Kabanata 17
|Kabanata 17|
Disyembre 25, 1880
Nakakapangagalaiti ng labis ang babaeng iyon kahit kailan! Sa sandaling akin ng masilayan ang kaniyang napakapangit at huklubang pagmumukha, ang mga dugo ko'y umaakyat na at ano mang sandali ay nais ko ng pagbuhatan siya ng napakakinis at mamahalin kong kamay.
Ngunit hindi karapat-dapat na dumapo ang aking mga kamay, mas mainam ang aking mga paa.
Otra cosa, maraming pumipigil sa akin upang gawin iyon. Balang araw, magagawa ko rin iyon.
Ella verá.
— Martina
“Magkakalesa tayo upang mabilis na makarating, Binibini,” rinig kong sabi ni Joaquin na nasa tabi ko habang nakatayo kami sa labas ng antique shop.
Napatango naman ako. Mas mabuti nga ’yon dahil pagod na rin ang mga paa ko sa kakalakad kanina pa. Gusto ko ng ilabas ’tong paa ko dahil mainit na at pinagpawisan na rin dahil nanibago sa sapatos na suot ko.
Hindi rin nagtagal ay may kalesang tumabi at huminto sa harap namin.
“Saan po kayo paroroon, Ginoo?” tanong ng kutsero habang napatingin sa aming dalawa.
“Sa Kalye Salvaniego, Manong,” tugon ni Joaquin.
Napatango naman ng tipid ang kutsero kaya naglakad na papalapit si Joaquin sa kalesa kaya sumunod na ako. Binuksan naman niya ang pinto at inilahad ang kamay niya sa harap ko.
Bahagya pa akong napakurap ng ilang beses pero tinitigan niya lang ako, at doon napagtanto ko ang ipinahiwatig niya. Nginitian ko naman siya at tinaggap ang kamay niya saka sumakay na.
Goodness, makinis pa ng kamay niya—shush, Chestinell!
“Salamat,” tipid kong usal at umupo na sa loob.
Sumakay na rin siya at umupo sa tapat ko na nakatalikod sa kutsero. Ang kalesang sinasakyan namin ay sarado lahat pero may bintana sa bawat na sides, pati na nga sa pinto.
Hindi lang tulad ng kalesa na tulad ng nasa 2020 na bukas ang harap ang narito na mga kalesa, rito ay may kalesa ring sarado—na mas kilala rin as karwahe para mayroong distinction.
Isinara na niya ang kalesa at maya-maya pa ay pinaalis na ng kutsero ang kalesa. Napatingin naman ako sa taong nasa harap ko na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana.
Pasimple ko siyang pinagmasdan habang hinihimas ko ang talulot ng rosas na hawak ko. Napangiti naman ako dahil dito. Masaya lang ako dahil nabigyan ako ng rosas, wala ng iba. Kagaya nga ng sabi ko noon, na wala pang sumubok na mangligaw sa akin ay ganoon din na hindi ko pa naranasang mabigyan ng bulaklak.
But, as what I've said rin dati, it doesn't matter dahil hindi naman ako mawawalan ng mana dahil doon. Pero ngayong naranasan ko ng mabigyan, masaya ako. Kahit pa man hindi kami close nitong si Joaquin ay masaya pa rin ako.
Alam kong hindi kasundo ni Kristina ang mga kaibigan ng mga kuya niya, kaya nga rin parang hindi sila komportable kapag kasama ako, kaya ang rosas na ito galing kay Joaquin ay walang ibig sabihin.
He’s just being a nice guy. Mahirap naman sigurong makita na may dala-dala siyang bulaklak at kasama niya pa ako. Magmumukhang ako ang may bigay noon sa kaniya.
Ipinatong ko nalang ang mga rosas at ang pamaypay sa hita ko at kinuha ang pulseras na nilagay ko sa sling bag ko. Nakangiti ako habang tinitignan ’yon saka niluwagan at isinuot sa kanan kong pulsuhan.
Sa lahat ng mga pulseras na naroon ay ito ang kumuha ng atensiyon ko. Malinis kasing tignan at nakaka-attract ang kulay dahil black and white. Band ang style niya na mukhang leather na may kaunting velvet texture, at sa bawat gilid niya ay nakahabi na roon nakatahi ang mga dyamante at beads.
Hinigpitan ko iyon habang iniipit ko ang ilang tali sa kanang kamay at hinihila ng kaliwa kong kamay. Medyo nahirapan pa ako dahil maikli lang ang tali at hindi abot ng mga daliri ko sa kanan.
“Naman, humigpit ka,” bulong ko pa.
Maya-maya pa ay nahigpitan ko na rin at pinagmasdan iyon. Bumagay rin ito sa kamay ko dahil maypagkaputla ang kutis ko. Hindi dahil mahilig ako sa mga sabong pampaputi dahil sa lahi ng Del Veriel at Cavilian.
Napatingin naman ako kay Joaquin na tahimik lang sa harap ko. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin mula pa kanina pagkasakay niya.
Alam kong hindi talaga siya komportable dahil hate nila si Kristina dahil sa ugali niya, hindi rin sila close at isa pa hindi siya nage-entertain ng ibang babae dahil taken na siya.
Pansin ko ang madalas na pagtingin niya sa akin, kahit hindi naman iyon appropriate sa panahong ito na magtitigan ang babae at lalaking walang anumang namamagitan sa kanila.
Nalilito at naninibago yata siya sa mga kilos ko dahil hindi naman ganito si Kristina, pero wala na akong magagawa, hindi ako si Kristina at magkaiba kami kaya mismatch talaga ang ugali namin.
Hindi ko na lang rin siya kinausap, nahiya na ako sa mga pinaggagagawa ko kanina. Tahimik lang ako at ganoon din siya. Umiwas nalang ako ng tingin at sa labas ng bintana itinuon ang pansin kasabay noon ang pagpapaypay ko sa sarili. Isa pa wala rin naman kaming pag-uusapan pa.
Walang nagsalita kahit na sino sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa Kalye Salvaniego. Ang lugar kung saan kami bumaba sa kalesa kanina, ang lugar kung saan naroon din ang sentro ng kanilang bayan.
Naunang lumabas si Joaquin na panay ang tingin sa buong paligid, hinahanap yata sina Kuya. Sumunod naman ako na inalalayan niya pababa.
“Salamat,” sambit ko matapos bitiwan ang kamay niya at nakababa na ng tuluyan. “Nasaan na kaya sila?” kuryoso kong tanong na wala namang ispesipikong taong pinagtatanongan habang napalinga-linga sa buong paligid.
Ganoon din naman siya at maya-maya pa ay may itinuro sa di kalayuan, “Ayun sila,” tipid na sagot niya.
Napatingin naman ako sa tinuro niya at nakita ko sa may poste ng ilaw sa di kalayuan ay naroon nakatayo sina Kuya Marco, Carolino, at Leon.
Binayaran naman ni Joaquin ang kutsero at naglakad na siya papalapit sa kanilang tatlo kaya sumunod naman ako kaagad sa kaniya.
“Kuya Marco!” nakangiti kong sigaw sa kanila.
Narinig naman iyon kaagad nina Kuya Marco dahilan para mapalingon sila sa amin kaya mas lalo pa akong napangiti at iwinagayway ang mga kamay ko sa ere.
Nangunot naman ang noo ni Kuya Marco habang nakapameywang na nakatingin sa akin. Nang tuluyang na kaming nakalapit sa kanila ay nginitian ko siya ng pa-cute.
Mukhang galit kasi siya dahil naka-kunot ang noo niya at magkadugtong pa ang kilay at hanggang ngayon ay nakapameywang pa rin siya na parang tatay na papagalitan ang naglakwatsang anak.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at naisip ko nalang na magpaawa at magpa-cute, at unang beses kong gagawin ’to.
Oh my goodness, napaka-awkward!
“Martina, saan ka ba nanggaling?” napatitig ko sa kaniya nang bigla tumaas ng kaunti ng boses niya. Kitang-kita kong medyo galit siya at nag-aalala.
“Kuya Marco, sorry—pasensya na kasi,” nakanguso kong usal.
Goodness, hindi ko aakalaing gagawin ko 'to. Sa 2020 kasi kapag papagalitan ako hindi ganito, deretso na sampal o kaya hatol ng ground rules kaya wala na akong panahon para magpaawa.
“Eh hindi ko naman akalain na paglingon ko wala na kayo,” dagdag ko pa.
“Nakasunod lang kami sa iyo Martina,” sagot niya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko, “Alam mo bang labis kaming nag-alala sa iyo? Lalo na si Kuya Lucio. Magdadalawang oras ka na naming hinahanap, alam mo ba iyon?” pagpapatuloy niya. Napayuko ako sa hiya at napangiwi.
“Naroon pa ang iba sa paghahanap sa iyo. Napakaraming tao ang narito ngayon, bigla-bigla ka nalang nawala,” aniya na parang walang pakialam na may mga tao sa paligid at kasama pa namin ang mga kaibigan niya at sige sa pangangaral sa akin.
Napatingin naman ako sa kaniya, “Paumanhin na nga po, Kuya,” tahimik kong usal.
“Hindi ko talaga sinasadya. Hindi naman ako magbilis naglakad kanina. Pangako, hindi talaga. Sabi mo nga nakasunod kayo sa akin, bakit hindi mo ako tinawag noong nawala ako. Nagulat nalang nga ako na mag-isa nalang ako eh,” paliwanag ko.
“Isa pa, nakita naman na ako ni Ginoong Joaquin kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa,” dugtong ko kaya napabuntong-hiniga muna siya bago napalingon si Kuya Marco kay Joaquin na nasa tabi ko.
“Maraming salamat Joaquin,” usal ni Kuya, kaya bahagyang napangiti si Joaquin at tinapik si Kuya sa braso saka tumango.
“Tsaka, kaya ko rin namang alagaan ang sarili ko, kaya hindi na kayo dapat nag-alala pa,” sabi ko pa.
Sabay naman na napatingin sa akin sina Kuya Marco at Joaquin kaya napangiti ako.
“Ang sabi ng binibining muntik ng madaganan ng kalesa,” komento ni Joaquin at naglakad papunta sa may upuan kalapit ng poste.
Kaagad na nagdugtong ang mga kilay ko at napatingin kay Kuya na nakakunot ang noo.
“Ano?” pagklaro niya.
Mabilis naman akong umiling, “Wala. Wala Kuya. Huwag mo ng pansinin,” kaagad kong takip.
Sasagot na sana si Kuya Marco nang may biglang sumigaw.
“Martina!”
Sabay-sabay naman kaming lahat na napalingon at nakita ko sina Kuya Lucio at Kuya Luis na naglakad na parang tumatakbo na rin papalapit sa amin.
Naku po! May isa pa.
“Kuya Lucio—”
“Martina, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang labis akong nag-alala sa iyo? Kami ng iyong Kuya Marco. Paano na lamang kung ika’y napahamak? Paano na lamang kung ika’y dinakip at sinaktan ng mga rebelde na naglilibot sa paligid? Paano na lamang kung ika’y hindi na namin nakita? Hindi ba at sinabi ko at aking bilin na huwag kang humiwalay at lumayo sa akin? Ano na lamang ang sasabihin at paano ko na lamang haharapin sina Ina kung ika’y tuluyan ng nawala, huh?”
halos hindi na ako makahinga sa dami ng sinasabi—pangangaral ni Kuya Lucio pagkalapit na pagkalapit niya pa lang sa akin.
Napangiwi naman ako at kinamot ang batok ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may mga kapatid ka? Mga lalaking mas nakakatanda pa sa iyo?
Mabuti pa si Kristina may mga kapatid na ganito, ’yong nag-aalala na kahit ilang oras pa lang nawala at nasa iisang lugar pa naroon. Eh ako nga, walang naghahanap sa akin kapag wala ako eh. Mabuti pa si Kristina may mga taong nag-aalala at nagke-care sa kaniya.
Napahinga naman ako ng malalim, “Paumahin po Kuya. Hindi ko po sinasadya. Tsaka hindi ko po talaga alam na nawala na po pala kayo. Lumingon nalang po akong wala na kayo sa likuran ko,” pagwawari ko.
“Pasensya na talaga Kuya, hindi na po mauulit,” dugtong ko saka siya nginitian ng pagkatamis-tamis.
Hindi ko talaga alam kung paano nangyaring nagkahiwalay kami. Ilang segundo nga bago noong napalingon ako na nakitang wala na sila ay nakita ko pang nagtawanan sila dahil may nakitang binibenta na tinawanan nila, tapos bigla nalang silang nawala. Siguro ay nahalo nga ako sa mga tao at natakpan na ako sa paningin nila.
“Hindi na talaga ito mauulit, dahil hindi ka na namin isasama sa mga lakad papunta sa ibang lugar,” medyo malungkot na seryosong aniya.
Napakunot kaagad ng noo ko at napasimangot, “Eh, Kuya naman eh,” maktol ko pa.
“Hindi Martina. Mas mainam na mag-iingat na lamang,” aniya, kaya napasimangot ako.
“Lucio, mas makakabuti naman yatang sanayin mo siyang lumabas sa mundo at makita ang reyalidad ng buhay. Sa pamamagitan niyon, mararanasan niyang tumayo sa kaniyang sarili. Sa akin lamang iyong palagay,” suhestiyon ni Kuya Luis na nasa tabi niya.
Napatango naman ako at kaagad na sumang-ayon kay Kuya Luis.
“Oo nga Kuya, tama siya,” sabi ko sabay tango pa. “Sawa na rin ako kakamukmok sa kwarto. Gusto ko namang mag-explore,” pangungumbinsi ko pa.
Ito pa ang paraan para makalabas pa rin ako ng Mansion. Mahihirapan ako sa misyon kapag nakapermi lang ako doon. Kailangan ay alam ko ang lahat ng mga plano ng mga taong nasa loob at labas ng mansiyon na ’yon.
“Eksplor?” sabay pa na sambit nina Kuya Lucio at Kuya Luis.
Napakamot naman ako sa batok ko at ngumisi, “Err, ano ba, maglibot-libot sa mundo, gaya ng sabi ni Kuya Luis,” mabilis kong tugon.
“Paumanhin na talaga Kuya. Hindi ko sinasadya. Makakalabas pa rin ako ha? Pakiusap,” Saka ako ngumuso at pinaglapat ang dalawa kong palad sa may mukha ko.
Nakakahiya to! Napakarami pang tao sa paligid pati ang G8 ay nakatingin pa sa akin. Aish! Baka sabihin nilang ang pabebe ko.
Napataas naman ang kilay ni Kuya Lucio saka nagpameywang at lumingon kay Kuya Marco, na pinagkibit-balikat lang. Nakanguso pa rin ako hanggang sa lumingon na uli si Kuya Lucio sa akin.
“S’ya, oo na, oo na. Kailan ka ba namin hindi matitiis.”
Dahil sa sabi niya ay agad akong napatili sabay yakap sa kaniya, “Yey! Salamat Kuya!” masaya kong wika saka kumawala at pumalakpak habang nakangiti sa kaniya.
“Ngunit, sana naman Martina huwag kang gumawa ng bagay na iyong ikakapahamak,” aniya ng seryosong nakatingin sa akin.
Kaagad akong ngumiti, “Pangako Kuya. Paumanhin na talaga,” pangako ko.
Ngumiti naman siya ng kaunti at tumango.
“Kung gano’n, kumain na tayo. Sigurado akong nagugutom na kayo, dahil ako nagugutom na. Huwag kayong mag-alala, sagot ko ang lahat ng kakainin niyo,” nakangiti kong wika habang nakatingin sa kanilang anim.
At bago pa man sila makasagot ay kumapit na ako sa braso ni Kuya Lucio at hinatak na siya sa kaliwang direksiyon. Kumapit na ako, mahirap na baka mawala pa uli ako. Tsaka wala namang issue dahil kapatid ko naman siya sa panahong
’to.
“Martina, hindi mo na iyon kailangan gawin, sapagkat ang mga lalaki ang gumagawa niyon,” tugon ni Kuya Lucio na nakilakad na sa akin, at sumunod na ang iba.
“Kuya, sa mundong ito pantay ang lahat. Kung kaya ng mga lalaki ganoon rin naman ang mga babae. Saka isa pa, naabala ko kayo sa paghahanap sa akin,” pagkontra ko.
“Martina, ika’y hindi abala. Kapatid ka namin at ikaw ay aming responsibilidad,” salungat ni Kuya Marco na nasa kanan ko.
Napangiti naman ako ng malapad, “Ah basta, sagot ko na ang kakainin nating lahat,” pinal kong sabi.
“Teka nga pala, nasaan si Ginoong Gabriel?” taka kong tanong nang mapansing hindi namin siya kasama.
“Naroon na siya sa paborito naming kainan rito. Nais niyang mauna roon at alam mo na ang dahilan,” tugon ni Kuya Luis sabay ngiti at napailing.
Ah, oo alam ko na kung bakit. Naghahanap na naman iyon ng mga babaeng maloloko.
Tumawa nalang ako ng kaunti at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kung saan kasabay nina Kuya.
Sa paglalakad namin, hindi talaga maiwasang may mga taong napapatingin sa amin, lalo na ang mga kababaihan na napapangiti nang masilayan sina Kuya. Mabuti nalang at wala rito si Gabriel kundi susunggaban niya talaga ang mga ito.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa harap ng isang may kalakihang bahay. Gawa ito sa mga kahoy na pawang mga makikintab at matitibay.
Hanggang dalawang palapag ito at sa itaas ay mayroong maraming bintana. Sa ibaba naman ay isang malaking pintuan at maraming tao ang pumapasok at lumalabas mula roon. Sa may itaas ng pinto ay isang signboard na may nakasulat na ‘Kusina Ni Poncio’ na ikinangiti ko.
Sino si Poncio? Poncio Pilato?
Naglakad na kami papasok doon at napatigil ako sandali dahil sa ganda. Isa itong restawran at sobrang ganda niya. May mga upuan at mesa na nakalatag sa buong palapag. Marami ring mga malalaking aranya na nakasabit sa kisame na nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Mukha siyang vintage style restaurant kung nasa present ito. At karamihan sa kulay nito ay kayumanggi. May mga kurtina ring bahagyang nakabukas sa mga sliding windows nila.
Maraming mga tao ang narito at kumakain, may tahimik at mga maiingay dahil sa kwentuhan at tawanan. Sari-sari sila, mayroong mga mayayaman rin at may sakto lang.
Sa may dulo naman ng palapag na ito ay may counter at sa likuran nito ay mga mga taong lumalabas dala ang mga trays at mga inumin. Iyon yata ang kanilang kusina.
Ang mga nagtatrabaho ay nakasuot naman ng kamisa at saya na pare-pareho ang kulay. Dilaw ang kamisa at kayumanggi ang saya na may mga disenyo sa may laylayan. May mga nakakamisa de chino rin na kulay puti at kayumanggi naman ang pantalon.
“Ayun si Gabriel,” turo ni Kuya Luis matapos bigyan ng mabilis na tingin ang buong paligid.
Napatingin naman kami sa tinuro niya at nakita namin sa di kalayuan malapit sa gitna ng palapag na ito ay si Gabriel nga hindi na kailangan pang ikagulat dahil may kasamang dalawang babaeng sa ayos pa lang ay makikitang mula sa mayamang pamilya.
Napailing nalang sina Kuya.
“Gabriel nga naman,” usal pa ni Carolino.
Naglakad na sina Kuya Luis at Kuya Lucio papunta roon kaya nasama na ako dahil nakakapit pa rin ako kay Kuya Lucio, at sumunod naman sina Kuya Marco na tahimik lang mula pa kanina.
Hindi napansin ni Gabriel na nakalapit na kami sa kanila dahil nakatalikod siya sa amin, ngunti ang dalawang babaeng kaniyang kasama ay napatingin at napangiti ng malapad nang makita kami—sina Kuya.
Nang hindi pa nakalingon si Gabriel ay kaagad na hinatak ni Kuya Luis si Gabriel patayo na ikinagulat niya.
“Oy, ano ba ang iyong—Kuya?” gulantang niyang usal.
Hindi naman siya pinasin ni Kuya Luis sa halip ay tumingin siya sa dalawang babaeng nakangisi pa rin kahit medyo nagulat.
“Ipagpaumanhin mga Binibini. Kukunin na namin ang aking nawawalang anak,” seryosong sabi niya at hinatak na niya si Gabriel palayo.
Medyo natawa naman ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Anak raw, eh halata naman na magkalapit lang sila ng edad.
Nawala naman ang ngiti ng dalawang babae at napalitan ng pagtataka, pero agad iyong nawala nang makita ako at sinamaan pa ako ng tingin.
Anong problema niyo?
Pinagtataasan ko na lang sila ng mga kilay at naglakad na kami palayo sa kanila kasunod nina Kuya Luis kasama si Kuya Marco at pinagkukurot si Gabriel na siyang napapasigaw kaya napapalingon ang mga tao.
“Kuya, huwag. Tigilan niya ako, pakiusap,” pagsusumamo pa niya habang nakatawang umiiwas sa mga pinaggagawa nila.
“Gabriel, kailan ka ba magbabago. Napakapalikero mo,” ani Kuya Marco.
Napaupo naman si Gabriel sa may bakanteng mesa nasa gitna ng buong palapag.
“Ako’y walang ginagawang masama,” nakangising tugon niya.
“Kapag ikaw makahanap ng iyong katapat, pagtatawanan ka namin Gabriel. Wala ka na talagang ibang magandang ginawa kundi ang paibigin at saktan ang mga binibini,” nakailing na saad ni Carolino at umupo sa tapat niya.
Hindi naman sumagot si Gabriel at sa halip ay lumingon sa akin.
“Binibining Martina. Narito ka na pala,” nakangiti na sambit niya.
Nginitian ko rin nalang siya at kumaway saka umupo sa dulong unahan ng mesa, kaya nakaharap ako ngayon sa entrance ng kainan.
Umupo rin sina Kuya at ang iba pa. Kasya kaming walo at may sobra pa ngang dalawang upuan, sa kabilang dulo at sa tabi ni Carolino.
“Mabuti pa itong si Binibining Martina, nginitian ako pagkarating niya rito, hindi kagaya ninyo na pinagsabihan pa ako,” napasimangot na usal niya saka lumingon sa kanila.
Natawa naman ako ng kaunti, “Tama naman sila Ginoong Gabriel. Hindi mo dapat ginagawa ang ganoong bagay. Kapag sinaktan ka ba matutuwa ka?” katwiran ko.
Kaya dahil doon napatingin sila lahat sa akin, at natawa si Carolino, “Narinig mo iyon Gabriel. Wala kang kakampi rito,” pang-aasar niya pa kaya napailing nalang si Gabriel at natawa.
“Magbago ka na Kuya, kagaya ni Binibining Martina. Sumasama na siya at nakikipagkaibigan sa atin saka ngumingiti na rin,” payo pa ni Leon kaya napataas ang kilay ko.
“Sya nga, bakit ka nga pala nagkaganiyan Binibini? Kung hindi mo mamasamain ang aking tanong,” tanong ni Gabriel na nakaupo sa upuan pangalawa mula sa kaliwa ko.
Napatigil naman ako sandali at kunwaring nag-aalinlangang magsalita, “Kaunti nalang ang panahon ko at nabibilang na rin ang araw na ako’y mabubuhay kaya ginagawa ko ang nararapat,” biro ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.
Napataas naman ang dalawa niyang kilay.
“Martina, ano ba ang iyong sinasabi?” ani Kuya Lucio na nakatingin sa akin na parang nag-aagaw buhay na ako.
Kaya napangisi ako, “Biro lang! Kayo naman napakaseryoso,”
Napailing naman si Gabriel, “Binibining Martina, hindi ka pa nararapat na mawalan ng buhay, sapagkat ika’y akin pang liligawan at pakakasalan,” nakangising kindat niya sa akin.
Bago pa man ako makapagsalita ay kaagad na siyang binatukan ni Kuya Marco na nasa gitna naming dalawa na siyang ikinadaing niya.
“Subukan mo lamang Gabriel, tatanggalan kita ng kaligayahan,” banta pa ni Kuya Marco.
“Bakit mo naman ako sinaktan? Kahit pa nga naisin ko iyon hindi naman mangyayari ang ganoon sapagkat alam ko namang aawayin lamang ako ng Binibini,” paliwanag niya pa sabay himas sa batok niya.
“Hoy, hindi ko gagawin ’yon noh? Hindi na kaya ako mang-aaway,” kontra ko.
“Talaga?” nakangising sambit ni Gabriel, “kung ganoon...”
“Martina?” dugtong kilay na usal ni Kuya Lucio.
Tinaasan ko naman siya ng kilay sa pagtataka, “Bakit? Hindi naman ibig sabihin niyon magpapaligaw na ako sa kaniya. Eh hindi naman siya ang tipo ng lalaking gusto ko,” paliwanag ko.
“Ow, iyon naman pala Gabriel. Kawawa ka naman,” asar ni Carolino. “Inayawan ka ng isang binibini sa harap namin,” dugtong niya pa na siyang ikinatawa ni Leon.
“Pero Ginoong Gabriel, alam ko kung ano babaeng nababagay sa iyo,” pag-iiba ko. “Bagay sa iyo ang babaeng maganda, mabait, maalaga, maalalahanin, mayumi, magalang, mapagbigay, at lahat ng mabuting katangian ang meron siya,” pagpapatuloy ko.
Ngumiti naman siya, “Syempre naman, nararapat sa akin ang ganoong binibini,” aniya.
Umiling ako, “Hindi pa ako tapos,” usal ko. “Ang babaeng iyon ay mahal na mahal mo pero ang babaeng iyon ay may mahal na iba. Dahil ang babaeng nagbabagay sa iyo ay ang babaeng hindi ka mahal,” tugon ko na siyang dahilan ng pagkalukot ng mukha niya kaya naman natawa sila at inasar siya.
“Gabriel, kay kisig mo nga ngunit kay torpe mo pa, idinadaan mo lamang kasi sa paglalaro,” ani Kuya Lucio.
“Ang mga babae ay nararapat na mahalin, Gabriel, hindi sinasaktan,” biglang salita ni Joaquin.
Hmm, mukhang inspired nga talaga itong si Joaquin.
“Teka nga, bakit ba sa akin napunta ang usapan at ako na ang inaasar ninyo?” reklamo naman niya. Kaya natawa nalang ako sa kaniya.
“Oh sige na, pumili na tayo ng makakain ako na ang bahalang magbayad. Nagugutom na nga rin ako,” suhestiyon ko.
Napatingin naman ako sa orasan sa kwintas at nasa alas dose na ang oras. Medyo kumukulo na ang tiyan ko kanina pa kaso nawawalawala dahil sa mga kalokohan nila.
“Talaga?” hindi makapaniwalang usal ni Gabriel. “Oi, ano pa ang inyong hinihintay magtawag na kayo ng serbidor. Uubusin natin ang pera ng Binibini,” nakangising dugtong niya.
“Alam mo Gabriel, wala ka talagang modo,” komento ni Kuya Luis na umiiling.
Nagtawag nalang sila ng taga-silbi na kaagad ding lumapit.
"Ano po ang maipaglilingkod namin?" Magalang na aniya.
“Ang pinakamabenta ninyong pagkain, saka ang inyong kaldereta, adobo at minudo. At syempre sa nakasanayan, tatlong palayok ng kanin,” sagot ni Leon na siyang halos ikinaluwa ng mga mata ko.
Seryoso, tatlo? Tatlong palayok ng kanin?!
“Iyon lamang ba mga Ginoo?” medyo gulat pa na sambit noong taga-silbi.
Tumango naman sila bilang tugon. Naku, seryoso nga talaga sila. Sakto lang kaya ang perang dala ko?
“Nga pala Kuya, anong magagandang bilhin ngayon dito? Nakabili na kayo ng sa inyo?” pag-iiba ko ng usapan.
“Hindi pa Martina. Naghanap lamang kami sa iyo. Ngunit ngayon at narito ka na, mamamasyal na tayong magkakasama. Bibilhan rin kita ng mga libro sapagkat alam kong napakahilig mo sa mga iyon,” tugon niya.
“Iyong lovestory Kuya ha?” hirit kong pabiro.
Mahilig lang ako magbasa kapag lovestory o di naman kaya'y mga informative books.
“Iyong ano?” taka na tanong niya.
Kaagad na akong umiling, “Wala, wala. Huwag mo ng pansinin,” mabilis kong usal.
Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain namin sa sobrang bango pa, at marami pa. Tatlong tagasilbi nga ang may dala ng mga iyon. Mabuti nga rin at hindi na bumalik pa ang lalaki kanina.
Inilapag naman nila sa mesa ang mga pagkain. Kare-kare, adobo, menudo at kaldereta na sinabi ni Leon ang nakalinya sa mesa at mga plato at kubyertos pati na rin tubig. Talagang lahat ay Filipino foods talaga.
Teka, nasaan na ang tatlong palayok kanin? Iyon lang yata ang makakaubos ng pera ko eh.
Bigla namang may sumulpot na dalawang babae na may dalang tray na naroon nakapatong ng tatlong palayok, na sakto lang ang laki. Inilagay nila sa gitna ng mesa saka binuksan at inilagay ang mga takip sa may dulo, at sabay pa silang nagbow anim tsaka umalis.
Napatingin naman ako sa kanila at sa mesang may maraming pagkain parang sobra nga yata sa amin.
“Mukhang nagutom nga talaga kayo eh noh? Hindi halata,” hindi makapaniwalang usal ko.
“Ganito karami ang mga pagkain sapagkat marami tayo, Binibini,” simpleng tugon ni Carolino.
Umiling nalang ako at ngumiti, “Oh sya, magdasal na muna tayo bago kumain,” usal ko saka naman sila tumango.
Ako na ang nagdasal at pagkatapos ay nagsipagkuha na kami ng mga pagkain—sila lang pala dahil sina Kuya Marco at Lucio na nasa bawat gilid ko ang kumukuha ng pagkain at inilalagay sa plato ko.
“Tama na Kuya, tama na,” pagpigil ko sa kanilang dalawa dahil halos lumabas na at bumaha ng sabaw sa dami ng nilagay nila sa plato ko.
Maraming kanin ang nasa gilid ng plato at magkahalong kaldereta, adobo, menudo, at kare-kare ang inilagay nila sa gitna ng plato. Hindi ko nga alam kung mauubos ko ang mga iyon.
“Papatayin niyo o bubuhayin ang Binibini” natatawang ani Kuya Luis.
Napasimangot ako ng kaunti. Mukhang papatayin ata ako sa pagkabusog ng dalawang ito.
“Kuya, ang dami niyan. Hindi ko mauubos,” mahina kong reklamo sabay tawa ng kaunti.
“Kailangan mong kumain ng marami Martina,” tanging sagot ni Kuya Lucio.
“Sasakit ang tiyan ko sa dami niyan Kuya,” saad ko saka napailing pero ngumiti lang siya.
Naku po, ano ba naman ito? Hindi naman sila ganito sa bahay ah, siguro dahil naroon si Ama na napaka-sensitibo sa lahat ng bagay.
Kinuha ko nalang ang kutsara at tinidor at nagsimula ng kumain, at sila rin naman.
“Hmm, ang sarap nito ah,” usal ko nang maisubo ko na ang kare-kare.
Kahit pa nagkahalo-halo na ang mga ulam na parang ayaw ko ng kainin dahil hindi ko na alam ang lasa, pero nang matikman ko as in super sarap niya. Pwede ng isali sa cooking competition internationally.
“Syempre, iyan ang kanilang pinakamabenta rito,” sagot ni Carolino, “Sigurado akong ikaw nga ang makakaubos ng kanin kakabalikbalik eh” asar niya pa.
Goodness, ni hindi nga ako sigurado kung mauubos ko ang kanin na nasa plato ko na gabundok.
“Sobra ka naman sa akin Ginoong Carol. Ikaw kaya ang mukha patay-gutom dito dahil halos ubusin mo na ang isang kaldero,” pabalik kong asar.
Totoo rin naman, parang hindi anak ng Gobernadorcillo at parang walang pagkain sa kanila. Natawa naman sila sa sinabi ko maliban Carolino na nakakunot ang noo.
“Anong Carol? Binibini, Carolino ang aking pangalan hindi Carol. At saka, hindi ako patay-gutom,” aniya pa.
“Mas bagay sa'yo ang Carol, Ginoo. Maginoo pakinggan,” nakangisi ko tugon.
Tumawa naman ng marahan si Gabriel na halos maubo na dahil sa pagkain.
“Kung ano-ano na lamang ang iyong sinasabi Binibini. Maipadala ko nga si Gabriel sa Fuente Ilaraya ng tatlong araw baka sakaling magbago rin siya tulad mo,” komento ni Kuya Luis na natawa pa.
“Oo nga ano. Ano kaya ang meron doon? Baka tumino pa si Kuya Gabriel niyon,” dugtong ni Leon.
Nakangisi nalang akong nagkibit-balikat.
“Nga pala Martina, saan mo nabili ang mga rosas na iyan?” tanong ni Kuya Marco.
Nginuso niya ang sling bag na nasa may gilid ng mesa ko na kung saan nakasuksok ang dalawang rosas. Nilingon ko naman iyon at ibinalik ang tingin sa pagkain.
“Si Ginoong Joaquin ang bumili niyan. Ibinigay niya sa akin,” simpleng sagot ko.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, magkasabay silang lahat na nasamid at naibuga ang tubig at pagkaing kinakain at iniinom sa isa’t-isa, maliban na lamang kay Joaquin na napalingon sa akin saglit bago kumain ulit.
Anak ng.
Ang pagbugahan nila sa isa’t-isa ay naging dahilan din kung bakit halos lahat ng mga tao sa loob ay napalingon sa amin at binigyan kami ng iba’t-ibang klase ng mga tingin.
Napatingin naman ako sa kanilang magkakatapat na kumakain na ngayon ay mabilis na nagpunas ng mga mukha at damit.
Dugtong kilay namang napalingon ng sabay ang dalawa kong kapatid, “Ano?!” pagtaas ng boses nila dahil sa gulat.
Naku naman po. Ito talaga ang problema kapag mga kuya. Napakasensitibo sa mga bagay-bagay.
Sa Taong 1890
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro