Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

| Kabanata 9 |



Kinakabahan akong lumabas ng kwarto na nakakapit kay Kuya Lucio, kasunod nina Kuya Marco at Kuya Lucas. Bumalik na uli ang kaba ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakarating na ako doon.


Nilapitan namin sina Ama at Tiya Arcela na nakatayo sa may hagdan. Nakangiti si Tiya Arcela pero si Ama seryoso pa rin. Naku naman, birthday na birthday nakasimangotHala! Goodness, wala pa pala akong regalo para sa kanya. Di bale, maghahanap ako.


"Halika na mahal, marami na ang mga panauhin na naghihintay," nakangiting sabi ni Ina at inilagay na ang kamay sa braso ni Ama.


"Ah, teka. Ama..."

Napatigil naman sila nang magsalita ako. Lumingon naman si Ama sa akin at tinitigan ako tsaka tinaasan ng kilay. Ang cold niya talaga.


"M-maligayang kaarawan po, Ama. Hiling ko pong masaya po kayo ngayong araw at sa mga araw pang darating sa buhay niyo," nakangiti kong bati. Napatitig naman silang lahat sa akin na parang mali ng sinabi ko. Bakit? Birthday niya ngayon diba? Tama naman 'yong speech ko diba?


Ilang sandali rin niya akong tinitigan at maya-maya pa ay parang natauhan naman si Ama at tumango siya, "Salamat," tipid niyang sabi at bumaling kay Ina, "Tayo na." Nginitian naman ako ni Ina at tumango kay Ama at bumaba na sila.


Goodness, napakaseryoso niya talaga. Wala man lang smile tapos teary eyes? Hay naku. Hindi man lang siya na-touch sa message ko?


Sumunod naman sina Kuya Lucas, Kuya Marco at Tiya Arcela, matapos akong ngitian.


"Akala ko ba ay galit ka kay Ama?"


Napalingon naman ako kay Kuya Lucio na nagsalita sa gilid ko. Napataas ang kilay ko. Si Kristina galit sa Papa niya? Bakit naman?


"Hindi kita maintindihan. Bakit naman ako magagalit sa kanya?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Napa-smirk naman siya, "Martina, kilala ka namin at alam namin ang iyong ugali. Hindi mo kinikibo si Ama dahil galit ka sa kanya dahil sa mga utos at mga bagay na pinasusunod niya sa iyo."


Ah, gano'n pala. Kaya pala ang cold niya sa akin at noong pinansin ko siya parang hindi siya—sila makapaniwala sa sinabi ko. Magkagalit pala sila ni Kristina.


"At mas lalo pa iyong lumala nang pinasama ka ni Ama kay Tiya Arcela sa Fuente Ilaraya ng tatlong araw," dugtong niya pa.


Napailing nalang ako sa loob-loob. Ikaw talaga Kristina. "Kuya Lucio, alam mo, sa tatlong araw ko sa Fuente Ilaraya doon ko napagtanto kung gaano ako kasamang anak kay Ama," wika ko.

Ginagawa ko 'to para mawala ang gusot nilang mag-ama, dahil baka isa 'yon sa rason kung bakit mamamatay si Kristina.

"Gusto kong magkaayos na kami ni Ama. Napagtanto kong ang kabutihan ko lang ang iniisip niya," dugtong ko.


Ngumiti naman si Kuya Lucio dahil do'n, "Mabuti kung ganoon. Masaya akong marinig ang mga bagay na iyan mula sa iyo Martina. Sana ay totoo ang iyong sinasabi," aniya. "Sya, at tayo ay naiwan na nila rito," natatawang sabi niya at lumingon kina Ina na ngayon ay nasa baba na at nakatingin sa amin.


Bigla naman uli akong kinabahan nang marinig ko ang mga pag-uusap ng mga bisita.


"Martina, mayroon bang problema? Maaaring ko bang matanong kung bakit ikaw ay nanlalamig?" tanong ni Kuya at nag-aalalang tumingin sa akin. I smiled inwardly. Napaka-thoughtful at caring naman niya.


"Ayos lang ako, Kuya. Pangako ah, 'wag niyo akong iwan."


Bahagya naman siyang natawa, "Aba'y hindi ka naman ganito dati. Ngunit huwag kang mabahala. Pangako, andito lang ako palagi para sa iyo. Sina Lucas at Marco ay ganoon din. Ano man ang mangyari nakahanda kaming alalayan at tulungan ka," nakangiting sabi niya at seryosong nakatingin sa akin.


Ngumiti ako at hindi ko na naiwasan pang mayakap siya, "Salamat, Kuya."


For the first time in my life, I felt assured. Sana sa future may kuya ako, may mga kuya akong kagaya nila na po-protekta, iitindi at bibigyan ako ng pagpapahalaga. Kristina is so blessed to have brothers like them.


"Bababa na tayo?" natatawang tanong niya. Natawa din naman ako at tumango.


"Itakip mo ito sa iyong mukha kapag may ginoo. Alam mo na iyon hindi ba?" sabi niya sabay turo sa dala kong pamaypay.


Nagdala kasi ako dahil mainit at makiliti ang suot ko. Pantakip pala 'to ng mukha? Tumango nalang ako.


Inalalayan na niya ako pababa ng hagdan. Goodness, nanginginig na ako. Hindi ko pa naranasang mapunta sa ganitong mga gatherings lalo na at hindi ko kilala ang mga bisita. Kinalma ko nalang ang sarili ko at lumingon ako sa kaliwa at unti-unti kong nasilayan ang mga bisita na ngayon ay nakatingin sa amin ni Kuya, dahil nga huli kaming nakababa, pero pwede na rin dahil nagandahan sila sa akin.

Maraming mga tao ang dumalo at syempre ng mga suot nila ng gaganda at sobrang sophisticated. Well, ganoon naman talaga basta mga people from higher society, they say, flaunting thier riches.

Hindi ka nga makakakita ng simpleng damit lang ang isinuot. May mga grupo-grupo rin ang lahat ng nandito. May mga all girls na halatang nagpapacute sa mga group ng all boys. May mga grupo rin ng mga oldies at mga middle aged. Bigla namang lumanding ang mga mata ko sa isang grupo ng mga kalalakihan. Nasa apat sila at nakatingin sa amin. Pero napako ang tingin ko sa isang lalaking kasama nila.

Seryoso siyang nakatingin sa akin, at hindi ko alam kung sinisiraan niya ba ako sa isip niya dahil nakatitig siya. Medyo magkarugtong pa ang kilay niyang medyo makapal. Matangos din ang ilong niya, may konting pagka-chinito na almond shaped ang mata at may kaputian ang kayumanggi niyang balat.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kaya agad akong napaiwas ng tingin. Ayan na naman. Kinabahan talaga ako, siguro dahil hindi ako pamilyar sa mga tao at mga gawi nila. Pero at least may mga aalalay sa akin na mga Kuya ko.

Sa wakas ay nakababa na rin kami ni Kuya. Pagdating namin sa baba ay agad kaming sumunod kina Ama na naglakad malapit sa may piano.


"Aking ikinagagalak na makita kayong lahat. Maraming salamat sa pagtanggap sa aking paanyaya. Nawa'y masiyahan kayo sa salu-salong inihanda ng aking pinakamamahal, aking maybahay na si Floren," nakangiti pang sabi ni Ama.


Mabuti pa ang mga bisita nginitian niya, eh ako—si Kristina, hindi.

May maraming mga ilaw ang nakasindi, kaya maliwanag ang buong paligid. Marami rin ang disensyo sa buong bahay kaya mas lalong gumanda ang buong floor. Hindi ko akalaing ganoon sina Ina kabilis magdesign.

Nagsimula namang tumugtug ang orchestra sa gilid at nagsimula narin mag-uusap ulit ang mga tao. May mga hired dancers din sa gitna na nagsasayaw. Nagsilapit na rin ang mga bisita para batiin si Ama. Una doon ang isang di-unipormeng lalaki, katulad ng sa formal uniform ng isang army, kulay maroon naman ang sa kanya at gold. May sash din siya at plates and pins na nakalagay sa uniform niya. Lumapit siya kay Ama at nag-shake hands sila.


"Don Agaton, maligayang kaarawan!" nakangiting bati niya kay Ama. Ow, Agaton pala ang name ni Ama.


"Maraming salamat, Gobyernadorcillo Timoteo. Huwag kayong mag-atubiling magpakasaya ngayong gabi," wika ni Ama.


Gobyernadorcillo pala siya? Akala ko heneral. As in Heneral in the army. Saan naman kaya siya gobyernadorcillo? Dito sa amin?


"Walang problema iyon, Compadre! Ang aking handog para sa iyo ay iaakyat din maya-maya," sagot naman nito ng nakangiti. So, kaibigan niya pala ito. By any chance, may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Kristina?


"Hindi ka na dapat nag-abala pa, Compadre." humalakhak na sabi ni Ama.


Wow, marunong din palang tumawa ang taong kagaya niya? At ang bilis naman magpalit ng formalities.


"Walang problema iyon," ani Gobernador.


"Maligayang kaarawan, Don Agaton," naka-ngiting sabi ng babaeng nakakapit sa Gobyernador. For sure asawa niya.


"Maraming salamat, Donya Mariela," nakangiting tugon ni Ama. "Pansin kong wala ang inyong mga anak," dugtong niya.


"Narito si Carolino, marahil ay kasama ang ibang mga kabataan. Si Guada ay naroon pa rin sa aking Ina. Ngunit siya ay babalik rin sa linggong ito," anito, "Kaya huwag kang mabahala, Lucas," at dahil sa sinabi niya ay nagsipagtawanan sila.


Nakitawa na rin ako at lumingon kay Kuya Lucas. Sino naman si Guada? Girlfriend niya?


"Naiintindihan ko po iyon, Donya Mariela. Handa ko naman po siyang hintayin," nakangiting tugon ni Kuya. Mukhang girlfriend nga niya si Guada. Ngumiti naman sila sa sinagot ni Kuya.


"O narito pala sina Don Carlos," sambit ni Gobernadorcillo. "Kamusta Don Carlos at Donya Victorina?" tanong niya sa bagong dating.


"Mabuti, Gobernadorcillo. Sana ay kayo rin," nakangiting sabi ni Don Carlos. Nagyakapan naman sina Ina at ang dalawang Donya.


"Ayos din kami, Don Carlos," sagot ng Gobernadorcillo.


Tinapik naman siya ni Don Carlos at tumango. Ngumiti si Don Carlos kay Ama, "Maligayang kaarawan, Don Agaton. Hindi man lang nawala ang ating kakisigan kahit maraming taon na ang lumipas mula sa ating kabataan."


At dahil sa sinabi ni Don Carlos ay napuno na naman ng halakhakan ang grupo namin. Ang happy nila noh. Ngumiti na nga lang din ako para hindi ako ma-out of place. Bigla namang lumingon sa akin si Donya Victorina kaya agad ko siyang nginitian. Ang ganda niya at medyo may pagka-mestisa pa. Bagay sila ni Don Carlos dahil gwapo rin ito.


"Floren, si Kristina ito, hindi ba?" tanong niya kay Ina kaya nagsipagtigil sila ng tawa at lumingon sa akin.Goodness, ang awkward.


 "Oo naman, Victorina. Siya ay iyong hindi na nakikilala? Hindi naman matagal nang huli tayong nagkita-kita," wika ni Ina.


Tumango naman si Donya Victorina, "Oo nga, matagal ko na siyang kilala. Ngunit ngayon ko lang siya nakitang ngumiti," tugon niya, kaya agad na nagdugtong ang kilay ko.


Tama nga talaga ang matanda, hindi nga palangiti si Kristina. I can't imagine that. Sumasakit ang mukha ko kapag nakabusangot ako eh.


"Hindi ba't mabuti iyon? Napakaganda niya rin kapag ngumingiti," turan ni Don Carlos. Tumango lang ako habang nakangiti pa rin.


"Mabuti iyan, hija, nang ika'y makahanap ng kasintahan at makapag-asawa na," ani Gobernadorcillo Timoteo. Asawa?! Goodness, dahil nga r'yan mamamatay ako eh.


Napatitig ako kay Gobernadorcillo Timoteo. Posible kayang may kinalaman siya? Siya ang nagsuggest na mag-asawa na ako kaya baka may binabalak siya, dahil in-open niya ang topic na 'yun.


"Asawa? Napakabata pa po ng aming kapatid para sa bagay na iyan, Gobernadorcillo," katwiran ni Kuya Lucio.


Tinanguan ko sila bilang pagsang-ayon, "Tama po si Kuya Lucio. Hindi rin ako handa pa para sa bagay na 'yan."


Well, the first step is to disagree. Sa simula pa lang dapat hindi na ako sasang-ayon. Siguro si Kristina ay hindi rin sumang-ayon, but still hindi naging sapat ang mga kilos niya para mapigilan ang kasal, at kaya siya namatay.


"Ngunit kahit ikaw ay hindi pa handa, roon ka rin naman patutungo, hija."


Napalingon kaming lahat sa taong biglang nagsalita sa may likuran namin. Nakita ko ang isang grupo ng apat na tao, siguro ay pamilya sila. Isang lalaking kaedad lang ata ni Ama at isang babaeng sopistikada ang nakakapit sa kanya. Sa likuran naman nila ay may dalawang binata na kaedad ko lang ang isa o mas matanda sa akin at 'yong isa ay mas bata pa ng ilang taon sa akin.

Ang lalaking nagsalita ay nakatingin sa akin at nakangiti. Sinuklian ko rin naman ang ngiti niya. Mabait at maamo ang mukha niya at gwapo rin kagaya nina Ama kahit may edad na. Siguro ay mga best friends 'to ni Ama.


"Don Miguel, Donya Amelia, kayo'y nakarating," nakangiting wika ni Ama.


"Bakit hindi, Don Agaton?" sabi pa nito, "Maligayang kaarawan!" nakangiting bati niya at niyakap si Ama. Mukhang close nga talaga sila. Nagyakapan din naman sa gilid sina Ina at ang bagong dating.


"Salamat, Don Miguel," natatawang sambit ni Ama.


"Maligayang kaarawan po, Don Agaton," halos sabay naman na bati ng dalawang binata.


Nginitian naman sila ni Ama, "Maraming salamat sa inyo, mga hijo. Marami kaming inihanda para sa inyo, sana ay inyong magustuhan," wika ni Ama.


"Sigurado iyon Don Agaton," sagot n'ong mas matandang binata.


Ngumiti si Ama, "Marami ring binibini ang narito ngayon na sigurado akong makakuha ng inyong atensyon." mungkahi ni Ama.


Huwaaw! Grabe itong si Ama, parang binibenta na ang mga babaeng nandito? Tss.


Natawa naman ng lalaki, "Ngunit isa lang po ang nakabihag ng aking atensyon at nais kong maka-usap," sabi pa niya at biglang lumingon sa akin.


Dahil sa sinabi niya ay napataas ang kilay ko. What the. Huh, ako? Aba, aba, iba rin to bumanat eh noh. Nakakuha ng atensyon daw, che!

Sabay naman na nagtikhiman ang tatlong kuya ni Kristina na naging dahilan ng pasimple kong pagngiti. Ayan na, lagot ka ngayon, Mister. Tatlo 'yang kabanggaan mo.

Parang hindi naman natinag ang lalaki at humarap sa akin. Talaga naman. Ngumiti siya na mas lalong nagpa-guwapo sa kanya. Oo, guwapo nga siya.

Maitim ang kanyang nakaayos na buhok. Sakto lang ang kapal ng itim niyang kilay. Bilugan ang mata na kulay brown. Maputi siya at halata sa kanya na may lahi siyang kastila. Medyo pink rin ang kanyang labi na bumagay sa kanya. Maputi rin ang kanyang ngipin na nakikita kapag ngumingiti siya.


"Magandang gabi, Binibini," nakangiti niyang bati sabay lahad sa kamay niya. Ano ang gagawin ko r'yan?


Nginitian ko nalang siya ng konti, "Magandang gabi rin sa 'yo," mabilis kong sambit.


Agad akong tumingin sa paligid at hindi pinansin ang kamay niya sa harap ko, at pasimpleng sinundot si Kuya Lucio gamit ang kamay kong nakakapit sa kanya.


I want to get out of here. Feeling ko kasi hindi ako tatantanan nito. Crush niya kaya si Kristina?


"Pasensya ka na, Ginoong Primitivo, ngunit wala sa tempo ang aking kapatid upang makipag-usap," sagot ni Kuya Lucio.


Primitivo. Agad ko siyang nilingon at nakitang bahagyang napayuko at malinaw na na-disappoint siya habang binabawi ang kamay niyang nasa ere.


Kaagad naman niyang tinakpan 'yon ng isang ngiti, "Naiintindihan ko, Ginoong Lucio. Marahil ay sa ibang pagkakataon," wika niya at nakangiting tumingin sa akin.

Hindi naman ako nagsalita. Natahimik rin ang mga elders na kasama namin. Napansin ko namang napataas ang kilay ni Ama, pero hindi ko nalang pinansin.

As much as I can, ayaw ko munang makipag-usap sa kanino man lalo na at wala pa akong kakilala kahit na sino man, aside sa family ni Kristina.


Nilingon ko naman si Kuya Lucio, "Kuya, nais ko sanang uminom. Maaari mo ba akong samahan?" tanong ko at bahagya siyang sinenyasan gamit ang mga mata ko.


Parang naintindihan naman niyang gusto ko ng umalis kaya ngumiti siya, "Walang problema, Martina," tugon niya sa akin. "Maiwan na po namin kayo, mga Don at Donya, Ina, Ama," usal ni Kuya at tumingin kina Ina.


Ngumiti naman si Ina, "Walang problem."


Tinanguan ni kuya Lucio sina Ina at naglakad na siya kaya nadala ako. Agad ko namang hinablot si kuya Marco na nadala rin si kuya Lucas. Magkasabay kaming naglakad palayo sa kanila nang mahinang nakatawa. Naglakad sina kuya papunta sa isang grupo ng mga lalaking nakapwesto malapit sa bintana.


"Mabuti naman at kayo ay nakarating," nakangising bati ni kuya Lucas.


Sila pala 'yong grupo na nakita ko kanina na kasama ang isang lalaking nakatingin sa akin. Pero hindi na siya kasama nila. Tatlo nalang kasi sila ngayon. Nasa'n kaya siya? Luh, ba't ko naman 'yon hinahanap? I shook my in annoyance to myself.


"Bakit naman hindi? Batid naming napakaraming binibini ang dadalo ngayon," sabi pa n'ong isa.


Aba! Nangangamoy playboy ata 'to. Akalain mo 'yon, may playboy rin pala sa panahong 'to. Pero infairness, hindi naman masama dahil obviously gwapo siya. May dimples pa nga eh. May pointed nose at cute smile rin na for sure mahuhulog ang mga babaeng ngigitian niya—except me.


"Hindi ka pa nagbabago, Gabriel. Mahilig ka pa ring makipaglaro sa mga puso ng mga binibini. Sigurado akong ikaw ay makakahanap rin ng katapat," wika ni Kuya Lucas doon sa playboy na Gabriel pala ang pangalan. Ngumisi lang naman siya at umiling.


Bigla naman silang natahimik nang mapansin nilang kasama ako nina kuya. May nagsenyas pa kay kuya gamit ang mga mata kung bakit daw ako kasama nila.


"Ah, ang aming bunsong si Martina ay nais sanang makipagkaibigan sa inyo. Nang sa gayon din ay madali rin ang pagbabantay namin sa kanya," sagot ni kuya Lucio. Nakataas naman ang kilay nila nang tumingin sa akin.


"Sigurado ka ba riyan, kuya Lucio? Hindi ba napipilitan lamang ang Senyorita na makipagkaibigan sa amin?" tanong n'ong isang lalaki na sa tingin ko ay pinakabata sa grupo.


Ngumiti naman ako ng konti, "Totoo ang sinabi ni kuya. Nais ko sanang makipagkaibigan sa inyo," I said.


Actually, I want to experience kung ano ang feeling ng may mga kaibigan, which I never had in the future. At ganoon din naman si Kristina, ang sabi ng matanda at ni Lolo. Walang kaibigan.


"Hindi ba't ang nais mo lang ay sungitan at awayin kami? Bakit ngayon tila nag-iba ang ihip ang hangin?" taas kilay pa na tanong niya. Bahagya naman siyang siniko ng lalaking katabi niya para sawayin siya. Ang sungit niya ah.


Kaya ngumiti ako, "Well, gusto ko rin naman sanang humingi ng tawad, hindi ko lang magawa," sagot ko. This would be so shocking ng bigla nalang ako magbabago diba? "Narealize—napagtanto ko lang sa loob ng tatlong araw na aking bakasyon ang ugali kong hindi ko dapat ipinakita sa ibang tao," wika ko. "Alam kong hindi madali ang pagpapatawad sa taong na nagkasala, pero hihintayin ko ang araw na  mapatawad niyo na ako ng tuluyan," dugtong ko.


Did Kristina did something wrong? More than the fact na inaaway niya ang mga ito at sinusungitan?

Natahimik sila dahil sa mga salitang binitawan ko. I'm making these things easier habang maaga pa. Hindi naman siguro ito makakasama sa misyon ko diba? Kakaibiganin ko sila, ibig sabihin marami akong magiging katulong para mapigilan ang kasal at hindi mamamatay si Kristina.


"Hindi naman kami ang taong nagtatanim ng galit sa kapwa. Subalit, ang ipinagtataka ko lang ay kung tunay nga ang iyong sinasabi?" ang lalaking siniko ang kasama niya kanina, "Kung sabagay sino ba naman kami upang husgahan ka kung nais mo ng magbago?" dugtong niya saka ngumiti.


Ngumiti naman ako, "Kung gano'n tinatanggap niyo ako?" usal ko.


"Sino ba naman kami upang tumanggi. Kung tapat ka sa iyong sinasabi, bakit hindi?" sabi n'ong lalaking sumiko.


"At isa pa, matagal na tayong magkakaibigan. Ikaw lang ang ayaw makipaghalubilo sa amin," singit naman ni Gabriel.


Naalala ko tuloy si Jed back in 2020. Gan'on din ang sinabi niya. Kung ganoon, pareho pala talaga kami ni Kristina, walang kaibigan. Ninais kong magkaroon ng kaibigan pero sarili ko rin naman pala mismo ang may problema, siguro gano'n din si Kristina. Dahil hindi ako nakikipaghalubilo at umaaproach sa ibang tao kasi natatakot ako.

Now, I've realized na kung gusto mong magkaroon ng kaibigan, hindi dapat isipin ang mga negative things. Rather, you need to trust them and in that way they will trust you too. If you think they will use and betray you while you are trusting them, in your paranoia, you will find yourself doing it to them instead.


"Pasensya na talaga kayo. Hayaan niyo, babawi ako," I answered smiling.


While looking at them, though I don't even know their names, I'm hoping na makakatulong sila sa misyon ko. Pinagkatiwalaan sila nina kuya ibig sabihin mababait at close friends nila ang mga ito. At sana rin wala silang kinalaman sa pagkamatay ni Kristina, dahil sa tingin pa lang mababait talaga sila at masyado silang inosente pagdating sa isang murder case. Inosente at mga makikisig rin kaya dapat hindi nila sasayangin ng mga itsura nila sa isang maitim na balak at gawain.


Makikisig? What am I talking about?


"Sinabi mo iyan ha?" nakangiting sabi n'ong lalaking sumiko sa kasama niya.


Nginitian ko rin naman siya pabalik, "Oo naman. Pangako 'yon," I smiled widely to all of them.


I'm looking forward to have them as friends of Kristina—and as my friends too.




Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro