CHAPTER 13: Facts about Lance Mariano
CHAPTER 13: Facts about Lance Mariano
"Gail!" Magiliw na tawag ko sa kaibigan ko. Lumapit ako sa kanta at mabilis na kumapit sa kanang braso nito.
"Napaano ka naman? Ang saya mo, ah." Aniya. Mukhang hindi siya natutuwa sa inaasta ko ngayon. Mukhang alam niya kung bakit ako ganito.
"Eeehh kasi..."
"Kinikilig ka ba?" Inilayo niya ako sa kanya kaya tumango naman ako.
"Anong pinag-usapan niyo ni Lance kahapon? Sinamaham mo siya sa clinic kahapon, diba?"
"Ah..." Muli na naman itong naglakad kaya sumabay naman ako. "Wala naman kaming napag-usapan."
"Hindi nga?" nagtatakang tanong ko.
"Meron naman pero..."
"Pero?" Binibitin naman niya ako, e!
"Tungkol lang sa'yo." napatigil ako sa paglalakad kaya naman tumigil din siya para harapin ako. nakangiti ito.
"About sa akin? Bakit ako?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Bakit naman kasi ako talaga ang topic, e sila naman ang magkasama?
"Oo ikaw. Isa ka raw kasing sadista at isang clown."
"C-clown?" Hindi makapaniwalang tanong ko! Grabe yung lalaking yun! "Hindi ako sadista at lalong hindi ako clown!"
Napahinto ako bigla dahil naalala kong wala pa rin si Lance. Sabagay ay nilalagnat nga pala siya kahapon. Baka hindi na talaga iyon papasok ngayong araw.
Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan ni Gail kaya naman idinukmo ko na ang ulo ko sa desk. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa kakapanood ko ng mga Korean drama. Pinapagalitan nga ako ni Russel dahil lagi raw akong nagpupuyat gawa ng mga kdrama na 'to.
Napaayos lang ako nang upo nang akala kong teacher na namin ang pumasok pero nagkamali ako. Si Lance. Napakunot kaagad ako ng noo nang makita ko siya.
"Nilalagnat ka pa, diba?" Tanong ko sa kanya nang makalapit na ito sa upuan
"Sinong may sabi?" Walang gana nitong tanong sabay baba ng bag niya bago umupo at naglabas ng librong babasahin.
Wala talaga siyang interes sa pakikipag-usap sa ibang kaklase namin. Hindi rin gaano nakikisama sa mga kaklase naming lalaki. Minsan lang kapag niyayaya siyang maglaro ng basketball.
"Anong binabasa mo?"
"Hindi pa ba halata sa cover?" Napangiwi na lang ako dahil sa kasungitan nya. Mas gusto kong manood kaysa magbasa ng libro. Magbabasa lang ako kung may drawing an yung libro.
"Lance." Tawag ko ulit
"What?" Isinara niya yung libro dahil mukhang inis na siya sa kin.
"May gagawin ka mamaya?" I saw him smirk nang tanungin ko siya.
"Bakit? Gusto mong mag-date tayo?"
"H-hoy! Hindi, ah!" Sabay tingin sa paligid namin kung may makarinig. "Baliw." i whispered to myself.
"You know what Sharlot..."
"Don't call me Sharlot. Miyuki kasi." Pagtatama ko.
"I'll still call you Sharlot."
"Bakit ba ako nag-aaksayang kausapin ka? Anyway, ano pa yung hindi ko alam?" Tanong ko na lang.
"I like you." He said. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi niyang iyon. Ano raw? He likes me raw?
Pakiramdam ko ay nanlalaki ang mga mata ko ngayon dahil sa gulat. Pinagtitripan niya ba ako? Tapos ngayon humawak pa siya sa chin niya saka niya ako tinititigan. Mag e-evaporate na yata ako dahil sa hiyang nararamdaman ko?
Ngumiti siya saka sinabing "bakit ang bilis mong magblush? Dahil ba sinabi kong gusto kita?" Napalunok ako ng laway ko. "Relax Sharlot. Not in a romantic way." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa paliwanag niya.
Phew! Pero kung sabagay walang-wala naman ako doon sa ex-turned-best friend niyang si Sana. Malayong mas maganda naman iyon sa akin at mukhang artista.
"Tutal nabanggit mo na rin naman yung gusto-gusto na iyan, anong type mo sa isang babae?" Gail! This is for you! Lakihan mo yang tenga mo dyan sa likod at makinig ka!
"Bakit? May gusto ka na ba sa akin?" Nang-aasar yata talaga ang isang 'to! Kanina pa siya, e! Pepektusan ko na talaga!
"Woo! kapal ng mukha. Ang hangin." Napangiti naman siya sa sinabi kong iyon.
"I like chubby girls." Chubby? Tumingin ako kay Gail. Hindi siya chubby. "And girls with curly hairs" sabay hawak nito sa buhok ko. Hindi naman siguro ako yang tinutukoy niya? Kulot lang yung dulo ng buhok ko pero hindi naman ako chubby.
"Yung madaling magblush." Tuloy nito pagkatapos ay naramdaman koa ng pagbilis ng heartbeat ko. "Matalino syempre." Gail! Ikaw na 'to! "Ano pa ba? Yung katulad ng mommy ko." Doon ako ay biglang natawa.
"Hahahaha! Mama's boy ka talaga." Sabi ko sa kanya.
"Stop laughing. There is a reason why i said that."
"Ano?"
"She's one of a kind. She's the best. That's why i want a girl as awesome as my mom."
Matapos niyang sabihin iyon ay binuklat niya na ulit ang libro niya. Ang sabi sa akin ng kuya Rex ko dapat kung magboyfriend ako ay yung mga lalaking mahal na mahal ang nanay nila. Kasi sila daw yung marunong rumespeto sa babae.
"Sadistang Rabbit."
"Oh?" Wait, what? bakit ako sumasagot? Hindi naman ako isang sadista at lalong hindi ako rabbit!
"May gagawin ka mamaya?" Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil tanong ko iyon sa kanya kanina. Napatingin din ako sa hawak niyang papel ngayon. Mukhang sulat iyon.
"Wala naman. May practice kasi sila Russel mamaya kaya baka umuwi ako ng maaga."
"Samahan mo ako. I need your help."
"Anong klaseng tulong?"
"I need to dump someone."
Buong klase yata namin ay iyon lang ang inisip ko. Bakit kailangan niya pa ako para lang mang-dump ng isang babae? Napapailing na lang tuloy ako dahil sa klase ng logic ang meron siya.
Pagkatapos pa lang ng klase namin ay sinabi kaagad ni Lance na aalis na kami. Hindi siya nagsasalita habang naglalakad kaming dalawa papunta sa parking lot. Ang sabi nito kanina ay nandoon na ang driver niya. Napaka-spoiled talaga. Pwede naman siyang mag-commute na lang pero heto siya at may sariling sasakyan at driver. Bukod sa pagiging spoiled niya ay napaka-unpredictable din niyang tao at napakamoody pa! Hindi ko maintindihan kung bakit suya nagugustuhan ng mga babae. Dahil ba gwapo siya? Magaling sa sport?
Twenty minutes din kaming walang imikang dalawa sa sasakyan hanggang sa marating naming ang lugar. Pagpasok namin sa loob ng venue ay nagulat na lang ako. Party ito! Tapos naka-uniporme pa kaming dalawa ngayon. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nandoon ngayon.
"Lance, party pala 'to, e. Alis na tayo." Pabulong kong sabi rito dahil nakakailang na rin ang tingin sa amin ngayon ng karamihan.
"Hindi tayo magtatagal." Aniy bago nito hinawakan ang kamay ko para siguraduhin na hindi ako aalis sa tabi nito. "Lahat ng sasabihin at gagawin ko mamaya, huwag mo na lang pansinin." Mahina lang ang pagkakasabi nito. Dahilan na rin kung bakit ako napatingin sa kanya. Ang seryoso niyang tignan ngayon, hindi akma ang ekspresyon na pinapakita niya sa party ngayon.
"Oh my God! Lance! You're here!" Mabilis na lumapit ang babae kay Lance at niyakap ito. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nabitiwan ni Lance. Tila ba sinasadya ng babae mabitiwan niya ako. "Hindi ako makapaniwalang nandito ka, dahil ba sa sulat ko kanina? Did your heart beats faster?"
Inis na inilayo ni Lance ang babae sa kanya.
"Oh, sino 'tong mukhang basahan na kasama mo?" Napanganga na lang ako sa sinabi ng babaeng ito ngayon. Ako? Basahan? Sasagutin ko sana siya pero naramdaman ko ang biglang pag-akbay ni Lance sa akin.
"She's my girlfriend."
"Girlfriend? You mean, your girl for this night?" Nakangising wika ng babae.
"Nope, my girl for tonight and for the rest of my life." Mas hinigpitan pa lalo ni Lance ang pagkakapit niya sa akin nang mapansin niyang tila lumalayo ako sa kanya. Hindi ko naman kasi inaasahan na sasabihin iyon ni Lance. Naku! Kapag nakita talaga ako ng isang kakilala ni Jake dito ay mayayari na talaga ako!
"So, Arrianne, I'm sorry. Stop sending me random letters and gifts. Huwag mo na ring guguluhin ang kaibigan kong si Ales."
"Woah!" Nagulat ako nang nakuha na namin ang atensyon ng halos lahat dito ngayon sa loob. Nakakahiya.
Matapos iyon ay mabilis akong hinatak ni Lance palabas ng venue. Mukhang party iyon ng mga magkakaklase at tila ba naggatecrash lang kami doon para manggulo.
"can't you at least tell that in private? Hello? Lance! Ang daming tao doon at pinahiya mo siya"
"Pinahiya? Mas nakakahiya ang ginagawa niya... mas nakakahiya ang pagsunod-sunod niya sa isang lalaki na hindi naman siya gusto. I dumped her several times...but what happened? Wala! kaya kinailangan kong gamiti---"
"i never thought that you are a heartbreaker, Lance. I never thought na babastusin mo yung babae.... you know what? I think di pa talaga kita kilala. i thought pinalaki ka ng maayos ng nanay mo.... pero ano??? Ang PANGIT NG UGALI MO! Lance babae pa rin yun! Sana naman kung binalak mo siyang saktan sana sa wala na lang makakarinig! Lance ang daming tao sa loob! Ano na lang mangyayari sa kanya? Pagtatawanan siya ng mga nandun! I HATE YOU LANCE MARI-----"
Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Hindi ako makakilis nang dahil sa ginawa niya.
"Shut the f*ck up! Wala kang alam! I did that for her own good... you know what? Kasi mas pinagtatawanan siya sa kakasunod sa akin! I did that para matigil na ang kahibangan niya! Now.... sabihin mo... dapat ba hinayaan ko na lang siya sa pagsunod-sunod sa akin? Dapat ba hayaan kong tini-threaten niya ang kaibigan ko? Tell me papaasahin ko ba siya sa wala?"
Natahimik ako. Wala nga naman kasi akong alam.Pero hindi naman ako natigilan dahil sa mga sinabi niya. He didn't let me finish talking earlier and he shut me up using his lips.
"i-i'm sorry... i didn't mean to...." Pagkatapos niyang sabihin iyon at pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Sa harap ito pumwesto kaya naman pumasok na rin ako sa loob. Hindi ko maipaliwanag ang kabanng nararamdaman ko ngayon. Pati ang mga tuhod ko ay tila nanghihina ngayon.
Binaba niya ako ulit sa school at pagkatapos ay umalis na sila ng tuluyan ng driver niya. I'm still in dazed when Jake approached me.
"Hey san ka galing?" sabay tap pa sa likod ko
"w-wala naman..."
"wala? Nakita kitang bumaba sa sasakyan ni Lance... saan kayo galing?"
"w-wala naman.... tinulungan ko lang siya..." I helped him break someone's heart.
Pag-uwi ko ay text kaagad ni Gail ang nabasa ko.
1 new message:
From Gail
Tinatanong mo kung ano pinag-usapan namin ni Lance, right?
Diniretso niya ako. Hindi niya ako gusto.
Doon ay alam ko na kung ano ang salitang tugma kay Lance. He's a heartbreaker.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro