Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mahal din kita, Paalam

Madilim na naman, ang kalangitan
Kapansin-pansin, liwanag ng buwan
Hindi ko mapigilang, ito'y titigan
Nakabibighani, nitong kagandahan

Dahil doon, ako'y may naalala
Ngayon luha ko'y, tuloy-tuloy na
Masakit sa puso, aking karanasan
Dalangin ko ito sana'y, panaginip nalamang

Isang gabi, ako'y may nakilala
Maginoong lalaki, sadyang kakaiba
Sa aking palagay, ano kaya siya?
Sa nakikita ko, marahil ay alam ko na

Naging magkaibigan, kaming dalawa
Ngunit hindi ko napigilang, itanong sa kanya
Kung may katotohanan nga ba, ang aking hinuha
Isa lang ang sagot niya, "Nagkakamali ka"

Kung gayo'y, guni-guni ko lamang pala
Nakakahiya, ako'y hibang na
Marahil na rin sa hilig ko, sa mga ganoon
Kaya ko iyon naisip, at sa kanya'y naitanong

Gayunpaman pagtingin ko, sa kanya'y hindi nag-iba
Lalong tumindi, ang aking paghanga
Kahit lumalabas lamang sya, twing gabi na
Kami'ng dalawa'y ,lagi pa ring nagkikita

Napasinghap sa bigla nyang, pagyakap sa akin
Naramdaman ang sakit, ngunit sya'y nagpatuloy pa rin
Matapos ito ay, agad kong napansin
Pagsisisi sa kanyang ginawa, kahit di man niya aminin

Mula noo'y, di ko na sya nakita
Sa tagpuan namin, lagi na akong mag-isa
Kaya't naisipan kong, bisitahin ang mansyon niya
Nabigla ako sa aking nakita
Dating mansyon, kung tingnan ay kay saya
Ngayon kay lungkot na, at wala ng saya
Napansin ding ang lahat ay nakasara
Pintuan nito at mga bintana

Sa tarangkahan ng mansyon, ako'y may nakita
Isang papel na may sulat kamay niya
Nang aking basahin, ako ay nabigla
Nakapaloob dito, "Dahil mahal kita"

Pag-angat ng tingin , ako'y may nakita
Lubhang nakatitig sa aking mga mata
Habang inaabot ito, ako'y napaluha
At pangalan nya'y nabanggit ng mahina

Lumipad ang hayop, patungong kawalan
Lumayo sa akin, ako'y kanyang iniwan
"Mananatili ka sa puso, magpakailan man
Mahal din kita, Sinta. Paalam."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro