Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4: HIS FAMILY

CHAPTER 4: HIS FAMILY

Pagpasok ko pa lang sa gate nila kanina ay namangha na ako pero mas namangha pa ako nang mapasok ko ang loob ng bahay nila. Ngayon alam ko na kung bakit magaspang ang ugali ni Lance. May karapatan naman kasing maging mayabang at maangas. Napag-alaman ko rin na totoong may kapatid siya. Napansin ko kasi ang ilang litratong nakaframe at masasabi ko ngang unfair ang genes nila. Ang gaganda nilang nilalang. Hindi sila karapat dapat sa mundong ito!

"Uhm Lance, pwede na ba akong umalis? Wala naman sila, e." Tanong ko makalipas ang isang oras naming paghihintay.

"No, wait for them."

"Pero malaki ka na! Kayang-kaya mo nang magpaliwanag sa kanila."

"Sino ang sa tingin mo ang may gawa nito sa akin?"

"Boyfriend ko." Mahinang sagot ko sa kanya. I sighed in defeat. Kinuha ko na lang yung cold compress na nakapatong sa lamesa at inilagay sa mukha niya. Fine, ako na rin gagawa nito kasi kasalanan ng boyfriend ko. Ako na lang.

"Ouch! Huwag mong diinan!" Reklamo niya kaya mas lalo kong gustong diinan ito. Ewan ko ba, parang natutuwa akong pasakitan siya. Nakakatuwa kasi yung hitsura niya kapag nasasaktan siya. Ang cute niya at parang bata kung magreklamo. Mahahalatang spoiled din siya dahil sa ikinikilos niya.

Diinan ko pa kaya? Isang beses na lang, last na talaga!

"Ouch! Nananadya ka ba?" Inilayo ko nang bahagya ang cold compress at tinitigan siya. Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Akin na nga. Sinisira mo ang mukha ko, e." Epal 'to. Ang kapal ng mukha.

"O, ayan. Kunin mo. Isaksak mo pa sa baga mo kung gusto mo. Aalis na ako." Sabi ko pa at dahil wala akong nakuhang reaction mula sa kanya ay tumayo na ako. Muli ko siyang tinitigan at ganoon pa rin. Wala pa rin siyang reaksyon. Fine! Aalis na talaga ako.

Ang angas niya, sana pala ay mas pinuruhan pa siya ni Jake. Gwapo ka pa rin naman kahit na may tama na yung mukha mo. Wait, what the hell am I thinking? Stop it Miyuki!

Papalapit na ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"May bisita ka pala, kuya?" Kuya? Siya na ba ang nakakuha ng paramore album ko? "OH MY SIOMAI! ANONG NANGYARI SA MUKHA MO?" Mabilis itong lumapit sa kuya Lance niya at ininspect ang mukha nito.

"Huwag mong hawakan."

"E, kasi kuya mukhang masakit, e."

"Masakit talaga lalo na kung hahawakan mo." Nagulat ako nang biglang humagulgol ang kapatid ni Lance. "Siopao! Xyla! Stop hugging me!"

"Okay!" masigla namang sagot ng isa. Ang cute ng kapatid ni Lance. Ibang-iba siya sa kuya niya. Ang bislis din niyang makabawi ng emosyon. "Sino siya kuya?" Nakangiting tumingin sakin si Xyla kaya nginitian ko na lang din siya. "Ate, maupo ka." Labag man sa loob ko ay muli akong umupo. Para akong maamong tupa na tumiklop dahil lang sa cute na kapatid ni Lance. "Girlfriend ka ba ni kuya?"

"Naku hindi!" tanggi ko. "Nandito lang ako kasi ako raw ang magpaliwanag kung bakit siya ganyan ngayon."

"Ah! I see. Wait lang po, ah." Aniya saka ito tumakbo papasok sa isang pintuan.Energetic siya.

"Lance? Uhm i think kailangan ko na talagang umalis?" Tumingin ako sa oras. Mga ganitong oras kasi natatapos ang mga klase namin. Hindi ko pa dala yung bag ko.

"Parating na ang mga 'yon." As if on cue ay biglang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa naggagandahang nilalang na may taglay na magagandang ngiti na agad nawala nang makita nila ako este si Lance.

"Oh my God! What happened, Lance?" Agad na hinawakan ng mommy niya ang mukha ni Lance.

"And he's with a young lady, too." Rinig kong sabi ng daddy niya kaya agad akong tumayo at binati sila.

"Sorry po." Sabi ko na dahilan ng confusion nila.

"Beb! Kumuha ka ng ice!" I think ang dad ni Lance ang inuutusan niya. "And... who did this?"

"Mom, don't panic. I'm fine. It's okay, really."

"You got beaten. Of course you're not okay! Kakalipat mo nga lang nakipag-away ka na naman. Seriously Lance?" Napayuko ako dahil mukhang pinapagalitan na siya ng mommy niya.

"Uhm kasi po..." agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang tignan ako ng mommy niya. "K-kasi po---" Bakit ba ang ganda ng mommy niya kahit hindi ito nakangiti?

"Mom, her boyfriend got jealous because he thinks that I'm hitting on her. She's cute but I respect that she has a boyfriend." My face flushed in an instant. Cute ako sa paningin niya! "I'm not like that cheating bastard."

"Lance." Suway ng daddy nito sa kanya na ngayon ay may dala na ngang yelo.

"Sorry." Nakatinging sabi ni Lance sa akin. "But still, i'm not sorry that I called him a bastard because he really is."

"Don't mind my bastard son." Nginitian ko na lang ang daddy nito.

"Kuya! Lagi ka naman napapaaway kahit dati pa. Sanay ka naman kaya ka nga nakick-out, e." umupo si Xyla sa tabi ng kuya niya at tinignan ako.

"They didn't kick me, Xyla. I dropped out. She's Sharlot by the way."

"H-hello po." Unsure kong bati. Hindi ko kasi alam kung paano ako aasta ngayon. "Anata no koto daikirai" Bulong ko sa sarili ko dahil naiinis akong Sharlot ang ipinakilala niyang pangalan ko. Napansin ko naman na napatingin sa akin ang mom niya.

"Lance, ano bang ginawa mo at naiinis sa'yo si Sharlot?" Nakangiti siya at nakakagulat dahil naintindihan niya ang sinabi ko! Wala naman silang Japanese blood diba?

"Nothing."

"Ngayon pa lang ay nagsosorry na ako sa magaspang niyang ugali. Magbabago pa naman yan kaya hindi pa kami nag-aaalala sa ngayon." Nakangiti pa rin ang mom niya kaya ramdam ko na hindi naman sila naiinis sa akin dahil sa nangyari sa anak nila.

"Okay lang po." Definitely not okay! Pero dahil mabait ang mommy ni Lance, okay na lang. "Uhm, m-mauna na po ako. Sorry po ulit sa nangyari kay Lance. Pagsasabihan ko po ang boyfriend ko."

"It's okay hindi naman siya kelangan operahan. Lance deserved it anyway." Bipolar ba ang mommy ni Lance? Kanina lang nag-aaalala siya kay Lance, e! "Ihatid mo si Sharlot, Lance."

"What? No!"

"Lance." Narinig kong nagmura nang mahina si Lance kaya agad siyang tinignan ng masama ng mommy nito.

"Fine."

"See? I told you it's okay. Napansin kong okay siya kaninang hinawakan ko. He didn't flinch at all." Oooh! So nag-iinarte lang siya. "BEB!" tawag ng mom ni Lance sa dad niya. "Ikaw ang magdrive!"

Habang nagmamaneho si tito gwapo ay gusto kong itanong kung tao ba sila. Mula kasi sa kanila hanggang kina Lance at Xyla ay wala kang maipipintas. Ang gaganda ng kutis tapos ang gandang lahi talaga.

"Uhm, dyan na lang po sa tabi sir" turo ko sa kanto. "Salamat po."

"Just call me tito Jun."

"Bumaba ka na. Mag-ingat ka." Walang ganang sabi ni Lance sa akin. "Dad, let's buy mom a cake. She'll need it."

"Para hindi ka niya pagalitan? Don't make me laugh, Lance. Drive the car." Bumaba na ako at muling nagpasalamat sa kanila. Si tito Jun naman ay bumaba rin at ganoon din si Lance para makipagpalit ng posisyon.

Hindi ko talaga alam kung saan ba nagmana si Lance. Mababait naman ang mga magulang niya. Mukhang pinapalaki din naman siyang maayos.Pero ewan ko ba!

Natigil lang ako sa pag-iisip kay Lance nang maitama ko ang ulo ko sa poste. Yes, poste. Kung tatanga-tanga nga naman, oh! "Ouch." Hinimas ko ang noo ko at iniwasan ang poste. Good grace! What's happening to me?

"are you okay?" Natigilan ako dahil sa boses na narinig ko. Kinabahan ako dahil padilim na. Ang dami ko pa naman naririnig sa balita ngayon na nari-rape. Mas minabuti ko tuloy maglakad nang mabilis. "Hey."

"H-huwag mo akong hawakan! Sisigaw ako!" Sabi ko nang hindi nakatingin pero bigla kong narinig ang isang familiar na tawa.

"Baliw ka talaga. Si Jake 'to ang boyfriend mo." Para akong nakahinga nang maluwag nang makumpirma kong siya nga iyon.

"Huwag ka kasing nananakot!"

"So," Nagpamulsa siya at sinabayan na ako maglakad. "You were with him."

"Uhmm." Tumango ako. "Binugbog niyo, e."

"I'm sorry. It won't happen again. Galit ka pa rin ba? Magsosorry ako sa kanya bukas kung gusto mo. Promise." Itinaas pa nito ang kanang kamay niya bilang tanda na nagsasabi siya ng totoo.

"Magsorry ka sa kanya hindi dahil galit ako sa'yo. Magsorry ka sa kanya kasi sincere ka, ganun dapat."

"I will do that. Okay na ba tayo?" tinignan ko siya sa mga mata at saka nginitian siya. Nakita ko kasi na mukhang hindi siya mapakali. Dahilan kung bakit lumambot na naman ang puso ko sa kanya. Hindi ko talaga siya matiis kahit kailan.

"Why? Nag-away ba tayo?" Nakangiti pa rin ako at nabigla ako ng yakapin niya ako nang mahigpit.

"Kaya gustong-gusto kita, e. Thanks for understanding, Miyuki."

"Please don't do that again. Natatakot ako tuwing nakikipag-away ka. I love you, Jake." I returned his hug at ipinikit ang mga mata ko. Sana talaga ay hindi na niya ulitin ang makipag-away.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #book