Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

| Kabanata 5 |


Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang ang Professor namin sa Anatomy ay busy-ing busy sa kakadada sa harapan. Kakauwi lang namin noong Saturday at eto ngayon Monday back to school na naman. At syempre dahil sa nangyari sa San Luisiano grounded ako, ano pa nga ba.


"Miss Cavillian? Would you please answer question number 25, and write it on the board?" agad akong napalingon nang tawagin ako ng Professor.


Nagulat ako nang makita kong nakatingin na pala silang lahat sakin. Binigyan ko nalang sila ng blankong tingin at lumingon sa Professor. Nakataas ang kilay niya at hinihintay akong tumayo.


Goodness! Naku naman 'tong buhay na 'to. Nag-emote lang naman ako ah!


Wala na akong magawa kundi ang tumayo at nagpunta sa harap. Agad kong binasa ang tanong at nagsulat na sa board. Mabuti nalang at nagreview ako kagabi, makakasagot ako. Tahimik lang akong nagsagot at pagkatapos ay bumalik na sa upuan ko. The room was quiet at nakatitig lang sila sa board at kay Professor.


Tinaasan naman niya ng kilay ang sagot ko at lumingon sa'kin, "Well, good, Ms. Cavillian," she said and smiled. 


I just shrugged at yumuko para kunwaring nagbabasa. Bakit parang pati ang atmosphere dito ay parang walang kagana-gana?


Maya-maya pa ay tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase niya, kaya nagpaalam na siya. Agad akong nagligpit ng gamit at lumabas na ng room. Uuwi na ako kaagad ngayon dahil half day lang kami. May meeting kasi ang lahat ng mga teachers pati na rin ang board of directors ng university. Gusto kong matulog at magpahinga. Isa pa grounded ako kaya dapat umuwi ng maaga.

"Ches!"

May narinig akong boses na namayani sa hallway. Marami ang mga estudyante rito at medyo maingay din. Pero parang nakamegaphone ata 'yon sa sobrang lakas ng boses. Bahala ka dyan.
I ignored the call at naglakad na palayo.


"Chestinell!" Ignore it.


"Chestinell!" Don't listen.


"Chestinell Del Veriel Cavillian!"


What the. Aish!


Huminga ako ng malalim at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Jed, ka-block mate ko na naglalakad papalapit sa akin. I gave him a blank look at tinaasan siya ng kilay.


"Sinong nag-utos sa'yon na ipaglandakan ang maganda kong pangalan in a public place like this?" tanong ko.


Ngumisi naman siya, "Ayaw mo n'on? Sisikat ka, at madaming manliligaw sa'yo."


Nag-make face ako at umirap, "I don't care about those, Jed. What do you need ba?" I said and gave him a bored look.


"Sungit mo talaga," nakasimangot na sabi niya, "Pero anyway, gusto ka sana naming yayain sa post-sem break party kina Ivy. 5 pm start," nakangiting sabi niya.


"Wala ako sa mood, Jed. I need to rest. Siguro next time nalang," ngumiti ako ng konti.


Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Napa-kj mo talaga, eh minsan lang naman 'to. Ayaw mo talagang makipaghalubilo sa amin."


Inirapan ko siya, "Ang OA mo noh? Wala nga ako sa mood. Tsaka pinauwi ako ng maaga," sagot ko.


"Eh, 'yan din iyong sinabi mo last time," aniya. "But don't worry,  hindi kita pipilitin," he quickly smiled.


Nginitian ko siya, "Thanks, Jed. Mag-enjoy kayo doon."


You will be happy without me naman.


"Okay, Chesty! Next time ha?" he said. I only smiled.


"Pero bakit ayaw mong makihalubilo sa amin? I didn't see you hang out with anybody," medyo malungkot na tanong niya.


I sighed at matipid na ngumiti, "I just don't want to."


He gave me a small smile, "But 'wag ka namang magpaka-loner. No man is an island, remember. And if you need help, I'll be always right here. Tawagin mo lang ako," he said.


I didn't knew there would be someone who is concerned about me, or sadyang sinabi niya lang 'yon to give me hope na may taong mabait sa akin.


Ngumiti ako sa kanya, "Okay. Thanks, Jed." He smiled nodding and patted my arm at naglakad palayo. I sighed at umalis na ng building at palabas ng university.


Nasa may labas na ako ng subdivision namin nang may matandang makakasalubong ko na nakatitig sa'kin. Nagandahan ata.

Medyo maputi na ang lahat ng buhok niya, at medyo madumi ang damit niya, na nagmukha na siyang taong kalye. May dala pa siyang bag na woven, isang bayong. Taong kalye ba siya?

Hindi ko nalang siya pinansin at lumipat sa kanan ng sidewalk. Baka bigla nalang siyang manunutok ng kutsilyo. Tumingin nalang ako sa malayo at binilisan ang paglalakad. Natakot kasi ako sa titig niya, parang kakainin ako ng buhay. Nakakatakot pa naman minsan ang mga tao sa daan, hindi mo alam baliw pala. Halos patakbo na akong naglakad nang biglang may humila sa braso ko na halos matanggal na 'yon dahil sa lakas. Napatigil ako at agad na lumingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong 'yon. Ang matanda.

Nang masilayan ko siya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil nanalmig ang buo kong katawan at hindi ko na matigil ang puso ko sa pagpintig ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang alam ko nasa panganib ako. Ang talim ng titig niya sa akin, and she looked like a witch because of that. Agad kong binawi ang braso ko at umatras. How can an old lady like that grip my arm so strong?

Tinitigan ko siya despite of my fear inside. Suddenly she smiled sinisterly, na mas lalong nagpatibok ng puso ko. What the heck?

Lumapit siya kaya agad akong umatras.

"Huwag mo itong iwawala," biglang sabi niya at itinaas sa ere ang kamay niya sabay abot ng kung ano man.

Ibinaba ko naman ang tingin ko, doon sa kamay niyang nakataob na may hawak ng kung ano man. Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya sabay taas ng kilay. Nawala naman ang ngiti niya at nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko at inilagay doon ang hawak niya saka isinara ang kamay ko, at kaagad na umalis.

Wow, ano 'to? Telenovela?

Agad kong binuka ang kamay ko at tinignan 'yon. Napataas ang kilay ko nang masilayan ko kung ano 'yon. Isang kwintas. Golden brown ang kulay nito at may pendant na circle ang shape na 1 1/2 inch ang laki. May naka-engraved na rose sa gitna at kulay red, at may vines sa bawat gilid nito na kulay green.

May napansin akong parang opener sa gilid nito na maliit kaya binuksan ko. And relo pala ito. Woah, ang cool.

Sa left side nito ay sand clock, at sa right ay analog clock, which is Roman numerals pa ang gamit. At medyo naninilaw na rin ang disk nito. Halatang makaluma. But the thing is both clocks are not working. How is that possible na hindi bumababa ang sand? At saka ano naman ang gagawin ko rito? Isasangla? At saan naman niya 'to nakuha? At bakit niya ibinigay sakin 'to?

Agad akong lumingon sa nilakaran ng matanda. Isasauli ko sa kanya 'to noh. Namilog ang mga mata ko nang makita kong wala ng katao-tao sa napakahabang sidewalk.

What? Saan siya nagpunta?!

Nagkakarera na ang puso ko sa loob dahil sa bilis ng pinyig nito. Goodness! Bakit ganoon? Eh, ang bagal-bagal niyang maglakad, at wala pang limang minuto kong tinitigan ang kwintas na 'yon. Oh my! How did she disappear like that?!

My heart went racing and before I knew I was already running home. Oh gosh! She can't be a ghost. Dahil imposible 'yon. Nahawakan niya ako. Nakita ko siya. Goodness, I am going crazy!

Pagdating ko sa labas ng bahay ay umiling nalang ako at ibinulsa ang locket, at saka pumasok na. Forget it, Chestinell.

Dumiretso na kaagad ako sa kwarto at humilata sa kama. Ang sarap naman matulog.
Pumikit ako at sinubukang umidlip, pero agad kong naalala ang kwintas na ibinigay ng matanda.

Para saan ba kasi 'yon? Agad kong kinuha at tinaas sa ere at pinagmasdan. Ano naman ang gagawin ko dito? Sino naman kaya ang matandang 'yon? Nakuha ba niya 'to sa basurahan? Ang weird pa naman ng tingin niya sa akin.


"May naghahanap sa'yo sa labas!"


Agad akong napatingin sa pinto nang may narinig akong boses mula ro'n. Parang si Yana ata 'yon. Napairap nalang ako at ibinulsa ang kwintas at lumabas ng kwarto. Napataas ang kilay ko nang makita kong walang tao at tahimik rin.

Is this some kind of joke? Bakit parang ang weird naman ng paligid. Nasaan na ba ang Yana na 'yon?

Napailing ako at bumaba na. Nahagip ng mga mata ko si mama sa kusina na busy sa paghahanda ng pagkain kasama si Nang Cely, ang nag-iisa naming kasambahay.

Alam kaya ni Mama na andito na ako? Siguro hindi, dahil wala naman siyang pakialam sa akin.

Huminga nalang ako ng malalim at agad na nagpunta sa gate. Binuksan ko 'yon at tumambad ang walang katao-taong paligid. Agad akong napairap. Uto-uto ka, Chestinell. Pinagtitripan na naman ako ni Yana. I took a deep breath and shrugged. Better ignore it, dahil once na kakagat ako, problema na naman 'to. Ayoko ng dagdagan pa ang punishment ko.

Lumabas nalang ako at naglakad papunta sa park ng subdivison. Tahimik ngayon at walang katao-tao dahil school at workday ngayon, isa pa 11 am pa. Umupo ako sa isang swing doon at bahagyang dinuyan iyon, "Bakit naman ganito ang buhay ko? Masalimuot," kausap ko sa sarili ko.

I'm so stuffed and pained. Ang pamilya ko parang walang pakialam sa akin. Ako nalang parati ang sinisisi kapag may problema. Agad na naniniwala sa mga sinasabi ng mga kapatid ko kahit hindi naman 'yon totoo. Since the time I had my mind to decide for myself parang ang cold na nila sa akin. They never asked what I feel. Like they're happy without me, or was it just my own feelings deceiving me? I never had friends dahil iniisip kong ayaw nilang makipagkaibigan sa taong kagaya ko. Feeling ko kasi paplastikin lang ako ng mga tao sa paligid ko. Feeling ko once na they have my trust they are going to backstab me.


"I wish my life would be better than I dreamed," I whispered at tumingin sa malayo.


"Senyorita Martina, alam mo bang hindi palaging masaya ang buhay?"


Napataas ang kilay ko nang may narinig akong nagsalita sa gilid ko at bigla akong kinabahan.


Sino 'yon?!


Agad akong napalingon at mas lalong bumilis ang tibok ng puso. My body shivered and I felt chills to see the person sitting on the next swing. Ang matanda kanina. Nakangisi siya ng konti sa akin at sobrang nakakatakot ang titig niya. Parang witch na nakita ang biktima niya. So creepy.


"Ika–ikaw na naman?" bulalas ko na halos pabulong na. Ngumiti naman siya ng isang friendly na ngiti.


"Kumusta ka na Senyorita?" tanong niya.


What?! Señorita daw. Baliw ba siya?


"What ar–are you talking about? Hindi ako Senyorita. And who is Martina? Are you crazy?" medyo irita kong tanong.


I'm so scared, kaya I should overcome that by being harsh to her. You shouldn't be kind when you're in danger.


"Senyorita Maria Graciana Kristina Del Veriel," sagot niya at tumitig sa akin ng seryoso, "at hindi ako baliw," dagdag niya at sinamaan ako ng tingin.


Wait, Del Veriel? Kalahi ko? And why is that name so familiar? Pero teka, bakit niya kilala ang kalahi ko? Ibig sabihin stalker ko siya?


"But wait, who are you ba? At bakit bigla ka nalang nawala kanina? At 'yong kwintas na ibinigay mo sira pa. Tsaka hindi naman ako senyorita ah, why did you call me that?" sunod-sunod kong tanong.


Napataas naman ang kilay ko nang hindi siya sumagot at sa halip ay tumingin siya sa malayo. Hello, nasaan na ang sagot?

Napalinga-linga naman ako sa paligid nang biglang umambon at umihip ang malakas na hangin. Seriously? Eh, mainit pa kanina ah. Napaka-moody naman nitong panahon.


Kailangan ko ng umuwi baka pagalitan pa ako. "Excuse me, uuwi na po ako. Take care po," sabi ko at agad na tumayo tsaka inayos ang sarili.


"Ang tamang panahon ay dumating na upang isakatuparan ang nakatakda."


Agad akong napalingon sa kanya nang magsalita siya. My heart jolted nang ang talim ng tingin niya sa akin at napakaseryoso niya.


"Ang oras ay gugulong pabalik sa nakaraan. Ang dumaang mahigit isang daang taon ay iyong magiging panahon. Mabubuhay ka sa katauhan ng iyong kanunununuan."


Goodness. Hindi ko siya maintindihan.


And one more thing, wala akong pakialam sa sinasabi niya dahil kailangan ko ng umuwi bago mahuli ang lahat at parusahan na naman ako, "I don't know what you're talking about but I need to go home."

Agad kong sabi at naglakad na paalis. Tumakbo na ako pero parang liliparin na ako dahil sa lakas ng hangin. What on earth is going on?!

Parang may ipo-ipo o kung hindi naman kaya ay wind storm whatever, dahil sa sobrang lakas ng hangin. Nagliparan ang mga dahon paikot sa buong plaza na kinaroroonan naming dalawa. Sa labas ng hangin na umiikot ay mahinahon at mainit ang panahon. What is happening? May ganitong klase bang phenomena? Tumigil muna ako sa gilid ng kalsada para maipon ang lakas ko para makatakbo ng mabilis pauwi.


"Hindi ka maaaring umuwi!"


Isang malakas na boses ang narinig ko and when I turned to look ay nakita ko ang matanda na ilang metro nalang ng layo sa'kin at masamang tingin ang ipinukol sa akin. What is her problem?!

Natatakot na ako sa kanya ha. Parang papatayin niya ako dito. Is she the one behind this? What kind of some sorcery is this? Dahil sa naisip ko ay bumalik ang naramdaman ko noong una ko siyang makita. Hindi ko na mapigilan ang nagkakarera kong puso. What if nga papatayin niya talaga ako? Oh gosh, kung alam ko lang sana, hindi na ako pumunta dito.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin kaya umatras naman ako. Anong gagawin niya?

Bago pa niya magawa ang binabalak niya kailangan kong makaalis. Agad akong napalingon nang may narinig akong sasakyang bumusina. Mabilis ang pagtakbo nito at papalapit na. Lumingon uli ako sa matanda and it felt like my soul escaped from my body in shock dahil nakita kong nasa harapan ko na siya at ganoon nalang ang pagkabigla ko nang itinulak niya ako dahilan upang mawalan ako ng balanse.


"No!"


Napasigaw ako sa gulat at patuloy ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang lalabas na sa katawan ko. Nagslow motion ang buong paligid nang unti-unting lumalapit ang sasakyan sa akin at natutumba ako. Iyon din ang huli kong nasambit before I was hit by the car at nahulog sa kalsada at nabalot na ng kadiliman ang paligid ko.


Am I really going to die now? Hindi ko man lang mararanasang maging maayos ang pakikitungo ng pamilya ko sa akin?

Pero...bakit parang hindi man lang ako nasaktan sa pagbundol sa akin?




Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro