Hindi malilimutan
Noong una, kitang nasilayan
Nabihag kaagad, ng iyong kagandahan
Lalo pa nung nalaman, ang iyong pangalan
Nakamamangha, iyong kabaitan
Hindi rin nagtagal, ikaw ay minahal
Sabihin man ng ibang, ako ay hangal
Hindi mapipigilan, aking katapatan
Sayo ang puso, magpakailanman
Ngunit bakit nga ba, hindi parin sapat
Lahat ng ito, nung ikaw ay nagtapat
Paano nangyaring, tayo'y nagtagpo
Kung matagal mo napalang, nilisan ang mundo
Nagdaramdam ako, sa iyo ng lubos
Hanggang doon nalang, bigla mong tinapos
Pagsinta nating, tunay at wagas
Sa aki'y wakang naiwan, ni isang bakas
At saka lamang, ikaw nag-paalam
Kung kailan pag-ibig ko na, sa iyo'y pinaramdam
Salamat sinta, sa bigay mong karanasan
Kailan ma'y hindi kita, malilimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro