Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 33

|Kabanata 33|

Nobyembre 10, 1887

Ang iyong ngiti ang gamot sa aking mga pagdaramdam
Ang iyong pagtawa'y tila musikang aking pinapakinggan
Hinihiling kong balang araw, hindi lang ako hanggang pagtanaw
Balang araw, maririnig ko rin ang pintig ng iyong puso
Balang araw, ipapahinga ang damdamin sa iyong yakap at haplos
Balang araw

— Martina


"Magandang umaga po!"

Binati ko silang lahat ng nakangiti nang madatnan sila sa kainan. Nakaupo na sa bawat upuan nila at nagkasabay silang lumingon sa akin.

Magkasabay rin naman na nagsipagngiti sina kuya nang makita ako. Mas malapad naman ang ngiti ni Ina matapos na ilapag ang isang mangkok ng ulam.

"Magandang umaga rin, anak. Umupo kana na't tayo ay kakain na," aniya na masaya ko namang ginawa. Nginitian ko naman si Tiya na nakaupo sa tabi ko.

Hindi naman mawawala ang napakaseryosong mukha ni Ama na hindi man lamang lumingon o tumingin sa akin.

Hmm, hindi bale. Nasanay na rin naman ako.

Inilapag na ng mga tagasilbi ang huling mga pagkain na inihanda at magkasabay silang pumuwesto sa likuran.

Nagsipagyuko na kami at nagsimula ng magdasal si kuya Lucio. Nakapikit silang lahat maliban sa akin. Pinagmasdan ko ang bawat isa sa kanila ng may ngiti sa labi.

Hindi ko aakalaing mapapabilang ako sa kanilang pamilya. Napamahal na sila sa akin. Nasasabik na akong makasama sila ng matagal at makagawa ng maraming alaala kasama sila.

Magkasabay kaming nagsipag-amen at tahimik na nagsipagkuha ng mga pagkain. Kagaya ng nakasanayan, wala ni isang nagsalita na tila ba nag-iisa lamang na kumakain. Tanging mga kubyertos lamang at mga plato ang gumagawa ng ingay sa tuwing nagtatama sa bawat isa.

Kasalungat ang kainan na ito sa amin sa hinaharap. Ang iingay naman kasi nina Kiann, Yesha at Yanna. Tapos nagkekwentuhan pa sina Mama at Papa sa kung ano-anong bagay. Minsan nakikikwento o tawa rin naman ako pero kadalasan talaga nakikinig lang ako sa kanila.

"Ano ang pagkakaabalahan ninyo ngayong araw na ito?"

Tila nakaplano na sapagkat sabay-sabay kaming nagsipag-angat ng ulo nina kuya nang marinig namin ang boses ni Ama.

Nagkatinginan kaming apat kasabay ng pagtama ng mga kilay sa isa't isa, sinisiguro sa pamamagitan ng mga tingin kung tama ba ang narinig namin. Lalo na si kuya Marco na kunot na kunot talaga ang noo dahil sa pagkalito.

Sabay rin naman kaming nagsipagkibit-balikat at unti-unting lumingon sa gawi ni Ama. Tila ba ay hindi man lamang siya naapektuhan sa naging reaksiyon namin at patuloy lamang sa pagkain, at ni hindi man lamang nag-angat ng tingin.

Napapunas muna ng labi si kuya Lucio gamit kaniyang serbiliyeta bago nagsalita.

"Paroroon ako sa rancho mamaya, Ama. Darating ngayong araw ang dalawang kabayong ating binili."

Tipid na napatango si Ama dahil sa narinig. Ilang sandali pa ang kaniyang inangat ang kaniyang ulo at napatingin kay kuya Lucas na tahimik lamang sa pagsusubo.

"Ikaw, Lucas, mayroon ka bang lakad ngayon?"

Napatigil si kuya sa pag-nguya at napamilog ang kaniyang mga mata. May pagtataka niya tinignan mula sa gilid sa Ama at kasabay niyon ang pag-inom niya ng tubig.

"Opo, Ama. Paroroon ako sa tanggapan sapagkat marami akong pasyenteng kailangan aasikasuhin," tugon niya sabay lapag ng baso.

"Ako naman po ay may dadalawin sa sentro ng bayan," kaagad na singit ni kuya Marco sabay ngisi.

Napatikhim si Ama at dahan-dahan ang kaniyang pagtango. Hindi batid kung ano ang aking mararamdaman. Tila ba ay nag-iba si Ama. Ibig kong sabihin, nag-iba nga siya. Ngayon ko lamang marinig na kinausap niya ng maayos sina Kuya at siya pa mismo ang gumawa ng paksa nang may mapag-usapan sa kainan.

Ano ang nangyayari sa kaniya? Siya pa rin ba si Ama?

"Mabuti naman kung ganoon. Mainam na sa araw-araw ay mayroon kayong magawang kahit kaunting bagay," wika nito.

Nang sinasambit niya ang mga katagang iyon ay nanatiling magkarugtong ang aking mga kilay ay nakalukot ang aking noo.

Totoo ba talaga ang mga naririnig ko?

Hindi na ako kumibo o nagkwento man lang sa gagawin ko at nagtuloy lang sa pagkain. Hindi ko rin maintindihan ang gawi ni Ama ngayon dahil matapos niyang kausapin sina Kuya ay si Ina naman ang kausap niya, ngunit katamtaman lamang ang kanilang mga boses.

Muli kaming nagkatinginang apat at napailing na lang saka nagtuloy sa pagkain. Halos sabay rin kaming natapos lahat at iniligpit na ng mga tagasilbi ang mga kubyertos at mga pagkain.

Si kuya Lucio kagaya ng kaniyang sinabi ay umalis na siya, sumunod naman sina kuya Lucas at Marco na magkasabay na umalis.

At ako naman, dahil wala naman akong gagawin ay napagpasyahan ko na lamang na pumunta sa kwarto at magbasa pa ng mga sulat.




Papatapak na ako sa huling baitang ng hagdan sa pangatlong palapag ng mansiyon nang aking masilayang magkakasalubong kami ni Ama. Ilang metro na lamang ang aming pagitan.

Agad akong napaiwas ng tingin at kunyaring hindi siya napansin. Patuloy naman ang kaniyang paglalakad na pinaalalayan niya sa kaniyang tungkod.

Nagmadali na akong maglakad upang mawala sa kaniyang presensya at makapasok na sa silid. Hindi naman ako nabigo nang malampasan ko na siya. Hindi man lang niya ako pinansin at tinapunan ng tingin.

Tumigil ako sa paglalakad at tinanaw siya mula sa aking balikat. Napalobo ang aking ilong habang tinitignan siya. Hindi ko alam, pero parang mahihiya na akong tumira rito kahit pa nasa katauhan ako ng anak niya. Kasi naman, ang turing sa akin hangin lang. Tss.

Mabilis na nag-iba ang aking ekspresyon at napalinya ang ang labi nang napahinto siya sa paglalakad at kasabay niyon ang pagtama ng kaniyang tungkod sa sahig.

Napatikhim din siya na ikinaiwas ko ng tingin at dahan-dahan na naglakad palayo. Mistula na akong magnanakaw na dahan-dahang inaapak ang mga paa upang hindi makagawa ng ingay at mapansin. Tokwa naman oh!

"Mayroon ka bang gagawin ngayon?"

Nang marinig ko iyon ay napaurong ang mga paa ko at ang isa pa ay nakalutang sa ere. Pinaghihila rin papalapit sa isa't-isang ang aking mga kilay.

May sinasabi siya? Ako ba ang kausap niya?

Hindi ko alam kung nabingi lang ako o totoo ang narinig ko. Kaya naman unti-unti kong inihilig ang aking gawi at tumingin sa kaniya.

Nakatayo lamang siya roon at hindi man lamang gumalaw o tumingin sa akin.

Hinanap ko pa ang boses ko dahil nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.

"A-ako po ba ang kausap ninyo?" may kabang usal ko.

Isang buong 30 segundong tahimik lamang ang paligid. Bahagya tuloy akong nagsisi na nagsalita pa ako.

"Ako'y paroroon sa daungan. Marahil ay nais mong sumama?" wika niya na ikinatingin ko sa kaniya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at bahagyang lumingon sa kaniyang balikat.

Nagdadalawang isip ako kung ano ang magiging reaksiyon at tugon ko rito. Unti-unting nagpakita ang isang ngiti sa aking labi.

Seryoso?! Kinausap niya talaga ako?!

"P-po?" wala sa sarili at hindi makapaniwalang usal ko.

Napansin ko na lamang ang kaniyang paghinga ng malalim na parang naiinis na yata siya sa sinasabi ko at kasabay niyon ang bahagya niyang pag-iling.

"Naroon pa ako sa karwahe ng limang minuto. Pagkatapos niyon ay aalis na ako kapag hindi ka darating sa loob ng sandaling iyon."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at naglakad na pababa ng hagdan. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kaniya na manghang-mangha sa narinig.

Totoo ba talaga ito? Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit parang nag-iba na ang ihip ng hangin?

Kanina ay siyang ang nagpasimunong magsalita sa kainan at ngayon kinakausap niya ako. Ano kaya ang nakain niya?

Napangiwi ako at umiling. Kasabay rin niyon ang paglaki ng akong mga mata. Gosh, limang minuto.

Kaagad na akong napakaripas ng takbo papasok sa aking silid. Kinuha ko na ang aking bolso de cabestrillo mula sa aking aparador, saka kaunting pera, at ang aking abaniko. Sinuot ko na rin ang kwintas na relo na aking itinago sa ilalim ng aking unan.

Napangiti nalang ako habang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Hindi ko na pinalitan pa ang pula kong baro't saya at naglakad na palabas ng silid.

Sana hindi pa ako iniwan ni Ama. Magandang pagkakataon ito upang mapalapit sa kaniya. Baka naman kasi mabait na talaga siya at gusto na niyang magkabati kami, kaya hindi ko na sasayangin ang paanyaya niya.

Nadatnan ko sa labas ang karwahe na sinasakyan ni Ama at natanaw ko siya sa bintana na halatang bagot na bagot sa kakahintay sa akin. Ay naku po, limang minuto lang naman kayong naghintay eh.

Lihim nalang akong napailing at naglakad na papalapit doon. Pinagbuksan naman ako ng kutsero ng pinto kaya napatingin sa akin si Ama mula sa kaniyang upuan.

Kaagad akong napangiti. Syempre, dapat mabait para hindi ma-stress si Ama.

"Hi po, Ama. Sasama po ako, ehe," ngisi ko.

"Ika'y hindi pa lululan?" pagsawalang-bahala niya sa sinabi ko at saka tumingin sa harapan. Kagyat na nawala ang aking mga ngiti dahil doon.

Tss, hindi naman pala ito bumait eh.

Sumakay nalang ako at umupo sa kaniyang tapat, nakatalikod sa kutsero at kabayong nagpapatakbo nito. Hindi naman nagtagal ay umusad na ang aming sinasakyan.

Tahimik lamang akong nakatanaw sa labas ng bintana sa aming biyahe. Ayokong magsalita baka magalit ko pa siya. Pero, bakit naman kaya niya ako pinasama?

Ginalaw ko ang aking mga mata sa kaniyang gawi habang ang aking mukha ay nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Walang bahid ng saya, lungkot o galit ang nakapaskil aa kaniyang mukha. Blanko nga ito at hindi mawari. Ano kaya ang iniisip niya, at napakaseryoso?

Ikinalaki naman ng aking mga mata ang biglang paglingon niya sa gawi ko kaya nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Mabilis akong napangisi ng pilit saka umiwas ng tingin.

Anak ng! Parang boba ka, Chestinell.

"Akin ng napagpasyahan," biglang usal niya kaya unti-unti akong napalingon sa kaniya.

Ha? Ang alin?

"Po?"

"Ang iyong dalawang kapatid ay magkakaroon na ng mana, ngunit mananatiling mas malaki ang matatanggap ni Lucio."

Nang dahil sa narinig ay hindi na nag-atubili pang lumitaw ang isang malaking ngiti sa aking mukha. Hindi ko labis maisip at walang malagyan  ng aking tuwang nararamdaman ngayon.

Sa wakas! Ito na iyon, nagsisimula na!

"Talaga po?" halos maiyak na ako dahil sa tuwa. "Maraming salamat po, salamat po talaga. Sigurado akong matutuwa sina Kuya niyan."

Gusto ko na nga siyang yakapin sana pero huwag na lang at baka magbago pa ang kaniyang timpla. Baka tadyakan niya pa ako palabas ng karwahe.

"Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama," aniya na binaliwala ang pasasalamat. Pero ayos lang, ang mabuti ay hindi na mahihirapan sina kuya Lucas at Marco.

Alam kong isang araw rin tuluyan ng magiging maganda uli ang pakikitungo niya sa amin. At hihintayin kong mangyari ang araw na iyon.

Nakangiti lamang ako habang nakatanaw na uli sa labas ng bintana. Papasok na kami sa sentro ng bayan. Marami-rami ang mga tao rito gaya ng sa nakasanayan.

"Ano po pala ang gagawin natin sa daungan?" sinubukan kong maging madaldal at baka pansinin ako.

Sinulyapan naman niya ako, "Mag-aangkat ang ating bayan ng mga tubo at niyog, kaya't ako kailangan sa pangagasiwa."

Dahan-dahan akong napatango. Ah, ganoon ba. Hindi naman nakakapagtataka iyon, Teniente Mayor siya eh. Kailangan talaga. Pero, bakit kasama ako?

Bakit ba ang dami mong tanong, Chestinell? Ayaw mo no'n at baka mapalapit ka pa sa kaniya dahil dito o kung hindi naman kaya ay gusto niyang magkaroon ng oras na kasama ang anak niya, ang unica hija niya? 'Yong gusto niyang bumawi?

Tahimik na, Chestinell. Huwag ng maraming tanong.

Hindi na mula akong kumibo at pinagmasdan lang ang mga taong nadaraanan namin na ang iba pa ay nakikilala ang aming sinasakyan o si Ama na nakikita nilang nakatanaw sa bintana kaya napapayuko o kung hindi naman kaya ay kumakaway at nagtatanggal ng sombrero.

Palagi rin naman, ay wala man lang kareareaksiyon si Ama. Kaunting tango lang sa kaniyang ulo ay ayos na. Iba rin talaga siya eh, mukhang prinsipeng maattitude. Tss.

Ilang minuto pa matapos naming baybayin ang palengke ay nakarating na kami sa daungan. Mula sa bintana ay kita ko ang mga gwardiya sibil na nagkumpulan at may iba na nakabantay sa may mismong daungan na.

May mga malalaking kahon pa na sigurado akong ito na ang mga produktong aakangkatin. Marami ring mga nakapormal ang suot na mga lalaki na kasing-edad lang ni Ama. Tsaka mga karwahe na nakaparada sa tabi.

Sumunod naman kaagad akong bumaba pagkatapos ni Ama. Pagkatapak ko sa lupa na gawa sa mga bato at nadama ko ang simoy ng hangin na may halimuyak ng dagat.

Nagsipagsaludo naman ang mga gwardiya sibil nang dumaan si Ama sa kanilang harapan papalapit sa mga kalalakihan na nag-uusap at napalingon na ngayon sa kaniya.

"Magandang umaga, Teniente Mayor," binati si Ama ng isang lalaking naka-sumbrero at pormal na suot. Nakangiti ito at nagkamayan sila ni Ama.

Ganoon din ang ginawa ng iba pang mga kasama niya. Sinuklian din naman sila ni Ama ng nakasanayan na matipid niyang ngiti at pagbati.

Napansin naman nila ang aking kagandahan na nakatayo sa likuran ni Ama na tahimik lang kung kaya'y binati nila ako.

"Magandang umaga rin sa iyo Binibini," sabi niyong lalaking bumati ng una kay Ama. "Ang iyong anak na babae, Teniente Mayor, kung ako ay hindi nagkakamali?" paglilinaw niya.

"Siya nga, si Kristina," ani Ama.

Napangiti naman ako sa kanilang lahat matapos akong batiin. Hindi na nila ako pinansin at nanatili na lang akong nakamasid mula sa may likuran ni Ama nang nagsipag-usap na sila tungkol sa mga kalakal.

"Magandang araw, Don Agaton."

Narinig namin ang isang boses kaya'y magkasabay kaming napalingon sa aming likuran. Iyon ay si Don Carlos, and Teniente de Sementeras. Nakangiti ito habang papalapit sa amin.

Kasabay niyon ang pagkalabog ng aking puso nang masilayan ko ang taong nakasunod sa kaniya. Ang kaniyang anak na si Joaquin.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking nararamdaman. Bakit ba kapag nakikita ko siya ganito ang mararamdaman ko?

Ang sandali ay bumagal at siya rin ang kaniyang paglalakad. Bahagyang nakataas ang sulok ng kaniyang labi na nagpapakita ng isang ngiti. Nakatingin lamang siya sa kaniyang harapan at hindi ako napansin.

"Oh, nariyan ka na pala, Don Carlos," tugon ni Ama nang makalapit sila.

"Magandang araw po, Don Agaton," bati niya pa kay Ama na ginantihan siya ng tipid na ngiti.

"Kasama mo pala ang iyong anak, Don Carlos," komento ni Ama.

Tumango naman si Don Carlos saka tinapik ang kaniyang anak, "Siya, tama ka," anito. "Magandang araw sa iyo, Binibini," bati pa ng Don nang mapansin niya ako.

Napalingon naman sa akin si Joaquin na bahagyang may pagtataka na nakatatak sa kaniyang mukha.

Nginitian ko na lang silang dalawa ng kaniyang Ama habang kinakalma ang aking nag-ngangalit na puso.

"Magandang araw po sa inyo, Don Carlos," saka ako lumingon sa kaniyang anak, "at sa iyo rin, Ginoo."

"Magandang araw rin, Binibini."

Isang ngiti lang ang isinukli ko sa kaniya, saka ako kinakabahang sumunod na kina Ama habang naglalakad at nag-uusap kasama ang ibang mga lalaki.

Naramdaman ko na lang ang presensya ni Joaquin na nasa aking tabi na naglalakad. Tinapunan ko siya ng tingin at natagpuang nakatingin ang kaniyang kayumangging pares ng mga mata.

Magkahalong gulat at kaba ang aking naramdaman sa sandaling iyon. Hindi ko magawang bawiin ang aking tingin at nakadikit na lang sa kaniya na para bang may isang pwersang nagpapanatili sa akin na titigan siya.

Napataas ang sulok ng kaniyang labi, "Hindi ko lubos na inaasahan ang iyong pagparito, Binibini," ang kaniyang boses kasing lamig at kalma ng mga along humahampas sa baybayin.

"Ah, ako'y dinala ni Ama rito," bumawi ako ng tingin. "Mabuti na rin at maaarawan man lang ako."

Mabuti na lang din dahil nakita kita. Hindi! Hindi, ano ka ba, Chestinell. May kasintahan na siya huy.

Narinig ko ang kaniyang kaunting pagtawa, "Tama ka. At saka, masarap kayang langhapin ang simoy ng hangin sa may tubig dagat."

Sana, hindi kami makita ni Clara at baka kung ano na naman ang sasabihin niya.

"Oo nga eh. Ang sarap pang pakinggan ang mga alon. Mas maganda ito kung papalubog na ang araw at mag-isa, nang sa ganoon ay makakapagmuni-muni ka."

Sabay naming tinanaw ang dagat. May mga ibon pang lumilipad sa ibabaw rito. Mga bangkang paparito at paparoon, na ang iba ay galing pa sa pangingisda. May mga barko ring naglalayag at mag mga bata pa sa ibaba, sa may dalampasigan.

"Siyang tunay. Isa ang karagatan sa mga nagpapakalma at tumutulong sa pagwala ng aking mga problema at iniisip."

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin pa rin siya sa malawak na karagatan. Hinawi ko ang aking buhok na napunta sa aking mukha saka lihim na napangiti.

"Nakakasiguro na kayong kompleto na ang mga kargamento?" usisa ni Ama nang huminto na kami sa may dulo na ng daungan.

May isang may kalakihang barko ang nasa aming gilid na nakakonekta sa pantalan gamit ang isang malapad na kahoy.

"Kompleto na po iyon, Teniente Mayor," isang lalaking may makapal na bigote ang sumagot. Tumango naman si Ama.

"Mabuti. Lagi nating iiwasang magkaroon ng aberya at suliran sa kalagitnaan hanggang sa pagtapos ng proseso ng pag-aangkat," si Don Carlos sabay pirma sa papel na hawak ng isang lalaki.

Habang nagpipirmahan sila ay inihatid at ipinasok na ng mga binayarang kalalakihan ang kahon kahon ng mga produkto.

"Naipasok na po ang mga tubo, at ang mga ito ay niyog na lamang po, Teniente Mayor," pagbigay-alam ng isang lalaking nasa tapat ni Ama na sa tingin ko ay pinuno niyong mga lalaking trabahador.

"Mabuti kung ganoon. Siguraduhin ninyong maayos ag pagkakalagay at walang masisirang produkto. Mananagot kayo sa akin kung mayroon," babala ni Ama.

Tumango ang lalaki saka sumunod sa kaniyang mga kasama papasok sa loob ng barko. Patuloy naman sina Ama sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kasama habang si Joaquin naman ay seryosong nakikinig sa kanila.

Napangiti ako ng kaunti saka dahan-dahan na naglakad palayo sa kanila at nagpunta sa may dulo, sa may pilapil tinanaw ang mga bangka sa di kalayuan at ang buong dagat. May mga malalaking kadena naman na nakatali sa bawat poste para magsilbing harang sa mga tao at hindi mahulog sa baba.

Narinig ko pa ang tawanan ng mga kabataang naglalakro sa may di kalayuan sa baybayin, na ang iba ay tinutulungan ang kanila yatang mga Ama sa mga huli nito. May iba nga na dinadala na sa palengke ang mga buhay pang isda at iba pang lamang dagat.

Hindi pa ako nakapunta sa lugar na ito sa sa taong 2020. Natatanaw ko lang ito pero hindi nakatapak. Ang daming mga unang beses kong nagawa rito. Kagaya ng—

"Binibini, mayroon ka bang gagawin o paroroonan pagkatapos nito?"

Agad akong napalingon nang marinig ang boses na iyon. Aking nasilayana ang pigura ni Joaquin na nakatayo sa aking tabi at nakatingin sa akin.

Umangat ang kaliwang kilay ko nang marinig ang kaniyang tanong. Ilang beses pa akong napakurap at saka napatingin sa lupa.

"U-uh, wala. Ngunit, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Ama matapos nito," nagtatakang  bumaling sa kaniya. "Bakit?"

Umiling siya nga mabilis saka kiniya sina Ama.

"Halika na, ikaw ay hinahanap na ni Don Agaton."

Nagtataka naman ako sa kaniyang kinikilos pero  naglakad na lang ako pabalik kina Ama na kasabay siya.

"Ihatid mo na lamang ang datos sa aking tanggapan. Kami ay pupunta na roon," utos ni Ama sa isang lalaki saka napalinga-linga na parang may hinahanap.

Natigil lang siya nang mahulog ang kaniyang tingin sa akin na nakatayo sa kaniyang likuran. Kaagad ko siyang ngitian ngunit sa nakasanayan ay tinitigan lang ako.

"Halika na. Pupunta tayo sa tanggapan," aniya pa na kahit hindi man sabihin ang pangalan ay ako ang tinutukoy niya.

Naglakad na siya palayo kasama si Don Carlos kaya wala na lang akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa kaniya. Naroon pa rin nakasunod sa akin si Joaquin. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa may kalesa kasama ang mga tingin na natatanggap mula sa mga tao sa paligid.

Naghiwalay na sina Ama at Don Carlos para sumakay sa bawat karwahe kaya nginitian ko ang mag-ama bilang paalam at sumunod kay Ama.

Wala na, hindi ko na siya makikita.

"Don Agaton..."

Magkasalubong ang aking mga kilay at naguguluhang tumingin kay Joaquin nang bigla siyang magsalita. Napatigil nga si Don Carlos sa paglalakad at nalilitong lumingon sa kaniya. Si Ama naman ay napahinto sa pag-akyat ng kaniyang ikalawang paa nang marinig iyon.

Dahan-dahan siyang nilingon ni Ama at dahil nasa kanang gilid ako ni Ama ay hindi ko na nakita pa ang ekspresyon nito.

Napakunot ang noo ko nang napakunok si  Joaquin at napatingin sa akin.

Ano na naman ang problema niya? Kapag ito, ipapahamak ako tatanggalan ko 'to ng kilay. Magkaibigan na kami ni Ama baka sisirain niya pa.

"Ano ba iyon, hijo?" nababagot na tanong ni Ama nang hindi makapagsalita kaagad si Joaquin.

"Hihingi sana ako ng pahintulot sa inyo, Don Agaton, na aking yayayain ang Binibini na mamasyal sa plasa."

Kaagad na namilog ang mga mata ko sa gulat at taranta. Hindi mapalagay ang aking puso dahil sa kaba. Ano ba ang ginagawa niya? Seryoso?!

Nakita kong  magkarugtong ang kilay ni Don Carlos na napatingin sa amin at sa kaniyang anak.  Dahan-dahan na napalingon sa akin si Ama dahil sa narinig at doon ko nakita kung gaano ka kunot ang kaniyang noo at bahagyang nakataas ang kaniyang makapal na kilay. Putik na. 

Nanlalaki ang mga mata ko  na ibinigay sa kaniya, ipinapahiwatag na hindi ko alam ang pagyaya ni Joaquin sa akin.

"Pangako po, roon lang kami sa plasa at hindi na lalayo," dagdag niya pa.

Nakahinga ako ng maluwag nang bawiin ni Ama ang tingin sa akin at tumingin kay Joaquin. Nakita ko naman na unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Don Carlos at maya-maya pa ay natawa siya kasama si Ama. As in, iyong napahalakhak silang dalawa.

Napaangat ang kilay ko at naguguluhang tumingin sa magkaibigan. Ganoon din naman ang naging reaksiyon ni Joaquin nang makita ang ama.

"Walang problema iyan, hijo," seryosong tugon ni Ama. "Ngayong araw lang ang pagpahintulot ko. Siguraduhin mong makakauwi pa ito ng buo, Ginoong Joaquin. Walang labis, walang kulang."

"A-ama, lalabas lang naman po kami bilang magkaibigan. Wala ng higit pa roon."

Baka kasi isipin nila na may namamagitan sa aming dalawa. Isa pa, alam naman yata nilang may kasintahan na si Joaquin.

"Batid ko. Maraming mga matang magmamasid sa inyo, at malalaman ko ang bawat kilos ninyo," ani Ama saka sumakay na ng karwahe.

"Maraming salamat po, Don Agaton," si Joaquin.

"Mag-iingat, Kristina."

Magkasabay na umalis ang mga sinasakyan ng magkaibigang Don at naiwan kaming dalawa ni Joaquin na nakatanaw doon.

Sa totoo lang, wala akong lakas ng loob na tumingin sa kaniya. Sobrang kumakabog ang puso ko at nanlalambot ang mga tuhod ko.

Seryoso talaga 'to? Inaaya niya akong lumabas? Pero nasa labas na naman kami eh–charot, pilosopo ka.

"Binibini?"

Tinawag na niya ang aking atensiyon na mas lalo nagpakabog ng aking puso. Okay, kumalma ka, Chestinell. Huwag kang masyadong ano.

Iniangat ko na lang ang aking tingin at sinalubong ang kaniyang mga mata. Nakangiti siya ng kaunti at inalok ang kaniyang palad.

Natulala ako habang nakatingin doon sa kaniyang kamay na nakalutang sa ere. Ano ang gagawin ko riyan? Kailangan ba talagang magkahawak kami ng kamay?

"Maraming putik at malansa rin sa lupa, Binibini. Akin na kitang aalalayan," aniya na ikinatingin ko sa kaniya.

Ahh, okay. Iyon na naman pala. Akala ko naman kasi.

May pag-aalangan kong tinanggap ang kaniyang malambot na kamay at dahan-dahan kaming naglakad sa kalagitnaan ng palengke paalis.

Nakangiti lang siya ng kaunti habang inaalalayan ako sa pag-iwas sa mga nakapondong tubig sa lupa habang nakahawak naman ang isa kong kamay sa aking abaniko at saya.

Maraming tao sa sentro ng bayan ang aking nasilayan nang makalabas na kami sa palengke. Abala sa bawat ginagawa na halatang masasaya naman.

Nilingon ko siya. Seryoso talaga 'to? Mamasyal kami?

"Hindi ba magagalit si Binibining Clara?"

Napaangat ang kaniyang kaliwang kilay, "Bakit naman siya magagalit?"

"Dahil magkasama tayong dalawa," kaagad kong tugon na bahagya niyang ikinatawa.

"Ano naman ang problema kung tayo'y magkasama? Wala naman tayong ginagawang masama."

"Ngunit kasi—"

"Binibini, naaalala mo ba ang aking sinabi sa iyo dati?" napaangat ang kilay ko sa pagtataka kaya ngumiti siya.

"Sinabi ko sa iyo noon, huwag mong banggitin ang mga tao na wala rito at hindi mahalaga," paalala niya.

Napahinga na lang ako ng kaunti saka ngumiti. Tama ka, Ginoo. Isa pa, magkaibigan lang tayo at siya pa rin naman ang kasintahan mo.

"Halika na?" aya niya.

Tumango ako.




Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro