Chapter 1: Sound
Sabrina's Pov
"Who are you?" Matapang na tanong ko. Actually, tapang tapangan na tanong ko. Hindi naman sa mukha siyang kung ano, ibang presensya lang talaga ang naramdaman ko sakanya at yung mata niya. Aish.
"I'm here to fetch you." Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang kaniyang Boses. What the fvck? Goosebumps Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin sakanya.
"What are you saying?"
"I'm from SMA-" Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang Pinto ng bahay namin.
"Sabrin-" Biglang tumingin si mom sa lalaking nasa harap at itinaas ang isa niyang kilay.
"Madam, I'm from SMA. I'm here to fetch her." Walang emosyon niyang sabi at binalingan ako ng Tingin. Agad din akong umiwas sa kanya ng tingin dahil hindi ko matagalan ang kumikinang niyang mga mata.
"Oh okay." Mom said and looked at me. "Be a Good Girl okay?"
I simply rolled my eyes. Ugh!
Pumasok muli si mom sa loob ng Bahay. The hell! Anong klaseng nanay siya? Napatingin naman ako roon sa lalaki na tumalikod na at nagsimulang maglakad paalis.
"H-hey! Are you sure? You are from SMA?" I shouted.
"What SMA means?" Narinig kong tanong niya pero hindi parin siya tumitigil sakanyang paglalakad, medyo napapalayo na rin siya saakin kaya naglakad na rin ako, Ayoko maglakad mag isa dito sa Gubat noh.
"I don't know! Duh, I'm a Transferee. I'm just new here." Mahinang sagot ko. Sumusunod lang ako sakanyang paglalakad. Matangkad akong babae pero mas matangkad siya saakin, Grabeng tangkad naman yan. Halata ko rin ang pagka Maskulado niyang katawan.
"Yeah, You transfered to a School that you don't know. Mali ang Pinasukan mo." Naiiling iling niyang sabi.
"Mas okay nga doon. Parang tahimik at hindi uso ang bully." Mahina kong sabi. Hindi na muli siyang nagsalita at tahimik lang na naglalakad. Sigurado naman akong narinig niya ang sinabi ko. Well, I Shrugged my Shoulder. Hindi nalang din ako nagsalita at tahimik na sinusundan siya.
Pilit kong hindi mawala ang paningin ko sakanya dahil masyadong madilim na rito at naglalakad kami sa Gitna ng Gubat. Nasaan na ba kasi ang SMA na iyon? Humihinga ako ng malalim dahil natatakot na ako rito hindi ko lang ipinapahalata.
Maya maya ay natanaw ko na ang Malaking Gate at may nakalagay na SMA. Napahinga naman ako ng malalim, Sa wakas ay naririto na kami, Gusto ko ng mahiga sa kama at matulog kaagad. Pinagbuksan kami ng Gate ng Guard at pumasok na sa Loob.
Napahinto ako dahil biglang huminto ang lalaking itong nasa Harap ko, Humarap siya saakin kaunti at may inabot. Kumunot naman ang noo ko.
"Your Schedule" Walang emosyon na saad niya saakin, Agad ko naman itong kinuha at tinignan.
What. The. Heck.
"Hey bakit 6:30 pm ang clas--" Inikot ko ang paningin ko, nawala nalang ang lalaki kanina. The heck? Iniwan ako dito? Ni hindi ko nga alam itong School na 'to.
Napatingin ulit ako sa Schedule ko. Saakin naman ito kasi nakalagay ang pangalan ko. 6:00pm to 12:00 am. Tinignan kong mabuti kung namamalikmata lang ako, Baka naman 6:00 AM to 12:00 PM talaga to, Baka nagkamali sila. Bumuntong hininga ako. Bakit kasi iniwan ako ng lalaking iyon. Wala ring katao tao rito sa Hallway. Napatingin ako sa Relos ko, 7:15 Pm na. Gabi na Jusme! Bakit kasi. Ugh! Ang weird ng School na 'to.
Nagsimula akong maglakad, Medyo kabado din ako dahil may ibang presensiya kong nararamdaman sa School na 'to. Napabuntong hininga ako, Nasaan ba ang mga tao dito? I whisper.
'Walang mga tao dito.'
Napahinto ako sa paglalakad ko nang parang may narinig akong boses na nagsalita. Tumingin tingin ako sa kabuuan ng hallway pero wala namang katao tao. Nagsimula nang magtaasan ang mga balahibo ko.
"May tao ba jan?" Sabi ko habang patingin tingin sa paligid.
Biglang humangin ng malakas. Fudge! San nanggaling ang hangin na iyon? Halos wala ngang bintana rito.
Naramdaman ko na parang may tao sa sa likuran ko. Shit, Lilingon ba ako? Titignan ko ba? Eh pano kung multo to? Ugh! Linamon na ko ng mga horror movies.
"Hi."
"Ahh!" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Tngina naman oh! Humarap ako at nakita ko ang isang lalaki na nakangiti saakin. And.... yep, He is Handsome. Napatingin ako sa mga mata niya. Golden Eyes. Bakit ang weweird ng mga mata nila? Ano 'to trip talaga nila magsuot ng Contact lenses?
"Hello. Can i ask a Question?" I asked.
"Sure! Why not babe?" He smiled.
I rolled my eyes. Playboy!
"Can you tell me where is the Principal office?"
"Gusto mo ihatid nalang kita doon? Ano ba ang kailangan mo bakit ka pupunta doon?" Nakangiti parin niyang sagot. Hindi ba siya nangangalay?
"Yes please and none of your business." I said.
"Woah." He said and raised his two hands. "Interesting." He whisper but i heard it.
"Prince Byron." Napalingon ako nang may magsalita sa likuran ko, Isang babae may katandaan na. Siguro mga nasa mid 30s?
Prince Byron? What a name!
Nakatingin lang ang babae dito sa lalaki, Ang weird kase magkatinginan sila. Para silang nag uusap sa mata. Biglang tumango yung lalaki tapos ay tumingin saakin.
"Una na ako babe! Si Maam rose na ang bahala sayo. See you around." And he winked. Ugh! So landi.
"Ms. Sabrina Avery. I'm Mrs. Rose, The Head Teacher. This is your uniforms, your dorm number and key." She said at inabot saakin Ang nakahanger na uniforms at isang susi. Agad ko naman itong kinuha sakanya. Aalis na sana siya ngunit agad akong Nagsalita.
"Wait, Mrs. Rose. Can I ask a question?"
Huminto siya at tumingin saakin. Damn! Bakit ba lahat sila ay may golden eyes? Except Doon sa sumundo saaking lalaki na may kulay silver na Mata at kumikinang pa! Sobrang puti din nila. Wow, di nasisikatan ng araw ah.
"If you have a Question. Ask your dormate, I'm sure they are willing to answer all of your questions. Your curiosity. Good luck and Enjoy your stay here, Ms. Avery." She said and walk away. WTH?
Tinignan ko Ang susi, naka ukit dito Kung ano Ang dorm number ko.
0029
I bit my lip. Where can I find this fvcking dorms? They leave me here without giving me a directions! This is bullshit!
Wala na akong nagawa kundi simulan na ang maghanap. Naiirita na ako! Saan ba pwedeng magtanong?! Bakit kasi walang katao tao dito. Nakaka imbyerna!
Naglalakad ako ngayon dito sa Hallway? Creepy na talaga masyado, Mga balahibo ko ay nagtatayuang muli. Nakakapagtaka talaga dahil walang ka tao tao rito. As in ako lang ang mag isa. Medyo nakakatakot pa naman ang itsura ng school. Black and red? Ugh.
I rolled my eyes and took a deep breathe. You're strong Sabrina, right?
May narinig ako ng kung anong tunog, Nang gagaling sa di kalayuan saakin. Binilisan ko ang paglakad papunta doon dahil baka may tao roon at pwede ko siyang pagtanungan.
May nakita akong Glass Door, Nakikita rito ang Labas. Pinilit kong buksan ang Pinto ngunit nakalock ito, Kaya ay sinilip ko nalang kung anong meron doon. Mga Puno lang naman ang nakikita ko, Madilim na rin ngunit may kaunti pang ilaw.
Aalis na sana ako ngunit may napansin ako na parang may Tao sa labas. Kaya ay muli kong sinilip ang Pinto at pinagmasdam muli.
Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakatalikod, ngunit napansin ko na parang hindi lang siya nag iisa. Nakita kong may babae sa Harap niya nakasandal sa puno, at kita ang takot rito. Pinilit kong buksan ang pinto para matulungan sana ang babae. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng lalaking nakatalikod pero kita ko kasi ang Takot sa mukha ng babae. Estudyante sila. Nakauniporme pa.
Nakita ko na biglang itinagilid ng lalaki ang ulo ng babae at pinagdiskitahan ang leeg nito. Wtf, Is this a Raping Scene?! Fvck anong klaseng school ito?
Medyo napunta sila sa may ilaw kaya ay nakita ko na ang Gagawin ng lalaki. Unti unti niyang inilapit ang Kanyang ulo sa leeg ng babae, Nakita ko rin ang pagbuka ng bibig nito, At sa susunod na nangyari napatulala nalang ako at agad na tumakbo palayo roon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro