Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

| Kabanata 15 |


Enero 1,1890

No me sorprenderia!
Matapos ang piging ng Navidad na siyang inihanda ng Gobernador, siya rin naman ang iginaya niya para sa pagpapapalit ng taon. Hipócrita!

Hindi ibig sabihin na siya'y Teniente Mayor ng bayan na ito ipagmamalaki na niya ang kaniyang sarili sa harap ng publiko.
Kung kaniya nalang ilalahad at ipakita kung gaano siya kasamang ama sa kaniyang anak, ako pa'y magagalak.
Hipócrita!

— Martina



Pagkatapos ng pagpapatahan ni Kuya kahapon ay naging maayos na ng kaunti ang loob ko—emotionally. Matapos niyang sabihin ang pangako niya ay nagpahid na ako ng mga luhang umagos mula sa mga mata ko at kaagad siyang nginitian at tiniyak siyang ayos lang ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na.


Masaya talaga akong may mga karamay na ako sa buhay.


Nagpaiwan ako doon sa likod-bahay at siya naman ay umalis papunta sa pag-aaral niya. Pero ilang sandali lang din ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nagbasa ng sulat. May mga okasyon talagang si Ama ang host niyon kagaya ng New Year at invited lahat ng mga mayayaman at kilalang pamilya sa bayan na ito, pati na rin ang mga may posisyon sa gobyerno. Syempre, hindi na ako magtataka pa. Riches and their wealth, ika nga.


Sa tindig ni Ama ay makikita mo talagang opisyal siya ng gobyerno. Sakto lang at matibay ang pangangatawan niya kahit hindi iyon kalakihan. May bigote siyang hugis mangkok na mahaba na nakataob. Nakaayos ang kaniyang maikling buhok. Lagi rin siyang naka-pormal na suot o di naman kaya'y naka-uniporme siya. Kung ang kay Gobernador Timoteo ay maroon at gold, ang sa kaniya naman ay black at gold. May dala rin siyang tungkod niya na shiny dark brown at sa bawat dulo ay may engraved designs na kulay gold. Abot hanggang sa may baba ng beywang niya ang haba n'on at sa tingin ko ay nasa isang inches or and a half ata ang kapal n'on. 


Maayos naman siyang maglakad kung wala iyon, siguro ay suporta niya lang iyon at pandagdag na rin siguro ng official look niya. May kahawig nga 'yon sa tungkod ni Lolo Alejandro eh. Baka iisa lang ang mga 'yon? Heirloom kumbaga. Ay chos, kung ihambalos ko kaya 'yon sa kanila? Lahat ng mga nakaari n'on ang sasama ng ugali eh! Kairita.


Ibinalik ko nalang ulit ang sulat sa kahon at nilagay sa ilalim ng kama. Napatingin naman ako sa pinto nang may narinig akong mga yabag at tawanan sa labas ng kwarto. Napakunot ang noo ko at kaagad na naglakad papunta roon at binuksan iyon saka sumilip sa hallway. Nakita ko sina Kuya Lucio at Kuya Marco na naglalakad papalapit galing sa kwarto ni Kuya Lucio na pinaka una sa nakahelera naming kwarto apat.


Una kasi kay Kuya Lucio, sunod naman iyong akin, tapos kay Kuya Marco at ang kay Kuya Lucas ang huli na katapat ng hagdan pababa at katabi ng azotea. Ang kwarto naming apat ay nakaharap sa entrance ng mansion. Ibig sabihin,ang kwarto namin ay kitang-kita kapag may mga taong papasok sa residensiya ng mga Del Veriel.


Ang kina Ina ay nasa pinakadulo, opposite ng hagdan, sa gilid na parte ng floor at mansiyon. Pinagitnaan iyon ng opisina ni Ama at library. At ang ibang mga kwarto na rito na katapat ng mga kwarto namin ay ang mga guest rooms na at sa likod din n'on ay iba pang mga kwarto na may specific use. Saka mayroon ding balkonahe na sa likod-bahay nakaharap na nakakonekta sa salas nitong ikatlong palapag, na nasa may hagdan. Sa may hagdan din at sa salas ay naroon ang mga antique wares, paintings ng buong pamilya at iba pang mga designs.


Nakabihis panglakad sina Kuya at may dala silang mga sombrero. Mukhang excited pa sila. Saan naman kaya sila pupunta? Lumabas ako ng kaunti sa kwarto.


"Kuya, saan kayo pupunta?" tanong ko. Napatigil naman sila nang marinig at makita ako, at lumapit sa akin.


"Ah, Martina, paroroon kami sa kabilang bayan," nakangiti pang sagot ni Kuya Marco. Kabilang bayan?


"Siya nga pala, Martina, nais mo bang sumama sa amin?" tanong ni Kuya Lucio.


Agad nanlaki ang mga mata ko. Sumama sa kanila? Sa kabilang bayan? Ibig sabihin, makakalabas uli ako ng mansion at gagala?!


"Of course!" excited kong bulalas habang nakangisi. "Okay, sandali lang mag-aayos lang ako. Wait niyo ako ha? Sasama ako. Saglit lang ako," kaagad kong dugtong habang nakapush sign ang mga kamay ko at kaagad na kumaripas papasok sa loob para makapaghanda na.


"Kami ay maghihintay lamang sa baba, Martina," rinig kong sabi ni Kuya Lucio.


Napatakbo kaagad ako sa aparador ni Kristina at binuksan iyon. Ano ba ang susuotin ko?


Napangiwi ako habang nakatingin sa mga damit sa loob. Lahat ay puro mga magagara. Tatandaan ko na talagang ang aparador na narito sa labas ay puro magagara at bongga. At ang mga simple lang ay nasa bihisan. Agad ko iyong isinara at tumakbo papunta sa bihisan at doon binuksan ang isa niya pang aparador. Kinuha ko ang pares ng baro at saya na kulay sky blue na may mga burdang paru-paro sa laylayan ng saya, at kaagad na isinuot 'yon.


Ang camisa ay 'yong blouse ni Kristina na kadalasan ay long sleeves, at may hanggang siko rin. May transparent na tiniternohan ng panuelo at mayroon namang hindi transparent. May pambahay at simple siya at may mga magagara rin. Ang mga baro naman ay iyong mga blouse na maluluwag at maypagka bell-shaped 'yong manggas. Iyon rin 'yong maypakamabundok ang sa balikat na parte ng blouse. Tiniterno rin siya syempre ng mga panuelo. Kagaya ng camisa niya ay may parehong transparent at hindi ang tela at saka pambahay at may mga pang gatherings at events. Ang mga saya naman niya ay mga makakapal at puffy. Layers ang mga tela kaya medyo mabigat. Wala nga akong nakitang saya na medyo slim at magaan, lahat ay parang sa gown. Syempre, prinsesa itong Kristina'ng ito eh.


Oh my goodness! Excited na ako! Sa kabilang bayan pa talaga kami pupunta. Ano naman kaya ang gagawin namin doon?


Nagpunta rin ako sa vanity table at nag-ayos ng mukha para fresh. Ipinusod ko ang hanggang beywang kong buhok at naglagay ng hairpin na paru-paro rin ang disenyo na kulay sky blue na terno ng damit ko. Kinuha ko rin iyong maliit na sling bag, na binurda rin ang disenyo at kulay brown ni Martina saka nilagyan ng barya at pera na nakita ko sa vanity table niya. Kumuha rin ako ng pamaypay pangontra init, kahit pa ang original use naman talaga n'on ay for modesty. Eh, mainit ang damit ko eh.

Nagpalit rin ako ng suot na sapatos at dali-dali ng bumaba papunta kina Kuya. Baka iniwan na nila ako. Ito pa naman ang first time kong makakapunta sa ibang lugar tapos mamimiss ko pa.


Nadatnan ko sina Kuya sa baba na nag-uusap. Napalingon naman sila sa akin nang marinig nila ang nagmamadali kong yabag.  Agad silang napangiti nang makita ako.


"Mukhang nasasabik na yata si Martina na pumaroon," ani Kuya Lucio na nakangisi pa.


Napangiti naman ako. "Sobra po, Kuya. Hindi na nga ako makapaghintay," tugon ko kaya napatawa naman sila.


"O siya, humayo na tayo," usal ni Kuya Marco.


Napakunot naman ang noo ko at napalingon sa hagdan, naghihintay na may bumaba. Wala kasi si Kuya Lucas. Nasaan naman kaya siya? Sasama ba siya sa amin? Nauna na ba siya roon?


Napansin naman iyon nina Kuya, kaya napatanong si Kuya Lucio, "Mayroon ka bang nais kunin o mayroon ka pang kailangan?"


"Nasaan pala si Kuya Lucas? Sasama ba siya sa atin?" pangungusisa ko at lumingon sa kanila.


"Ah, hindi siya makakasama sa atin. Mayroon kasi siyang lakad kasama ang kaniyang kasintahan," nakangisi na sagot ni Kuya Marco na parang natatawa pa sa ideya tungkol sa kasintahan.


Kasintahan? So kasintahan nga niya talaga si Guada.


Napatawa ako ng kaunti. "Ah, sayang naman kung gano'n," sagot ko na medyo dismayado. Akala ko naman kasi magkasama kaming apat. "Tara na?" pang-aaya ko nalang sa kanila. Agad naman silang napatango at naglakad na kami pababa ng mansiyon.


May kalesa na nakaparada sa harap ng mansiyon sa may baba ng hagdan at kutsero na nakatayo sa may pinto nito. Nang makababa kami ay bahagya naman siyang yumukod at binuksan na niya ang pinto. Tinulungan naman ako nina Kuya papaakyat at sumunod din silang dalawa saka umupo sa harap ko.


Maya-maya pa ay umusad na ang kalesa papalabas ng gate ng mansiyon. Pero sa halip na sa daan papunta sa sentro ng bayan ang tinatahak namin ay dumiretso kami sa mahabang kalsada na nakalatag sa harapan ng Casa Del Veriel.


"Ano po pala ang gagawin natin sa kabilang bayan?" kuryoso kong tanong.


"Araw ng Pag-aangkat ngayon sa Puente de la Reina," tugon ni Kuya Lucio.


Araw ng Pag-aangkat? Puente de la Reina? Bakit kahawig ang pangalan niya sa Fuente Ilaraya?


"Araw ng pag-aangkat? As in 'yong galing sa ibang mga lugar 'yong mga produkto?" taas kilay kong tanong.


Napakunot naman ang noo ni Kuya Marco, "'As in'?" usal niya pa.


Napakamot tuloy ako sa batok ko at ngumisi, "Ang ibig kong sabihin, uh, nangangahulugan ba o ibig sabihin galing sa ibang lugar ang mga gamit o kung ano pa man ang naroon?" pagpapaliwanag ko.


"Oo. Tiyak na napakaraming tao ang naroon ngayon upang makipagdiwang sa mga taga-Puente de la Reina. Taon-taon ay napakasaya ng bawat pagdiriwang. May sari-saring mga bagay at mga kagamitan mula pa sa iba't ibang probinsya na napakaganda ang pagkayari na maari mong mabili," sabik na paliwanag ni Kuya Lucio.


"At, mayroon ding pagkakataong libre na ang iba," pagsingit ni Kuya Marco.


Oh my goodness! Talaga? Uunahin ko talaga 'yong libre. Grab the opportunity na tayo, ano ba. Iiimpok ko iyon para ilalagay ko sa malaking kahon at ipapamana ko sa sarili ko sa future. Malaki na rin ang kikitain ko roon at makakapamuhay ako ng payapa ng mag-isa.


"Napakasayang nga noong mga pagkakataong iniimbitahan ka naming sumama ngunit ayaw mo naman," sabi pa ni Kuya Marco.


"Ngunit mabuti na ngayon at ika'y aming kasama na. Tiyak na magugustuhan mo roon, Martina," nakangiting tugon ni Kuya Lucio.


Napangisi naman ako. "Syempre naman, Kuya. Sa kwento niyo pa lang sigurado na," wika ko, "Nga pala Kuya, bakit ang pangalan ng kabilang bayan ay medyo kahawig ng sa Fuente Ilaraya?" taka kong tanong nang maalala ko 'yon.


"Nakalimutan mo na ang tungkol doon? Palagi iyong ikinukwento ni Lola Aurelia," kunot-noong sagot ni Kuya Lucio. Pareho silang nakatingin sa akin ngayon habang nakakunot ang noo.


Hay naku. Sana hindi nalang ako nagtanong. Curious lang naman kasi ako. At saka sino ba si Lola Aurelia? As in 'yong Mama ni Ama or ni Ina?


"Ang kwento tungkol sa pangalan ng mga bayan sa ating probinsiya ay ang aking pinakapaborito," dugtong ni Kuya Lucio.


"Sa dami ba naman kasi ng mga pinapaaral ni Ama sa kaniya, Kuya, tiyak na makakalimutan na niya ang iilang bagay," ika ni Kuya Marco na parang nalulungkot sa kalagayan ko.


"Tama ka riyan, Marco. Saka matagal na rin iyon," pagsang-ayon ni Kuya Lucio.


"Sa pagsagot sa iyong katanungan, Martina, ang nagpangalan ng bayan ng Fuente Ilaraya at Puente de la Reina ay iisa lamang," ani Kuya Lucio habang nakatingin sa akin.


Seryoso naman akong nakikinig sa kaniya, at pati na rin si Kuya Marco na parang inaalala ang pagkwento noong Lola Aurelia na kanilang sinasabi.


"Siya ay si Desmundo Fuente, at siya ang nakadiskubre ng dalawang bayan na iyon. Mayroon ng naninirahan sa mga bayan na iyon at mayroon ring pinuno ngunit naging malaki ang tulong na naibigay ng Desmundo sa mga bayan na iyon sa pagpapaunlad at pagsasaayos, at malaki ang tiwala ng mga tao roon kaya naman siya ay ginawa nilang pinuno. Hindi naman naging mahirap ang maging pinuno ng dalawang bayan sapagkat mayroon din naman siyang katulong sa pamamahala. Isa pa, magkatapat lamang ang mga bayang iyon at dagat lamang ang pagitan," paliwanag niya.


Ahh, kaya pala. Pangalan lang pala.


"At syempre, ang aking pinakapaborito. Ang tungkol sa ating bayan, ang San Luisiano," masayang usal niya. Dahil doon ay biglang kumabog ang puso ko.


I knew it! Nasa San Luisiano talaga kami. Iyon lang naman ang ancestral town ng mga Del Veriel. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Nasa mismong lugar ako na kung saan hundred years later ay dito ako lumaki! Pero bakit hindi siya masyadong halata? Sobra ba talaga ang nangyari sa panahong 'to para magresulta ng gano'n sa 2020?


"Ang bayan ng San Luisiano ay nakapangalan sa mag-asawang rito nakatira noong ilang siglo na ang nakalilipas. Sila ay sina Luisa at Mariano Santiago," aniya.


"Si Luisa ay pumanaw dahil sa isang karamdaman. Labis na iniibig ni Mariano ang kaniyang asawa. Ganoon na lamang ang kaniyang pagdadalamhati at paghihinagpis nang mawala ito sa kaniyang piling. Kung kaya naman ay pinangalan niya sa bayang ito ang kanilang pangalan sa pag-aalala sa kanilang pagiibigang mag-asawa. Sila ay napadpad sa bayan na ito dahil sila'y nagtanan sa kadahilanang hindi nais ng mga magulang ni Luisa na maging kabiyak niya si Mariano."


"Hindi na muling naghanap si Mariano ng ibang babae sapagkat hindi niya mapapalitan ang kaniyang unang babaeng inibig. Namuhay na lamang sila ng payapa kasama ang kanilang dalawang supling ni Luisa."


Medyo masaya na malungkot naman ang love story nila. Ayaw pa ng mga magulang ng babae sa lalaki pinaglayo pa sila ng tadhana. Bakit kaya ganoon ang mga bagay? Iyong nais mo pero hindi mo naman makuha, at may bagay na hindi mo nais pero iyon ang nasa harapan mo.


Kunot noo kong tinignan si Kuya Lucio. "Bakit mo naman paborito ang kwentong 'yon Kuya eh tragi—masaklap ang endi—katapusan ng pag-iibigan nila?" tanong ko na halos sampalin ko na ang sarili ko sa kaka-Ingles ko na naman. Muntik na akong mapalpak uli.


Napangiti naman ng kaunti si Kuya Lucio. "Ang kwento nilang dalawa ay nagpapatunay na kahit pa ang mga tao'y hadlang sa iyong ninanais, nararapat na ipaglaban mo iyon," aniya.


Napangisi naman si Kuya Marco sabay taas ng kilay niya, "Bakit, Kuya, mayroon ka na bang iniibig na handa mong itanan kung siya'y hindi magustuhan nina Ama?"


Dahil doon ay natawa kami ni Kuya Lucio. "Napakapilyo mo talaga, Marco, kahit kailan," usal ni Kuya. "Ngunit kapag iyon ay mangyayari, gagawin ko ang lahat makasama lamang ng babaeng iibigin ko."


Ngayon, kami naman ni Kuya Marco ang sabay na nagkatinginan at nakangising ngumiwi.


"Kung iyan ang iyong magiging desisyon Kuya, huwag kang magdalawang isip na humingi ng tulong mula sa amin," natatawang sabi ni Kuya Marco.


"Oo nga, Kuya. Handa kaming tumulong. Huwag lang pera ha?" singit ko naman kaya napatawa sila. 


"Oo na, oo na," tumatawang sagot ni Kuya Lucio. "Tatandaan ko iyan."


Matapos ang pag-uusap namin na iyon ay tumahimik na sila. Sa labas lang ng bintana nakatanaw si Kuya Marco. Si Kuya Lucio naman ay nakapikit habang nakasandal sa likuran ang ulo. Siguro ay umidlip saglit. Medyo matagal-tagal na rin kaming nakaupo rito sa kalesa.


Napatitig naman ako sa kanilang dalawa. Hindi ko lubos talagang akalain na magkakaroon ako ng kapatid, mga kapatid na mas matatanda sa akin at mga lalaki pa. Kasalungat sa 2020. Dahil doon ay panganay ako at babae ang tatlo sa amin, isa lang ang lalaki, si Kiann. Minsan noon, napaisip rin ako kung anong pakiramdam na magkaroon ng mga Kuya. Ngayon mararanasan ko na ang magkaroon ng Kuya—mga Kuya.


Mag-iisang linggo na ako sa taong ito at medyo napalapit na rin sila sa akin. Mababait naman kasi sila at napaka-caring pa. Nagka-instant Kuya ako, hindi lang isa tatlo pa. At hindi lang mga ordinaryong Kuya, gwapo na mayayaman pa. Ideal man na, ika nga. Hindi rin sila kagaya ng ibang mga lalaki na mayayaman at napakagaspang ang ugali. Mga mapagkumbaba sila at mga mababait. Hindi rin mga mata pobre at arogante kahit pa mula sila sa isang mayamang angkan at may lahi ring mga kastila.


Bakit kaya sa hinaharap wala akong mga Kuya, noh?


Malayo na kami sa San Luisiano. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong dumaan kami sa isang tulay na bato na paarko ang hugis, na may malinaw at malinis na ilog sa ilalim, papatawid papunta sa isang malaking kalsada na sa hindi kalayuan ay may malaking kahoy na arko ring nakatayo na nagmistulang entrance na sa tingin ko ay ang bayan na paroroonan namin.


Ang Puente de la Reina.


Nakasulat doon sa arko sa taas gamit ang mga malalaking letra ang katagang 'Maligayang Pagdating sa bayan ng Puente de la Reina. So, ito nga talaga ang Puente de la Reina.

Napakaraming tao, sa entrance pa lamang ay may kumpulan na at mukhang masasabik sa mga nangyayari. May mga bandiritas rin at mga palamuti na nakasabit sa mga posteng kahoy at mga bahay. May mga taong naglalakad at may mga nakasakay sa mga kabayo at mga kalesa. Lahat ng mga mukhang nakikita ko ay pawang mga nakangiti.


Pumasok na ang kalesa namin sa bayan at doon ko nakita kung gaano pa karaming tao ang narito. Napaka-ingay rin dahil sa mga masasayang nag-uusap at sa mga nagtitindang nagtatawag ng mga mamimili. Sari-sari ang mga taong narito. May mga mayayaman, may sakto lang at may mga mahihirap pero masasaya pa rin. Mula sa entrance ng kanilang bayan ay may kalye papunta sa sentro ng kanilang bayan. Nakahilera sa gilid ng kalsada ang mga bahay at mga stalls ng napakaraming mga paninda. Napakamakulay ng buong lugar at napakaraming palamuti. Sigurado akong napakasaya nga ng kaganapan na ito.


Sa sentro ng kanilang bayan sa di kalayuan ay mayroong kahoy na  entabladong may kalakihan. May mga nakaupo roon na sa tingin ko ay mga opisyal ng bayan at mayroon ding MC nagwe-welcome sa mga bisita. May mga taong nagkukumpulan rin at mga nakaupo sa harap ng entablado na naghihiyawan, nagtatawanan at nagpapalakpakan. Sa may kalayuan ng entablado huminto ang aming kalesang sinasakyan.


"Narito na tayo, Martina," nakangiting sambit ni Kuya Lucio at lumingon sa akin matapos tumingin sa labas. Kani-kanina lang ay nagising siya, noong dumaan kami sa tulay. Siguro ay naramdaman na niyang dumating na kami.


"Hindi ba't napakasaya tignan ng buong paligid, pati na rin ang mga tao?" singit ni Kuya Marco.


"Paumanhin, Martina, nababatid namin na ayaw mo sa mga lugar na mayroong napakaraming tao at masalimuot. Nais ka lang sana naming maisama rito," ani Kuya Lucio na medyo seryosong nakatingin sa akin. "Kung iyong nais na umuwi ay sabihan mo kaagad ako at ihahataid ka namin pabalik sa hacienda," dugtong niya na medyo nag-aalala.


Agad ko naman siyang nginitian at umiling, "Ayos lang ako, Kuya. Gusto kong magpunta rito kaya hindi kayo dapat mag-isip ng ganoon. Narito tayo upang mag-enjo—mag-aliw."


"Sigurado ka ba riyan?" tanong niya pa.


Kaagad akong napatango ng mabilis at ngumisi, "Oo, Kuya, siguradong sigurado."


Ngumiti naman siya at tumango rin bilang pagtanggap sa sagot ko, "Kung ganoon ay huwag na huwag kang lumayo sa amin. Napakaraming tao ang narito ngayon mula sa iba't ibang lugar at mahirap kang makita kapag ika'y nawala. At delikado rin iyon sapagkat maraming mga namamantala at mga magnanakaw," seryosong paalala ni Kuya Lucio. Mas lalo akong napangiti.


Bakit ba napakaprotective talaga nila sa akin? Nakakatuwa lang.


"Opo, Kuya, maliwanag na maliwanag. Saka huwag kayong mag-alala, kaya kong protektahan ang sarili ko kapag may iba kayong inaasikaso," tugon ko.


"Mabuti kung ganoon," nakangiting usal niya. "Sabihan mo lamang kami kapag mayroon kang nais. Naintindihan mo ba?" aniya.


Napatango uli ako, "Opo, Kuya. Salamat," usal ko.



"Narito na sila, Kuya."


Napatingin kami kay Kuya Marco nang lumingon siya sa amin at magsalita matapos tumingin sa labas ng bintana. Napatango naman si Kuya Lucio at tumingin sa akin.


"Martina, alalahanin mong huwag kang lalayo sa amin. Kung mayroon kang nais at kailangan ay agad mo akong sabihan at gagawin natin iyon. Maliwanag?" muling pag-papaalala niya. Medyo natawa na ako. Paulit-ulit kasi siya eh.


"Oo, Kuya, tatandaan ko," tanging tugon ko.


"Kung ganoon tayo na," ani Kuya Lucio kaya tumango kami ni Kuya Marco.


"Maaaliw ka rito, Martina, sigurado iyan," nakangiting sambit ni Kuya Marco saka binuksan na ang pinto at naunang lumabas. Siya rin naman kasi ang nasa may pinto.


Napangiti naman ako. Sumunod rin kaagad si Kuya Lucio sa kaniya. Naiwan ako sa loob na inaayos ang sarili at ang suot. Bigla tuloy akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. May mangyayari ba? Kumakabog kasi talaga ang puso ko. Siguro ay dahil lang 'to sa nainom kong kape kaninang umaga. Huminga nalang ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa pamaypay kong dala, na naalala kong abaniko pala ang tawag nila rito. Narinig ko naman sina Kuya na may kausap, marahil ang kutsero.


Woooh! Sana mag-enjoy ko ngayon dito!


Agad na akong napamulat at binuksan ang pinto ng kalesa saka tumalon pababa. Hindi ko na hinintay pa ang kutsero o sina Kuya. Medyo excited na rin akong makatapak sa lugar na ito. Pagkababa ko ay agad na sumalubong sa akin ang napakaraming tao at napakaingay na lugar. Sobrang makulay pa sa aking inaasahan at napakaraming mga palamuti at disenyo talaga saan ka man lilingon. Napatingin ako kina Kuya at napatigil ako nang makita ko ang pagmumukha ng mga taong kasama nila.


"Binibining Martina?" gulat at pagtataka pang magkasabay na sambit nila.


Agad ko silang nginitian at kinawayan, "Hi! Narito rin pala kayo?" usal ko.

Present lang naman kasi ang lahat ng members ng Gorgeous 7 except ni Kuya Lucas. Kung sino-sino ang mga iyon, walang iba kundi ang tatlo kong mga Kuya at ang mga gwapo nilang mga kaibigan. Sina Kuya Lucio, Kuya Lucas,  Kuya Marco, Kuya Luis, Joaquin, Gabriel at si Leon. At Gorgeous 7 ang tawag ko sa kanilang grupo dahil siyempre pito sila at mga naggagwapohan at mga kaakit-akit sila na mga ginoo. Hindi nga sapat ang salitang handsome sa kanila at mas fit ang gorgeous.


Kung sa nasa present kami ay mga campus heartthrobs na ang mga ito. Napansin ko nga rin na may mga kababaihan sa gilid namin at mga dumaraan ay napapalingon at mapapangiti at napapangisi na alam kong kinikilig na sila.



"Aming inanyayahan si Martina na sumama rito at nakakatuwa nang siya ay sumang-ayon," sabi Kuya Lucio.


Napangiti ako sa apat. Sina Kuya Luis at Gabriel ay ginantihan ako ng ngiti, si Joaquin ay as usual seryoso pero inarko niya ng kaunti ang labi niya at tipid na ngumiti. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. Naalala ko naman si Clara at ang nangyari sa San Luisiano kaya bahagya akong napasimangot at lumingon kay Leon na nakatitig sa akin. Doon nalang ako ngumiti sa kaniya.


"Nakakatuwa nga at lumabas na ng inyong mansiyon si Binibining Martina, at sa hindi inaasahan ay pumarito pa sa bayang may napakaraming tao," komento ni Kuya Luis.


Napangiti naman ako sa kaniya, "Kwento kasi sa akin nina Kuya na masaya raw rito kaya hindi na akong nagdalawang isip na sumama sa kanila. Minsan lang 'to mangyari at hindi natin alam kung hanggang kailan lamang tayo sa mundo kaya dapat na magsaya naman tayo paminsan-minsan," paliwanag ko pa.


Naging lakwatsera na ang malditang si Kristina.


"Tama nga naman si Binibining Martina. Magsaya tayo habang may buhay pa," usal ni Gabriel.


"Tama nga rin ang sinabi ng iyong mga kapatid. Napakasaya tuwing araw ng pag-aangkat. Tiyak na hindi mo pagsisisihan na ikaw ay sumama rito," sabi ni Kuya Luis.


"Ako ba ay nahuli na?!"


Napalingon kaming lahat nang may narinig kaming sumigaw at nakita namin si Carolino na nakasakay sa isang papalapit na kalesa habang nakadungaw ang ulo sa labas ng bintana at nakatingin sa amin.


"Narito na ang isa pa," natatawang sambit ni Gabriel. Napatigil ang kalesa sa harap namin at dali-daling bumaba sa Carolino mula roon.


"Parati ka talagang huli, Carolino," tukso pa ni Leon na nakangiti sa kaniya. Whoa, hindi naman pala siya masungit.


Napahinga ng malalim si Carolino na parang hinihingal, "Hindi ako huli, sadyang napakaaga niyo lang talagang dumating," pagdadahilan niya pa. Bahagya akong natawa.


"Iba ka talaga magdahilan, Carolino," natatawang ani Gabriel kaya bahagya silang natawa.


Napalingon naman sa akin si Carolino at napakunot ang noo, "Binibini, narito ka pala," niya.


Kaagad ko naman siyang nginitian, "Hi!"


Napangiwi naman siya, "Hay?" takang sambit niya.


Natawa ako ng pilit, "Ah, ehe, ibig sabihin n'on ay maligayang bati."


Napakamot naman siya sa batok niya at napatango, "Ah, ganoon ba? Maligayang bati rin sa iyo, Binibini," niya na parang nahihiya na ewan.


"Si Lucas nalang ang kulang sa atin. Sayang at siya ay hindi makakasama sa atin," nanghihinayang na sabi ni Kuya Luis.


"Mas pinili niya kasi ang kaniyang kasintahan kaysa sa kaniyang mga kaibigan," wika pa ni Gabriel. Umiling naman ang iba at natawa ako.


"Hindi mo 'yon maiintindihan dahil wala ka namang kasintahan," asar kong tugon kaya sabay silang napalingon sa akin. Kaya naman kaagad na namilog ang mga mata ko. Anak ng. Bakit ko sinabi iyon?! Nakakahiya!


Nakatingin sila sa akin na parang hindi makapaniwala sa nasabi ko. Lalo na sina Kuya Lucio at Marco. Kaya napangiti ako ng pilit dahil naiilang ako sa mga titig nila. At hello, marami sila! Pito ho, pito!


"Ah eh, ang i-ibig kong sabihin ay siyempre dahil magkasintahan sila kailangan rin nila ng panahon na kasama ang isa't-isa," paliwanag ko pa.


"Bakit alam mo ang bagay na iyan? Mayroon ka bang kasintahan?" paniningkit ng mata at seryosong tanong ni Kuya Lucio. Naku poooooo!


"Uy, wala ah!" Depensa ko,"Isa pa, hindi naman iyon sekreto sa mga magkakasintahan. Natural na iyon," dagdag ko. Pinansingkitan pa rin ako ni Kuya Lucio na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.


"Hindi naman yata magkakaroon ng kasintahan si Binibining Martina. Napakasungit at maugali niya naman kasi na kahit sino ang lalapit sa kaniya ay kaniyang aawayin," biglang sabi ni Leon na kung makapagsalita ay parang wala ako sa harap niya. Aba itong batang 'to.


"Isa pa, hindi lang isa kung hindi tatlo ang kaniyang mga kapatid na nakabuntot sa kaniya at nagbabantay sa kung sino man ang lalapit sa kaniya at handang bugbugin kahit pa wala pa itong ginagawa o sinasabi," dagdag niya pa na siyang nagpatawa sa kanilang lahat.


Napangiti ako ng lihim. Bakit ba talaga napakagwapo nilang tignan lahat? Nagmukha tuloy akong PA sa pitong mukhang artistang mga lalaking 'to.


Nag-uusap pa rin sila tungkol sa akin na hindi raw ako magkakaroon ng kasintahan. Hindi pa rin sila maka-move on sa topic na iyon? Makapagsalita pa parang hindi nila ako kasama.


Napailing nalang ako. "Bakit hindi niyo pa iyan makalimutan? Halina kayo. Mukhang masaya nga talaga rito oh," reklamo ko at naglakad na palagpas sa kanila.


"Martina, hintayin mo kami," pagtawag ni Kuya Lucio.


Napalingon ako sa kanila at ngumiti. "Napakabagal niyo namang maglakad," sagot ko habang paatras na naglakad at nakangisi sa kanila.


Naglakad naman sila papalapit sa akin. Inayos ko na ang paglalakad ko at nakangiti habang piangmasdan ang paligid at humalo na sa makapal na kumpulan ng mga tao, at sina Kuya naman ay nakasunod sa akin.


Saan kaya magandang uunahing puntahan? Sana mag-enjoy talaga ako rito.




Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro