Chapter 3: Bossy
CHAPTER 3: Bossy
Swear! Ito na siguro ang pinakanakakahiyang nangyari sa tanang buhay ko! Walang-wala yung pagkakadapa ko sa harap ng crush ko noong kinder pa ako! Bakit hindi ko man lang namalayan na first day kop ala? Bakit ngayon pa ako dinalaw?
Nakaharap lang ako sa kanya para hindi nito makita pa ang pulang marka sa palda ko. Hindi ko kinaya! Para akong iniwan ng espirito sa sinabing iyon ni Lance. Gusto ko na lang mag-dive ngayon mula dito sa rooftop pababa! Tatalon na lang ako kaysa mabuhay pa sa mundong ito!
Hinawakan ko ang palda kong may tagos para takpan ito.
Napahawak naman siya sa noo niya at parang nag-iisip.
"Itatago ko." Sabi nito kaya napanganga ako. Paano naman niya itatago ang palda kong may tagos diba? Saka nakakahiya naman kung tinatakpan ko ang palda ko. Obvious iyon masyado. "Kaysa naman maglakad ka ng ganyan." Sabi nito pero hindi pa rin siya makatingin sa akin.
"Maglakad ka lang."
"Makikita nila." Sabi ko. "Mahahalata nila." Oh God! Naiiyak na ako. First time kong matagusan sa totoo lang.
"Sa likod mo lang ako. I'll make sure that they won't see that." Kalmado nitong sabi kaya maski ako ay parang nakakalma na rin.
Nakakahiya man ay sinunod ko ang sinabi niya. Nauna akong maglakad pero kaunti lang ang distansya namin para hindi nila makita. Sa totoo lang halos wala na nga, e! Nasa likod ko ang mga kamay ko para kahit papaano ay matakpan ko pa rin ito.
Nakakailang dahil napapatingin ang ilang estudyante na nasa hallway pa. Kunti na lang sila dahil ang iba ay pumasok na sa kanya-kanyang klase nila.
Alam kong may lalabas na naman na tsismis na isa akong malandi. Na nilalandi ko ang bagong estudyante. Gwapo si Lance Mariano at hindi ko naman iyon itinatanggi. Kung wala nga siguro akong boyfriend baka crush ko na siya.
"I guess you're okay here." Sabi niya nang marating namin ang CR ng girls.
"uh-thanks!" Hindi na ako nagsayang ng oras pa at pumasok na ako kaagad sa loob. Agad akong naghulog ng barya sa vending machine para sa isang pirasong sanitary pad at nagpapasalamat dahil ako lang ang tao ngayon dito. Agad kong binasa ang parting may dugo at muli ulit nagpasalamat dahil may sabon dito.
Halos twenty minutes rin ang hinintay ko matuyo lang ang palda ko. Sa totoo lang ay hindi pa naman ito gaanong tuyo pero masyado na akong marmaing namiss sa klase kung hindi pa rin ako papasok.
Pero pagkapasok ko pa lang sa room namin ay kaagad na akong pinalibutan ng mga babae sa klase. Napansin ko rin na wala ang mga lalaki pati na rin ang teacher namin.
"Higad ka talaga." Paratang sa akin ni Kristine, isa sa dati kong mga kaibigan.
"oo nga. Ang landi mo talaga. Lahat na lang ay inaagaw mo." Segunda pa ni Mae.
"Layuan mo nga si Lance. Huwag mo nga siyang inaakit kung ayaw mong isumbong ka namin kay Jake!" Hindi talaga ako pinagbibigyan na magsalita nina Ina Marie.
"Kaya ikaw Sharlot---" Hahawakan sana ni Kristine ako pero agad kong tinapik ang kamay niya palayo sa akin. Naiinis ako dahil sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.
"Don't call me Sharlot." Matapang kong sabi sa kanya. Nagpapatawag lang akong Sharlot sa mga kaibigan ko at simula noong inayawan nila ako bilang kaibigan ay wala na silang karapatang tawagin ako sa pangalan kong iyon.
"Choosy ka pa! Akala mo naman kagandahan ka! Naging boyfriend mo lang si Jake akala mo kung sino kang maganda. Bakit? Anong pinagmamalaki mo? Na nakuha mo siya? Na napapansin ka niya? Nilandi mo lang naman siya!" itinulak niya ako palayo sa kanya na dahilan kung bakit naitama ang likod ko sa mesa.
Ang iba pa sa klase ay nagtawanan imbes na tulungan ako. Mga walang puso.
"Kung ayaw mong masaktan ulit, makipaghiwalay ka kay Jake. I'm warning you, Sharlot. Sa ikabubuti mo rin 'yon." Sa totoo lang ay nag-uumpisa na akong manginig sa inis. Lalo pa nga akong nainis nang ngumiti pa ito bago lumabas sa klase namin.
Nakahinga lang naman ako nang maluwag nang tuluyan na silang makalabas sa room namin. Agad naman akong umupo sa upuan ko. Hindi naman sobrang sakit ng likod ko. Sakto lang naman at hindi ko pa naman ikamamatay iyon.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at isa-isa nang pumapasok ang mga kaklase naming lalaki. Hinanap ko si Lance dahil hanggang ngayon ay wala pa siya.
"Hinahanap mo ba si Lance?" Napatingin ako kay Gail. "Kasi kanina kasama niya yung mga kaklase nating lalaki."
"Baka umakyat lang ulit sa rooftop." Nakangiti kong sagot kay Gail kaya tumango na lang ito.
"Okay."
Naisip ko si Jake, ayaw ko siyang hiwalayan. Alam ko naman sa sarili ko na niloloko ko lang ang sarili ko kung hihiwalayan ko siya. Hindi naman ako lalapitan ulit ng mga kaibigan ko kung hihiwalayan ko siya.
Tinawagan ko si Jake at nagbabakasaling wala rin silang teacher katulad namin. Nagring naman ang phone niya at napangiti ako nang agad niya itong sinagot.
"Hey."
"Wala kayong teacher?" Nakangiti kong tanong.
"Wala pero medyo busy kami ngayon."
"Busy? Saan?" Wala naman silang practice ng ganitong oras.
"Nothing hon." Magtatanong pa sana ulit ako nang bigla kong narinig ang isa sa mga kasama niya "Hoy Jake! Wala naman palang binatbat 'tong gagong 'to, e!" agad akong nakaramdam ng kaba nang matapos kong marinig iyon.
"Nakikipag-away ka na naman ba?" Nagmamadali akong lumabas ng room namin. "Nasaan ka? Tell me."
"Wala nga 'to."
"Nasaan ka sabi, e!" Naiinis ako tuwing nakikipag-away siya. Ilang beses na niyang sinabi sa akin noon na titigil siya sa pakikipag-away. Tumigil naman siya pero ngayon... Hindi ko alam. Kinakabahan ako.
"sa likod ng school." Oh God! Tama ang hula kong nakikipag-away siya. Nagmamadali akong pumunta sa likod para pigilan siya at para matulungan ang lalaking inaaway nila.
Hinihingal kong narrating ang lugar na kinaroroonan nila. Naabutan ko silang nakatayo doon at pinapalibutan ang isang lalaki.
"Oh my God! Lance!" Tumakbo ako palapit kay Lance at masamang tumingin kay Jake. "Ano bang ginawa ng tao sa inyo?" Naiinis kong tanong.
Naaawa ako kay Lance dahil mukhang hindi man lang ito nakabawi.
"Woah! Nandito na ang unfaithful girlfriend." Narinig kong sabi ni Roel.
"Unfaithful? Are you crazy?" Naiinis kong sumbat. Napatingin ako kay Lance, may dugo sa labi nito at pati na rin sa pisngi niya. "What have you done?" Tanong ko kay Jake. Agad ko ring inalalayan si Lance patayo.
"Pumunta ka sa rooftop para makasama mo siya."Paratang pa ng isa sa kanila. Great! Ano bang pinagsasabi ng mga lecheng ito?
"Magkadikit pa nga kayong naglalakad. Sobrang dikit." This time ay si Jake na ang nagsalita at hindi ako makapaniwala dahil sa mga lumaba sa bibig niya. Pinaparatangan din niya ako? Ganyan ba ang tingin sa akin?
Sa inis ko ay hindi ko siya sinagot. "Lance, okay ka lang?" Hindi siya sumagot. Obviously, he's not okay! Goddamnit!
"Jake naman! Wala namang ginaw ayung tao sa inyo."
"Maangas, e." Maikling sagot ni Jake sa akin. "Nagselos ako dahil imbes na ako ang kasama mo kanina ay mas pinili mo pa siya." Parang kung anong kumirot sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Pinaparatangan niya ako well in fact ako dapat ang nagagalit sa kanya dahil siya ang nahuling may kahalikang iba!
"Nagselos your face!" naiinis kong sambit. "Pinaparatangan mo ba kami? Na may ginagawa kaming dalawa? Mag-isip ka naman, Jake! Kakikilala ko pa lang sa tao! Tanga ka ba?" halatang nagulat siya dahil sa sinabi ko. Never ko siyang tinawag na tanga pero kasi masyado na siya, e. "Anong tingin mo sa akin? Malandi rin? Fine! Isipin mo ang gusto mo." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Wala na akong pakialam kung nandito ang mga kaibigan niya.
"Hindi ko naman kasalanan na matagusan ako, ah. Kasalanan ko bang tinulungan niya ako?" Halos lahat silang magkakaibigan ay hindi bigla makatingin sa akin ng diretso. Wala na talaga akong pakialam kahit malaman pa nilang meron ako.
"Kaya mong maglakad?" Mahinang tanong ko kay Lance. Tumango naman ito kaya inalalayan ko na siya sa paglalakad niya.
"A-ako na ang aalalay sa kanya." Pagpresinta ni Jake pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Para ano? Para saktan mo ulit? Huwag mo kaming sundan. Tapos paganahin mo ulit yang imagination mo. Magpalamig ka ng ulo mo at magpapalamig din ako ng ulo ko." Alam kong susundin niya ang sinabi ko kaya alam ko ring hindi na niya kami susundan. Ganon naman siya lagi.
"Bakit ba hindi mo sila nilabanan?"
"Ikaw kaya ang palibutan ng sampu? Ouch."
"Kahit pa! Kahit sinuntok mo lang sana si Jake."
"I'm nota a fighter." Mahina nitong tugon.
"Mamamatay ka niyan, e."
"They're not worth my effort, Sharlot."
Umiling na lang ako dahil sa sagot niya.
"I'm sorry." Tumigil ito sa paglalakad dahil sa sinabi ko at tumingin sa akin.
"For what?" napansin ko na kahit nabugbog siya ay gwapo pa rin siya. Kahit yata ilang sugat pa ang madagdag sa mukha niya ay mas nakakadagdag pa ito ng kagwapuhan sa kanya. This is unfair. Ano bang genes ang taglay ng mga magulang niya?
"Kasi inaway ka ni Jake?"
"Don't be. Don't ever say sorry on his behalf. It'll become a habit. Who knows? He might take you for granted and then you'll get hurt and might regret saying sorry on his behalf."
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Jake is a nice guy, he is actually. Siguro sa ngayon ay hindi pa niya ito kilala.
"Dalhin na kita clinic."
"No. I'm going home."
"Magko-commute ka? Na ganito? Magpahinga ka muna."
"No, I have a driver."
Hiniling nito na sa carpark ko siya dalhin. Agad naman kaming nakita ng driver niya kaya tinulungan niya ako sa pag-akay kay Lance.
"Sir naman, hanggang dito nakikipag-away ka pa rin?"
"I did not." Diin ni Lance. "He's joking," Sabi sa akin ni Lance. Hindi ko nga alam kung matatawa ako dahil mukhang nagsasabi naman ng totoo ang driver nito.
"Well uhm, babalik na ako---"
"Sasama ka."
"Hah?"
"Ikaw ang magpapaliwanag sa parents ko."
"A-ako?" Halos mautal-utal kong tanong dahil sa pagkabigla. "B-but---"
"Binugbog ako ng boyfriend mo. Kaya ikaw ang magpaliwanag. Get in." Halos maglag ang panga ko dahil sa mga sinabi niya. Parang bigla ko siyang gustong bugbugin pa dahil sa asta nito. Kanina lang sinasabi niya na huwag akong magsorry para kay Jake pero ngayon ako ang magpapaliwanag sa mga magulang niya? Sa anong nilalang ba ipinaglihi si Lance? Bakit ang weird niya? TuT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro