CHAPTER 21: Master-Slave day
CHAPTER 21: Master-Slave day!
Agad akong napabangon nang maramdaman kong may nagmamasid sa akin habang natutulog. Yung pintig ng puso ko ay biglang bumilis dahil na rin ditto.
"Ate! Gising ka na. Ang cute mo pala matulog." Todo ngiting sabi sa akin ni Xyla. Napatingin ako sa oras at napansin kong alas sais pa lang ng umaga. Sobrang hyper niya para sa ganitong oras. "Good morning soon to be girlfriend ng kuya ko."
"S-soon to be ano?" Mabilis kong inayos ang buhok ko nang marinig ko ang boses ni Lance sa labas ng kwarto.
"KC tone it down and stop bothering her please."
"Ang cute niya kasi kuya. Hindi siya mukhang Pilipino, e." Sabi pa nito.
"Lumabas ka nga dyan!" halatang sa boses nito ang pagkairita.
Mabilis naman na sumunod si Xyla sa kuya nito. Lumabas siya nang hindi nito isinara ang pinto. Nandoon pa rin si Lance at nakatingin sa akin. Bigla tuloy ako naconscious sa hitsura ko. Mukha pa kaya akong tao? Wala naman kayang natuyong laway sa pisngi ko? Napapunas tuloy ako bigla. Mukhang wala naman.
"And you, we'll go around eight. Be ready by then." Aniya at siya na mismo ang nagsarado ng pinto.
Tiningnan ko ang cellphone ko na hanggang ngayon ay walang natanggap na text mula kay Russel. Muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang maalala ko ang mga ngiti niya habang kausap niya si Jade sa bus.
Babalik pa lang sana ako sa tulog nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. "Slave?" napakunot ang nuo ko bigla nang dahil sa narinig ko. Sino ang tinatawag niyang slave? Ako ba yun?
"I changed my mind. Let's go in thirty minutes."
"Hah?" mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto. "Ang bilis naman? Hindi pa nga ako nakakaligo." Kako rito pero nginitian lang ako nito ng may pagkasarkastiko. "At hindi mo ako slave." Diin ko sa kanya.
"I forgot you should call me master, too. I'll see you in a bit." Aniya pagkatapos ay pumasok na siya sa sarili niyang silid.
Mabilis akong naghanap ng mga damit sa dala-dala kong bag. May hindi pa naman ako nagagamit doon at Mabuti na lang at ugali kong magdali ng napakaraming undies kaya kahit papaano ay hindi naman na ako humiram ng damit mula sa closet na sinasabi niya. Inulit ko na nga lang yun pantulog na ginamit ko sa trip, e.
"SLAVE! Are you done?"
"I'M -----kelangan ko pa bang sabihin na nagbibihis palang ako? ampanget lalaki yan, eh. Ayoko nga sabihin. Bahala siyang maghintay dyan!"
"ISA, DALAWA, TATLO, APAT, FIVE, SIX, SEVEN, EIGHT, NINE. kapag 'di ka lumabas dyan----"
Natawa na lang ako bigla sa pagtatagalog niya, akala ko pa naman ay paninindigan niya ang pagbibilang niya sa tagalog pero hindi naman pala.
"HUWAG KA PAPASOK. LOKO!!!" Sigaw ko bilang banta. Ayoko naman kasing sabihin na nagbibihis pa ako. Ang awkward kasi. Sobrang nakakahiya na nga sa part ko na nakitulog ako ngayon rito.
"I'm gonna wait downstairs."
Jeans at isang oversized shirt ang sinuot ko para ngayong araw para komportable lang. hindi ko rin naman kasi alam kung saan kami pupunta ngayong araw, e.
"Hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko kaagad sa kanya pagkakita ko sa kanya nang makababa ako. Katulad ko ay mukhang komportable lang din naman siya sa suot niya. Hindi niya ako pinansin at basta na lang siya naglakad kaya sinundan ko na lang din siya. Mukhang wala siya sa mood kaya hindi na ako masyado naimik.
Masyado baa ko mabagal gumalaw kanina? Iyon ba ang dahilan kung bakit wala na naman siya sa mood?
"Uhhh, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang mapansin kong hawak niya ang susi ng sasakyan niya. Kakabahan na ba ako? Wala siyang lisensya, e.
"Sure kang gagamitin natin iyang sasakyan mo?" Tanong ko. Pagod kasi ako kagabi kaya hindi na ako umangal na magmamaneho siya pero ngayong fully restored na ang aking energy ay parang hindi ko na yata kaya sumakay.
"You want my bike instead?" Tinignan ko yung direksyon na tinitignan niya at doon ay nakaparada ang isang motor.
Uuuhhh mas lalo naman yata akong kinabahan dahil hindi naman ako umaangkas sa mga motor. Pumasok na ito sa sasakyan niya kaya maski ako ay pumasok na rin.
Hindi ako umiimik nang paandarin niya ito. Basta nag-seatbelt na lang ako kaagad. Gusto ko ngang tanungin kung pwede rin baa ko maghelmet dahil wala talaga akong tiwala sa pagmamaneho niya.
"Ihahatid mo na baa ko pauwi?" pilit akong ngumiti para naman kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko. Yung way naman kasi ay way din papunta sa bahay namin. Baka nga talagang ihahatid niya ako. Unti-unti na rin naman akong nakakampante dahil hindi naman din siya mabilis magmaneho. Maingat naman siya. "Ayos, free ride." Kako pa pero pasin kong parang napangisi lang siya sa sinabi ko.
Kita ko na yung kanto papasok sa bahay namin pero dirediretso lang ang andar ng sasakyan.
"Hoy! Saan tayo papunta?" Tanong ko ulit
"Kakain." Iyon lang naman ang sagot nito.
"Saan?"
"Who knows." Napakawalang kwenta talagang sumagot!
Hinayaan ko na lang siyang magmaneho at hinintay ko na lang na makarating kami sa lugar kung saan kami kakain. Hindi rin naman nagtagal ang byahe dahil agad din naman kaming nakarating. Ito yung restaurant dati na pinuntahan namin noong nakamotor pa kami. Bukas na ba ito? Sobrang aga pa at closed pa naman ang nakalagay sa pintuan.
Pero bilang isang Lance Mariano, nagdire-diretso lang siya sa loob kaya sinundan ko naman siya. Wala pa yung mga staff na nakita ko noon dito. Ang tanging rinig ko lang ay yung mga nasa kusina.
"Wait here." Aniya kaya umupo na lang ako. Pumasok ito sa loob ng kusina. Hindi ko na narinig kung ano yung mga sinasabi pero rinig ko na tinawag ang pangalan niya pagkapasok niya doon. Hindi na siguro ako magugulat kung sasabihin niyang kanila ito. Obvious naman na dahil sa inaasal niya ngayon.
Chineck ko yung phone ko dahil nagbabakasakali akong may text na ang mga kuya ko pero wala pa rin. Maski si Jake ay wala ring text sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim dahil ramdam na ramdam kong iba na kami ni Jake. Gusto kong isalba ang relasyon namin kaya nananahimik ako pero hanggang kalian?
"Eat." Pagkarinig ko niyon ay Nawala lahat ang mga iniisip ko. "What are you thinking?" Tanong nito sa akin.
"W-wala naman." Egg quesadilla ang nasa harapan ko at mga prutas.
"If you want more, we can always ask them to cook some more." sabi nito nang hindi nakatingin sa akin. "Eat." Sabi pa nito ulit habang kumakain siya.
Katulad niya ay nag-umpisa na rin akong kumain. "after natin dito, uuwi na ako."
"not yet." Sagot niya sa akin.
"Bakit hindi?"
"May pupuntahan pa tayo and besides, you're my slave for today."
"Bored ka ba?"
"Yeah." Sinasabi ko na nga ba. Wala na naman itong magawa kaya ako na naman ang pinagtitripan. Muli kong chineck ang phone ko pero wala pa rin akong nareceive na message sa mga kuya ko.
Dinala niya sa kusina ang nagkainan namin at sa tingin ko naman ay nagpaalam na rin siya na aalis kami.
"So, where do you wanna go next?" Tanong nito nang nagsi-seatbelt na ako.
"sa bahay. Uuwi." Kako
"Aside from that, slave." May pagdiin ito sa salitang slave kaya napairap na lang ako.
"Nagtanong ka pa."
"Ang alipin ay hindi dapat sumasagot."
"Ewan ko sa'yo, Lance Mariano." May sira na yata ang ulo nito. Ganun daw kapag matatalino, e.
"Just stay with me for awhile." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi talaga inaasahan ang mga ganyang salita galing sa kanya.
"Fine. Ngayong araw lang." Muli kong tinignan ang cellphone ko at wala pa rin akong natatanggap kahit isang text. Kahit good morning lang from Jake Russel ay wala rin.
One hour and thirty minutes din ang byahe bago kami nakarating sa isang lugar. At first parang hindi ma-appreciate ang view dahil parang napabayaan na ito. But that's the thing. May iba sa lugar na ito. Tahimik lang and it's more like a garden, too.
Nauna akong maglakad sa kanya.
"This is my secret my place." Saad nito.
"Nice. Thanks for letting me see this place." Sobrang peaceful dito. Isa sa mga lugar na gusto kong puntahan siguro kapag ganitong sobrang confused ako sa mga nangyayari. "I'll keep this place a secret, too." Napansin ko ang pagngiti ni Lance
We kept on walking hanggang sa tumigil na si Lance at nahiga sa may damuhan. Umupo naman ako halos sa tabi lang din nito
"Bakit mo ako dinala rito?" Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Wala masyadong tao. May konting magkakaibigan lang din na nangunguha ng pictures.
"Because you need this." Mahinang tugon niya.
"Paano mo naman nasabi?"
Umupo ito nang maayos at tinignan niya ako.
"You need this peace more than anything." Kinuha nito ang hawak-hawak kong cellphone. "Don't expect anything from him." Alam ko na kaagad na si Jake ang tinutukoy niya. "He was with JL and we all know why." Banayad pa rin ang pananalita nito pero yung kurot sa puso ko ay iba na. iba yung atake ng sinasabi niya. Parang naninikip yung dibdib ko dahil dito.
"I want to protect you, but I can't if you'd keep enduring that."
Tama na.
"But you know what?" Tumingin ako sa mga mata niya habang pinapakinggan siya magsalita. "I'll make sure that you won't get hurt. Because Sharlot...."
Umusod ito palapit sa akin pero kaagad din itong lumayo at tumayo.
"Uwi na tayo.. ihahatid na kita."
Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin yung biglang pag-iinit ng mukha ko at pagdadabog sa dibdib ko.
"Pero may sinasabi ka pa." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko bigla.
Humarap ito sa akin. "Don't make me say it, Sharlot."
"ang alin?"
"Gusto mong malaman na mahal kita?"
Mabilis niya akong tinalikuran at naglakad palayo sa akin. Samantalang ako ay parang hindi na makatayo dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"Hoy Rabbit, uwi na tayo."
Mali yung narinig ko, 'di ba? Hindi iyon totoo. Tama. Nagjo-joke lang siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro