Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

|Kabanata 20|

Disyembre 20, 1889

Ako ay walang pakialam sa kaniya. Hindi pa ba ako nasanay? Lagi naman lang niya akong hindi pinapansin, matapos kong ipahayag ang aking saloobin sa aking nalaman. Ako ay hindi natatakot sa kaniya. Manigas siya, sapagkat hinding-hindi ko gagawin ang kaniyang nais.

Martina


Nakakunot ang noo kong tumingin kay Ate Guada. Ano ba ang ibig sabihin niya? Bubuhusan niya ba talaga ako ng tubig?

"A-ate, ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kaniya, pero tinignan niya lang ako ng blanko.

Oh My C! Ano na ang gagawin ko? Mukhang may gulo nga talaga ngayon. Haish, eh siya naman pala itong masama ang ugali ah. Ako na nga itong humihingi ng tawad siya pa itong magsisimula ng away.

Maya-maya pa ay dumating na ang tagasilbi dala ang isang baso ng tubig. Kinakabahan pang inabot nito ang baso kay Ate Guada na napatayo sabay tanggap nito.

Kaagad na umatras ang tagasilbi para maiwasan ang ano mang mangyayari. Kabado akong nakatitig kay Ate Guada at naghihintay sa ano man ang gawin niya sa akin.

Hindi ko siya pwedeng patulan dahil nasa mismong bahay namin kami naroon. Isa pa, kapag aawayin niya ako magsusumbong lang ako kay Ina. Kakampi ko naman iyon dahil alam kong naniniwala siya sa akin.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya agad akong napatayo. Bawat hakbang niya ay ikinakabog ng puso ko. Hindi ko pa naranasan na makipag-away, kaya ganoon na lang ang kaba ko.

Kunot-noo ko siya tinignan pati na rin ang basong nasa kamay niya. Kapag ito talaga itatapon niya sa akin malalagot talaga itong babaeng ito sa akin.

Tumigil siya sa harap ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa, na ikinatuya ko. Aba, talaga namang, pareho lang pala itong n'ong babaitang Clara na 'yon. 'Kala nila kung sino sila, tss.

Iginalaw na niya ang kamay niya may hawak ng baso. Kaya agad naman akong nagtaas ng noo. Atleast kung bubuhusan niya ako may poise pa rin. Tsaka saksi naman ang mga tagasilbi rito na wala akong ginagawang masama.

Dahan-dahan na niyang inilapit ang baso sa akin, na ikinakaba ko talaga. Hindi ako natatakot pero nababahala lang ako sa ano mang magiging resulta nito.

Napakunot ang noo ko at naguguluhan akong tumingin sa kaniya nang ang baso ay hindi tumuloy papunta sa akin kundi ininom niya ang laman niyon. What?!

Pinagmasadan ko siya habang ininom niya ang kalahati ng laman nito. Saka niya ibinaba sa lamesita na nasa tabi namin.

Tumingin siya sa akin saka nagsalita, "Nilagyan ko lamang ng tubig ang aking katawan nang sa gayun ay masiguro kong ako ay hindi nananaginip at maayos pa ang aking isip at pandinig," aniya.

"Ngayon, ano nga ang iyong sabi?" Paglilinaw niya.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag at napatingin sa malayo. Akala ko naman talaga bubuhusan niya ako.

Nilingon ko uli siya saka ibinalik ang ngiti ko, "Ang sabi ko Ate, humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa 'yo," pag-uulit ko.

Bahagya naman siyang natawa na parang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Ano ang iyong nakain?" aniya.

"Mayroon ka bang karamdaman?" usisa niya pa saka biglang inilapat ang likod ng palad sa noo ko.

"Wala naman," usal niya.

Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng yapak na pababa mula sa hagdan kaya sabay kaming napalingon doon. Si Kuya Lucas ay pababa at nakabihis ng pang-alis. Bakit ba lagi nalang silang umaalis? Hay, Chestinell ano ba ang pakialam mo?

"Narito ka na pala, mahal," ani Kuya nang makababa na siya saka lumapit kay ate Guada at nagngitian silang dalawa. Owkay, aalis na ba ako?

"Pasensiya na at ako ay matagal na nakababa. Sinulatan ko pa ang aking kaklase," paliwanag niya.

Tumawa naman si Ate Guada ng mahina, "Ayos lang iyon, mahal. Nakapag-usap naman kami ng iyong kapatid," aniya.

Ngumiti si Kuya, "Ako ay nagagalak nang kayo ay nagkasundo na. Mayroon nga lang talaga kayong mga hindi pagkakaintindihan."

Ngumiti si ate Guada ng isang tunay na ngiti, "Nababatid mo ba, ako ay hindi nga talaga makapaniwala sa iyong ikinuwento sa akin hanggang sa aking narinig ang mga salitang binitawan ni Kristina?" paglalahad niya.

Kung ganoon, sinabihan rin ni Kuya si Ate Guada tungkol sa mga pagbabago na napansin nila sa akin?

"Hindi ba at sinabi ko sa iyong mabait ang aking kapatid. Ngunit minsan, mayroon lang siyang mga bagay na hindi nagugustuhan," sabi pa ni Kuya saka lumingon sa akin at hinaplos ang gilid ng ulo ko. Mukha tuloy akong bata. Kaagad ko naman siyang nginitian.

Nilingon ko naman si Ate Guada, "Ate patawad talaga. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako kaagad dahil alam kong mahirap magpatawad, ngunit hihintayin ko ang araw na tuluyan mo na akong mapatawad," paghihingi ko uli ng tawad kaya natawa naman siya.

"Kristina, ako ang taong hindi nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa. Pinatawad na kita, bago ka pa man nagkasala sa akin," nakangiting sagot niya.

Kaya mas lalo pa akong napangiti. Bakit ba ang babait ng mga tao sa paligid ko sa kapanahonang ito?

"Salamat Ate," tanging nasambit ko.

Ngumiti naman siya at tumango, "Walang anuman. Maaari ba kitang mayakap?" pagbabakasakali niya.

Dahil doon ay gusto ko na tuloy maiyak. Hindi ko pa naranasan ang ganito. Iyong may taong handa pala na magpatawad sa kahit ano man ang kasalanang nagawa mo sa kaniya.

Mabilis naman akong tumango at kaagad na niyakap siya na ikinatawa ni Kuya. Mahigpit ko siyang niyakap at ikinagulat ko dahil ganoon rin siya sa akin. Ilang sigundo rin kaming nanatili ng ganoon. Pero kahit gusto ko pa dahil ang sarap sa pakiramdam ay nauna na akong bumitaw.

"Pasensya na sa drama," natatawa kong usal. "Sige. Alam kong aalis kayo, baka nakaabala ako sa inyo."

"Ika'y hindi abala, Martina," mahinang saway ni Kuya, at tumango si Ate Guada bilang pagsang-ayon.

Natawa nalang ako at tumango, "Oo, sige na nga. Umalis na kayo," usal ko.

Nagpameywang naman si kuya at dugtong kilay na tumingin sa akin, "Martina, kami ba ay iyong pinagtatabuyan?" aniya na parang nasasaktan pa.

Mahina akong tumawa saka umiling, "Hindi, pero pinapahaba ko ang panahong dapat kayo lang ang dapat na magkasama," kontra ko.

"Malapit nang gumabi. luuwi mo pa siya ng maaga baka habulin ka pa ng itak ng Gobyernadorcillo," natatawa kong ani na ikinatawa ni Ate.

Nagdugtong naman ang kilay ni kuya saka ako tinuro-turo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, "Aba, itong batang ito. Alas tres pa lamang ng hapon. Isa pa, hindi itak ang ihahabol sa akin ng Gobyernadorcillo, kung hindi ang kanilang dambuhalang mga aso."

Dahil sa sinabi ni kuya ay agad ko itong nahinuha sa aking imahinasyon, na naging dahilan na paghagalpak ko ng tawa.

"Aba, tignan mo. Tawang-tawa ha," aniya.

Nakailing akong tumigil sa pagtawa at ngumisi, "Sige na. Lumabas na kayo roon," natatawa kong ulit.

Napailing na rin si Kuya, "Oo, aalis na, ito na," sumusukong aniya.

"Halika na, mahal, may nagpapalayas na sa atin," sabi niya kay Ate Guada.

Ngumiti naman sa akin si Ate kaya ginantihan ko agad.

"Aalis na kami, Martina," paalaam ni kuya, kaya mabilis akong tumango.

"Huwag kang gumawa ng mga hindi nararapat, Martina," paalala niya pa.

Kunwari akong sumimangot sa kaniya, "Hindi naman ah," reklamo ko kunwari.

Alam kaya niya ang nangyari kaninang umaga?

"Wala akong sinasabi. Ako'y nagpapaalala lamang," depensa niya at parang nabasa ang isip ko.

Nginisihan ko lang siya, "Ehehe," kaya napailing nalang siya.

"Kami ay aalis na. Alam na ito ni Ina, ngunit kapag kaniyang nakalimutan ay sabihin mong nagpaalam na ako sa lakad ko ngayon," aniya.

Tumango ako bilang tugon, "Hmm. Mag-iingat kayo."

Di rin nagtagal ay umalis na sila. Naiwan na uli ako sa sala mayor na nagbabasa uli. Kaya lang ang dami palang mga chismosang mga tagasilbi, at narinig ko na naman ang mga chika nila.

"Ako'y hindi makapaniwala sa aking nasaksihan! Akalain mong ang Senyorita pa ang humingi ng paumahin? Talagang nagbago na nga siya," rinig ko pang sabi niyong isa.

"Napakaganda kung ganoon nga. Alam kong mabait at may mabuting loob ang Senyorita, kailangan niya lang itong ilabas," sagot ng isa.

Itong mga ito, makachismis parang wala sa paligid ang pinag-uusapan. Kaya rin siguro sila pinag-iinitan ni Kristina at tinatanggal sa trabaho.

Napatayo nalang ako at dala ang libro ay umakyat na sa taas at nagtungo sa kwarto. Gusto kong matulog, dahil medyo napagod ako sa pinaggagawa ko kanina.


Nakapitkit ang aking mga mata habang dinadama ko ang presko ng hangin. Nakapatong ang aking ulo sa mga palad kong pinagsama ko sa likuran ng aking ulo. Nakapatong rin ang aking mga paa sa upuan at pinagkrus sa may sakong.

Hay, ang ganda talaga dito, sa taon na ito. Nakakagaan ng loob-maliban kay Ama na lagi nalang akong pinag-iinitan. Ayaw pa akong kausapin kahit nasa isang lugar lang kami at parang wala pa ang presensya ko. Bakit nga ba talaga sila magkaaway ni Kristina?

"Masdan mo ang inasal ng Senyorita, Pando. Mukha siya ay labis na nagiginhawaan sa kaniyang ayos."

Napamulat ang isa kong mata dahil sa narinig ko. Bahagya akong napalingon at nakita ko ang dalawang batang lalaki at babae na nakatayo sa hindi kalayuan at nakatingin sa akin.

"Oy, ano ang inyong ginagawa riyan?"

Napatingin naman sila sa nagsalitang si Isay na naglakad papalapit sa kanila na may dalang trey ng pagkain.

"W-wala po, Ate Isay," kaila ng mga bata.

"Oh sya, roon na kayo at maabala niyo pa ang Senyorita. Nais niyo bang mapagalitan?" taas kilay na aniya.

Sabay naman na napailing and dalawa at nagtakbuhan papunta sa imbakan na sinalubong ng iba pang mga kabataan. Napailing nalang ako saka ipinikit na uli ang mata ko.

"Senyorita, narito na ang iyong meryenda."

Inilapag ni Isay ang pagkain sa mesa sa may bandang gilid ko. Napamulat ako at kumuha kaagad ng ilan.

Ang maganda rito sa 1890, maraming pagkain. Palagi akong busog.

"Sino ang mga iyon?" nguso ko sa mga bata na naglalaro, na ikinasunod naman ng tingin niya.

"Sila ay mga anak ng mga tagasilbi at mga trabahador ng mga Del Veriel, Senyorita," sagot niya na ikinatahimik ko.

Bakit ko pa nga ba tinanong iyon, na sigurado akong alam ito ni Kristina? Pero sabagay, wala naman siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.

"Hmm," tumango ako. "Ano kaya kung papuntahin mo sila rito?" suhestiyon ko.

Dahil sa sinabi ko ay namilog naman ang mga mata niya, "Sen-senyorita?"

Natawa naman ako sa reaksiyon niya, "Ano ka ba, Isay, hindi ko sila sasaktan kung iyon ang iniisip mo."

"Ah, sige, Senyorita."

Kaagad naman niyang pinuntahan ang mga bata na maya-maya pa ay nagsipagsunod na sa kaniya papalapit sa akin.

Nginitian ko naman ang mga batang mukha pang natakot at kinakabahan at nagsipagyuko pa nang magtama ang mga paningin namin.

"Hi-este maligayang bati sa inyo!" masigla kong bati na ikinatingin nila sa isa't isa.

Napansin ko namang nagkurutan ang dalawang bata na nakatayo sa harap nilang lahat, at nagdilatan pa ng mga mata.

"Ikaw naman kasi Doray, iyo pang ginawang usapan ang Senyorita. Hayan tuloy at tayo ay mapaparusahan ngayon," bulong na singhal ng lalaki.

"Iyon ay hindi ko sinasadya, Pando. Iyo ngang tinitigan ang Senyorita, dahil riyan ay mauuna kang parusahan," galit na ganti ng babae.

Dahil sa mga pinaggagagawa nila ay natawa ako. Nakakatawa naman ang mga ito. Ganoon na nga talaga nila kinakakatakutan si Kristina.

"Huwag na kayong mag-away riyan," mahinahon kong saway sa kanila. "Wala namang mapaparusahan," ngumiti ako.

Tumingin naman sa akin ang mga ito. "Oo, tama kayo. Walang mapaparusahan," ulit ko. "Bakit? May ginawa ba kayong masama para maparusahan kayo?" pagtataas ko ng kilay.

Mabilis naman silang umiling, "Wala po, Sen-senyorita. Wa-wala po," magkasabay pa nilang mga sagot.

"Iyon naman pala," huminga ako ng malalim. "Natatakot ba kayo sa akin?" tanong ko.

Dahil doon ay hindi sila makasagot at tanging pagyuko lang ang nagawa nila. Mukha nga yata talaga. Ito talagang si Kristina oh, ayan tuloy natrauma na sila.

Hinawakan ko sa magkabilang braso ang dalawang bata sa harap, si Pando at si Doray, na siyang ikinaigtad nila sa gulat.

Agad ko silang nginitian, "Huwag kayong matakot sa akin, maliwanag? Hindi ko kayo sasaktan, saka hindi rin naman ako nangangain ng mga bata," mahinahon kong paliwanag.

"Saka, matatakot lang kayo kapag may mga bagay kayong ginawa na hindi karapat-dapat at mali. Maliwanag?"

Nag-alangan naman silang sumagot at maya-maya pa ay dahan-dahan na silang tumango, "O-opo, Senyorita," anila.

"Ayan, mabuti naman kung ganoon," palakpak ko, saka itinuro ang mga upuan sa harap ko.

"Umupo kayo riyan, magkukwentuhan tayo, ayos ba?"

Kaagad naman silang nagpaunahan sa pag-upo saka mabilis na tumango si Pando, "Opo, Senyorita. Maganda po iyan," aniya ng nakangiti.

Kaya napangiti na rin ako. Ang bilis naman magbago ng mood.

"Okay, kung ganoon itatanong ko muna kung ano ang mga pangalan niyo," pagsisimula ko.

Sabay naman silang nagsipagtango kahit pa nahihiya silang nakatingin sa akin.

"Ang pangalan ko po ay Francisco, ngunit ang tawag po nila sa akin ay Pando. Siyam na taon na ako, Senyorita," pangunguna ni Pando.

Napataas naman ng kaunti ang kilay ko, "Ang layo naman ng Francisco sa Pando," usal ko kaya natawa siya. "Ayos lang ba sa iyong tawagin kitang Isko, sa tingin ko mas malapit iyon sa totoo mong pangalan," mungkahi ko.

"Ayos kang po iyon sa akin, Senyorita," masiglang aniya.

Nakangiti akong tumango saka bumaling sa katabi niyang si Doray. "Ikaw? Ano naman ang pangalan mo?"

"Ang pangalan ko po ay Isadora, kaya po Doray ang aking palayaw. Ako naman po ay siyam na taon din," sagot niya saka bahagyang ngumiti.

May kagandahan itong si Doray na sigurado akong paglaki niya ay mayumi ito. May kaunti pa siyang bangs, iyong mga buhok na patubo pa lang na mas lalong dumagdag sa ganda niya.

"Hmm, ang ganda naman ng pangalan mo, Isadora," usal ko. "Nasaan pala si Boots?" tanong ko. Si IsaDORA at saka si Boots.

Nakakatawa ang joke mo, Chestinell. Psh.

Isa sa paboritong panoorin ni Yanesha si Dora, nangunguna kasi sa listahan si Barbie. Noong bata pa ako, ganoon din ang gusto kong panoorin. Minsan pa nga, sa tuwing naliligo ako ay kinakanta ko pa ang mga kanta na naririnig ko eh.

Nagdikit naman ang kaniyang mga kilay at naguguluhang lumingon kay Isko saka tumingin uli sa akin.

"P-po? Sino po si Boots?" nagtatakang tanong niya, kaya natatawa akong umiling.

"Wala. Biro ko lamang," ani ko.

Natawa naman ng bahagya si Doray na parang sinasabi niyang may sayad ata ako. Umiling nalang ako saka tumingin sa tatlo pang mga bata.

"Ako po ay si Sandro, Senyorita. Sampung taong gulang na," sagot ng batang nasa tabi ni Doray.

"Benedicto ang aking pangalan po, Senyorita, o mas kilala bilang Benoy. Walong taon palang po ako, Senyorita," turan ng batang mas bata nga sa kanila dahil may kaliitan pa ito.

Medyo kulot ang kaniyang buhok at napaka-cute niya. Kaya naman ay napisil ko siya sa kaliwa niyang pisngi na ikinahagikhik niya.

"At ako naman po si Teodoro o Tinong. Sampung taong gulang na po, Senyorita," ani naman niyong batang may katabaan ng kaunti kumpara sa iba. Sa tingin ko mahilig itong kumain eh.

"Okay, ang pangalan ko naman ay Maria Graciana Kristina o mas kilala bilang Martina o Kristina," pagpapakilala ko.

Ang ganda pang pakinggan ng pangalan eh, pang-echoss, "Labin-siyam na taong gulang na," dagdag ko.

Nangitian naman silang tumingin sa akin, "Ikaw ay kilala na po namin, Senyorita," usal pa ni Isko.

Kaya ngumiti ako, "Kung ganoon, maaari ko ba kayong maging kaibigan? Magkakilala na tayong lahat dito eh," mungkahi ko.

"Ba-bakit po ninyo nais kaming maging kaibigan? Hindi naman po kami mula sa isang marangyang angkan, at isa pa po ay kami ay mga bata pa. Malayo po ang ating agwat, Senyorita?" nakangusong tanong ni Benoy.

Napailing ako sa sinabi niya, "Hindi naman hadlang ang estado sa buhay ng isang tao upang siya magkaroon ng kaibigan. Basta ang mahalaga ay mahalaga kayo sa isa't isa at handa kayong magdamayan sa anumang oras," paliwanag ko.

Kung makapagsalita naman ako, parang may kaibigan, eh wala naman.

"Tama nga po kayo, Senyorita. Kaya nga po kami ay naging malapit na sa isa't isa. Itinuturing naming kapatid ang bawat isa," nakangiti pang pagmamalaki ni Isko.

"Mabuti naman kung ganoon. Ngayon, papayag ba kayong maging magkaibigan na tayong lahat? Ituturing ko kayong mga nakababatang kapatid, at pwede niyo akong maging ate," nakangiti kong presenta.

Napangiti naman silang tumingin sa akin, "Ku-kung iyon po ang inyong nais, Senyorita. Gusto rin po namin iyon," nakangiting tugon ni Doray.

"Talaga? Yeyy, masaya ako, dali high-five tayo!" masigla kong wika saka itinaas ang dalawang palad. Dahil sa gulat ay bahagya pa silang napaatras. Natawa naman ako pati na rin si Isay.

"H-haypayv? Ano po iyon, Senyorita?" naguguluhang tanong ni Sandro na nasa tabi ko.

"High-five. Iyon ay ginagawa ng mga magkakakilala o magkakaibigan kapag masaya sila o kapag sila ay nagkikita at binabati ang isa't isa, o hindi naman kaya ay mayroon silang napagkasunduang pareho na iisang bagay," paliwanag ko.

"Itaas niyo lang ang inyong palad at isalubong sa kaniya at gumawa kayo ng tunog–ayan magaling," puri ko kay Sandro nang nakipaghigh-five siya kay Benoy.

Ginaya rin naman ni Tinong, Doray at Isko na natawa habang ginagawa iyon.

"Napakagaling nga naman po nito, Senyorita. Ang dami niyo nga po talagang matututunan kapag nakapag-aral," turan pa ni Isko.

Napakunot naman ang noo ko, "Hindi kayo nakapag-aral?"

"Batid niyo naman po na kami ay hamak lamang. Isa pa po, Senyorita, nababatid rin ninyong ang mga indiyong kagaya namin ay hindi pinapaaral," malungkot na aniya.

Mukha tuloy akong nasampal sa sarili kong tanong. Oo nga pala, pinagbabawal pala ng mga espanyol na mag-aaral ang mga indio, mas nakakaangat lang iyong mga mayayamang Pilipino noon.

"Kung ganoon ay hindi niyo man lang alam kung paano isulat ang inyong mga pangalan?" usal ko. Sabay naman silang nagsipag-iling.

"Kung ganoon ay tuturuan ko kayo, ayos ba?" ngumiti ako.

Nagliwanag naman ang mga mukha nila at ngumiti, "Tunay po, Senyorita?" hindi makapaniwalang usal ni Tinong.

Kaya tumango ako bilang sagot, saka bumaling kay Isay, "Ikuha mo nga ako ng mga papel at pluma, Isay. Naroon sa aking aparador sa tabi ng aking higaan."

"Sige, Senyorita," saka siya naglakad paalis.

"Nasasabik na ba kayo?" baling ko sa lima.

Halos matanggal na ang mga ulo nila sa marahas nilang pagtango. Mukhang sabik na nga talaga sila. Kumuha naman ako ng ilang pagkain sa plato saka tinulak papunta sa kanila iyon.

"Kumuha muna kayo. Kakain muna tayo habang naghihintay kay ate Isay," nakangiti kong wika saka isinubo ang hawak kong pagkain. Gayon din naman sila na nagsipag-unahan sa pagkuha ng pagkain.

"Ano ba naman iyan, Tinong? Pinagsamantalahan mo iyong kabaitan ng Senyorita. Iyan at halos isubo mo na pati iyong plato," saway ni Doray.

Napatigil naman sa pagkain si Tinong na bumilog na ang pisngi sa dami ng ipinasok sa bibig.

"Pasemsya na, a-ako ay hindi lamang nakapagpananghalian at agahan," aniya na naghirapan pa sa pagsasalita habang nginunguya ang pagkain.

"Tinong, huwag kang magsalita habang kumakain. Ika'y nakakahiya, nariyan pa naman ang Senyorita sa harap," saway uli ni Doray.

Mukha na tuloy siyang nanay na pinapagalitan ang anak.

Inabot ko naman kay Tinong ang baso ng tubig, "Uminom ka Tinong, saka kumain ka pa. Bakit hindi ka kumain? Hapon na ah, masama iyan sa kalusugan," pahayag ko.

Ininom naman niya ang lahat ng laman ng baso saka pinahid ang bibig gamit ang likod ng palad, "Pa-pasenya na po, Senyorita. Wala po kasi kaming pagkain, nanghingi lamang po kay ama ng isang bayabas kanina."

Napataas naman ang kilay ko, "Bayabas? Wala na ba kayong pangbili ng pagkain? Hindi ba at may sahod ang iyong ama?"

"Opo, Senyorita. Ngunit mayroon pong sakit na dinaramdam ang aking ina, at kailangan niya ng gamot," paliwanag ni Tinong.

Nayakap ko tuloy sa Tinong dahil doon. 

"Huwag kang mag-alala Tinong, papadalhan ko kayo ng pagkain para may makain na kayo. Sasabihan ko si Lola Iluminada," nakangiti kong sabi saka bumitaw sa yakap.

"At saka, huwag ka ring mag-alala, bago ka umuwi hanapin mo ako, papadalhan kita ng perang pangpagamot sa iyong ina," dagdag ko.

Napangiti naman at naluluhang biglang yumakap sa akin si Tinong, "Maraming salamat po, Senyorita. Salamat po talaga," naiiyak na sabi niya.

Nginitian ko siya, "Walang anuman, Tinong. Ate niyo na ako at kaibigan kaya kung anong kailangan niyo ay sabihan niyo ako maliwanag?" sabi ko sa kanilang lahat.

Ngumiti rin sila at tumango, "Opo, Senyorita. Maraming salamat!" sabay na sambit nila.

Maya-maya ay dumating na si Isay dala ang mga papel at pluma.

"Diyan na lang tayo sa damuhan," suhestiyon ko, dahil hindi kasya ang lima sa mesa kapag magsusulat na sila.

Inilatag nalang ni Isay ang mga papel at may inilagay na makapal na pabalat ng papel para hindi lumusot ang pluma pagsulat. Umupo ako sa harap nilang lima, at sila palibot sa akin.

"Una ay tuturuan ko kayong magsulat at mabasa ang inyong mga pangalan," turan ko.  "Uunahin ko muna si Sandro. Anong buo mong pangalan, Sandro?" tanong ko saka siya tinabihan.

"Sandro Mercado po, Senyorita," aniya.

"Okay, akin na ang kamay mo," usal ko saka tinuruan siya kung paano hawakan ang pluma at dahan-dahan kong sinulat ang pangalan niya hawak ang kaniyang kamay.

Inulit namin iyon ng apat na beses at hinayaan kong siya naman. Sumunod ako kay Tinong, na si Teodoro Bernales at ginaya ang pagturo ko kay Sandro sa kaniya. Kasunod naman si Isadora Santiago, si Francisco Alvarez at huli naman ang batang si Benedicto Obando. Kumpara sa apat ay medyo mahirap siyang turuan dahil bata pa, pero natuto na rin naman siya.

Nilingon ko naman si Isay na nakatayo sa likuran ko at seryosong nakatingin sa lima. Napakunot ang noo kong tinanong siya.

"Isay? Marunong ka bang magsulat? O di kaya ay magbasa?"

Nahihiya naman siyang napatingin sa akin saka napakamot sa batok niya, "Kaunti lamang ang aking alam sa pagbabasa. Iyon lang pong mga nasa listahan ng mga pinapabili sa akin ni Inang Iluminada. Sa pagsusulat naman po ay...hi-hindi gaano, Senyorita," aniya.

Napangiti ako at tinapik ang espasyo sa tabi ko, "Kung ganoon, halika. Tuturuan kita."

Nakangiti naman siyang sumunod, "Salamat, Senyorita," aniya pa.

Kaya umiling ako, "Magkaibigan tayo, Isay. Ang kaibigan nagtutulungan," ngiti ko.

Tinuruan ko siya ng ibang mga salitang isusulat at babasahin dahil alam naman pala niyang basahin at sulatin ang sarili niyang pangalan. Binalikan ko naman uli ang lima saka sinuri ang mga dapat na ayusin.

Napuno na ng apat ang kanilang mga papel sa kanilang mga pangalan, samantalang si Benoy ay nasa kalahati pa lamang  kaya naman ay tinabihan ko siya.

"Ayos ka lang ba Benoy? Kaya pa ba?" nakangiti kong tanong.

Napatango siya saka natawa ng mahina, "Kaya pa po, Senyorita. Nariyan naman po kayo at tutulong sa akin, hindi po ba?"

"Oo naman. Kapag kailangan mo ako. Tawagin mo lang ang pangalan ko, darating ako," pangako ko. Humagikhik naman siya saka nagsulat na uli.

Matapos nilang magsulat ay tinuruan ko naman sila kung paano basahin ang kanilang pangalan. Nauna kami sa pagkilala ng mga letra at pagkatapos ay sa pagbigkas na.

Madaling natuto ang apat maliban nalang kay Benoy na nagsusulat pa rin. Hindi ko na muna siya isinali dahil medyo mahaba-haba pa ang pag-aaral niya dahil medyo bata pa.

Masaya sila habang tinuturuan at bakas sa mga mukha nila ang pagkasabik na matuto. Pagkatapos ng pagbabasa ay pinasulat ko uli sila ng kanilang mga pangalan.

Habang naghihintay sa kanila ay sinulat ko muna ang alpabeto. Ito naman ang isusunod kong ituturo.

Kung iisipin, sa kapanahunang ito marami ang walang mga pinag-aralang mga Pilipino na hanggang sa mga lumipas na taon ay hindi na nila ipinasok sa isip nila.

Ang mahalaga sa kanila ay mamuhay sila ng mapayapa at kumayod nalang sa mga bukirin. Kaya madalas din ay inaapi at nilalamangan ng mga taong may pinag-aralan.


"Aba, aba. Ano ang nangyayari rito Martina?"

Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni kuya Marco. Nakita ko siyang naglalakad papalapit sa amin kasama si Leon at si Gabriel.

"Bakit ka nariyan sa lupa kasama ang mga batang iyan, Binibini?" tanong pa ni Gabriel.

Tumayo naman ako saka ngumiti, "Ah, tinuruan ko sila kung paano magsulat."

Bahagya namang namilog ang kanilang mga mata nang marinig ang sinabi ko.

"Wala kasi akong magawa kaya imbes na magmukmok sa kwarto ay naisipan ko nalang na turuan sila. Hindi naman kasi nila alam ang magsulat saka magbasa," dagdag ko.

Natawa naman si kuya Marco saka lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Kuya naman," reklamo ko nang masira ang ayos nito.

Mas lalo siyang natawa, "Nakakatuwa ka naman Martina. Humanga ako sa iyo," lahad niya.

"Hindi ko akalaing magagawa mo iyan," aniya na bakas sa mukha ang saya at pagpuri niya sa akin.

"Kuya naman, masyado mo akong binobola. Maliit na bagay lang naman ito," salungat ko.

"Malaking kaya bagay na ang magbahagi ng kaalaman sa ibang tao, Binibini," singit ni Leon kaya napangiti akong lumingon sa kaniya.

"Tinutulungan ko lang naman sila sa abot ng aking makakaya," sagot ko.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala naman. Mayroon lamang kaming pag-uusapan," turan ni Kuya, kaya dahan-dahan akong tumango.

"Diyan na kayo sa mesa, hindi rin naman kami gumagamit niyan," alok ko.

"Sige. Ngunit ayos lang ba kayo riyan? Maaari naman kayong magpunta sa sala mayor o kung hindi ay doon sa azotea, sapagkat wala pa naman si kuya Lucas at ang kaniyang kaklase," mungkahi niya.

"Hindi, ayos na kami rito. Aakyat rin naman ako maya-maya dahil may ihahabilin pa ako kay Lola Iluminada," tugon ko.

Bilang sagot ay tumango lang si kuya. Ngumiti naman ang dalawa sa akin at nagpunta na sila sa mesa at nag-usap.

Umupo na uli ako at tinabihan si Benoy na lumingon at ngumiti sa akin. Tinignan ko ang sulat niya, na bagama't medyo makalat ay mababasa pa rin naman ng kaunti. Mukha lang siyang dinaanan ng malakas na bagyo. Hindi rin naman masama iyon dahil unang beses pa naman yata siyang nagsulat.

"Ayos lamang ba ang aking sulat, Senyorita?" inosenteng tanong niya. "Napansin ko pong ang aking sulat kamay ay hindi kahalihalina," dugtong niya pa.

Bahagya naman akong natawa, "Ayos lang iyan, Benoy. Ganiyan talaga kapag hindi ka pa gaanong marunong," pagpapasigla ko.

"Pero, huwag kang mag-alala. Kapag palagi kang mag-aaral ng pagsusulat magiging maganda rin iyan. Mas maganda pa ng sa akin," kindat ko ng kilay sa kaniya.

Nagliwanag naman ang mukha niya, "Kung ganoon ay araw-araw na akong magsasanay sa pagsusulat!" masigla niyang usal kaya lang bigla namang nawala ang ngiti niya.

"Naalala ko palang ako ay walang mga gamit pangsulat," malungkot na aniya.

Pinisil ko naman ang pisngi niya, "Huwag ka nang malungkot, Benoy. Kumatok ka lang sa aking silid bibigyan kita ng marami, kayong lahat."

Napasimangot naman si Isko, "Hindi po iyon maaari, Senyorita. Mapaparusahan po kami ng Don sapagkat higpit niyang ipinagbabawal ang pagparoon sa loob ng mansiyon," salaysay niya.

Bahagya namang napataas ang kilay ko. Bawal nga pala iyon, tsaka lalo na at mga bata madalas makakagawa ng hindi maganda. Tsaka limitado nga lang din ang galaw ng mga tagasilbi, at doon pa sa hindi masyadong kitang mga pasilyo dumaraan.

"Kung ganoon ay ibibigay ko na lamang kay Ate Isay ninyo, at siya na ang mag-iingat at magtatago niyon. Ayos ba?" suhestiyon ko.

"Maganda po iyon, Senyorita. Marami pong salamat talaga," nakangiti ani Sandro.

"Walang anuman. Basta ipangako niyong mag-aaral kayo ha?"

"Opo, Senyorita. Makakaasa kayo!" halos sabay na usal nila.

"S'ya, rito na muna kayo. Aakyat lang ako sa aking silid at may ihahabilin din kay Lola Iluminada," paalam ko. Sabay silang ngumiti at nag opo. Tumayo na ako saka naglakad paalis.

"Magandang hapon po, Senyorita," aning isang taga-silbi na may dalang pagkain na nakasalubong. Dadalhin yata kina kuya ang mga iyon. Ngumiti naman ako saka tinanguan siya.

Agad na akong umakyat ng mansiyon. Pupunta muna ako sa kusina baka naroon si Lola Iluminada. Ipapaalam ko ang pabaon ni Tinong, at bibigyan ko na lang din ang apat.

Nang naglalakad ako sa sala mayor ay nadaanan ko ang azotea na nasa kanang bahagi ng sala mayor na malapit lamang sa pinto. Bukas ang azotea na ito dahil may dalawang malalaking bintana ito, sa harap at gilid, kaya makikita ang hardin at kung ano mang nasa harap at saka gilid ng mansiyon.

Napansin ko si Kuya Lucas na nakaupo roon at kausap ang isang lalaki. Nakatalikod ito sa pasukan ng azotea kaya hindi ko kita ang kaniyang mukha.

Siya siguro iyong sinabi ni kuya Marco na kaklase niya.

Binawi ko nalang ang tingin ko at naglakad na uli.

"Martina!"

Bigla akong napahinto nang tawagin ako ni kuya Lucas.

Bakit naman kaya niya ako tinawag? Hala, baka papagalitan niya ako? O di naman kaya ay irereto niya ako sa kaklase niya? Nyaay. Goodness, Chestinell, kung ano ano nalang ang naiisip mo.

Dahan-dahan naman akong napaatras paglakad at huminto sa may pintuan ng azotea. Ngumiti sa akin si kuya at sumenyas na pumasok daw ako. Sumunod naman ako at naglakad papasok ng may kaunting ngiti sa labi.

Hindi naman gumalaw o lumingon ang kaklase ni kuya, na siguro ay nahihiya sa akin o hindi naman kaya ay nabalitaan niya ang kagandahan ko at hindi niya kayang masilayan iyon kaya hindi na siya gumalaw pa.

Chus, Chestinell tumigil ka nga.

Tumigil naman ako sa likod ng kaklase ni kuya at tumingin sa kaniya na nakaupo sa kaliwa ng kaklase niya.

"Saan ka galing?" aniya.

Naku, patay. Ito na ba iyon?

"Ah, doon sa hardin sa likod, Kuya. Bakit?" kabado kong sagot. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Wala naman," umiling siya. "Mabuti naman at narito ka. Nais sana kitang ipakilala sa aking kaklase. Ngunit nakakasiguro naman akong siya ay kilala mo na sapagkat kilala siya at ang kaniyang pamilya sa ating probinsya at minsan na rin siyang nakapunta rito sa ating mansiyon. Hindi nga lang kayo nakapag-usap at nagpakilala sa isa't isa," mahabang paliwanag niya. "Umupo ka roon," dagdag niya.

Hindi naman gumalaw ang taong nasa harap ko kaya hindi ko na lang pinansin at naglakad na papunta sa kanan niya. Umupo ako at dahan-dahan na lumingon sa kaklase ni kuya.

Ganoon na lamang ang pagkabigla ko at paglaki ng mga mata ko sa gulat nang makita ko ang taong nasa harap ko.

"Agustin?!" hindi makapaniwala kong usal.

Ngumiti naman siya sa akin, "Maligayang bati, Binibining Martina," aniya pa na hindi nawala sa mukha ang pagkaaliw na para bang inaasahan na niya ako rito at hinihintay na dumating.

What?! Paano nangyari 'yon?

Magkaklase sila ni Kuya? At nakapunta na siya rito dati?

Kaya pala parang hinihintay niya talaga na makilala ko siya noong nagkita kami.


Oh my goodness, isinumbong niya kaya ako kay Kuya?!







Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro