Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

| Kabanata 3 |


Dahil sa nakita ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang buo kong katawan at nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Bakit ako nandyan?! 'Yong babaeng nasa painting kamukha ko siya. Goodness! Ipina-painting ba 'to ni Lolo?

Sino 'yang mga kasama ko? Ni hindi ko nga kilala kahit isa sa kanila. Pero paanong nalaman nila ang itsura ko ngayong malaki na ako? Huling punta ko dito that was ten years ago. Siguro nagsend si Mama ng picture ko. But why?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko kahit hindi ko alam kung bakit. Parang matatawa ako na magugulat o ano. Nakatitig lang ako sa painting, nag-iisip kung paano ako napunta riyan at sino ang mga kasama ko.

Tsaka hustisya naman, sino ba ang nag-painting niyan at bakit hindi ako nakangiti? Goodness!

"Ngayon nakita mo na siya."


Bigla naman may nagsalita sa likuran ko kaya dahil sa gulat ay napatili ako. Agad akong napalingon at lalong akong nanlamig at parang naubusan ako ng dugo nang makita ko si Lolo Alejandro na nakatingin sa akin. Napatakip ako ng bibig.


Naku, patay ako.



"Ah eh, aalis na p-po ako, Lo. So-sorry po kung nagpunta ako dito," mabilis kong sabi at dahan-dahan na naglakad, pero huminto agad ako, "Happy Birthday po pala, L-lolo," nakangisi kong dagdag.


Nakatitig lang siya sakin na parang kakainin na niya ako ng buhay. Parang mabubutas na ata ang mukha ko dahil sa talim ng titig niya.

Lagot na.

Ang sama talaga tingin niya sa akin. Nginitian ko siya ng pilit at tumalikod na para umalis. Goodness! Kinakabahan ako. Baka ihambalos niya sa akin ang tungkod niya.

Ano ba 'yan? Kahit kailan talaga!

"Huwag kang umalis," malamig na sambit niya.

"P-po?" gulat kong tanong kaya naman pinukulan niya ako ng matalim na titig.

"Ano, bingi ka na ngayon? Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?"

Dahil sa sagot niya ay napalinya ng manipis ang labi ko. Goodness! Ang sungit mo talaga Lolo.


Umiling nalang ako at napaiwas ng tingin. Lagot na talaga! Dahil hindi niya ako papaalisin ibig sabihin paparusahan niya ako. Naku naman, bakit ko pa kasi hindi ni-lock ang pinto?

Dumadagundong na sa loob ko ang puso ko dahil sa kaba. Nakatitig pa rin sa akin si Lolo. Iniisip niya ata kung paano niya ako paparusahan. Baka ipabitay niya ako?

Hindi na talaga ako makakalabas ng buhay dito. Nanlalamig na ako at nagsimula ng tumulo ang mga malalamig kong pawis sa noo.

"Nakita mo na siya. Anong naramdaman mo?" 

Kaba po.


Napatingin ako kay Lolo nang bigla siyang nagsalita. Medyo nagulat pa ako dahil medyo kalma at mabait na ang boses niya. Nakatitig na siya sa painting na nasa gitna.

Pero ano raw? Nakita ko na siya? Sinong siya?

Dahan-dahan akong naglakad papalapit kanya na nasa likod na ng desk. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Tinutukoy niya ba ako na nasa painting? Tinatanong niya ba kung maayos ba akong napinta? Well, I'm impressed. Kopyang-kopya pa nga eh. Nagulat nga ako.

"Ah, 'yan po bang painting?" sagot ko nang hindi siya nagsalita, "Sino pa ang gumawa niyan? Gayang-gaya po ako eh. Ang galing," pangiti-ngiti kong sagot.

Syempre para hindi ako pagalitan noh. Kailangan makisabay ako. Ito lang ang paraan para makalabas ako ng buhay at walang bugbog.

"Hindi ikaw 'yan."

Dahil sa sinabi niya ay parang nahilo yata ako. Sumeryoso ang mukha ko at tinaasan siya ng kilay.

What?! Hindi ako, so sino siya?

"Siya ang aking Lola. Si Maria Graciana Kristina Del Veriel," dugtong niya habang nakatitig sa painting. Halos matawa ako.


Are you kidding me?! Hindi nga? At ang pangalan pa niya, ang haba at naka-rhyme pa. This is crazy.

"Lolo? Mawalang galang na po, pero...la-lasing po ba kayo?"

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon pero nakakatawa talaga eh. Natatakot man ako sa gagawin niya sa akin pero, hello, is that even possible na may kamukha ang isang tao, specifically nasa past? Lumingon naman siya sa akin at matalim na titig ang ibinigay niya.

Naku, patay!


"Gusto mo bang ihambalos ko itong tungkod ko sa katawan mo?" magkarugtong na kilay na sabi niya.

Napapikit nalang ako sa kaba. Umaapoy pa 'yong mga mata niya. Aish! Ang sensitive talaga nitong matandang ito.

"Sorry...sorry naman po. Hindi lang po ako makapaniwala," halos pabulong kong sabi habang nakapikit.

Parang luluwa na ang puso ko sa dahil sa takot. Sino ba naman kasi ang maniniwala do'n? Wala diba? Forged 'yan eh. Sinali pa ako sa kalokohan.

"Mahirap paniwalaan 'yun, inaamin ko."

Agad akong napadilat nang kumalma ang boses niya. Nanginginig akong huminga ng malalim.

Wooh! Ang bilis naman magbago ng mood. Eh ako muntik na akong ma-convulsion dahil sa takot na akala ko papatayin na niya ako.

I cleared my mind at umisip ng pwedeng masagot ko sa kanya. Mamamatay talaga ako ng maaga kapag kasama ko si Lolo. Mukhang ako pa ata ang mamamatay dahil sa heart failure. 

"Paano po nangyaring magkamukha kami?" kalma kong tanong.

"Siguro dahil pareho ang apilyedong dinadala ninyo?" sagot niya na halata ang pagiging sarcastic sa tono niya.

Aish! Itong matandang ito, hindi talaga maipaliwanag ang ugali.

"Pero paano nga po kasi—may alam po ba kayo tungkol sa kanya?"

Dahil sa tanong ko ay napatingin sa akin si Lolo at umupo sa upuan ng study table, at humarap sa mga painting.

This is getting sentimental right now. May pa emote pa, hebbe.

"Si Lola Kristina ay ang kapatid ng aking Lolo, ang ama ng aking ama. Siya ang bunso at nag-iisang babae. Tahimik, mapag-isa at may ugali ito. Ipinagkasundo siya sa isang lalaking hindi niya mahal. Anak ito ng isang mayamang pamilya noon. Pero sa kasamaang palad ay binawian siya ng buhay sa mismong araw ng kanyang kasal," pagkwento niya.


"Bakit naman po siya namatay? Did she ditched the wedding at nagpakamatay?" curious kong tanong.


"Mayroong bumaril sa kanya sa lugar kung saan ginaganap ang kasal. Dalawampu pa lamang ang kanyang edad,"


"Sino po ang gumawa? Naparusahan po ba?" Hindi ko alam pero bigla akong naintriga.


"Walang nakaalam kung sino ang maysala. Masyadong nilang ginalingan ang pagtago sa salarin. Kaya namatay siya nang hindi nakamit ang hustisya," his eyes flamed in frustration.


"Ilang linggo rin matapos niyon ay namatay ang kanyang ina dahil sa pagdaramdam ng kanyang kamatayan. Namatay ito dahil sa kalungkutan," his face showed that even he is a grandson at hindi niya naabutan ay nasaktan at nalulungkot pa rin siya.


"Simula no'n hindi na nila binuksan ang pamilya nila sa mga kasunduan at mga sosyo sa pagnenegosyo. Namuhay silang mag-ama ng payapa. Ngunit hindi talaga maiwasang may mga taong naninira at nanlalamang," dagdag niya.


Tahimik lang akong nakinig. Wala na akong matanong pa. At baka pag nagsalita pa ako, katapusan ko na.


"Alam mo ba kung anong napagtanto ko, Chestin?" biglang baling ni Lolo sa akin.

Medyo nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Nanibago tuloy ako.


"Ano...ano po 'yon, Lolo?" medyo kabado kong tanong.


Ano naman ang napagtanto niya? Na wala na ng mga treasures niya o ang planong pagkuha ko no'n? Ayan na, papagalitan na talaga ako.

"Si Lola Kristina ang unang anak na babae ng isang panganay na Del Veriel at nagdala ng apelyidong 'yon. At ikaw, ikaw ang huling anak na babae ng isang panganay na Del Veriel na magdadala ng apelyidong 'yon."

Sandali, ano raw?

Napatulala ako saglit nang isipin ko ang sinabi ni Lolo.


Siya ang first ever girl sa buong Del Veriel family And yes, dinala niya ang Del Veriel surname until her death dahil namatay siyang single.

Namatay ba talaga siya ng single?

And me. Tama si Lolo, ako nga ang huli. Del Veriel is my middle name, and kung magkakaanak man ako ay hindi na niya madadala ang surname na 'yon. And the most important family member ay ang mga panganay, and that is me.


Goodness gracious! This is crazy!

"Hindi lang kayo aksidenteng magkamukha, nakatadhana 'yon. Dahil namatay siya ng maaga noong nakaraan, nabigyan siya ng pagkakataong mabuhay sa katauhan mo. Kaya ayus-ayusin mo ang buhay mo," seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam, pero bigla akong natawa na naging dahilan para kumunot ang noo niya.

"Lo, naniniwala po kayo dyan? Hindi naman po totoo 'yon," natatawa ko sabi.

Dahil do'n ay bigla siyang tumayo at bago pa ako makapag-react ay pinitik niya ang noo ko na ikinadaing ko dahil sa sakit. Parang nabutas yata ang noo ko dahil sa lakas.

Goodness, napakasadista talaga eh.

Halos maiyak na ako habang hinihimas ang noo ko. Ang sakit talaga.

"Seryoso ako, Chestinell. Huwag mong tatawanan," seryoso niyang sagot.

"So-sorry po Lolo. Kayo naman po kasi," tahimik kong sagot.

Ilang minuto din kaming nanatili do'n. Feeling ko nga medyo napalapit ako kay Lolo, o sadyang feeling ko lang 'yon.

Nagtanong ako kung sino ang mga nasa ibang paintings. Ang sabi ni Lolo, ang mga painting na pamilya ay ang pamilya ng mga panganay na mga Del Veriel. 'Yong iba naman ay ang mga anak lang ng mga panganay. At 'yung nag-iisa lang ay ang mga panganay lang. Masyado silang mahilig sa mga panganay, eh.

Kaya nga biniro ko na naman si Lolo kung kailan ako magkakaroon ng sariling portrait. Ang sagot niya, kapag karapat-dapat na daw ako. Napangiwi nga ako sa sagot niya eh. Ang sama talaga ni Lolo.

Nakabalik na ako sa kwarto dahil late na rin. Pero naroon pa rin sila sa baba, tuloy parin ang celebration. Si Lolo ay naiwan sa treasure room pag-alis ko. Pinalayas na niya ako sa harap niya eh. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Siguro ay tinago ng maigi ang mga kayamanan. Sayang talaga hindi ako nakakuha. Pero mabuti nalang at hindi niya ako pinarusahan.


Kanina pa ako dito sa kwarto at 11 pm na, pero hindi pa ako nakakatulog. I just can't accept na I have an ancestor na kamukha ko. I mean, I can't believe it. That's so impossible.



⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅

Kinaumagahan ay naalimpungatan ako nang makaramdam ako nang parang may gumagalaw sa may tiyan ko at papunta sa upper chest ko. Kaya agad akong napadilat at laking gulat ko nang makita ko ang isang napakapangit at hudlumang pagmumukha ng isang palaka na nakapatong sa tiyan ko. Hindi ko na naisip na naroon ako sa mansiyon ni Lolo at mabilis na ibinuka ang bibig at napatili.


Parang nagulat at nataranta rin ang palaka dahil agad itong nagtatalon sa kama. Agad akong napaupo at pinagwawaksi ang mga kagamitan sa kama.


Galit akong nagmartsa papunta sa pinto at lumabas ng kwarto. Isa lang ang may pakana no'n, at walang iba kun'di  si Yanna. Alam kong siya ang may gawa no'n dahil sa bahay ay maraming beses na niyang ginawa 'yon. Sumasakit pa ang ulo ko dahil kulang ang tulog ko.

"Yana! Nasaan ka?" padabog akong nagmartsa pababa habang tinatawag si Yana.

May mga tao sa baba kabilang na doon si Mama, at sabay silang nagsipaglingunan sa akin.

"Chestin, hinaan no naman ang boses mo," saway ni Mama.

"'Asan po ba si Yana?" kaagad kong usisa, "Alam niyo po ba kung ano ang ginawa niya? Nilagyan niya po ng palaka ang kama ko at alam niyo naman po na it's not fitting to do such thing as that," galit kong sagot.

I've heard the buzzes of the relatives na kasama namin sa floor na iyon. Pinukulan naman ako ni Mama ng matalim na tingin at hindi pinansin ang usapan sa kaniyang tabi.


"Chestin, ano ba ang sinasabi mo? Hindi pa nagising at lumabas si Yana," may pagkakalma pa niyang sabi. Syempre dahil may mga tao kaming kasama.

I know she's protecting her name or kung sino man ang pangalan na pinoprotektahan niya. Ang gusto ko lang naman na kahit ito, this incident ay sana alam niyang si Yanna ang mali.

Am I making such a big deal about this? Gusto ko lang naman na matuto si Yanna na respetuhin ako, at kaya hindi niya ginagawa iyon ay dahil kay Mama na laging pinapanigan siya.


"Eh paano naman napunta ang palakang 'yon doon? That room is clean and I always closed the door. And why of all rooms ay sa akin pa?"


Dahil sa sagot ko ay mas lalong niya akong sinamaan ng tingin at nagulat ko nang higitin niya ang pulsuhan ko at kinaladkad papunta sa taas.


Nakarating kami sa taas at tumigil sa may harap ng kwarto ko. Walang isang segundo matapos niya akong harapin ay itinaas niya kaagad ang kaniyang palad at tumama iyon sa aking pisngi dahilan para makatanggap ako ng isang napakalutong na sampal.



Parang tumigil ang mundo ko at nagulat ako sa ginawa niya. Uminit pa ang parte na sinampal niya. Gulat na gulat ko siyang nilingon habang hawak ang pisngi kong sinampal niya. Ang sama ng tingin niya sa akin at galit na galit siya.


Bakit? Bakit sa simpleng issue lang, mangyayari 'to? Gusto ko lang naman sanang managot ay may gawa noon sa akin. Ayoko ko na kasing laging ako nalang.

Hindi ko naman kasi pinapakita sa mga tao sa paligid ko kung anong buhay ang meron ako, dahil hinihiling kong balang araw ay maayos rin iyon na hindi na kailangan pang marami ang makaalam at sisirain pa ako ng husto.


"Hindi ba ang sabi ko ayusin mo 'yang ugali mo? Ano na naman ba 'to?!" galit na sabi niya habang kino-control ang boses niya para hindi tumaas dahil maraming tao ang nasa bahay.

"Ma, nagsasabi ako ng totoo," matigas kong sabi kahit nanginginig na ako sa galit at gulat. "I am not making any fuss about this, but sana naman kahit ito oh, napaka-childish na nito, why won't you teach her some lessons?"


"Childish?! Ikaw ang childish dito, Chestinell. At hindi mo ako madadala. Binalaan kita, kayo. Ngayon, dahil ginalit mo ako, malalagot ka sa akin pagbalik sa bahay," matigas niyang sabi at galit na umalis.

Ayan naman tayo. Ganito nalang ba lagi?

Hindi ko akalaing tumutulo na pala ang luha ko, agad ko din namang pinahid 'yon. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko 'yon mapigilan.

Goodness! Ayokong umiyak. Umagang-umaga and this would happen? Oh, because kasalanan mo, kasalanan mo, Chestinell.


Pinahid ko ang mga luha ko at naglakad papasok ng kwarto. Pero bago ko pa magawa iyon ay napalingon muna ako sa gawing kanan at nagulat ako nang makita ko si Lolo Alejandro kasama si Lolo Alfonso, at nakatingin silang dalawa sa akin. Napayuko nalang ako at pumasok na sa loob ng kwarto.

Kaagad akong napaupo sa may pinto at doon napaiyak ng tuluyan.


Ito ang dahilan kung bakit hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging masaya.


Gusto ko na nga na tumigil sa pag-iyak pero hindi ko naman magawa.


Chestinell, tumayo ka nga dyan. Don't be a mess.


Pinahid ko na ang mga luha ko at tumayo na. Naligo na ako at bumalik uli sa kama at nilinis at dinis-infect 'yon. Matapos niyon ay napahilata ako sa kama. 

Ayokong lumabas sa kwartong dahil wala namang magbabago. Isa pa may baon naman akong mga biscuits dito, 'yon nalang ang kakainin ko.

May nakita akong libro sa bedside table, kaya agad ko iyong kinuha. Iyon nalang ang pagkakaabalahan ko, dahil wala sa akin ng cellphone ko. Ayos na rin dahil nasanay na rin naman ako sa ganito dahil tuwing grounded ako sa bahay syempre dahil kay Yana na sumisira ng buhay ko nawawala na lahat ng sa akin. Pero hindi ako 'yong taong naghihiganti sa kanila. Hinahayaan ko lang sila dahil kapag may ginawa ako, ako din naman ang sisisihin.


Alas-nuebe na ng umaga at nagbabasa pa rin ako nang may narinig akong katok sa pinto. Matamlay akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Lola Cela.

"Pasok ka, La. Bakit po?" kaagad kong sabi.

Pumasok siya at nilibot ang tingin sa buong kwarto.

"Bakit andito ka lang? Halika na sa baba. Kumain ka ng agahan," sabi niya at nilingon ako.

Naglakad na ako pabalik sa kama, "Kumain na po ako," matipid kong sabi at nginitian siya.

Lumapit naman siya at tumayo sa gilid ng kama, "Bakit? May nagdala ba ng pagkain sa'yo dito?"

Agad akong umiling, "Wala po, La. May pagkain po akong dala," sagot ko.

Hindi na ako muling nagsalita pa at pinaglaruan nalang ang libro. Umupo naman si Lola sa gilid ng kama sa harap ko, at hinawakan ang braso ko.

"Apo, bakit mo naman kasi ginawa iyon?" tanong niya at dahil doon ay napaangat ang ulo ko at kunot-noong tumingin sa kanya.

"Sana hindi mo nalang pinagbintangan ang kapatid mo," dugtong niya.

Dahil doon agad kong binawi ang braso ko at tumayo, "Pati din kayo, La? Naniniwala kayo sa kanya?" hindi makapaniwala kong tanong.

Akala ko kakampi ko si Lola, pero tatalikuran din naman pala ako. Tama. Wala naman talagang naniniwala at nakakaintindi sa akin.

Napatayo siya at inabot ako pero agad akong umatras at umiling, "Hindi, La, akala ko pa naman naiintindihan mo ako. Nagsasabi po ako ng totoo pero ni isa walang naniniwala. Pareho lang kayong lahat," mapait kong sabi at umalis sa harap niya at naglakad palabas ng kwarto.


Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko, pero 'di ko siya pinakinggan at dire-diretsong bumaba at lumabas ng mansion. May mga nakatambay sa Second House na sabay nagsipaglingunan nang lumabas ako pero hindi ko sila pinansin at umalis na ako doon.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Masakit ang nararamdaman ng puso ko, at over acting man pakinggan para sa mga taong hindi alam ang nararamdaman ko, pero iyon ang totoo.


You wouldn't feel important to those people whom you give love and importance if they are doing the opposite of your actions.


Akala ko pa naman magiging maayos ang semester break na ito, hindi pala.





Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro