Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 49

|Kabanata 49|


Mabilis akong napalingon ang marinig ang boses mula sa aking likuran. Doon ko natagpuan si Joaquin na nakatayo at hinahabol pa ang kaniyang hininga. Tila pa’y nagmamadali siya dahil may kakaunting pawis na namuo sa kaniyang noo.

Nginitian ko nman siya ngunit may kaunting kunit sa aking noo. “Ayos ka kang ba, Ginoo? Tila ika’y hinahabol ng kung ano man.”

Gumanti siya ng ngiti saka tipid na inayos ang sarili. “Ayos lamang ako, Binibini. Nagmamadali ako at baka ika’y nakarating na’t mag-isa pa.”

“Ano ka ba?” Hinampas ko ng kaunti ang hangin. “Ayos lang noh. Kadarating ko lang din.”

Dahan-dahan siyang tumango kaya lihim na lang akong bumuntong-hininga at naglakad papunta sa may bangin.

“Alam mo bang labis kong ipinagtaka ang biglaang pag-uwi ng mga panauhin kagabi sa iyong pagdiriwang?”

Napayuko ako nawala ang mga ngiti ko habang dahan-dahan na umupo. Nilingon ko naman siya na sumunod din sa akin pag-upo.

“Iyon ang dahilan kung bakit kita pinadalhan ng sulat. Mayroon akong nais na sabihin sa iyo,” tugon ko.

Kasabay niyon ang pagdugtong ng kaniyang mga kilay habang nakatitig sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong magsalit kahit gusto ko ng sabihin sa kaniya ang totoo.

Alam na niya kaya? Anong mangyayari sa amin? Kaya niya bang harapin si Ama at ipaglaban ang kung anong meron kami?

“Batid na...ni Ama ang namamagitan sa atin,” pagbasag ko sa katahimikan. “Alam na niya. Nilaglag ako ni Clara kaya nagalit si Ama sa akin.”

Dahil sa sinabi ko ay mas lalong kumunot ang kaniyang noo. “At ano ang kaniyang sinabi? Siya rin ba ay galit sa akin?”

Umiwas ako ng tingin saka tumango. “Oo, galit siya sa ating dalawa. At sabi niya tapusin na raw natin ang ating ugnayan sa isa’t-isa.”

Base sa kaniyang reaksyon ay mukhang hindi pa yata sinabihan ni Ama si Don Carlos. Kapag nalaman naman kasi ni Don Carlos ay malalaman din ni Joaquin.

Nilingon ko siya uli at nakitang nakatingin na siya sa malayo at tahimik lang.

“Hindi ako pumayag sa gusto ni Ama, Joaquin. Kaya ako narito. Ayaw kong sumunod sa nais niyang maghiwalay tayong dalawa.”

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi, “Marahil ay nakabubuti nga na kaniya nang malaman. Ayaw ko nang itago ang namamagitan sa atin sa mga tao mahalaga sa ating buhay,” wika niya saka lumingon sa akin. “Mas mainam na malaman na ito ni Don Agaton. Hinding-hindi rin ako papayag na maghiwalay tayo, Binibini. Alam mo namang ika’y iniibig ko ng husto.”

Hindi ko napigilan pa na mapangiti dahil sa narinig. At kahit papaano ay nawala na nang bara sa aking puso at mga takot na nararamdaman. Alam kong hindi ako iiwan ni Joaquin. Hinding-hindi niya ako iiwan.

“Gusto ko man na kausapin si Ama ay alam kong kapag ginawa natin ’yon ay mas lalo lang siyang magagalit. Mabuti na lang at nariyan sina Ina at Kuya na kinakausap siya.”

“Tama ka. Marahil ay huwag na muna nating gatungan ang kaniyang mga apoy. Hahanap ako ng pagkakataon at kakausapin ko siya,” wika niya. “Ang mahalaga ngayon ay malalaman na ng lahat na ika’y aking kasintahan.”

Mas lalo pang lumapad amg mga ngiti ko. Naramdaman ko na lang din ang hindi nakasanayan pagtibok ng puso ko na tila ba’y sasabog na ito.

Nakuha naman ang atensiyon ko sa suot niyang pulseras. Ang bigay ko. Matagal ko ring pinagmasdan iyon bago ako nagsalita.

“Ang akala ko talaga ay iyo na iyang tinapon.”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa saka niya hinawakan ang pulseras. “Mananatili iyan diyan, habang-buhay.”

Naging malapad ang ngiti ko nang marinig ang kaniyang sinabi at inabot ko rin ang suot kong pulseras. Naalala ko tuloy ang sinabi dati ng tindero nito. Pares ang pulseras at ang akala niya na ang pagbibigyan ko ay kasintahan ko.

Sino ba naman din ang mag-aakalang ang bibigyan ko ay magiging kasintahan ko rin pala sa huli? Dati ay tahimik at misteryoso lamang itong si Joaquin pero ngayon ay madalas na siyang magsalita at nakangiti na rin. Hindi ko akalaing sa likod ng tahimik niyang ugali ay nagtatago ang madaldal at sweet na Joaquin.

“Binibini? Tila ba’y ikaw ay natahimik?” rinig kong pagtawag niya.

Mabilis akong natawa at umiwas ng tingin. “Wala. Mayroon lamang akong naalala.”

Naalala ko naman iyong araw na unang beses akong nakabisita sa kanila at nakigamit ng palikuran pero nasilayan ko siyang nakahubad. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napaka-pakialamera ako at ganoon na lang ang nahantungan ko.

Pero ayos lang. Kahit papaano ay nasilayan ko ang mala-modelo niyang abs na napakabatak pa ng pagka-pan de sal. Ulala.

Hoy, Chestinell! Pechay! Goodness, ano ba ang pinag-iisip mo riyan? Hangal ka! Umayos ka nga.

Lhim na lang akong napailing at pilit na nag-isip ng ibang bagay. Pero napaka-walang hiya na naman ng utak ko nang biglang sumulpot ang eksena namin ni Agustin na nakakandong ako sa kaniya. Ang aming mga mata at paningin na nagtama sa isa’t-isa. At tila ba’y tumigil pa ang mundo ng mga sandaling iyon kasabay ng mga paru-parong nagliliparan at mga bagay na nagkikislapan sa paligid.

Ay, pechay nga naman oh! Ano ba, Chestinell? Are you crazy? Ano, aalalahanin ba natin ang mga kahihiyan na ginawa mo? Tsaka, nanahimik si Agustin, bakit napasok siya sa isip mo? Ha?

“Anong naisip mo?” kuryuso niyang tanong.

Natahimik tuloy ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Lihim na lang akong huminga ng malalim saka tumingin sa talon.

“Hi–hindi ko lubos akalain na magagawa iyon ni Clara. Ang akala ko ay gusto ka niya ngunit bakit parang sinisira ka rin niya?” subok kong balik sa problema namin ngayon.

Ayaw ko man na pag-usapan pa ang mga bagay na iyon, at mag pukos na lang sa aming dalawa na magkasama, ay hindi ko maiwasan. Galit talaga ako sa ginawa no Clara. Sinira niya ang mga plano ko at ang nagsisimula na sanang pagbalik ng magandang ugnayan ng mag-ama.

“Hindi ko rin maintindihan. Ngunit wala akong pakialam tungkol sa bagay na iyan,” tugon niya saka bahagyang umusog para humarap sa akin. “Ang mahalaga ngayon, kahit pa galit ang Don Agaton, ay alam na niya ang tungkol sa atin.”

Ngumiti ako ng kaunti, “Iyan din ang iniisip ko. Kailangan lang natin na ipaliwanag sa kaniya at patunayan ang lahat ng ito.”

Tumango siya at napatitig sa akin. Napataas naman ng kaunti ang kilay ko dahil sa mga tingin niya. Napayuko naman siya kaya kunot-noo kong sinundan ang kaniyang mga tingin.

Nakatingin siya sa mga kamay ko. Bahagya akong napaatras nang lumitaw sa ere ang mga kamay niya upang hawakan ang mga iyon. Nanginginig ang kamay ko saka ko dahan-dahan na inilalayo ang mga iyon mula sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit.

Ngunit huli na ang lahat dahil nahawakan na niya ang mga iyon. Bahagya niya pang pinisil ang mga iyon. Malambot ang kaniyang mga kamay kagaya noong unang beses na nahawakn ko iyon. Ilang sandali niya iyong tinitigan bago inangat ang tingin pabalik sa akin.

Ngumiti siya ng tipid, kaniyang mga mata na tila pa’y kumikislap. “Pangako, aking binibini, kahit ano man ang mangyari ay ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa iyo. Ipaglalaban ko ang ating pag-iibigan.”

Kahit malakas man ang tubig ng pagragasa ng tubig sa talon, kahit pa maiingay ang mga huni ng ibon, at kahit pa ang tunog ng ihip ng malamig na hangin ay nais mangibabaw, ay hindi kumawala mula sa aking pandinig ang mga salitang binitawan ni Joaquin.

Nanatiling nakatitig sa akin ang kaniyang mga mata. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Napakaamo at seryoso ng kaniyang mukha.

Nginitian ko siya saka tumango. “Ganoon din ako, Joaquin. Gagawin ko ang lahat hindi lang matapos ang ating ugnayan.”

Nakangiti kami sa isa’t-isa. Ilang sandali rin ay nakatanaw lang kami sa magandang lugar sa aming harapan. Kahit pa hindi kami nagkibuan at nag-uusap ay ramdam ko ang kaniyang presensya. Kahit na ganoon ay tila nag-uusap pa rin kami.

Nanatili kami ng ilang mga sandali ng magkasama. Habang ganoon ay tahimik kong hinihiling na sana ay hindi kami maghihiwalay ni Joaquin at mapagtatagumpayan ko ang misyon ko.

Speaking of misyon, mabilis akong napalingon sa kaniya na tahimik lang na nakatingala sa langit. Wala siyang kaalam-alam na ganoon ang sitwasyon ko. Hindi niya alam na nanggaling ako sa hinaharap.

Darating ang panahon na nagpapaalam ako sa kaniya at babalik na ako sa 2020, kakayanin kaya namin? Matatanggap niya ba at hindi ba ako magdurusa? Sana ay hindi ko siya msasaktan ng lubusan. Sana ay kayanin niya kapag wala na ako. At sana maging masaya pa rin siya kapag dumating ang panahon na wala na ako.

“Binibini, bakit ka lumuluha?” gulat na aniya na ikinakurap ko.

Doon ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Mabilis ko iyong pinahid at napailing. Ano ba naman iyan, Chestinell?

“Ahh, wa–wala. Wala ito. Ma–masaya lamang akong...makita kang masaya,” pagtatakip ko.

Natawa naman siya ng kaunti. “Ngunit, huwag ka naman sanang lumuha. Natataranta ako sa iyo kung ika’y napaano na.”

“Masaya nga rin akong nakikita kang nakangiti sapagkat dati ay hindi mo iyan ginagawa. Natutuwa akong makita kang masaya kasama ang iyong buong pamilya,” lahad niya.

Napangiti ako at tumingin sa malayo, iniisip ang mga taong naging pamilya ko sa kapanahunang ito. “Napakahalaga nila sa akin. Lagi nilang pinaparamdam na mahalaga ako at mayroong nagmamahal sa akin. Napakasaya ko’t nabigyan ako ng pagkataon na makilala sila.”

“Nakatitiyak akong ganoon din sila sa iyo.”

Si Joaquin na ang nag-aya na umuwi na raw kami. Baka raw kasi ay hindi ako nagpaalam at hinahanap na ako sa amin. Kahit gusto ko pang makasama siya ay pumayag na lang din ako. Malapit na rin naman kasi ang alas diyes y medya at bago hindi pa ako makauwi bago ang tanghalian.

Masaya naming tinahak ang tahimik at nakakatakot na kagubatan papunta sa tagong tarangkahan ng Casa Del Veriel. Hindi ko na nga namalayan na nakarating na pala kami sa kakatitig ko sa kaniya. Para kasong hinatid ako ng guardian angel ko sa bahay namin mula sa kapahamakan. Ang pogi.

“Maraming salamat sa paghatid sa akin, Joaquin.”

Nakangiti siya sa akin habang umiiling. “Hindi mo na kailangan na magpasalamat pa, mahal ko.”

Dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko pati na rin ang ilong ko. Hindi ko alam ngunit tila ba ay nawalan ako ng hangin sa baga. Shemay! Hindi ko inaasahan ’yon. Ma–mahal ko?! Ayan na naman siya niyan eh.

“At bakit ika’y tila natahimik, mahal ko? Ilang beses ko na itong isinambit ngunit tila’y natatahimik ka,” natatawang turan niya. “Hmm, marahil ay lumilipad na ang iyong puso sa ibang bayan.”

Pechay nga naman oh! Nang-asar pa.

Kaagad akong sumimangot, “Hay, bahala ka na nga riyan. Papasok na ako sa loob. Mag-iingat ka sa pag-uwi.”

Naging mabilis ang pagpapaalam ko sa kaniya at tumalikod na dahil naramdaman ko na ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Nakakahiya naman sa kaniyang ipakita na kinikilig ako. Goodness!

“Oo, mahal ko. Tatandaan ko iyan.”

Narinig ko pa ang kaniyang tugon nang buksan ko ang tarangkahan. Nakangisi na lang akong pumasok at hindi ko na siya nilingon pa at baka tuluyan pa akong traydurin ng sarili ko at mangisay pa ako sa kilig sa harapan niya.

Napatakbo na ako ng hindi oras papunta sa mansiyon. Laking ginhawa ko na rin dahil walang tao sa hardin o sa sala mayor pagdating ko. Napahinga ako ng malalim bago dumiretso na kaagad ako sa itaas para makapagpahinga na sa kwarto.

“At saan ka galing, Kristina?”

Nanatili ang mga kamay ko sa ere nang subukan kong abutin at pihitin ang busol. Natigil ang buong katawan ko at ganoon na lamang ang pagkabog ng puso ko.

Dahan-dahan akong lumingon at nasilayan si Ama na nakatayo sa may pintuan ng kanilang silid. Nakapameywang siya sa kanan habang hawak niyaa ang kaniyang tungkod sa kaliwa. At kahit pa man may kalayuan ang distansya namin ay ramdam ko ang kaniyang matutulis at nagbabagang mga tingin.

“Ah..uhmm...”

Hindi ko kayang makapagsalita. Walang mga salitang lumabas sa bibig ko at hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

Bago ko pa nga madugtungan ang mga pag-uutal ko ay narinig ko na ang kaniyang mabibigat na mga hakbang papalapit sa akin. Napaatras ako at naestatwa na lamang.

Nang makalapit siya sa harap ko ay marahas niyang binuksan ang pinto ng silid ko at itinuro ang loob gamit ang kaniyang tungkod. Hindi ko na nga maintindihan ang kabilisan ng pagtibok ng puso ko. Pati na rin ang mga tuhod ko ay nangangatog na rin at tila matutumba na ako anumang sandali.

“Pasok.”

Naniningkit ang kaniyang mga mata nang magsalita siya at nasa ere pa rin ang kaniyang tungkod na nakaturo sa loob. Napapikit na lang ako ng mariin at lihim na nagdasal na sana ay buhay pa akong makakalabas.

“Pasok, Kristina!”

Naghatid ng pananaas ng balahibo ko ang kaniyang umalingaw-ngaw na boses sa buong palapag. Kalma lang naman po kasi, oo. Papasok naman ako eh. Hayy, nasaan ba kasi ang mga tao rito at wala pang makakatulong sa akin?

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Ama kaya medyo binilisan ko papunta sa may mesang pang-aral.

“Nakipagkita ka ba kay Joaquin?” kaagad na tanong niya matapos kong marinig ang pagsara ng pinto.

Humarap ako sa kaniya nang nakayuko at magkahawak ang nanginginig kong mga kamay. Anong isasagot ko? Oo? Eh baka kapag sabihin ko iyon ay diretso akong lilipad padaan sa bintana dahil sa tadyak niya.

“Uhh, Ama...maaari ba ki–kitang makausap?”

Ito na rin naman ang pagkakataon na makausap ko siya tungkol sa nangyari kagabi. Pero kasi naman natatakot talaga akong magsalita kapag siya ang kausap ko. Sobra.

“Malaki ang paniniwala kong hindi iyan ang sagot sa aking katanungan,” paniningkit ng kaniyang mga mata. “Nagkita ba kayo ni Joaquin?”

“O–opo, Ama. Ka–kaya nais ko kayong makausap tu–tungkol sa relasyon namin ni Joaquin,” tumingin ako sa kaniyang nanggagalaiting mga tingin. “Nakikiusap po ako sa inyo. Huwag niyo po sa–sana kaming tutulan. Nagmamahalan po kami, Ama.”

“Hah!” Sarkastiko ang kaniyang malakas na tawa. “Tonto! Nagmamahalan? Ilang beses mo na iyang sinasabi. Nagpapatawa ba kayo sa akin?”

“Iyon po ang totoo, Ama,” katwiran ko.

“Tahimik!” sigaw niya. “Ano ba ang sinabi ko sa iyo? Tapusin niyo na ang ugnayan ninyong dalawa. Bakit kayo ay nagkikita pa rin? At hindi mo kasama ang iyong Dueña?” hindi makapaniwalang aniya.

“At kung sasabihin mong kayo ay nagmamahalan pwes hindi totoo iyan. Bunga lamang iyan ng mga walang muwang ninyong pag-iisip!”

“Pakiusap po, Ama,” pagsusumamo ko habang namumuo na uli ang mga luha sa mga mata ko.

“Tatapusin na ninyo ang inyong ugnayan dahil kung hindi pagsisisihan mo.” Mabigat at mautoridad ang kaniyang boses nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kaniyang bibig.

Hindi, Ama. Hindi na muling susunod si Kristina sa mga kagustuhan mo. Masyado kang selfish!

“Bakit, Ama? Bakit mo pilit pinipigilan at kinokontra ang relasyon namin ni Joaquin? Bakit lagi na lang ang kagustuhan mo ang nararapat na masunod? Masaya ako dito, Ama. Bakit mo ba sinisira?!”

Hindi ko na napigilan pa ang saloobin ko. Parang nawalan nga ako ng hangin dahil doon. Nagulat ako sa ginawa ko dahil hindi ko akalaing magagawa kong pagtaasan ng boses si Ama. Pati na rin siya ay tila nagulat dahil bahagyang napataas ang kaniyang mga kilay.

“Huwag mong sasagarin ang pasensya ko, Kristina! Huwag na huwag mo akong pagtataasan ng boses! Wala kang galang. Hindi ka na talaga nahiya pa at hindi mo na ginagalang ang iyong ama!”

Namula na ang mestiso niyang mukha at ganoon na rin ang pagbakat ng kaniyang mga ugat sa noo na tila puputok na ang mga ito.

Biglang bumukas ang pinto ng silid kaya agad akong napalingon doon. Bumungad sa akin sina Ina at Dueña Hilda na mabilis na lumapit sa amin ni Ama. Hindi lumingon o gumalaw man lang si Ama at nanatiling nakatitig lang siya sa akin.

“Mahal ko, ano ang nangyayari rito?” alalang tanong ni Ina saka napahawak kay Ama. “Ano na naman ba ito? Bakit nagtataasan na ng boses dito?”

Matalim ang mga tingin ni Ama sa akin. “Iyang anak mo, Florentina, napakawalang galang. Pagtaasan ba ng boses ang kaniyang ama.”

Napalingon sa akin si Ina at Dueña Hilda. Napapahid ako ng luha saka tumingin kay Ama uli. “Nakikiusap ako, Ama. Maawa ka na—.”

“Hinding-hindi makakalabas iyan ng silid maliban kung sasabihin ko.”

Malamig at dumadagundong ang boses ni Ama nang sabihin niya iyon. Nanlilisik pa ang kaniyang mga mata nang tumingin sa akin. Kasabay rin niyon ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa narinig.

Hindi. Hindi maaari ito.

“Mahal ko?” gulat na usal ni Ina. Ngunit bago pa makapagsalitang muli si Ina ay tumalikod na si Ama at naglakad palabas ng silid.

“Mahal ko, hintayin mo nga ako. Mag-uusap tayo,” habol ni Ina sa kaniya.

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapaupo at napahagulgol na lang. Hindi. Hindi pwede ’to. Hindi na ako makakalabas at hindi ko na makikita si Joaquin.

“Ano na naman ba ito, Kristina?” Magkakrus ang mga braso ni Dueña nang tumayo siya sa may harap ko. “Kanina ka pa namin hinahanap. Nalibot na ang buong Casa Del Veriel ngunit hindi ka natagpuan. At ngayon sumasagot ka sa iyong Ama? Ang akala ko ay ika’y nagbago na?”

Humihikbi akong tiningala siya, “Dueña, wala p–po akong ganang ma–makipag-usap sa ngayon. Pakiusap po, gusto...ko munang mapag-isa.”

“Mag-uusap tayo, Kristina. Aalamin ko ang tungkol dito.”

Laking ginhawa ko nang hindi kumontra ang Dueña sa sinabi ko at naglakad na palabas ng silid. Nang tuluyan nang maisara ang pinto ay agad kong niyakap ang unan at doon umiyak.

Nakakatawa naman. Kanina ay masaya pa akong kasama si Joaquin at ngayon nakakulong na ako sa sarili kong silid. Ngunit alam ko naman na hindi iyon matitiis ni Ina kaya pipilitin niya si Ama na baguhin ang desisyon niya.

Ang ikinalungkot at ikinasama lang ng loob ko ay kung bakit ba ipinagpipilitan talaga ni Ama na tapusin na namin ni Joaquin ang namamagitan sa aming dalawa. Tiyak nga talaga akong ipinagkasundo na niya ako na ipakasal.

Nakasulat na rin naman sa mga sulat na naiwan ni Kristina ang nangyaring iyon kaya naging dahilan iyon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan niya at sa ama niya. Iyon ang dahilan kung bakit naging distansya na ang mag-ama sa isa’t-isa.

Si kuya Luis ang lalaking ipakasal sa akin na posible ring ang lalaking iniibig ni Kristina. Ang  hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi na lang pumayag si Ama sa relasyon namin ni Joaquin sapagkat isa rin naman siyang Varteliego.

“Kristina, anak?”

Kaagad akong napapahid ng luha nang marinig ang boses ni Ina mula sa labas. Ilang saglit naman ay bumukas ang pinto saka siya pumasok. Nakangiti siya sa akin ngunit hindi gaano dahil naroon ang kaniyang nababahala at malungkot na mga tingin.

“Ina? Ano po ang sinabi ni Ama?” kaagad kong tanong.

Umupo naman siya sa harap ko saka pinaghawak ang dalawang kamay sa kaniyang hita. “Mukhang labis na galit ang iyong ama. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya. Ano ba ang nangyari?”

Napahinga ako ng malalim saka yumuko. “Na–nagalit kasi dahil nagkita kami ni...Joaquin kanina,” pag-amin ko. “Hindi ko maintindihan, Ina, kung bakit hindi siya sang-ayon sa amin ni Joaquin.”

“Gayon din ako, anak. Sinubukan ko rin na kausapin siya tungkol sa pagkulong sa iyo rito pero hindi ko siya nakumbinsi. Ngunit, huwag kang mabahala sapagkat kakausapin ko siya uli sakaling magbago na ang kaniyang hatol.”

“Maraming salamat, Ina.”

“Huwag ka ng malungkot. Marahil ay nagulat lamang ang iyong ama. Maghintay lang tayo ng iilang araw at baka ay matanggap na niya ito.”

Ngunit lumipas na ang isang araw, dalawang araw ay hindi pa rin ako nakalabas ng silid. Kahit anong pakiusap ni Ina ay hindi nagbago ang desisyon ni Ama.

Lagi naman akong pinupuntahan ni Ina at kinakausap. Pati na rin ni Dueña na panay ang sermon sa akin at utos na humingi raw ako ng paumanhin kay Ama at hiwalayan si Joaquin sakaling palabasin na ako. Oo, alam na niya kahit hindi ko naman sinabi sa kaniya. Marahil si Ama ang pinakuhanan niya ng impormasyon na iyon.

Pati na rin sina Kuya ay nagpunta at kinakausap ako. Sinusubukan rin ni kuya Lucio na kausapin si Ama para intindihin ako pero walang nangyari.

Sa loob ng mga araw na iyon ay pinapahatiran lang din ako ng pagkain na hindi ko rin naman kinakain. Una, dahil wala akong gana, at pangalawa, ito lang muna ang paraan ko para ipakita kay Ama na hindi niya ako madadala.

Kung galit siya sa akin edi mas lalong galit ako sa kaniya. Kung magmamatigas siya mas lalong magmamatigas ako.

Hindi naman naiwasan nilang mag-alala maliban kay Ama pero kahit anong gawing pagpilit nilang kumain ay hindi ko pa rin ginagawa. Sigurado akong kapag may nangyari sa akin ay papalabasin na ako kaya hintay-hintay muna ako. Gusto ko na nga rin kumain dahil takam na takam na ako sa mga ulam pero hindi ako maaaring magpadala sa bugso ng damdamin at kagutuman ko.

Kahit gustuhin ko mang tumakas ay wala akong matatakasan. Ang taas ng mansiyon na ito at kung dadaan ako sa bintana ay makikita ng lahat ng tao sa labas. Ibabaw ba naman ng pintuan ng mansiyon ang kwarto ko.

Ayaw ko nang umiyak at magdrama kaya minabuti ko na lang na basahin ang mga sulat ni Kristina na natitira. Pero wala pa rin akong makitang ebidensya kung sino ang kadahilanan ng kaniyang kamatayan. Laman lang ng mga sulat niya ay tungkol sa kasuklaman niya kay Ama, tungkol sa buhay, at tungkol sa lalaking minamahal niya. Wala rin akong nakuhang impormasyon tungkol sa pangalan ng lalaking ipapakasal sa kaniya. Alam ko rin naman kung sino iyon kaya ayos lang.

Inip na inip na talaga ako sa loob ng kwartong ito. Gusto ko ng lumabas at makipagkita kay Joaquin pero dahil hindi pwede ay sinusulatan ko na lang siya at pinapadala kay Isay.

Mabuti na lang at hindi nahuhuli ni Dueña na laging pumapasok sa silid dahil sa mga pag-aaral na tinuturo niya sa akin. Isa na roon ang paggalang sa mga magulang bukod sa mga bagay at gawi na nararapat gawin ng isang binibini.

Sa katunayan ay walang pumapasok sa utak ko kung hindi ang mga tugon ni Joaquin sa mga sulat ko na puro pagpapagaan ng loob ko. Hindi ko na sinabi sa kaniyang pinagalitan ako pero sinabi ko sa kaniyang hindi pa rin ayon si Ama sa amin. Ayaw ko siyang bigyan ng pag-aalala at baka lumala pa ang lahat.

Kailan na ba kasi ako makakalabas? Gusto ko ng maarawan at makita si Joaquin.


Napatingin ang lang ako sa labas ng bintana habang nakasandal sa poste ng higaan ko.

“Anak, kumain ka na. Masama iyan sa kalusugan,” sabi ni Ina habang inaayos ang mga pagkain sa mesang pang-aral. Kadarating niya pa lang para tignan ako.

“Huwag na po, Ina. Wala po akong ganang kumain.”

Katunayan ay nakokonsesya rin ako dahil ang lungkot ni Ina kapag inaaya akong kumain. Gusto ko mana na kumain na ay ayaw ko ipakita kay Ama na mahina ako. Kung parusa niya ito bahala siya dahil siya lang din ang mananagot kay Ina. 

“Ina, huwag na po kayong malungkot. Busog naman na po ako sa tubig. Ayos na iyon.”

“Kristina, hindi sapat ang tubig lamang. Huwag mong parusahan ang iyong sarili. Ikaapat na araw mo na ngayon na hindi kumakain. Ika-dalawapu’t pito na ng Marso o. Kumain ka na ha, Kristina. Nais mo ba akong bigyan ng karamdaman dahil sa pag-aalala sa iyo?”

“Pero hindi po talaga ako nagugutom, Ina. Ayos lang po ako. Huwag na kayong mag-alala. Ayos na ayos po ako. Kaya ko pa pong tumakbo ng ilang kilometro,” paninigurado ko sa kaniya pero nakasimangot lang siya kaya agad kong niyakap.

“Nalulungkot lang po talaga ako dahil hindi ko alm kung bakit galit si Ama sa amin ni Joaquin. Hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap.”

“Hindi naman iyon ang rason, anak, para ilagay mo sa peligro ang iyong kalusugan. Ayan na nga o at tila pumapayat ka na,” aniya saka bumitaw sa yakap para tignan ang kabuuan ko. “Kumain ka na. Kahit na kaunti lamang.”

Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng katok muka sa pinto. Bumukas naman iyon at doon ay si Isay na nagbukas ng pinto at kasunod niya si Ama na naglakad papasok ng silid. 

Kahit pa nakaktakot ang kaniyang itsura ay bahagya akong natuwa dahil sa wakas ay gumana ang plano kong magpagutom para palabasin ako rito.

“Ihanda mo iyan, Florentina. Mayroon tayong dadaluhang hapunan,” kaagad na sabi ni Ama kaya napasimangot ako.

“Hindi ako sasama, Ina. Huwag na po kayong mag-abala,” mabilis kong saad saka nagpunta sa may bintana at tinanaw ang labas.

“Uulitin ko. Maghanda kayo at mayroon tayong pupuntahan. Sasama ang lahat sa ayaw at sa gusto ninyo.”

Naging mababa at malamig ang tinig ni Ama nang sabihin niya iyon. Hindi na siya mula pang nagsalita at narinig ko na lamang ang papalayo niyang yabag.

Napakuyom ang kamao ko at tinignan si Ama ng naniningkit ang mga mata. Hindi ka na talaga nagbago pa, Ama. Ang gusto mo pa rin ang masusunod.

“Siya, halika na at husto na iyan. Mag-aayos na tayo, anak. Ayaw kong mas lalong magalit ang iyong ama sa iyo.”

Kaagad na lumapit sa akin si Ina saka hinaplos ang braso ko. Pero kahit pinilit ako ni Ina na kumain ng pangtanghalian na kahit alas kwatro na ay hindi ko pa rin kinain. Imbes ay uminom na lang ako ng tubig saka umupo sa dulo ng kama para maghintay kay Ina na kumuha ng maisusuot ko.

Pechay na talaga. Makakalabas nga ako ng mansiyon ay sapilitan pa akong dadalhin. Hay.

Sana ang pupuntahan namin ay maging tulay na para maging sang-ayon na si Ama sa relasyon namin ni Joaquin.







Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro