Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

|Kabanata 30|

Nobyembre 25, 1889

Batid niya bang siya'y pinahahalagahan at hinihirang ng aking puso? Hindi. At hindi ko na nais pang kaniyang mabatid. Sapagkat kahit pa mababatid niya hindi niya kayang suklian iyon. Ayaw ko ng gambalain ang ibang tao. At hinding-hindi magkakaroon ng silbi pa kung ang kanilang ninanais ay mangyayari.

Te amo, adiós.

Martina



Mistulang hinila ang aking kaliwang kilay ng maitaas ko ito sa kuryusidad at pagkaintriga dahil sa nabasang sulat. Sa pagkakaalala ko, ito ang pangalawang sulat ni Kristina na naglalaman ng tungkol sa isang lalaking hindi pinangalanan ngunit halata namang hindi niya kaano-ano. Ang una ay iyong naiirita siya sa lalaki at ngayon, ngayon ay mahal niya ang isang ito?


Te amo, adiós. I love you, goodbye?


Nagbibiro ba kayo? Nakaranas si Kristina ng isang unrequited love? Kung sabagay, kahit pa siya ay mayumi, maganda, diyosa, marikit, mayaman at marangya, walang yatang magkakagusto sa kaniya dahil sa masama raw niyang ugali. Pero kasi, ang sabi rito, hindi alam ng Ginoong iyon na siya ay gusto o mahal ni Kristina. Hmm, sino naman kaya itong lalaking ito?


Sandali, sandali lamang. Sumasakit na ang ulo ko. Una, nalaman kong si Kuya Luis ang nakatakdang ipakasal sa akin at ngayon, ngayon ay malalaman kong mayroong nagugustuhan si Kristina. Akasya naman oh! Tsaka, tsaka tutol si Kristina sa kasunduang iyon, hindi ba? At dahil tutol siya, batid niya kung sino ang taong ipapakasal sa kaniya. Dahil kung siya ay hindi tutol magkasundo sila ng ama niya, panigurado.


Ngunit, ano ang ibig sabihin sa kaniyang huling sinabi? At hinding-hindi magkakaroon ng silbi pa kung ang kanilang ninanais ay mangyayari. Ibig sabihin ba niyon, ang taong ipapakasal sa kaniya ay ang taong minamahal niya? Pero, hindi na lamang siya papayag dahil kahit pa mangyari iyon ay hindi naman siya mamahalin ng lalaking iyon? Mas nais niya na lamang na pakawalan ang taong kaniyang minamahal kaysa sa itatali niya ito sa isang kasal na hindi nais ng lalaki? Dahil batid niyang hindi sasaya ang lalaking iyon sa piling niya? At ayaw niya nalang na gambalain ang buhay nito kaya siya tutol sa pagpapakasal?


Aw, maunawain naman din pala ang Kristina'ng ito eh. Pero sandali, sandali, tama ba ang iniisip ko? Na m-mahal niya si K-kuya Luis? AKASYA! Ano?! Hindi, hindi maaari iyon! Hindi. Tuldok. Hindi pwede.

Inilobo ko ang aking pisngi at malalim na paghinga ang aking ginawa bago pinakawalan iyon ng marahas. Naging sanhi iyon ng pagkarinig ko ng bahagyang pagtawa ni Isay.


"Mayroon ba kayong problema, Senyorita? Mukhang kayo ay mayroong pinagdaramdam," kuryosong aniya habang inaayos ang aking mga susuotin sa pagdiriwang.


Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. "Wala naman. Mayroon lamang akong iniisip," aking tugon.


Ngumisi naman siya. "Ah, oo, ang inyong kasintahan,"


Mabilis na nagkasalubong ang aking mga kilay at nagkunot ang aking noo. "Anong kasintahan ang iyong sinasabi?" hindi makapaniwalang bulong ko. "Wala akong kasintahan ha," dagdag ko.


Natawa naman siyang tumango. "Kayo naman po, masyado kayong nagtatanggol sa sarili niyo eh," aniya saka ibinaba na ang sapatos matapos niyang punasan.


Nakangiti nalang akong tumayo ng napailing sa kaniyang kalokohan at inipit ang sulat sa isang libro na nasa malaking istante. Sana malaman ko kung sino ang lalaking tinutukoy rito.

Kasabay ng pagbulong ko sa ere ang pagsara ko sa libro at tahimik iyon na ibinalik sa gitna ng mga librong nakalagay sa bawat gilid nito, saka ko nilingon si Isay.


"Ayos na ang mga ito, Senyorita," nakangiting wika niya. "Marahil ay nais na ninyong maghanda at suotin ang mga ito?" bakasali niya.


Napailing ako ng kaunti, "Mamaya na siguro. Maaga pa naman. Salamat."


Naglakad ako papunta sa bintana saka umupo sa maliit na silya at tinanaw ang labas ng mansiyon at ang malawak na lupain hanggang doon sa sentro ng bayan, ang nasa ibabang bahagi ng bayan na ito, na matatanaw lamang ngunit ito ay malabo na.


Huwebes, ika dalawapu't pito ng Pebrero, taong 1890. Ngayon ang kaarawan ni Binibining Clarita ang sekretong kasintahan ni Joaquin. Hindi ko aakalaing isang buwan na pala ang lumipas mula noong ako ay unang napadpad rito sa San Luisiano sa taong 1890. Marami na ang nangyari at marami-rami na rin akong mga napagdaanan. Akin ng unti-unting naintindihan ang mga bagay-bagay. Unti-unting ng nagtutugma ang mga ito. May tatlong buwan na lamang akong natitira upang magawa ko ang aking misyon. Ang manatiling buhay lampas sa oras na namatay ang totoong Kristina. Ngayon, nababatid ko na ang lalaking ipagkakasundo sa akin ng aking tinuturing na Ama sa panahong ito ay walang iba kung hindi ang kaibigan ng aking mga kapatid. Si Luis Victorio Varteliego, dalawampu't apat na taong gulang.


Hindi ko maintindihan ang aking mararamdaman. Siya ba talaga ang lalaking ipagkakasundo sa akin at ang lalaking mahal ni Kristina? Pilit kong iniisip ang lahat ng mga impormasyong aking nalaman ngunit mistulang binibiyak na ang aking ulo sa sakit nito. Ah, basta. Ngayong batid ko na ang mga plano ni Ama, unti-unti ko itong sisirian. Kailangan ay walang kasal na magaganap, hindi ba? Kaya gagawin ko ang lahat upang hindi iyon matuloy. Ngunit, sa palagay ko ay kailangan ay magkaroon pa rin ng seremonya, nang sa gayon ay maulit ang nangyaring kasal ngunit ang kaibahan ay hindi ako mamamatay.


Kaya mo iyan, Chestinell. Magtatagumpay ka rin.


⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅


"Kasya pa ba iyan? Mukhang nananaba na yata ako eh," natatawang tanong habang inaayos ni Isay ang aking suot na makapal at hanggang sahig na saya.


Siya ay natawa rin naman. "Hindi naman, Senyorita. Balingkinitan pa rin kayo. Kasyang-kasya pa ito," tugon niya saka inayos ang dulong bahagi nito.


Napangiti nalang ako sa sagot niya at bumalik ang tingin sa salamin na nasa aking harapan at inayos ang baro na suot. Kulay bughaw ang tema ng aking suot ngayon. Makulimlim na bughaw ang aking saya na gawa sa mga mamahaling tela at kumikinang na mga diyamante pa ang nakatahi rito. Ang aking baro ay medyo banayad o maputla ang kaniyang kulay na may mga kaakit-akit na burda at disenyo. Katamtamang bughaw na kulay naman ang aking panuelo na malinaw at tagos ang paningin, marami rin itong mga burdang bulaklak sa may laylayan nito. Nakaipit rin rito ang brotse na may disenyong isang paro-parung asul na nakapatong sa gitna ng aking dibdib. Tinernuhan ko na rin ito ng sapin sa paa na may kaunting takong na kulay asul rin. Kumikinang pa ito dahil sa mga kumikislap na mga disenyo.


Ang mamahalin talaga lahat ng mga gamit ni Kristina. Ang sarap ibenta.


May mga nakita pa akong mga pulseras na kumikinang, halatang mamahalin, na aking isinuot kasama ang pulseras na binili ko noon sa Puente de la Reina. Nasaan na kaya ang ibinigay kong kapares nito kay Joaquin? Sigurado akong matagal na panahon na niyang itinapon iyon. Sana ibinalik nalang niya sa akin.


"Ayos lamang po ba ang kimonang suot, Senyorita? Wala bang hindi ka nais-nais na pakiramdam?" tanong ni Isay na nagpabalik sa aking diwa.


Kaagad akong napatingin sa salamin at inayos ang suot. Napatango naman ako bilang tugon.
"Ayos lang naman ang aking suot panloob," wika ko.


Napaatras naman siya, at tumabi sa salamin habang nakatutok pa rin sa akin ang kaniyang mga matang kumikislap at nakatingin sa buong pigura ko. "Senyorita! Napakarikit at kaakit-akit po ninyo. Kumikinang pa talaga kayo. Mukha kayong prinsesa!" masiglang aniya habang ang kaniyang dalawang palad ay magkahawak sa kaliwang bahagi ng kaniyang mukha.


Natawa naman ako sa kaniyang tinuring, "Naku, ako pa ay iyong binobola. Hindi naman totoo iyan," salungat ko.


Ngumuso at napasimangot siya. "Hindi po, Senyorita. Tunay kaya ang aking mga salitang sinasambit. Hindi mapagkakailang kayo ay napakamayumi," pagpilit niya. "Sa aking palagay ay mayroong kulang," aniya saka umasal na mayroong iniisip habang nakatitig sa akin at pababa sa sahig na aking kinatatayuan.


"Ah, oo nga pala. Iyon, tama," aniya saka mabilis na tumalikod at naglakad papunta sa aparador ng mga damit pang-okasyon. Inilabas niya ang isang may kalakihang na kahon at mabilis na naglakad papalapit sa akin. Kaagad niyang binuksan iyon at tumambad ang mga maliliit na kahon sa loob nito. Kinuha niya ang isang kahon na nasa bandang gitna at ipinatong ang malaki sa tukador.


Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. Napangiti naman siya saka dahan-dahan niyang binuksan iyon. "Ang sabi ninyo dati, ito ang inyong mga susuoting mga alahas at palamuti kapag may mga okasyon. Ito ay mahalaga sa inyo dahil nga ito ay mga inihandog ng iyong mga lola," aniya.


Napatitig naman ako sa kahon na naroon sa kaniyang mga kamay. Sa loob nito at nakahimlay ang isang pares ng hikaw na may kalakihan at bilog ang hugis. Kulay bughaw ang mga diyamante sa gitna nito at puti naman ang sa gilid nito. Sa may bandang baba naman nito ay ang isang may kalakihan at sopistikadang kwintas na kulay bughaw at puti na pa letrang V ang porma at mayroong malaking palawit na hugis diyamante.


Sigurado ang napakamahal ng alahas na ito. Ang yaman nga naman talaga ng pamilyang ito.


Mabilis niyang inabot sa akin ang mga hikaw at kinuha na niya ang kwintas. Kaagad siyang nagpunta sa aking likuran at isinuot ang maginaw na alahas sa aking leeg. Wala ring ilang segundo ay kinikilig kong isinuot ang mga hikaw at pinagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin.


O ha, mukha na akong First Lady ng Pilipinas. Akasya naman oh. Ang ganda at gara ng suot mo, Chestinell. Kulang pa nga ng pag-aayos sa buhok at mukha mo, mukhang ikaw na ang may kaarawan na ipinagdiriwang eh. Kakabugin mo pa yata ang Clara na iyon.


Napatakbo naman si Isay papunta sa harap ko at napangisi ng malapad sabay hawak sa kaniyang mukha at napatili ng kaunti. "Senyorita! Sabi sa inyo eh, mas lalo pa kayong rumikit. Kung ako ang tatanungin, tiyak akong maraming ginoo ang mas lalo pang mabibihag sa inyong kagandahan," nasasabik na aniya.


Napataas ang kaliwang ko at sumimangot. "Ikaw ha, mmambobola ka. Ayaw nila sa akin kaya. Tsaka, sa tingin mo ba itutuloy nila ang pagkabihag sa akin eh naroon ang mga kuya ko?" tanong ko pa.


Hindi na maipagtataka pang kahit saan magpunta at sino pa ang kasama ko, eh laging nakabantay ang tatlong iyon. Napanguso rin naman si Isay. "Oo nga pala, aking nakalimutan. Ganoon lang talaga ang mga nakatatandang kapatid, maprotekta," aniya.


Mabilis akong napangisi, "Wala ka talagang natitipuhan na kahit isa sa kanila?" biglang tukso ko sa kaniya na gaya ng dati ay ikinabilog ng kaniyang mga mata.


"Senyorita, naman. Ayan na naman kayo eh," mangiyak-ngiyak na aniya.


Kaya mas lalo akong natawa, "Bagay talaga kayo ni kuya Marco eh, alam mo? Nakakatuwa kayong pagmasdan kapag magkasama," asar ko pa.


Kaagad siyang tumalikod at inasikaso uli ang kahon ng mga alahas. "Senyorita, iisipin kong wala akong narinig at wala tayong pinag-uusapang ganiyang bagay," aniya at mabilis na naglakad pabalik sa aparador.


"Ayaw mo bang maging hipag ko?" nakangisi kong tanaw sa kaniya na siyang ikinalingon sa akin ng nakasimangot.


"Senyorita, pakiusap naman. Huwag niyo ng banggitin ang mga bagay na ganiyan," aniya na ikinatawa ko dahil sa itsura niyang halata ang pagmamakaawa.


"Sya, patawad. Hindi ko na uulitin," tugon ko. Nakakatuwa naman siya. Ayaw niya talagang magkaroon ng ugnayan sa pamilyang marangya. Pero, bagay talaga silang dalawa eh.


Sabay kaming napalingon nang makarinig kami ng katok sa pinto. Mabilis siyang naglakad pupunta roon at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang nakabihis at sopistikadang si Ina at Tiya. Aba, talaga namang may pinagmanahan talaga eh. Ang gaganda nilang dalawa. Kulay dilaw ang suot ni Tiya at si Ina naman ay berde na makulimlim ang kulay.


"Ina, Tiya, hindi ko maibigkas ang tamang salita ngunit napakaganda po ninyong dalawa," nakangiti kong pagbungad sa kanila.


Isang matamis na ngiti naman ang iginanti ng dalawa sa akin, mas lalo pa ang kay Ina na kumikislap ang mga matang nakatingin sa akin. "Kay rikit at kabigha-bighani mo rin, anak," tugon niya habang naglakad papalapit sa akin. "Kahit pa ano man ang iyong suot ay napakamayumi mo pa rin," aniya pa.


Lumaki ang butas ng ilong ko sabay tawa, "Ina naman. Ako po ay inyo pang binobola eh."


Natawa naman si Tiya at napanguso si Ina ng kaunti. "Hindi kaya. Tunay ang mga salitang aking sinasambit, anak. Itanong mo pa sa iyong Tiya."


"Oo, nga pamangkin. Mayroon ka naman kasing pinagmanahan," sagot ni Tiya kaya natawa ako.


"Oo, diyan po ako sasang-ayon. Maganda ang aking Ina at maganda rin ang aking Tiya, kung kaya naman ay maganda rin ako," wika ko. Napailing nalang si Ina sa sinabi ko ng nakangiti pa rin.


"S'ya, halika na at ng ikaw ay maayusan na. Mahirap na at baka tayo pa ay mahuli sa pagdating doon," anyaya ni Ina.


Napatango naman kaagad ako nang maalala kong dadalo pa pala kami ng pagdiriwang. Hindi pa naman dito sa mansiyon gaganapin. At saka, baka puputi na ang magkasalubong na kilay ni Ama sa kakahintay sa amin sa baba. Kaagad akong napaupo sa harap ng aking tukador at mabilis na inasikaso ni Ina at ni Tiya ang aking buhok at mukha, na kagaya ng dati. At katulad ng sa aking pangako kay Ina ay siya na palagi ang mag-aayos sa akin sa kahit ano pang okasyon at pagdiriwang.


Si Ina pa rin ang nag-aayos sa aking buhok at si Tiya sa aking mukha. Kagaya noon ay tinirintas ni Ina ang aking buong ng isang malaking tirintas mula sa aking batok saka niya iyon ipinusod. Inabot naman sa kaniya ni Isay ang isang paro-parung ipit na kulay bughaw pa rin saka niya inipit sa gilid ng aking ulo bandang kaliwa. Nilagyan niya rin ng mga palamuti ang aking nakapusod na buhok na kumikislap pa nang matamaan sa ilaw. Si Tiya naman ay abala sa paglalagay ng polbo sa aking mukha at kolorete sa labi at sa pisngi na gawa pa sa rosas na marami sa bayang ito. Isa kasi ang bayan ng San Luisiano ang nag-aakangkat ng mga produktong pampaganda. Hindi ko lamang batid kung sino ang may-ari.


"Hayan, sa wakas ay tapos na. Nakakabighani nga talaga ng aming prinsesa," komento ni Tiya na siyang ikinahagikhik ni Ina.


"Hindi na maipagkakaila, Arcela," tanging sambit ni Ina habang nakatitig sa akin na puno ng pagmamalaki at tuwa sa kaniyang mga mata.


Agad akong napatayo at humarap sa malaking salamin. Hindi ko mapigilan ang paghanga ko sa repleksiyon na aking nakikita. Kahit simple lamang ang ayos ko ay nagmumukha na akong mamahalin. Polbo nga lang at lipstick ang inilagay sa aking mukha eh. Ganern, Chestinell.


Mukha na talaga akong First Lady ng Pilipinas. Kulang na lang ang aking Ginoong Presidente. Nilingon ko sina Ina at Tiya saka isang matamis na ngiti ang aking ibinigay sa kanila. "Marami pong salamat Ina at Tiya. Kayo rin naman po ay pawang mga nakakabighani."


"Salamat, anak, at walang anuman," tugon ni Ina. "S'ya tayo na at hinihintay na tayo marahil ng iyong mga kapatid at ama sa baba," dagdag niya.


Kaagad akong napatango bilang tugon. Nauna na silang maglakad palabas habang si Isay naman ay nag-ayos sa mga gamit. Muli kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin saka nilingon si Isay. "Salamat, Isay, ha? Aalis na ako," ani ko.


Nakangiti naman siyang tumingin sa akin, "Aking karangalan, Senyorita. Nawa ay magsaya kayo roon. Mag-iingat kayo."


Gumanti ako ng ngiti bago ako naglakad palabas at iniwan siyang nag-aayos doon. Nagmadali na akong bumaba at nadatnan silang lahat doon. Sina kuya ay nakasuot ng pormal, itim na pantalon, ang kamisadentro, nakaibabaw ang tsaleko, at ang kani-kanilang tigda-dalawang tunika, na maikli at ang nasa pinakaitaas ay ang hanggang hita. May dala pa silang mga sombrero. Nakaupo pa na mistulang mga modelo. Tahimik lang sila at hindi ko alam kung bukal sa kanilang loob ang pagdalo o hindi.


Si Ama naman, na kahit kailan pa ay sinasalubong na ako ng kunot-noo at magkarugtong na mga kilay. Suot naman niya ang kaniyang uniporme bilang Teniente Mayor ng San Luisiano. Dala-dala rin ang kaniyang baston o tungkod niyang hindi niya maiwan-iwan.


"Narito na ang lahat, siya at humayo na tayo," pagsalita ni Ina. Sumang-ayon naman si Ama at nauna na silang naglakad kasunod si Tiya. Sabay-sabay naman na napatayo ang tatlo at napatingin sa akin nang maglakad ako papalapit sa kanila.


"Aba naman! Martina, kabigha-bighani mo ah," pangunguna ni Kuya Lucio.


Natawa naman ako saka siya sinimangutan, "Kuya naman. Ikaw, kayo nga itong ang kikisig. Tiyak na akong mayroon na kayong magiging kasintahan sa pagkakataong ito," wika ko habang inaalalayan ako ni Kuya Lucas. Dahil sa sinabi ko ay napaseryoso ang tatlo habang papababa kami ng mansiyon. Natahimik ako at tinaasan sila ng kilay.


"At dahil nabanggit mo iyan, asahan mong ni isa sa amin ay hindi lalayo sa iyong tabi," ani Kuya Marco. Napalobo naman ang ilong dahil hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.


"Tama siya, Martina. Tiyak naming marami ginoo ang naroon ngayon kung kaya't kinakailangan ay walang makakalapit sa iyo kahit limang metro lamang ang layo," pagsang-ayon ni Kuya Lucio.


Taas-kilay at tumatango pa si Kuya Lucas. "Mmm-hmm, maliban na lamang kina Luis," aniya. "Ngunit. Ngunit ni isang ginoong hindi namin batid ang hugis ng lahat ng ngipin, bilang ng buhok sa ilong, haba ng kuko sa paa, at nunal sa buong katawan, ay hindi maaaring lumapit sa iyo," dagdag niya na siyang ikinatawa ko na labas pa sa pormal at etiketa ng kapanuhang ito.


"Oi, kayo naman, Kuya. Nakatawa kayo ah," tanging nasabi ko saka namaypay. "Pero, hindi naman ako mahilig sa ganoon ah. Alam niyo naman na ayaw kong mayroong lumalapit sa akin," usal ko at napailing.


"Batid namin iyon, oo. Subali't iba pa rin ang handa at nakaalerto," pagdahilan ni Kuya Lucio.


"Mm-hmm. El tiene razón," (Tama siya.) sang-ayon ni Kuya Lucas dahil napatango siya, pero hindi ko alam ang kaniyang sinabi. Mga espanyoles naman itong mga kasama ko kasi. Mana nga kay Ama.

Sumakay na kami ng karwahe. Magkasama sina Ina, Ama at Tiya. Kaming apat naman ay magkasama sa pangalawang karwahe. Maya-maya pa ay naalog na ito hudyat na ito ay paalis na kami ng Casa Del Veriel. Nilalaro ko na lamang ang aking abaniko nang bigla akong nag-angat ng ulo dahil sa aking naalala. Wala pala akong regalo kay Binibining Clara.


"Mayroon ka bang problema, Martina?" usisa ni Kuya Lucio na nakaupo sa harapan ko.


"Eh, kasi naalala kong wala pala akong handog para kay Binibining Clara," sabi ko. Natawa naman ng marahan si Kuya Marco, na nakaupo sa tabi niya, dahil sa narinig na mabilis kong ikinalingon.


"Handog? Akala ko ay hindi maganda ang relasyon sa pagitan ninyong dalawa?" hindi makapaniwalang aniya.


Dahil sa sagot niya ay napaurong ang hininga ko at ang paglunok ko. Napalingon ako sa dalawang iba pa at ganoon din ang tingin na natanggap ko mula sa kanila. Unti-unting pumasok sa isipan ang bagay na iyon at dahan-dahan akong napaiwas ng tingin at napalinya ang aking labi. Chestinell! Akasya ka, bakit mo naman kasi sinabi iyon? Antanga mo. Tss.


"Subalit, hindi na nararapat pang siya ay bigyan ng handog. Sapat na ang presensya naming tatlo sa pagdiriwang. Mamahalin kaya ang aming presensya. Sana nga pala ay siningil ko muna siya bago tinanggap ang kaniyang paanyaya," nakailing na aniya, halata ang pagsisisi.


Napatawa si Kuya Lucas na nakaupo sa tapat niya at pinalo ang kaniyang sombrero na suot. "Isa ka palang bayaran, Marco. Ngunit, kahit pa ano ang iyong gagawin makakatanggap ka pa rin naman ng kurot sa singit mula kay Ina," siyang paghalakhak niya pagkatapos. Natawa rin naman ang dalawa kaya napasali nalang ako. Totoo, kinukurot pa si kuya sa singit? Hindi ko na napigilan pang matawa ng malakas habang aking iniisip ang bagay na iyon.


"Aba, tawang-tawa?" komento ni Kuya Marco. Inipit ko nalang ang mga labi ko saka mabilis na umiling.


"Huwag kang tatawa-tawa riyan. Hindi pa namin nakakalimutan ang pagbabantay sa iyo," paalala pa niya.


"Oo na po, at ito ay tatahimik na," tanging nasambit ko.


Tahimik lamang ang biyahe papunta kina Binibining Clara na sa aking pagbilang ay nasa labing-anim na minuto. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at nakita kong kung saan banda ang kanila. Sa may likurang bahagi ng residensiya ng mga Varteliego, sa kanang banda. Mula sa kanila ay tatagal pa ng limang minuto bago makarating sa bahay nina Clara.


Kung ganoon, ang lapit nga lang talaga ng kanilang mga bahay sa isa't-isa. Dadaan muna talaga si Binibining Clara sa residensya ng mga Varteliego bago makarating sa kanila. Ibig sabihin nga talaga niyon, malapit na sila sa isa't-isa. Edi wow.


Sa mga napuntahan kong mga residensya, ang kina Binibining Clara ang iba. Wala kasi silang malalaki at matatayog na bakod at tarangkahan. Deretso na sa kanilang daraanan mula sa malaking daan na ginagamit ng lahat ng tao.

Nakahanay ang lahat ng mga kalesa ng mga panauhin kabilang na ang aming sinasakyan. Nagsipagbaba na ang tatlo kaya agad ko namang sinundan. Napakaliwanag ng buong paligid sapagkat maraming mga ilaw sa poste ang nakasindi. Mula rin dito sa labas ay maririnig na ang mga pag-uusap ng mga panauhin, mga musika mula sa orkestra, at mga gamit sa pagkain at kubyertos na hinahanda. Kagaya rin namin ay mayroon pa ring mga bisita na kadarating lamang. Katulad na lamang ng isang pamilya yata na lumapit sa aming gawi na pinangunahan ng isang lalaking sa aking palagay ay kaedad lamang ni Ama, na nakasuot ng pormal.


"Teniente Mayor, magandang gabi sa inyo," bati nito kay Ama saka nakipagkamay at ngumiti kay Ina pagkatapos.


"Magandang gabi rin, Don Policarpio," pagbalik na tugon ni Ama at ni Ina. Nakibati na rin sina kuya, pero nanatili lamang akong tahimik. Tandaan, ang mga binibini ay tahimik lamang sa tabi.


Pero kahit pa ganoon ay hindi pa rin yata mapigilan ng dalawang binibining kasama ng mag-asawa na mahalina kina kuya. Ngisi ba naman kasi ng ngisi na halos makita na ang buong gilagid, pati na ang kinasulok-sulukan nito. Sina kuya naman ay hindi na pinansin ang dalawa matapos bigyan ng tipid na yukod at tanggal ng sombrero. Dahil nga doon ay naghampasan pa ang dalawa sa kani-kanilang mga abaniko. Lihim nalang akong napailing at lumingon sa mansiyon.


Spoiled ata talaga itong si Binibining Clara eh noh.


Kasi naman, kahit sa labas pa ang engrande na, paano pa kaya sa loob? Baka may nagpaputok pa roon ng mga kwitis at piccolo. O kaya naman may mga patapon pa sila ng mga isang libo.


"Uh, k-kumusta pala kayo, m-mga Ginoo?" tanong ng isa sa mga babae kina kuya na ikinalingon ko. Matapos niya pang tanungin iyon ay parang kumisay pa at mistulang nakuryente dahil biglang nasayaw dahil yata sa kilig. Napairap nalang ako at nilayo ang tatlo sa kanila.


"Pasensya na kayo mga Binibini. Hindi sila nakikipag-usap sa inyo sa kadahilanang hindi sila pinapayagan ng kanilang mga kasintahan. Humanap nalang kayo ng iba, hindi na sila pwede," mabilis kong wika pagkatapos ay kunwaring nginitian ng matamis ang dalawa na naging dahilan ng pag-awang ng kanilang mga bibig.


Tss, the audacity. Isa pa, hindi ako papayag na ganoon ang mga ugali ng mga great grandmas ko noh. Dapat pormal at may poise. Hindi ko na sila pinansin at tinulak na ang tatlo palakad dahil naiwan na rin kami nina Ina.


"Aba, hindi ikaw ang magbabantay, Martina, kami po, kami," pagpapaalala ni Kuya Marco nang makalayo na kami sa dalawa.


"Bakit? Tipo mo ba ang mga iyon, ha?" taas kilay kong tugon sa kaniya. Natawa lang naman silang tatlo.


"Halina kayo, ipapakilala na tayo," pag-aya ni Kuya Lucio at naglakad na kami papunta sa kanilang pinto. Dalawang palapag lamang ang kanilang mansiyon ngunit malaki at malapad rin ito. Napakarami pang bintana sa ikalawang palapag at kita ang mga tao na naroon.


Kaagad kaming sumunod kina Ina na naroon na sa loob. Mas lalo pang lumakas ang tunog ng mga tawanan, pag-uusap, at ang musika nang makapasok kami. Malawak ang kanilang unang palapag at maraming mga upuan. Naroon ang mga kagamitan kagaya ng mga libro na nakalagay sa malalaking estante, ang kanilang maliit na sala, may mga kagamitang mamahalin at kung ano-ano pang mga disenyo.


Pagpasok ay makikita kaagad sa kanan ang kanilang makintab na hagdan. Doon nagsipag-akyat ang mga bisita na makikita mo ay mga karangyaan at mga pamilyang galing sa mayamang angkan. Nakasunod lamang kami kina Ina na nasa kalagitnaan na ng hagdan habang patuloy lamang ako sa pagmamasid sa buong paligid. Nakasunod naman pala kaagad ang dalawang babae na nakangisi pa rin sa gawi nina kuya.


"Si Don Nigonaldo Bustos at kaniyang maybahay na si Donya Soraida," rinig kong pag-aanunsiyo ng isang lalaki na nakatayo sa may punong bahagi ng hagdan, at nakangiting tumingin sa mag-asawa na sinundan nina Ama.


Wow, may ganoon? Parang dumalo lang kami sa kaarawan ng prinsipe o prinsesa gaya ng mga pelikula sa hinaharap na kailangan pang ipakilala ang mga panauhin. Tss, lakas ng trip ng Clara na iyon ah?

Narinig ko naman na nagpalakpakan ang mga tao matapos iyong sabihin. Naglakad na paalis ang mag-asawa papunta sa kung saan man sa loob ng sala mayor. Umakyat naman sina Ina at Ama papunta sa pinakataas ng hagdan. Nasa likuran nila si Tiya at Kuya Marco, at kaming tatlo naman ang magkasama sa ibaba nila.


"Magandang gabi po, Teniente Mayor, at sa inyo po Donya," bati pa niyong taga-anunsiyo na binigyan ng tipid na tango ni Ama. Ngumiti naman si Ina at binati siya pabalik.


"Ang Teniente Mayor, Don Agaton Del Veriel at ang kaniyang maybahay na si Donya Florentina," anito.


Sa pagkakataong iyon ay malakas na palakpakan at pagsalubong ang aking narinig. May mga bumati pa kay Ama mula sa mga bisita. Iwinagayway naman ni Ama ang kaniyang kanang kamay bilang pagtugon at sa aking palagay ay nakangiti rin ito sa mga tao. Naglakad na sina Ama at Ina papalapit doon sa nga tao kaya agad na sumunod sina Kuya Marco at Tiya na binati ng lalaki bago inanunsiyo.


"Senyorito Marco Del Veriel at Senyorita Arcela Rimadorre."


Rimadorre? Iyon ang middle name ko? Ang apelyido ni Ina at Tiya? Kung ganoon, ang haba pa rin pala ng pangalan ni Kristina. Maria Graciana Kristina Rimadorre Del Veriel.
Matatawa ba ako o hindi? Ang haba na nga ng pangalan niya na pasakit sa pagsusulat, ang buhay niya pa pasakit pa rin. Hay naku.


Umakyat na kaming tatlo matapos na umalis nina Kuya at Tiya. Napangiti naman ang taga-anunsiyo saka bumati at tumango.


"Martina," usal ko rito para malaman niya ang pangalan ko. Sabay naman na napalingon sina Kuya at ang lalaki na magsasalita na sana. Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Lucio at maya-maya ay nagsalita siya.


"Hindi na nararapat, Martina. Kilala niya ang lahat ng panauhin," wika niya nang marahil ay makuha niya ang nais kong ipahiwatig. Narinig ko pa ang pagtawa ng kaunti ni Kuya Lucas na natuwa sa ginawa ko.


Ay, pasensiya na. Akala ko naman kasi, sasabihin eh. Hindi ba, ganoon naman talaga ang sa mga nasa pelikula? Nagbibigay pa nga ng papel na nakasulat ang pangalan. Pero, edi wow. Ngumiti nalang ako sa lalaki at mabilis na umiling. Tumango naman siya saka niya kami ipinakilala.


"Senyorito Lucio, Senyorito Lucas, at Senyorita Kristina Del Veriel."


Naglakad na kami paalis doon habang nakakapit ako sa dalawa na parang dinadakip ako ng mga gwardiya. Ang tatangkad ba naman kasi. Nakangiti ang dalawa habang pinagpipiyestahan sila ng mga tingin lalo na ang mga babae sa loob ng silid.


Tinahak namin ang daan na nasa gitna, papunta roon sa gitnang dulo ng buong sala mayor. Napakunot ang noo ko nang aninagin ko kung sino ang mukhang anak ng Reyna ng Inglatera na nakaupo sa isang malaking silya at nakasuot ng magarbong pares ng pulang baro't saya. Sino pa nga ba, kung hindi si Clarita. Malaki pa ang ngiti nito habang kinakausap sina Ina na nakatayo sa may gilid niya, at sa kabilang gilid naman niya ay mag-asawa, marahil mga magulang niya.


Tuluyan na kaming nakalapit sa nakangising pigura ni Clara. Napalingon naman siya sa aming gawi ngunit hindi man lang niya ako binigyan ng isang tingin man lang at doon kina Kuya nakatingin. Agad mo namang makikilalang siya ang may kaarawan ngayon dahil sa suot niya pulang medyo makulimlim. Nakasuot rin siya ng mga alahas, lalo na sa kaniyang mga kamay na halos sakupin na ang kalahati ng kaniyang bandang babang braso. Pati rin sa kaniyang ulo ay maraming palamuti na mga kumikislap na diyamante. May mga regalo pa sa kaniyang may paanan. Saan kaya diyan ang galing sa kasintahan niya?


"Ako ay labis na nagagalak nang sa wakas kayo ay dumating. Maraming salamat sa pagtanggap sa aking paanyaya," aniya pa kina Kuya. Magkasunod naman nilang hinalikan ang likod ng palad ni Clara. Hindi ba nila alam na marami iyang mga mikrobyo? Kung sino-sino lang naman kasi ang humalik diyan.


"Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Binibini, nang iyong pinaanyayahan ang mga Ginoong ito," tugon ni Kuya Lucas.


"Maligayang kaarawan sa iyo, Binibining Clara," bati ni Kuya Lucio.


"Maligayang kaarawan din, Binibining Clara," segunda ni Kuya Lucas.


Nakangiti lang ang kaniyang pagmumukha ngunit mayroong halo pa ring seryoso, pinapakitang hindi siya interesado kina Kuya dahil may kasintahan na siya.


"Maraming salamat, Ginoong Lucio at Ginoong Luis."


Saglit na natahimik ang aming grupo matapos niyon. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko o ano. Babatiin ko ba siya o hindi na? Tss, hindi naman niya kailangang batiin eh. Napairap nalang ako sa loob-loob ko nang nahulog ang tingin ko kay Ama at nakatitig siya sa akin. Mistulang sinasabi ng kaniyang mga matatalim na tingin ang mga katagang, 'Umayos ka, Kristina, kung hindi pagsisisihan mo.'


"Happy birthday sa iyo, Binibini. Wish you happiness," pagi-ingles ko na ikinawala ng kanilang mga ngiti. Lalo na ni Clara at ng kaniyang mga magulang.


"Ano ang iyong sinasabi?" aniya na nakatingin sa akin na mistulang naging tatlo na ang aking ulo. Ngunit ngumiti lamang ako sa kaniya at bumaling sa buong paligid saka nilingon sina Kuya Lucio at Kuya Lucas. "Tayo na, nais ko ng umupo," bulong ko.


Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko ang kaniyang pagmumukha ay may kung ano mang pagkamuhi ang nararamdaman ko sa loob ko. Lalo kapag nakangiti siya, tsaka kapag nagpapa-pabebe kay Joaquin. Ang sarap lang bigwasan.


"Binibining Martina," puno ng pagtitimpi na tawag ni Clara sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa at tumalikod na roon. Nilapitan namin si Kuya Marco na nakaupo sa may bintana kasama si Carolino at Ate Guada. Atomatikong nawala ang seryoso at nakabusangot kong mukha nang makita si Ate Guada. Kahit papaano ay may kaibigan pa rin ako ritong babae.


Napalingon sa sila gawi namin ang tatlo. Hindi na maipagtataka pang kaagad na ngumiti si Ate Guada sa taong nasa aking likuran, na walang iba kung hindi ang kaniyang kasintahan. Mabilis siyang tumayo habang nanatili pa rin ag matamis na ngiti sa kaniyang labi. Nakasuot siya ng pares na baro at saya na halatang mamahalin na kulay kayumanggi na maputla. Naroon din sa kaniyang leeg ang makinis na kwintas na perlas at sa kaniyang tenga ang katugma nitong pares ng hikaw. Napakaganda talaga ni Ate Guada.


Mabilis na naglakad si Kuya Lucas papalapit sa kaniya at kaagad na hinalikan ang likod na bahagi ng palad ni ate. Hindi ko mapigilan ang ngisi ko sa kilig nang pagmasdan ang dalawa na naghaharutan-este nagkamustahan na animo'y ilang taong nagkahiwalay. Nahampas ko tuloy si Kuya Marco na napadaing.


"Martina, ang akala ko ay nagbago ka na? Nananakit ka pa rin pala ah," saka niya hinimas-himas ang kaliwang braso.


Nilingon ko siya at nakita ang magkarugtong niyang mga kilay saka ako natawa. "Nakakatuwa kasi silang tignan," saka ko uli nilingon ang magkasintahan na nakaupo na at mistulang may sariling mundo nang mag-usap na sila na halos hindi na maririnig. Nagtawanan pa ang mga loka.


"Matuwa ka lang, huwag kang manakit ah. Ang bigat talaga ng iyong kamay," reklamo pa ni Kuya.


Napailing nalang ako at umupo na sa may bintana nang mahanginan ako ng malamig na simoy. Isang malaking bilog na mesa ang kinaluklukan namin at nakadikit sa may bintana. Ang laki pa ng kanilang bintana na maaari pang tumalon ng sabay ang lahat ng mga tao dahil magkakasya pa. Katapat ko ang magkasintahan na katabi naman si Carolino. Katabi ko naman si Kuya Lucio at si Kuya Marco ang kasunod niya. May iba pang mga upuan na sobra na kasya sa limang tao.


May palaso na may mga rosas ang nakalagay sa gitna ng mesa at may tatlong kandelabra, na tig-tatatlo rin ang kandila ang nakasindi, sa bawat gilid nito. May mga plato at kubyertos rin na nakahanda ngunit wala pa ang mga pagkain. Naroon sa isang malaking mesa sa kabilang banda ng buong silid nakalagay ang mga umaapaw at nakakagutom na mga pagkain na inilalagay ng mga tagasilbi.


Napakaingay at sigla ng buong paligid. Naroon pa rin si Clara sa kaniyang upuan na tumatanggap ng mga bisita. Sina Ama at Ina ay naroon naman sa mesa na kung saan naroon ang mga bigatin at mga importanteng tao sa bayan. Kasama nila ang Gobyernador at kaniyang maybahay. Naroon din ang iilan sa mga Donya na nakita ko sa Bulwagan ng Pagpupulong dati, kasama ang kani-kanilang mga asawa.


Panay ang aking tingin sa mga tao at iniisa-isa ang pagsuri sa kanila. Ang gagara at mga sopistikada ang mga narito. May kaniya-kaniyang pwesto ang mga ginoo at binibini ngunit may iba naman na magkakasama, marahil ay magkakaibigan. Taga-saan kaya ang iba sa mga narito?


Natigil ang aking mga mata doon sa hagdan na kung saan mukhang wala na masyadong ipinapakilala ang taga-anunsiyo.


Darating kaya siya?






Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro