Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: night with...

Chapter 14: night with...

Magmula noon ay ilang na ako kay Lance dahil sa ginawa nito. Ilang araw, linggo at buwan na nga ang nagdaan simula noon. Hindi na talaga kami nagpansinan matapos iyogn naganap na 'yon.

November na rin ngayon at nag-iba na kami ng seatplan. Si Gail na ngayon ang katabi ko. Ngayong buwan ay busy na rin ang halos lahat para sa mga college entrance exams.

Ang supposed to be fieldtrip din namin ay namove ng december.

"Sharlot mauna na ako umuwi, ah. May pupuntahan pa kasi ako eh" paalam ni Gail sa akin

"Okay! Ingat ka!" Nakangiti kong tugon dito.

Hindi pa naman ako makauwi kaagad dahil tinatapos ko pa ang inutos sa akin ni Sir Morgan. Kapag natatapos na niya kasing i-check ang quiz paper ko ay ako na ang inuutusan nitong magcheck ng iba pang papel. Nakakatamad pero wala naman akong magawa. Palibhasa ay ginagawa akong dakilang utusan ng teacher na ito.

After kong ma-check ang papers ng mga kaklase ko ay hinanap ko na kaagad si Sir Morgan sa faculty room. Ang sabi sa akin ng teachers sa faculty ay baka nasa gym si Sir pero in case bumalik na siya rito ay iniwan ko na lang din ang mga quiz paper namin.

Pumunta na lang din ako sa gym para puntahan si Russel pero tanging si Sir Morgan na lang din ang naabutan ko roon.

"Sir, nasa desk niyo na yung papers." Iginala ko ang mata ko just in case makita ko si Russel pero wala siya. "Si Russel po?"

"Nagshower lang. Habang hinihintay mo yung boyfriend mo ay dalhin mo na muna ito sa bodega" Napangiwi na lang ako nang i-abot niya sa akin ang dalawang bola. Kainis talaga si Sir Morgan.

Kahit ayaw kong gawin ang inuutos sa akin ay ginawa ko pa rin. Dinala ko sa bodega ang dalawang bola. Drinible ko pa nga muna ito bago i-shoot doon sa lagayan nito.

"Tamad ka talagang teacher ka! Lagi mo akong inuutusan!" Kako pa saka ko ishinoot pa yung isang bola.

"Ang ingay ng rabbit na 'to." Napaatras ako dahil sa biglang nagsalita. Buong akala ko ay mag-isa ko lang dito ngayon.

"Lance?"

"May iba pa bang tumatawag ng rabbit sa'yo?" Sa gilid ito nakapwesto at halatang kagigising lang nito.

"Dito ka natulog? Bakit hindi ka pumasok?"

"Cutting." He shurgged his shoulders bago ito humikab.

"uwian na. Tumayo ka na dyan kasi magsasarado na yung school mamay---a" Napalunok ako dahil sa biglang pagsarado ng pinto dito sa bodega. Narinig ko rin ang paglock mula sa labas.

Hindi ako makapaniwala! Mabilis kong sinubukan buksan ang pinto pero nakasarado na ito. "Lance!" Tawag ko sa kanya. "Do something!"

"Sana ginawa ko na kung may gagawin man ako para mabuksan 'yan." Muli itong humiga at ipinikit ang mga mata.

"What the hell? Matutulog ka lang ulit? Lance! Kailangan nating lumabas!"

Hindi na ito sumagot kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan. Sinubukan kong tumawag ng tao sa labas pero hindi ito eefective. Tapos pagharap ko kay Lance ay mukhang relax na relax lang siya dahil mukhang nakuha na nito ang inaasam niyang tulog. Nakakaasar talaga siya kahit kailan!

Dumidilim na rin sa labas at baka hinahanap na nila ako kuya. Susubukan ko sanang magtext pero lowbatt na ako.

Lumapit ako kay Lance at kinurot ko siya nang todo.

"A-a-aray aray naman! Sharlot! Masakit na, ah!"

"Cellphone muna!" Sabi ko rito na hindi tinatanggal ang pagkakurot ko sa pisngi niya.

"Aray! Sharlot! Fck! ETO NA!" Pagkaabot niya ng cellphone niya sa akin ay binitiwan ko na siya. Sinubukan ko itong buksan pero ayaw bumukas.

"Bakit ayaw bumukas?"

"Lowbatt." -__-

Madilim na at medyo malamok na rin. Natatakot na ako dahil ang tahimik na ng buong paligid. Nakaupo na lang ako sa may mat. Iniikot ko pa nga yung paningin ko. Ang boring 'di ako mabubuhay nito. Hindi ba napapanis ang laway ni Lance na nanahimik lang lagi?


"alam mo ba yung kwento about sa---"

"wa-wait Lance wag mong sabihin-----"

"Multo" seryoso niyang sabi

"Huwag kang magkukwento sasapakin kita Lance"

"Yung tungkol sa sadistang multo." Napasimangot na lang ako dahil sa pang-aasar nito ngayon sa akin.

"Lance Mariano.... kapag ikaw hindi tu-mi-gil.." napalunok ako ng sarili kong laway nang lapitan niya ako.

"Gusto mo bang marinig?" pabulong pa niyang sabi. Mabilis akong nakaramdam ng kaba pati na rin ang biglang pag-init ng mukha ko. Nagbablush ba ako?

"may multo ba talaga?"

"Alam mo bang nakakakita ako" he said seriously

Muli akong napalunok at napatingin sa kanya. Mukha talaga siyang seryoso kaya mas kinakabahan ako lalo. Pero mabilis na naglaho ang kaba ko nang marinig ko ang pagtawa nito ngayon lang.

"You should have seen your face, Sharlot! That was hella funny!" Natatawa pa rin nitong sabi."

"Ugh! I really hate you, Lance!"

"i like you ,too"

"Tigilan mo nga ako sa paganyan mo!"

"Why? I'm serious"

"Baliw!"

"no, i'm not"

"yes, you are"

"Rabbit ka talaga!"

"PANGIT ka talaga!"

Hindi na niya nambully pagkatapos nun pero naramdaman kong pinaglalaruan nito ang buhok ko.

"Don't touch my hair"

"But your hair feels nice"

"Are you perhaps... gay?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Hindi ako against sa kanila. In fact tanggap na tanggap ko sila kaya kahit ano pa si Lance, ituturing ko pa rin siyang kaibigan.

"Gusto mo bang patunayan ko sa'yong lalaki ako?" Napalunok akong muli nang mas lumapit pa siya lalo sa akin. Medyo lumayo ako sa kanya at tumahimik na ako ulit. Awkward na kasi.

Anong oras na kaya? Siguro 8pm na. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko at kanina pa kami hindi nagsasalita dito. Baka hinahanap na talaga ako ng mga kuya ko.

"wala ka bang pagkain?" tanong ko

"Wala. Bakit mo nagustuhan si Jake?" Tumingin ako sa direksyon niya pero hindi ko n atalaga maaninag ang mukha nito dahil sa dilim.

"kasi mabait siya"

"you don't know him at all.... He's been playing your heart since the beginning" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito ngayon lang. Hindi ko ma-absorb ang sinabi nito.

"what do you mean?"

" i can sense it. He's not serious. Maybe he's trying but i can't see the effort"

"Sinisiraan mo ba siya sa akin?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"bakit ko naman gagawin yun?"

"Kasi sinabi mo sa akin na gusto mo ako!" Agad akong nakarinig ng pagtawa dahil sa nagging pahayag ko ngayon lang.

"I like you but as a friend, Sharlot."

"Aaaah!" Nakaramdam ako ng pagkahiya bigla. Masyado akong nagging assuming sa part na iyon. Magsasalita pa sana ako nang biglang nag-growl ang tyan ko. Nakakahiya na talaga kay Lance.

"oh" may inabot siya sakin...

"what's this?"

"isn't it obvious? Chocolate" he answered

Kahit pa nagsinungaling siyang wala siyang pagkain kanina ay super na-appreciate ko siya ngayon. Kung alam lang niya ang gutom na nararamdaman ko ngayon! Isa na tuloy siyang anghel sa paningin ko.

"Quit staring, baka bigla kang mahulog sa akin."

"ASA naman Lance... it'll never happen Lance Mariano"

"Do you think so, Miyuki Sharlot Parco?

"Syempre naman!"

"Then great...." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya at tinadyakan ang pinto at ganoon na lang ang gulat ko nang masira niya ang pinto. "Tara, hatid na kita."

"P-paano yung pintuan?" Nakatingin pa rin ako sa pinto dahil hindi ako makapaniwala! Sinira niya iyon at tila ba wala lang sa kanya iyon!

"Ah, hayaan mo na." Aniya bago ito nagsimulang maglakad. Hindi ko maintindihan kung bakit parang biglang bad mood siya. Dahil ba gutom na rin siya katulad ko? Sinundan ko ito hanggang sa makalabas kami.

"Lance?"

"Don't talk to me." Napalunok ako bigla. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang ikinagalit niya. Dahil bas a chocolate?

"Lance, galit ka bas a akin?"

"why would i?"

"then no?"

"no."

"eh, bakit parang galit ka?"

"i'm hungry" Kung ganoon ay tama ako. "And it's hot."

Malamig nga, e. Gusto ko sana iyong sabihin pero hindi na lang ako nagsalita. Baka naiinitan talaga siya. Half kalabaw siguro siya.

"sakay na. gabi na eh hatid na lang kita"

"last na tanong" sabi ko nang umaangkas na ako sa kanya

"what is it?"

"sabi mo kasi kanina... nasesense mo na hindi ako gusto ng boyfriend ko na syempre 'di ko naman pinapaniwalaan kasi ang bait niya sakin."

"ang haba naman ano na yung tanong?"

"then for you, what is love?"

"tsk..."

"ano na?" tanong ko habang kinukuha ko yung helmet na inaabot niya.

"love is abstract. It is something that we cannot touch nor cannot carry."

At after niya sumagot ay sumakay na rin ito. "Love is precious if the feeling is mutual then grab it. Don't waste a chance. Chances will not always be given; second is not always the same with the first one. It's either you'll become happier or the worst you'll get hurt." Tuloy pa nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #book