Kabanata 16
| Kabanata 16 |
Disyembre 28, 1889
Kailan ba magtitino ang mga lalaking iyon? Sila'y wala ng ibang magawa kundi ang magliwaliw. Bakit sila ay naging kaibigan ng aking nga kapatid? Kung ayaw nila sa akin ay mas lalong ayaw ko sa kanila. Nararapat lamang ang ginawa kong sila'y inisin at galitin. Hindi rin naman sila nararapat na pakitaan ng magandang asal.
Se lo merecían!
— Martina
Naglakad-lakad lang ako at nagmamasid sa paligid. Medyo malayo-layo na rin ang narating ko. Sobrang abala ng bawat kanto, kalsada at buong bayan ng Puente de la Reina.
Gaya ng sabi nina Kuya, napakarami nga'ng iba't-ibang produkto ang mga narito na nakalatag sa mesa ng kanilang mga tindahan sa gilid ng kalsada na siyang pinagkakaguluhan ng napakaraming tao.
“Kuya, mukhang masaya nga talaga rito,” masaya kong usal. “Tignan niyo oh,” turo ko sa mga human dolls na gawa sa kahoy, “may mga cute pang mga inukit na mga tao.”
Napalingon ako sa kanila ng nakangiti, ngunit bigla nalang iyon naglaho nang wala akong makitang ni anino nina Kuya o kung sino man sa magkakaibigan. Kumabog ang puso ko at nanlamig ang mga kamay ko.
Oh my goodness! Nasaan na sila?!
Napalinga-linga ako sa paligid, saka tumingkayad para hanapin sila sa kumpulan ng mga tao.
“Kuya Lucio!” pasigaw kong tawag.
Dahil doon ay nagsipaglingunan ang mga tao sa paligid sa akin at tinaasan pa ako ng mga kilay saka binigyan ng di makapaniwalang tingin sabay bulungan.
“Napakagaslaw naman ng kaniyang paggawi.”
“Tila ba’y hindi isang binibini.”
Umayos naman ako ng pagtayo at binigyan sila ng pilit na ngiti, “Ah, sor–sorry po,” usal ko at kaagad na luminga sa paligid at nagbabakasakaling makita sila.
Nasaan ba kasi sila? Nakasunod lang naman sila sa akin kanina ah. Aish, hindi ko pa kabisado ang lugar na ’to dahil ngayon pa lang naman ako nakatapak rito.
“Kuya Lucio, nasaan na ba kayo?” bulong ko sa ere.
Ilang beses na akong napalinga-linga sa buong paligid at tinitignan ang bawat tao sa likuran at gilid pati na rin ang mga nakakasalubong ko. Kinakabahan na ako dahil baka hindi ko na sila makikita pa dahil sa sobrang dami ng taong narito ngayon.
Oh my, Chestinell! Baka hindi ka na makakabalik sa hacienda? Hindi pwede ’yon! May misyon pa ako. Kailangan ko pang makabalik sa 2020. Ito ba ang dahilan kung bakit ako kinabahan kanina? Dahil may mangyayaring hindi maganda? Ang mahiwalay kina Kuya?
“Kuya Lucio. Nasaan na ba kasi kayo?” mahina kong sambit at umikot sa kinatatayuan ko habang tinitignan ang bawat tao sa paligid.
Ayoko ng sumigaw pa dahil mapapatingin lang ang mga tao sa akin at bawal rin sa panahon ito na sumisigaw ang babae sa kalagitnaan ng public place, dahil nga mahinhin at reserve ang mga kababaihan sa panahong ’to.
Paano na ko na mahahanap sila ngayon? Nagkahiwalay yata kami dahil sa dami ng tao. Pero paanong hindi ko man lang napansin? Bakit hindi nila ako tinawag? Paano na ’to ngayon?
Pero hindi bale, alam ko namang hahanapin ako nina Kuya. Isa pa, pwede naman akong umuwing mag-isa, magbabayad lang ako ng kalesa. Ang problema, hindi ko alam kung saan ang sakayan dito. May sakayan ba dito?
Ang mabuti pa ay huwag ko munang problemahin iyan. Susulitin ko na lang muna ang oras ko rito at titingin sa buong paligid, baka ganoon pa ay matagpuan ko sina Kuya. Hindi rin naman mahirap iyon dahil marami silang magkasama at agaw-pansin pa.
“Binibini, bumili ka rito sa aking mga paninda.”
Napalingon naman ako sa isang lalaking nagsalita sa gilid ko. Nakangiti siya sa akin at nakaturo sa mga paninda niyang mga shawls.
Sa itsura at pananamit niya ay isa siyang Pilipino at simple lang ang kaniyang aura. Kamisa chinong puti na medyo brown na at pantalon na natakapan na sa mesa ng kaniyang paninda.
“Iyan ay nagmula pa sa bayan ng Sandakal, ang pangunahing gumagawa at nag-aangkat ng mga alampay rito sa buong bansa. Dekalidad ang mga ito at maayos ang pagkakayari,” aniya sabay latag sa mga shawls na nakatupi sa harap ko.
Iba’t ibang kulay ang mayroon at iba iba rin ang mg desinyo at patterns.
Maganda nga, pero ano naman ang gagawin ko riyan? Mainit na nga itong suot ko, maglalagay pa ako niyan. Baka ikamatay ko pa ang sobrang pagkacovered dahil sa suot ko.
Nginitian ko nalang ang tindero, “Ah, maraming salamat nalang po. Sa susunod nalang siguro.”
Bahagya naman siyang napasimangot bago siya tumango at agad na inintertain ang babaeng nasa tabi ko.
“Binibini, pumili ka ng isa. Maganda at matibay ito,” pagsisimula niyang mangumbinsi doon.
Umalis nalang ako doon at naglakad na palayo. Hindi pa rin ako tumigil sa kakalingon sa paligid ko para hanapin sina Kuya.
Kung saan saan na ako nakarating. Medyo malayo-layo na rin ang napuntahan ko mula sa sentro ng bayan nila. Abala pareho sa pagtitingin sa paligid sa mga produkto at binibenta at ang paghahanap nina kuya.
Sobrang kinakabahan na ako dahil magkakalahating oras na ay hindi ko pa sila nakikita. Hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako o hindi na.
Bakit pa ba kasi ako nahiwalay sa kanila? Ayun tuloy hindi ko na mafocus ang sarili ko dahil imbes na magsaya ako sa pamamasyal ko ay nagmamasid at tumitingin pa ako sa paligid para makita sila.
Why are you so stupid kasi? Sana sumabay ka sa kanila, kita mo namang maraming tao kaya magkakahiwalay talaga kayo.
Naglakad nalang uli ako kasabay ang mga tao habang nagtingin-tingin sa mga paninda. Maraming kumuha sa mga atensyon kong mga paninda pero ayaw kong bilhin.
Una nahihiya akong gumastos, dahil hindi ko naman pera ito saka baka ano pang sabihin ng pamilya ni Kristina, lalo na ang ama niya hindi pa naman kami ayos. Tsaka, hindi rin ako kabisado sa mga paninda rito at sa mga nagtitinda baka maloko pa ako.
“Binibini! Halika rito!”
Napalingon ako nang may sumigaw sa bandang kaliwa ko. Nakita ko ang isang lalaking nasa kwarenta na yata ang edad na nakangiti sa akin, isang Tsino. Singkit ng mata nito at nakatraditonal clothes ito ng mga intsik na kulay orange na pale.
Nakaupo siya sa kaniyang tindahan at sa harap niya ang mesa kung saan nakalatag ang mga paninda niyang mga alahas.
Napatigil ako at alinlangan na ngumiti sa kaniya, saka dahan-dahan na lumapit.
“Ano gusto bilhing alahas? Tunay ito,” aniya gamit ang Chinese accent sabay ayos sa mga alahas na nakalatag sa harapan ko.
Aba ’to, tunay nga raw eh baka masnatch pa siya dahil nakalahad ang mga paninda niya sa publiko.
Sa totoo lang din, hindi ako mahilig sa mga alahas. Nagsusuot ako pero hindi ako bumibili. Lahat nga ng kwintas, hikaw at bracelets ko ay binigay ng mga Del Veriel at Cavillian at nina Mama kapag birthday ko or may mga okasyon.
Hindi kasi ako masyadong into jewelries pero syempre sobrang masaya ako kapag may nagbibigay dahil nagawa pa nila ako alalahaning bigyan.
Nginitian ko na lamang ang intsik, “Naku, pasensya na po, sa susunod na lamang po siguro,” usal ko sabay wagayway ng kamay ko sa gitna namin.
“Binibini, sayang kung ganoon. Pumili na ikaw, maraming nababagay sa iyo rito,” pamimilit niya pa. “Itong hikaw, mula pa Tsina, mamahalin pero tunay, tunay,” dagdag niya pa.
Itinaas naman niya ang pares ng hikaw na bilugan ang disenyo na kulay pula, bulaklak ang desinyo sa bawat gilid nito at medyo may kalakihan na parang mababanat na ng sobra ang tenga kapag sinuot. Mukhang mabigat nga rin ito, sa itsura pa lang.
“Pasensya na po talaga, hindi po ako mahilig sa alahas eh,” pag-amin ko na lang pera mahinto na siya.
Mukhang marami rin naman siyang nabenta na dahil kaunti na lang ang mga alahas sa mesa niya.
“Aba, alis nalang, alis. 'Wag lapit hindi naman bili,” aniya na nakasimangot at tinataboy pa ako gamit ang mga kamay niya.
Huy, excuse me? Kayo nga itong nagpalapit sa akin. Ihampas ko kaya itong pamaypay sa ulo niyo. Hmp!
Sinamaan ko naman siya ng tingin at kunyaring hahampasin siya gamit ang pamaypay ko, kaya mas lalo niya akong sinimangutan.
“Alis sabi, alis, walang kwenta. Hindi bili,” pagtataboy niya uli.
Napatingin naman ang mga tao sa paligid dahil sa medyo pasigaw na sabi niya.
Nye nye nye nye, chus hampasin talaga kita eh. Kairita ’to.
Iniripan ko nalang siya at kunyaring hahampasin ng pamaypay at saka tumalikod na roon at naglakad na palayo.
Kaembyerna, hindi ko pa rin naman din nahahanap sina Kuya.
“Oi, agnanakaw! Huli niyo, gwardiya! Magnanakaw!”
Mabilis akong napalingon nang may sumigaw, at nakita ko ang intsik na kausap ko kanina ngayon ay histerikal ng nakaturo sa kabilang direksyon sabay hawak sa ulo niya.
Napalingon naman ako sa kung saan siya nagturo at nakita kong nahawi ang mga tao at may mga lalaking tumatakbo na mabilis namang hinabol ng mga di-unipormeng mga lalaki—mga gwardia sibil.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at napababa doon sa paninda niya. May mga alahas na nahulog sa lupa at nagkalat sa mesa kung saan ito nakalatag. Halos kalahati nga noon ay nawala. Ninakawan siya.
Pero hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa pa ako dahil kabayaran na iyon sa ginawa niya sa akin kanina ay naawa pa ako. Nagtitinda siya ng maayos at marangal pero ninakawan pa siya. Naglakad ako pabalik sa kaniya pero agad akong napatigil.
Hindi ba wala ka naman talagang pakialam sa ibang tao, dahil sa oras na mangakaroon ka, mapahamak ka?
Umiling nalang ako at napatingin nalang sa Intsik. Mr. Chinese, huwag mo kasing idisplay at ayan tuloy ninakawan ka na. Sa susunod kasi, mag-iingat ka nalang at saka huwag mang-away ng mga taong hindi bibili.
Bumuntong hininga nalang ako at lumayo na doon. Naglakad na ako habang nagpapaypay sa sarili. Medyo maalinsangan kasi at mainit pa ang suot ko. Hay, mabuti nalang at may mga punong masisilungan sa daan.
“Binibining Martina!”
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. O ako ba ang tinatawag? Baka may ibang Martina rito?
“Binibining Martina!” pag-uulit pa nito kaya napahinto na ako.
Napatingin ako sa mga tao na nakasalubong ko na nakatingin sa likuran ko sabay turo at bulungan pa. Kaya agad akong napalingon doon.
Agad kong nakita ang pigura ng isang lalaki na seryosong naglalakad papalapit sa akin. At ang taong iyon ay walang iba kundi si...Joaquin?! Seryoso lang ang mukha niya pero malambot ang ekspresyon niya.
Anong ginagawa niya rito? Bakit niya ako tinatawag? Hinahanap niya ba ako?
Dahil sa huli kong naisip ko ay agad ko siyang nginitian saka siya sinalubong.
“Joaquin!” masaya kong sambit saka siya kinawayan.
Dahil sa ginawa ko ay bahagya pa siyang napakunot ng noo, pero agad din iyong nawala.
Napatigil kami ng isa at kalahating metro ang pagitan sa isa’t isa.
“Labis na nag-alala ang iyong mga kapatid nang ika’y biglang nawala. Kung kaya’t kami ay naghiwalay upang ika’y hanapin,” aniya.
Napangiti ako ng kaunti. Mukhang ito na yata ang pinakamahabang sinabi niya mula noong una kaming nagkita.
At mas lalo pa akong napangiti dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga eh, hahanapin talaga ako nina Kuya, syempre sabi nilang poprotektahan nila ako.
“Gano’n ba? Pasensya ka na naabala ka pa. Hindi ko kasi napansing nahiwalay na ako sa inyo, dahil akala ko nakasunod lang kayo sa akin,” wika ko.
Dahan-dahan naman siyang napatango at hindi na nagsalita.
“Alam mo ba kung nasaan sila?” tanong ko.
Napalingon naman siya sa paligid, “Hindi, ngunit ang aming usapan ay agad na babalik sa binabaan natin ng kalesa at doon magkita-kita kapag ika'y nakita na,” tugon niya na seryoso pa rin at parang walang pakialam sa mundo.
Nalukot ang mukha ko saka ako ngumuso. Babalik? Eh napakalayo na niyon eh. Hindi nalang ba pwede itext para papuntahin sila rito? Ah, oo nga pala, hindi uso ang cellphone ngayon, hay.
“Agad? Pero kasi gusto ko pang maglibot eh,” nakasimangot na usal ko.
Baka kasi galit sina Kuya ngayon dahil bigla akong nawala at baka uuwi kami kapag bumlik na ako roon, eh hindi pa ako masyadong nakapag-enjoy.
“Maglilibot muna ako, ikaw nalang ang mauna doon at sabihan sila na nahanap mo na ako. Susunod nalang ako maya-maya,” nakangisi ng konti kong suhestiyon saka siya kinawayan gamit ang pinaalon kong mga daliri at tumalikod na.
“Binibini—”
Magsasalita na sana siya pero agad ko siyang pinutol dahil sa naisip ko at kaagad na humarap sa kaniya.
“Ah, ganito nalang, samahan mo nalang kaya ako?” agad kong sambit at nakangiting naglakad papalapit sa kaniya.
Hindi naman siya sumagot sa halip ay tinitigan lang ako, nailang tuloy ako. Bakit ba nakaka-intimidate ang mga titig niya?
“Sige na Joaquin—este Ginoong Joaquin,” pag-uulit ko.
Chestinell, remember formalities.
“Hindi ko rin naman kasi kabisado rito. Baka kasi pagbalik natin doon uuwi na kami, eh hindi pa ko nag enjoy—este naaliw ng sobra sa pamamasyal,” paliwanag ko pa.
Nakakahiya naman ito. Hindi pa naman kami close ni Joaquin—lalo na si Kristina dahil ayaw ni Kristina sa kanila.
Pero kasi sayang ang pagkakataon, gusto kong kahit isang beses mag-enjoy ako. Gusto kong sumaya muna.
“Sige na kasi. Pumayag ka na. Promise, saglit lang ’to,” nakangiti kong ani sabay hawak sa braso niya at hinatak na siya palakad.
Napalingon naman siya sa akin habang kasabay ko sa paglalakad dahil nakahawak ako sa kaniya kaya nginitian ko siya. Bumaba naman ang mga tingin niya sa nakahawak na kamay ko sa kaliwang braso niya.
Dahil doon ay napabitaw ako sa kaniya at umiwas ng tingin pagkatapos kong makita ang pag-iwas niya ng tingin sa akin at bahagya pang namula ang tenga niya.
Agad naman akong napapikit sa hiya at tahimik na pinapagalitan ang sarili. Bawal nga palang magkahawak ang babae at lalaki sa panahong ito lalo na kung hindi sila magkasintahan.
Depende nalang sa sitwasyon, basta hindi lalabag sa etiquette rules. At isa pa, taken na siya kay Clara. At isa pa uli, ako pa mismo, babae, ang naglakas loob na humawak sa kaniya, na lalaki!
Oh goodness, Chestinell. What are you doing?! Nakakahiya ka. Aish, talaga naman oh.
“Ah, pasensya na. Hindi ko sinasadya. Huwag mo nalang sabihin sa kasintahan mo para hindi kayo mag-away,” agpapaumanhin ko.
Napatigil naman siya sa paglalakad at napataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
Napaiwas tuloy ako ng tingin, “Eh alam ko namang napakaselosa ni Binibining Clara, at sigurado akong magagalit iyon kapag nalaman niyang..” bahagya akong napangiwi, bago tuluyang nagsalita, “magkasama tayong dalawa,” ani ko at tinikom na ang bibig.
Naghintay ako ng sagot niya pero hindi niya iyon ginawa. Nakatitig lang siya sa akin.
“Uh, sige. Nakakahiya na rin naman kasi na papasamahin pa kita kaya, mauna ka na lang kina Kuya. Ako nalang mag-isang maglilibot,” bahagya ko siyang nginitian.
Nang hindi siya sumagot ay kinawayan ko nalang siya ng konti at saka tumalikod na saka naglakad palayo. Nilingon ko naman siya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin.
Nginitian ko siya ng kaunti, “Sabihin mo sa kanila na darating ako maya-maya,” usal ko at muli siyang kinawayan at binawi na ang tingin saka naglakad palayo.
Ayoko ng guluhin siya. Tsaka, baka mag-away pa kaming niyong babaeng ’yon. Ayaw ko pa namang makipag-away dahil baka isa iyon sa dahilan kung bakit ako—si Kristina ay maagang mamamatay.
Baka darating ang panahon na kaibiganin ko ang babaeng iyon baka siya ang magtatangka sa buhay ko.
Ang poproblemahin ko ngayon ay kung saan ako pupunta at paano pa ako babalik. Eh, gusto ko talagang maliwaliw ngayon baka hindi ko na magawa ito sa susunod. Ayoko rin namang pasamahin pa si Joaquin dahil una sa lahat hindi kami close.
Tsaka isa pa, paniguradong nakaalis na iyon dahil alam ko namang ayaw niya akong makasama at baka malaman pa ito ng girlfriend niya at mag-away pa sila.
Napailing nalang ako. Isa pa hindi naman sila kabilang sa misyon mo dahil may sarili silang buhay. Ngumiti nalang ako ng kaunti at naglakad na ng patuloy habang napatingin-tingin sa mga tao at mga paninda sa gilid ng kalsada.
Sobrang saya nga talaga ng mga tao. Kita sa mga mukha nila. Mukhang masaya nga sa panahon ito. Pwera nalang sa kalupitan ng mga espanyol, tss.
“Quítate de en medio!” (Get out of the way!)
Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa likuran ko kasabay niyon ang mga tili at sigaw ng mga tao.
Ano raw sabi? Hindi ko naman maintindihan.
Umulit pa ang sigaw na iyon at mas lalong nagtilian ang mga tao sa paligid ko. Maririnig pa ang malakas na pagkalabog sa lupa na parang may nagtatakbuhan at nagkakarerang mga kabayo dahil sa tunog nito. Kaagad akong napatalikod at napatingin doon at kaagad na namilog ang mga mata ko sa nakita.
“Quítate de en medio!” sigaw pa ng lalaking nakauniporme ng pang gwardia sibil na nakatingin sa akin habang nakasakay sa kalesang napakabilis tumakbo.
Doon ko napagtanto na baka ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi ay tumabi ako. Pero imbes na gawin ko iyon ay tila napako na ako sa kinatatayuan ko.
Ilang metro nalang rin ay babanggain na ako ng nagwawalang kabayo. Hindi ko na maigalaw ang mga paa ko dahil natataranta na ako. Parang ayaw pang makiayon ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko.
“Binibini, umalis ka riyan!”
Narinig ko pang sigawan ng mga tao. At ngayon ko lang napansin na ang lahat sa kanila ay nasa gilid na ng kalsada at ako nalang ang naiwan rito sa gitna dahil gumawa sila ng madaanan ng kalesa. Ito pala ang dahilan kung bakit sila nagsigawan at nagsipag-iwasan.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at hindi ko na mawari ang gagawin ko. Gusto ko ng itulak ang sarili ko palayo pero hindi ko magawa.
Ilang metro nalang ang layo ng kalesa mula sa akin at sigurado akong matinding pasa, galos at pilay ang makukuha ko rito. Higit sa lahat pwede kong ikamatay na siyang ikakasira ng misyon ko.
“Binibini, tabi!”
Panay sigaw ng mga tao sa paligid ko. Pero kahit anong sigaw nila ay hindi ko man lang maikilos ang katawan ko.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko nang makitang halos limang metro nalang ang layo ng kalesa sa akin at alam kong anuman segundo at mamamatay na ako sa pagkadagan nito sa akin. Napapikit nalang ako sa kaba, at halos lumuwa na ang puso ko, humihiling na sana ay huminto ang kalesa.
Lord, please. I can’t die now. Pahintuin mo po ang kalesa, sige na po pakiusap—
Hindi ko na natapos pa ang pagdasal ko nang biglang may marahas na humigit sa pulsuhan ko at hinila ang naninigas at nanlalamig kong katawan. Naramdaman ko nalang ang pagkatama ko sa isang matigas na bagay na parang kinukulong ako.
Sa sandaling iyon ay napatigil ang paghinga ko at marahas kong ipinikit ang mga mata ko. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Narinig ko pa ang unti-unting paghina ng tunog ng mga paa ng kabayo na tumatakbo, mukhang palayo na ito.
Agad akong napadilat at tumambad sa akin ang...naka-americanang damit ng isang lalaki. Katapat ko ang kaniyang dibdib na parang hinihingal dahil sa may kabilisan ang kaniyang paghinga.
Napaangat ako ng ulo at kasabay pamilog ng aking mga mata at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ang lalaking walang iba kundi si Joaquin, ulit.
Napatingin siya sa akin. Magkasalubong ang kaniyang makapal na kilay na bakas sa mukha niya ang pagkairita at pag-aalala yata?
Hindi ako nasagasaan?!
Agad kong napansin ang amin sitwasyong hindi masyadong pasok sa itiketa ng kapanahunang ito. Nakapatong ang kanan kong braso sa kaliwa niyang balikat. Ang kaniyang kanang kamay ay nakahawak sa pulsuhan ng kaliwa kong kamay at ang kaniyang kanang braso ay nakapulupot sa bandang kanan ng beywang ko, at sobrang lapit na namin sa isa’t-isa na wala ng espasyo sa pagitan namin at amoy na amoy ko na ang pabango niya. Sobrang bango niya.
Oh my goodness, Chestinell! What are you doing?!
Nang pumasok sa kokote ko ang nangyayari ay mabilis akong napabitaw sa kaniya at bahagyang lumayo. Napahawak ako sa dibdib ko na hanggang ngayon ay kumakabog pa rin dahil sa gulat at hinabol ang mabilis kong paghinga, nanginginig rin ang mga tuhod ko. Napaatras rin siya ng konti at napatikhim.
“Ayos ka lamang ba, Binibini?” aniya, kaya napatingin ako sa kaniya.
Magkarugtong pa rin ang kaniyang mga kilay. Bahagya akong ngumiti kahit kumakabog pa rin ang dibdib ko.
“Oo, ayo–ayos lang,” paghingang malalim na sagot ko. “M-maraming salamat sa pagligtas sa akin Joa—Ginoong Joaquin,” sinsero kong dugtong at nginitian siya habang pilit na kinakalma ang puso ko.
Baka kung wala siya ngayon ay nakahiga na ako sa kalsada at puno ng galos, pasa at pilay ang katawan ko.
Bahagya niyang itinaas ang kaliwa niyang kilay saka tinitigan ako at ilang sandali ang lumipas bago siya magsalita, “Hindi mo naman yata binabalak na kitilin ang iyong buhay sa harap ng maraming tao?” aniya pa.
Mabilis akong umiling, “Hindi ah.”
“Kung ganoon, bakit nanatili ka na lamang na nakatayo kahit iyong nakikitang papalapit na ang kalesa?” taas kilay na tanong niya.
Napangiwi ako, “Err kasi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla nalang akong nanigas doon,” tugon saka napayuko.
Ay nakakahiya naman ’to. Tsaka baka ikwento niya pa kay Clara ang nangyari at baka pagtawanan pa ako niyon.
“Pero, maraming salamat at niligtas mo ’ko. Akala ko mamamatay na ako eh,” pagpapasalamat ko uli at nahihiyang ngumiti sa kaniya saka pinapayan ang sarili gamit ang mga palad.
Nawala kasi ang abaniko kong dala. Kaya napatingin ako sa paligid at nakita kong nahulog iyon sa may likuran ni Joaquin kaya dali-dali ko iyong pinulot at bumalik sa harap niya.
Nanatili naman siyang nakatitig sa akin habang mabilisan kong pinaypayan ang sarili ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero hindi iyon tumalab para mapaiwas siya ng tingin.
May bigla naman akong naalala kaya tinanong ko siya, “Diba, nakaalis ka na? Bakit ka bumalik?”
Napatikhim naman siya at napatingin sa unahan, “Hindi ako umalis. Ang aming napagkasunduan ay sa sandaling ika’y makita ay dadalhin ka kaagad sa sentro ng bayan.”
Bigla ko namang naalalang maglilibot pa pala ako kaya napasimangot ako, “Eh, maglilibot pa ako eh.”
Napataas na naman ang kilay niya saka seryosong tingin ang ibinigay sa akin na ikinailang ko.
“Hanggang kailan ka ba maging sutil, Binibini? Kailangan na nating bumalik roon,” seryosong sabi niya. Teka, galit ba siya?
“Eh, hindi pa ako tapos. Last—este panghuli na ’to. Saka mabilis lang ako. Mauna ka na lang kung gusto mo ng bumalik doon. Maayos lang ako. Huwag mo ng sayangin ang oras mo sa akin,” ani ko at inayos ang damit kong bahagyang natabingi dahil sa nangyari.
Napabuntong hininga naman siya ng kaunti at may ibinulong sa sarili.
“Huh?” naguguluhan kong sambit nang hindi marinig ang sinabi niya.
Hindi naman niya ako pinansin at naglakad na papunta sa direksiyon na patutunguhan ko sana. Napakunot ang noo ko at kaagad siyang sinundan at naglakad sa tabi niya.
“Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta? Diba roon ang daan papunta sa sentro ng kanilang bayan? Or may short-cut ba rito?” sunod-sunod kong tanong.
Sinulyapan naman niya ako at kaagad na ibinalik ng tingin sa harap.
“Hindi ba at nais mong mamasyal? Sasamahan kita, baka kapag ako’y umalis bawian ka pa ng buhay sa pagpapabaya sa sarili.”
Kaagad namang nagdugtong ang mga kilay ko.
Aba itong lalaking 'to.
Napasimangot naman ako, “Sobra ka naman. Nawala lang sa isip ko ang gagawin ko kaya gano’n,” tahimik kong sagot. “Pero salamat sa iyo dahil niligtas mo ako,” napangiti ako.
Napalingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, “Hindi ko akalaing sa loob ng hindi aabot sa labinlimang minuto ay masasambit mo ng paulit-ulit ang salitang iyon,” nakaismid na aniya.
Napataas uli ang kilay ko, “Marunong ka palang magpasalamat, Binibini?” uyam niya pa.
Ibig sabihin ba niya hindi nagpapasalamat si Kristina?
Bahagya ko siyang nginitian, “Syempre, lahat ng mga bagay dapat pinagpapasalamatan. Salamat uli,” nakangisi kong ani. “Saka salamat din dahil sinamahan mo akong mamasyal,” dagdag ko pa.
Hindi naman siya sumagot at bahagyang inihilig ang ulo niya sa banda ko, sa kaliwa. Nakangiti naman akong napatingin sa unahan habang kasabay siya sa paglalakad.
“Teka,” napalingon ako sa kaniya, “hindi ba magseselos si Clara nito?” pagtatanong ko.
Lumingon naman siya sa akin at binigyan ako ng naiinip na tingin.
Napatikhim naman ako, “Alam mo na, na magkasama tayong dalawa. Alam naman natin na magkaaway si K—kaming dalawa at kasama pa kita. Baka maghiwalay pa kayo niyan?”
Pero imbis na sumagot siya at nakatingin lang siya ng seryoso sa unahan. Hmm, siguro ay sensitive siya sa paksang ’to lalo na at kailan lang ay nahiwalay sila tapos nagbalikan ulit. Dahan-dahan akong napatango at tahimik nalang na naglakad kasabay siya.
Malayo-layo na rin ang narating namin at abala lang ako sa kakatingin sa paligid at sa mga paninda na nadadaanan namin.
Tahimik lang si Joaquin na nasa kanan ko at nakatingin sa unahan at nakikitingin rin sa mga paninda na nadadaanan namin.
“Ilang beses ka na bang nakapunta rito? Anong magandang puntahan?” pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa at tumingin sa kaniya.
Dahil sa tanong ko ay napalingon siya sa akin at hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa akin.
“Maraming beses na,” tipid na sagot niya, gamit ang tono na ‘Nagtanong ka pa. Parang hindi alam’.
Eh hindi ko naman talaga alam ah.
Napatango naman ako. Siguro ay nadala na rin niya rito si Clara at nagdate sila rito. Napairap nalang ako sa naisip. Ibinalik ko nalang ang atensiyon ko sa paligid.
May mga nakikita naman akong mga babaeng nakakasalubong namin na panay ang tingin at ngiti sa taong katabi ko na halatang nagpapansin, at kapag tumingin sila sa akin ay sinasamaan pa ako ng tingin. Kaya inirapan ko nalang.
Si Joaquin naman ay parang walang pakialam sa kanila at diresto lang ang tingin. Napaismid naman ako ng kaunti.
Paano nalang siguro kung kasama ko pa ang buong Gorgeous 8 baka ay pagkaguluhan na ang mga ito. Makakita ka ba naman kasi ng mga nagagwapuhang mga binata hindi ka ba mapapalingon?
Napatigil naman ako sa paglalakad nang may isang batang babaeng may dala-dalang dalawang piraso ng bulaklak—rosas na kulay pink, ang sumalubong sa amin.
Napahinto rin si Joaquin at napatingin sa bata. Ngumiti ang bata sa amin na sa tingin ko ay nasa walong taon ang edad, at nakasuot ng medyo maruming kamisa at saya.
“Magandang bati po sa inyo,” nakangiti sabi nito.
Naramdaman ko namang napatingin sa akin si Joaquin na parang naghihintay sa gagawin ko. Hindi ko nalang siya pinansin at ngumiti sa bata.
“Hi—este, magandang bati rin sa'yo. Anong pangalan mo?” tugon ko.
“Chora po ang aking pangalan, Binibini,” magalang na sagot niya kaya napatango ako.
“Ako naman si Che—Martina,” pagpapakilala ko at lumingon kay Joaquin na nakatingin pala sa akin, “Siya naman ay si Ginoong Joaquin,” dugtong ko.
Napangiti naman ang bata ng nakakaloko na siyang ikinapagtaka ko.
“Napakaganda niyo po at napakakisig. Masasabi kong napakabagay niyo nga po sa isa’t-isa. Isang napakaperpektong magkasintahan,” nakangising sabi niya.
What?! Magkasintahan? Aba 'tong batang 'to alam na ang ganoong bagay.
Natawa naman ako ng pilit at lumingon kay Joaquin na nakataas ang kilay doon sa bata na nakangisi naman sa kaniya. Kaagad akong napailing.
“Chora, nagkakamali ka. Hindi–hindi ko siya kasintahan,” paglilinaw ko.
Mas lalo namang napangisi si Chora, “Binibini, huwag niyo naman pong ipagkaila sa harap pa mismo ng iyong kasintahan,” aniya pa na parang mas matanda pa kesa sa akin kung makapagsalita.
Napakunot ang noo ko, “Hindi ko nga—hindi kami magkasintahan,” pag-uulit ko.
Pero imbis na makinig sa akin ay lumingon siya kay Joaquin at bahagyang hinila ang lalayan ng kaniyang coat.
“Ginoo, bilhin niyo ho itong bulaklak at iregalo niyo sa kasintahan niyong ipinagkaila kayo. Marahil po ay nagkagalit kayo, tama po ba ako?” sabi niya pa rito.
Wala namang reaksiyon si Joaquin at nakatingin lang sa bata. Maya-maya pa ay nagsalita siya, “Chora, ang Binibining iyan ay hindi ko kasintahan. Ngunit bibilhin ko nalang itong bulaklak at ibibigay ko sa babaeng nilalaman ng aking puso,” aniya nang hindi ako tinapunan ng tingin.
Dahil sa huling sinabi niya ay nawala ang ngiti ko at bahagya ako nadismaya, na hindi ko alam kung bakit.
Si Chora naman na kanina ay nakangisi ngayon ay biglang nawala na ang kaniyang mga ngiti at lumingon sa akin at bumalik uli kay Joaquin saka bumalik uli sa akin kaya tumango ako ng dahan-dahan bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Joaquin. Bigla namang natawa si Chora na siyang ikinakunot ng noo ko.
“Nakakatuwa naman po kayong magkasintahan. Harap-harapan pa po kayo mismong ipinagkaila ang isa’t-isa. Nakakasiguro po akong mayroon nga po kayong hindi pagkakaintindihan,” nakangisi na sabi niya sabay abot kay Joaquin sa mga bulaklak at ngumuso sa direksiyon ko.
Napalingon naman si Joaquin kaya kaagad akong napailing at tumingin sa malayo.
Nagbayad naman si Joaquin sa bulaklak kay Chora at bago siya umalis ay nginitian naman niya kami sabay sabi, “Magkaayos na po sana kayo. Sana po ay sa muli nating pagkikita ay mayroon na po kayong mga supling. Marami pong salamat sa inyo!” aniya sabay karipas ng takbo.
Kaagad naman na namilog ang mga mata ko at nahihiyang lumingon kay Joaquin at bahagyang umiling.
What?! Goodness, supling kaagad? Hello, ni hindi ko pa nga alam ang apilyedo nito. Batang ’yon oh.
Lumingon naman sa akin si Joaquin na siyang ikinabigla ko kaya agad akong napaiwas ng tingin. Ilang sigundo pa ay hindi siya nagsalita kaya napalingon ako sa kaniya at nagulat ko nang makita kong nakatitig siya sa akin.
Kaya agad akong natawa ng pilit, “Eh, ’wag mo nalang pansinin ’yon. Bata pa kasi at kung ano-ano nalang ang sinasabi,” pagmungkahi ko.
Dahan-dahan naman siyang tumango, “Alam ko iyon, Binibini.”
Mabilis naman akong ngumiti at tumango, “Okay, tara na ulit?”
Inaya ko nalang siya at pasimpleng tumingin sa rosas na hawak niya na ibibigay niya raw sa babaeng nilalaman ng puso niya—si Clara. Hmp! Eh hindi naman dapat bigyan ng bulaklak ang babaeng iyon eh napakapangit ng ugali.
Binawi ko na lamang ang tingin ko roon at naglakad na ulit. Tahimik rin naman si Joaquin sa gilid ko. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga paninda na nadadaanan namin na nilalapitan at hinahawakan ko. Sa dami ng mga magagandang bagay na andito ay hindi ko alam kung anong bibilhin ko.
Sobrang dami pa nga rin ng mga tao at mas lalo pa silang sumaya nang may parada na dumaan sa gitna ng kalsada, na siyang sinabayan ng masayang kantahan, sayawan ng mga tao at sumama na rin sila sa parada. Napangiti naman ako ng sobra habang pinagmamasdan ang mga tao.
“Napakasaya nila oh,” usal ko kay Joaquin na nasa tabi ko habang pinapanood ang parada na papaalis.
Naghintay ako na magsalita siya, pero nang hindi niya iyon ginawa ay napalingon ako sa kaniya. Napataas ang kilay ko nang makita kong nakatingin pala siya sa akin.
Nailang tuloy ako dahil hindi siya kumibo, kaya napatakip ako sa mukha ko habang nakatitig sa kaniya.
“May dumi ba ang mukha ko?” conscious kong tanong.
Napakurap naman siya at umiwas ng tingin.
“Wala. Ipagpaumanhin ang aking kapangahasan, Binibini,” aniya sabay tingin sa lupa na parang nahiya na nailang.
Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kaya dahan-dahan akong tumango.
“Alis na tayo,” aya ko sa kaniya at hinatak na siya palayo doon.
Nakarating kami sa Kalye Peryani, ayon sa poste nakatirik sa kanto ng kalye. Medyo kaunti lang ang mga tao rito kumpara sa lugar na napuntahan namin kanina na medyo siksikan na.
Sa di kalayuan naman ay may natanaw akong isang antique shop ang itsura na kagaya ng nasa 2020. Sa labas ay kulay brown ang lahat ng pintura at ang vibe nito at pang vintage or makaluma talaga. Nakangiti akong naglakad papunta roon dahil na-curious ako.
“Binibini.”
Napahinto ako nang marinig ko si Joaquin, kaya napalingon ako sa kaniya.
“Bakit?” tanong ko at hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
Seryoso naman siyang nakatingin sa akin at maya-maya pa ay itinaas niya ang kamay niya na may hawak sa dalawang rosas kalebel sa may ibaba ng mukha ko.
“Para sayo,” walang katono-tonong usal niya.
Bahagyang nawala ang ngiti ko dahil sa pagtataka, “Sa–sa akin? Hindi ba ibibigay mo ’yan kay Clara?” hindi makapaniwalang usal ko sabay turo sa sarili ko.
Napataas naman ang kilay niya, “Bakit ko naman ito ibibigay sa kaniya?” tanong niya pa habang nakalutang pa rin sa ere ang kamay niya.
“Dahil kasintahan mo siya?” sagot ko gamit ang tono ng ‘Halata ba?’.
Mukha naman siyang napairap at tumingin sa malayo.
“Ibibigay ko ito sayo, sapagkat hinuha ko ay hindi mo pa naranasang mabigyan ng bulaklak,” sabi niya pa sabay lingon sa akin at parang inaasar pa ako at napataas pa ang gilid ng kaniyang labi.
Napakurap naman ako ng ilang beses.
Aba ’to.
Napasimangot nalang ako at tinaggap iyon sabay amoy sa mga ito. Matapos kong tanggapin ay bahagya siya napatitig sa akin saka naglakad na at nilampasan ako.
Pero ang sabi niya ibibigay niya ito sa taong nilalaman ng kaniyang puso, edi si Clara nga iyon.
Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na lamang ang sarili kong inaamoy ang dalawang bulaklak habang nakangisi na parang baliw na nakatalikod sa paalis na pigura ni Joaquin.
Hindi ko alam kung bakit sa loob-loob ko ay natuwa pa ako sa halip na maasar sa sinabi niya dahil totoo rin naman na wala pa akong natanggap na bulaklak mula sa sino man.
Masaya siguro ako dahil naranasan ko na ang mayroong nagbigay sa akin ng bulaklak. Kahit pa hindi ko gusto ang kulay atleast meron. Nakangisi nalang akong tumalikod at sumunod sa kaniya na pumasok doon sa antique shop.
Nadatnan ko siya sa loob ng tindahan na naglilibot na parang mayroong hinahanap. Siguro ay bibilhan niya si Clara ng regalo. Naglibot nalang ako ng mag-isa.
Napatigil ako sa may counter nang mayroong umagaw sa atensyon ko. Kaagad akong lumapit doon. Sa isang kahoy na stand ay mayroong nakasabit na pulseras. Kumuha ako ng isa pero bahagya akong nagulat nang nasama ang isa at nahulog sa counter desk.
“Pares iyan, Binibini.”
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakasandal sa aparador sa may harapan ko at nakatingin sa akin. Bahagya siyang ngumiti kaya sinuklian ko. Nginuso naman niya ang pulseras na nahulog sa harap ko.
“Pares iyan,” ulit niya pa.
Napangiti naman ako saka tumango.
“Bawat pares ay may iba’t ibang disenyo at kakaiba ang pakayari kung kaya’t wala iyang kapareho sa kahit saan man rito sa bayan,” aniya pa.
Napatingin naman ako sa iba pang mga pares ng pulseras at tama nga ang sabi niya, magkaiba ang lahat ng mga naroon.
“Tanging-tangi lang ang bawat pares na iyan,” dagdag niya pa habang nakatitig sa akin.
Lumapit naman siya at umupo sa upuan sa counter, “Para ba iyan sa iyong kasintahan?”
Natawa naman ako sa sinabi niya at mabilis na umiling, “H-hindi po. Sa akin lang po,” sagot ko.
Napatango naman siya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Pares iyan, Binibini. Nararapat na may magmay-ari ng isa,” sabi niya pa.
Dahan-dahan naman akong napangiti nang may naisip ako.
“Magkano po ito?” tanong ko sa matanda.
Napangiti naman siya na parang may binabalak akong hindi maganda, “Piso at labinlimang sentimo, Binibini,” tugon niya.
Kaagad ko namang kinuha ang maliit na pitaka sa sling bag na suot ko saka kumuha ng dalawang piso at ibinigay sa kaniya.
“Sa inyo nalang po ang sukli,” usal ko sabay ngiti.
Hindi ako sanay na iyong pera na tinatapon nalang sa 2020 dahil para sa iba ay walang pakinabang ay sa panahong 'to malaki na ang halaga.
Napangiti naman ng sobra ang matanda, “Pagpalain ka ng Panginoon, Binibini. Maraming salamat,” aniya pa.
Napailing naman ako, “Wala po iyon. Sige po, alis na po ako,” pagpapalam ko.
Kaagad naman siyang tumango, “Mag-iingat ka Binibini. At isa pa, nakakasiguro akong magugustuhan iyan ng taong iyong pagbibigyan.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya at umalis na roon at lumapit kay Joaquin na naroon sa istante ng mga libro. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin na dumating.
Goodness, nakatalikod pa nga lang ay napakakisig na niyang pagmasadan—what?! Anong sinasabi mo, Chestinell? Napakaasyosa mo ha. Tumigil ka nga.
Napahinga nalang ako ng malalim at bahagya siyang sinundot sa may balikat, “Uh, Joaquin?” pagtawag ko.
Lumingon naman siya sa akin ng walang kapakipakialam. Parang hindi man lang siya nagulat na nandito ako sa likod niya. Tinaasan naman niya ako ng kilay sabay sauli ng librong hawak niya at kumuha uli ng isa.
Aish, nakakahiya naman ’to.
“Eh kasi...”
Napatigil ako at pasimpleng pinipigilan ang puso kong halos lumuwa na dahil sa kaba, “Nakita ko kasi itong pulseras at nagustuhan ko, kaso dapat dalawa kasi ang bibilhin dahil pares sila.”
Oh my C! Why am I explaining?! Bumibilis pa ang tibok ng puso ko, sobra!
“Kaya naisip kong ibigay sa'yo ang isa,” dugtong ko.
Dahil sa sinabi ko at napatigil siya sa pagbuklat ng libro at napalingon sa akin.
“Ah, walang ibig sabihin 'to,” kaagad kong paglinaw.
Baka sabihin pa niya crush ko siya kaya ko siya binigyan, eh hindi naman. Gusto ko lang bilhin 'to eh dahil na-attract ako, kaso pares pala. Isa pa, wala naman akong bibigyan nitong isa, kaya sa kaniya nalang.
“Bilang pagpapasalamat nalang din dahil sa pagligtas mo sa akin kanina. Token of Appreciation kumbaga,” kaagad naman akong napapapikit nang maalala kong hindi pala sila into English.
Hay Chestinell.
“Ito o,” usal ko sabay abot sa kaniya ng pulseras na kapares noong sa akin.
Kulay itim na may kaunting puti ang kulay ng band na ginamit sa paghabi ng sa kaniya. May mga beads din na maliliit na nakatahi roon na kulay puti na kumikislap pa dahil sa kinang at kinis ng mga iyon.
Ang sa akin naman ay kapareho ng disenyo sa kaniya pero kasalungat lang ang kulay. Sa akin ay puti na may kaunting itim. Pati na rin ang mga beads ay kulay itim. May mga sobrang tali-tali ang mga iyon na nagsilbi bilang mga nakabitin na mga disenyo at panghigpit kapag isusuot.
Napatitig naman siya sa nakalahad kong kamay sa ere na hawak ang pulseras.
“Walang ibig sabihin iyan, bukod sa pasasalamat. Kaya hindi ka dapat mag-alala kapag nakita iyan ni Clara,” paglilinaw ko at ginalaw iyon para kunin niya.
Pero imbes na tanggapin niya ay nakatitig lang siya rito. Dahil doon ay kaagad kong kinuha ang kamay niya saka nilagay iyon sa palad niya. Bahagya naman siyang nagulat at napatingin sa kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya.
Aba, hindi ako papayag na ang alok ko ay marereject noh. Ito kay ang unang beses kong magbigay ng isang bagay sa taong hindi ko kaclose at lalo na at lalaki pa.
Aish, Chestinell. Ano ba ang nangyayari sa 'yo?
Speaking of lalaki, kaagad akong napabitaw sa pagkahawak ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko.
Nakakahiya ka talaga, Chestinell! Ilang beses ka ng nakahawak sa kaniya sa loob ng araw na 'to?
Baka sabihin pa niyang napakamapangahas na babae ni Kristina, siguradong born with etiquette on the side ’yon—at sigurado kong alam iyon ng mga tao sa paligid, dahil syempre anak mayaman. Ang ugali niya lang ang hindi kabilang doon.
“Uh, sor—paumanhin. Hindi ko sinasadya,” sambit ko at napaatras ng kaunti at ngumiti ng pilit sa kaniya.
Napatikhim naman siya at tumingin sa akin matapos pagmasdan ang pulseras na ibinigay ko.
“Salamat, Binibining Martina,” aniya kaya napangiti ako ng malapad.
“Walang anuman,” mabilis kong usal.
Napatango naman siya at tumingin sa paligid, “Mayroon ka pa bang nais puntahan?” usisa niya.
Kagyat akong napailing, “Wala na. Punta na tayo kina Kuya. Sigurado akong nag-alala na iyon ng sobra,” sagot ko at bahagyang napawi ang ngiti nang maalala sina Kuya.
Paniguradong lagot talaga ko nito.
“Kung ganoon, tayo na,” aniya at inilahad ang kamay sa daanan.
Mabilis akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Tayo?
Ah, aalis na raw. Ano ba? Chestinell huwag ka ngang hangal. May kasintahan na nga ’yong tao nilalagyan mo pa ng malisya ang mga sinasabi. Magtigil ka nga. What is happening to you?
Napatango naman ako at naglakad na papalabas ng tindahan, pero bago ko pa magawa iyon ay nahagip ko pa ang matanda na kausap ko kanina na nakatingin sa akin kay nilingon ko siya.
Nakita ko naman na nakangisi siya sa akin habang pinagmasdan kaming dalawa ni Joaquin. Nginitian ko nalang siya at kumaway, at ganoon din naman siya sa akin. Nginitian ko siya sa huling pagkakataon at lumabas na roon kasunod si Joaquin.
Akala ko magiging boring ang pamamasyal ko, dahil nawalay ako kina Kuya, hindi naman pala.
Dahil nakakagulat ang mga nangyari sa akin.
Sa Taong 1890
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro