunaw yata ang mundo "Nah, he won't mind it though. Ask him a favor, he'll do it. Willing even." Huminga ako nang malalim dahil ganyan ba sila talaga? English kung English! Jusko! Kung ako yan mali na grammar ko ngayon pa lang.
"I miss you, too. See you later, Ales."
"Girlfriend?" Tanong ko nang matapos na siya sa pakikipag-usap.
"Nah. Best friend."
"Babae ang bestfriend mo?" Tumango siyang nakangiti. Grabe. Kinikilabutan yata ako sa nakikita ko. Tumawa at ngumiti ang isang Lance Mariano dahil sa best friend nitong babae.
Hindi kaya bading siya? Bihira ang mga lalaking may best friend na babae. Kaya ba hindi siya lumaban kay Jake? Omg! Bagong discovery!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro