Chapter 17: Game
Chapter 17: Game
Gail's POV
Parang lasing kung maglakad ngayon si Lance. Parang pagod pa nga siya kanina sa laro nila sa basketball tapos ngayon ay maglalaro na naman siya at this time ay nakakapagod pa rin na laro. Mas malaki ang field, mas malawak ang tatakbuhin at mas maraming players.
"Mom, answer your phone." Rinig na rinig namin siya ni Sharlot pero ang kaibigan kong ito ay tumawa lang at sinabihan pang mama's boy daw talaga si Lance. Napailing na lang tuloy ako.
"What are you doing here?"
"Sabi mo kanina pwede akong manood. I'm with Gail." Nginitian ko si Lance at sinamaan lang niya ako ng tingin. Akala yata niya ay nagbibiro ako nang sabihin kong panonoorin ko siya at akala niya siguro ay hindi na manonood si Sharlot dahil kasama nito ang boyfriend niya kanina.
"What are you doing here?" Hindi niya sa akin iyon tinanong, kay Sharlot.
"i'll watch you play. I'm with Gail" Nakangiti namang sagot nitong isa.
"Go away. You're a bad omen."
"what the?" Tinaasan pa siya ng kilay nitong si Sharlot kaya napakamot na lang ako. Para silang mga bata.
"what?"
"BAKA!"
"kalabaw" -__-
"IDIOT!"
"moron...."
"UUUUUUUUUUGH! LANCE!"
"Hey Lance wag mo naman kausapin ng ganyan ang mga babae" bungad ni Ales. Nginitian pa niya kaming dalawa ng kaibigan ko.
"eh kasi siya eh" sabay turo pa sakin. Aba? Ako pa? Paanong naging ako? Isip bata talaga 'tong mga 'to hindi ako makapaniwala.
"What's wrong? Not feeling well?" tanong ni Ales sa kaibigan niya.
"My head is spinning like hell." sabay upo pa ni Lance sa bench.
"tsk not good. Paano ka maglalaro niyan? Wag nalang kaya?" Napakamot pa si Ales sabay tingin sa amin ni Sharlot.
"Maglalaro pa rin ako." Sinapo niya ang sarili niyang noo. "This is nothing. I can still play better than them."
"Yabang." Rinig kong bulong ni Sharlot.
"Bahala ka dyan. Wala ba kayong gamot?" Tanong ni Ales sa amin kaya kinalkal ko yung bag ko.
"oh gamot" abot ko kay Lance.
"Pasalamat ka lagging handa si Gail." Sabi ni Sharlot dito.
"Thanks, Gail."
Umupo na kami sa malapit sa field nang malapit na mag-umpisa ang match nila. Marami ang nanonood pero hindi naman sobrang dami.
Naging close kami ni Lance simula noong sinamahan ko siya sa clinic. Noong una ay nag-stutter pa ako sa harapan niya. Crush ko pa kasi siya noon pero ngayon ay hindi na. Tanda ko pa nga yung napag-usapan namin noon.
Tumingin ako kay Sharlot na ngayon ay ngiting-ngiti pa nang lumabas na yung team nila Lance.
"Do you like, Sharlot?" Natigilan sa paglalakad si Lance bago siya tumingin sa kisame.
"can i trust you?" tanong niya sa'kin.
"Yeah, of course." mahina kong sagot.
"i think, i think i'm falling for that girl. I'm not sure, but I kinda know this feeling. I've never been in love but I don't know. I like teasing her and... and"
"and you're always thinking about her?" Nakangiting tuloy ko na dahilan kung bakit napatingin siya sa akin. As in seryosong tingin talaga
"exactly" Just as I've thought... I've never failed to amaze myself. Buti na lang at crush ko lang siya kasi napanuod ko lang siya maglaro. Saka mas malayong mas gusto ko naman ang lalaking ito para kay Sharlot kaysa kay Jake.
"so you think----"
"i want to stop this as soon as possible, Gail"
"huh???"
"i don't want this...."
"but you should try" i insisted
"I'm not sure." Nagkibit balikat pa ito "But the next time I see Jake and that girl again, I'll do my part."
Napangiti ako nang humiyaw si Sharlot nang mag-umpisa na ang game. Pinagmamalaki niya pa talagang kaibigan niya ang lalaking nakasuot ng jersey number 10.
"Kaso halatang may sakit talaga siya ngayon, no?" Nag-aalalang tanong ni Sharlot sa amin. "Magaling naman siya maglaro ngayon pero parang mas okay siya maglaro noon. Kawawa naman siya."
Mas gusto ko na talaga si Lance para kay Sharlot. Parang mas kilala na kasi ni Sharlot ngayon si Lance kaysa sa sarili niyang boyfriend. Lance maybe cold and frank at times but he's sweet in a way. These attributes of his can make a girl fall for him.
Mas malayong mas caring din si Lance kahit na magkaibigan pa lang silang dalawa. Huminga ako nang malalim nang bigla kong naalala yung sinabi ni Lance noong nakaraan. Inis kasi siyang lumabas sa gym nang makita ko siya.
"anong nangyari?" out of curiosity na tanong ko rito.
"I saw him."
"Him? Si Jake?" Tumango ito pagkatapos ay inilabas niya yung cellphone niya. Sinusubukan niyang i-text si Sharlot pero hindi naman niya magawang i-send yung sinasabi niya. "Ano bang nakita mo?"
"Jake and that girl... JL?"
"JL?" Tanong ko ulit. "Anong nakita mo?"
"They kissed."
"Kailangan malaman ni Sharlot na niloloko lang siya ni Jake. I will tell her."
"Para saan? Hindi ka rin naman paniniwalaan. Sinabi ko na noon pero hindi naman siya naniniwala. Yung tiwala niya sa boyfriend niya, sobra-sobra."
"Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya pero ngumisi lang ito.
"I already started doing my part..."
"Totoo?"
"Basta noong nakulong kami sa bodega."
Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Huminga ako sa malalim bago ko tinignan si Sharlot. Manhid talaga ng kaibigan ko.
Muli kong itinuon ang pansin ko sa laro. Sobrang halata na talaga sa hitsura ni Lance yung pagod. Dapat nga ay inaalis na siya sa laro ngayon dahil sa kalagayan niya.
"Gail, he looks pail" nag-aalala yung tono ng boses ni Sharlot
"oo nga"
"Dapat mahinto na muna yung game. Dapat palitan na siya. Siya rin kasi yung mahihirapan."
"LANCE!" sigaw ng isang member saka sinipa yung bola papunta sa kanya...
Sisipain na sana nito yung bola pero bigla siyang pinatid ng kalaban. Lahat kami ay napatayo sa kinauupuan namin. Si Sharlot ang mabilis na tumakbo kaya maski kami ni Ales ay nakitakbo na rin ngayon hanggang sa pwesto ng team nila.
Mabilis na tinulungan si Lance na tumayo ng mga kateam niya. Nasugatan ito dahil sa impact ng pagkakabagsak niya.
"Sht! Teka." Reklamo niya nang hawakan ng coach niya yung paa niya.
"This is not good." Sa sinabing iyon ay alam ko na kaagad na sprained na yung paa niya.
"O-okay ka lang?" Lahat tuloy ng mga nakapalibot ay napatingin kay Sharlot. Ang iba ay ngumisi at narinig kong tinawag na girlfriend ni Lance si Sharlot. Hindi na iyon napansin ng dalawa.
"I'm fine." Pagkukuwanri pa nitong isa. Ibang klase talaga.
Sharlot's POV
Dinala namin si Lance sa may room. Hindi ko matawag itong locker room dahil hindi naman ito mukhang locker room. May first aid kit din doon at kami na yung nagpresintang samahan si Lance dahil sobrang intense ng game.
"oi maiwan ko muna kayo manunuod lang ako ng game" paalam ni Gail
"ge" sabi naman ni Lance
"yung paa m??" tanong ko
"i said i'm fine, Sharlot"
"Mukhang hindi kaya!"
Kinuha ko na yung kit saka ko ginamot yung sugat niya sa tuhod. Sng panget tignan tuloy. Mukha na siyang gusgusin. Nabutas talaga yung suot niyang shorts eh kaya nagsugat yung sa tuhod.
"nahihilo ka pa rin ba?" tanong ko ulit
"slight"
"dapat kasi di ka naglaro eh"
"where is Ales?" tanong niya...
"i don't know..tawagin ko ba?"
"no hayaan mo na lang . baka nabored at umuwi na" sabi naman niya...
"Pero kasama ko lang siyang tumakbo kanina."
"pagkatapos nito. babalik na ako dun sa field"
"maglalaro ka ulit???" tanong ko
"yeah... tatapusin ko ang sinimulan ko" seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin kaya agad akong napaiwas. Pakiramdam ko ay bigla akong namula nang dahil sa kanya. Tapos yung kabog ng dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag.
"you really love playing Lance Mariano"
"what's wrong with that? Seryoso ako sa lahat ng bagay" Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kahit pa hindi ko siya tinitignan.
"Even right now, I'm playing a game"
"Game? What game?"
"Lo----"
"HEY LANCE! ANO AYOS KA NA BA? Yung tuhod mo ba? Nasugatan ka na naman!" Mabilis na tinignan ni Ales ang tuhod ni Lance.
"Oi, ano na yun?"
"Nevermind."
"Anong pinag-uusapan niyo?" Curious na tanong ni Ales pero umiling lang si Lance. Ang daya talaga. Maski nga ako ay hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro