Kabanata 13
| Kabanata 13 |
Enero 7, 1890
Nasisiyahan at mapalad akong mayroon akong mga kapatid na ako'y palaging ipinagtatanggol at pinahahalagahan. Hindi ko lubos maisip ang aking buhay kung sila'y wala rito sa aking tabi.
— Martina
Nagising ako dahil sa mga huni ng mga ibon at mga tunog ng mga hayop sa paligid. Nag-unat ako at napamulat. Ang araw na ito ay ang ikalimang araw ko rito sa 1890. Medyo nakapag-adjust na rin ako ng kaunti. Wala namang something suspicious these past days. Gano'n pa rin sila sa akin, natatakot ang mga tagasilbi at nagtataka ang pamilya ni Kristina pero ramdam ko ring unti-unti rin silang nasanay at siguro ay napagtanto nilang gusto na ni Kristina na magbago.
Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit may mga di-unipormeng mga lalaki, na kulay dark green ang suot, ang nakapwesto palagi sa bawat gilid sa labas ng napakalaking gate ng mga Del Veriel. Mga gwardiya ba sila? Mukha naman. Pero bakit dito? Dahil ba si Ama ay Teniente Mayor at dapat ay may security sa bahay niya?
Hindi na ako magugulat pa. Mayaman siya at may pwesto pa sa gobyerno. But anyway, sina Ama at Kuya Lucio tuwing umaga ay naglilibot at nagsisiyasat sa napakalawak na hacienda na pagmamay-ari ng mga Del Veriel. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ko nakitang sumasama sina Kuya Lucas at Kuya Marco.
Pagkatapos naman ng pagiikot nila ay uuwi ng mag-isa si Kuya Lucio dahil si Ama ay patungo sa trabaho niya sa bayan bilang isang Teniente Mayor. Umuuwi siya ng malapit ng magtanghalian at pupunta sa opisina niya sa bahay at doon itutuloy ang mga inaasikaso niya pagkatapos kumain. Si Kuya Lucio naman ay umuuwi pero umaalis rin papunta sa iba pa niyang mga trabaho sa hacienda.
Si Ina naman ay nasa bahay lang at kung minsan ay umaalis siya kasama si Tiya papunta sa iba pang mga kababaihan sa bayan na ito dahil sa kanilang pagpupulong tungkol sa mga problema at mga suliranin ng bawat isa sa kanila tungkol sa pamilya, pagkain, trabaho at iba pa at idinudulog iyon ni Ina kay Ama para raw mapag-usapan nila ng Gobernador. Nagtutulungan silang dalawa upang maisaayos ang buong bayan, and that is so nice and cute. Inspiring.
Naalala ko tuloy ang ikinwento ni Lola Cela sa akin dati na mahalaga ang pamilya Del Veriel noong unang panahon dahil hindi lang ito tumulong sa ekonomiya ng kanilang bayan kundi dahil may hawak itong posisyon sa gobyerno kaya mas lalo nilang natulungan ang mga mamamayan noon. Bakit ngayon lang 'yon pumasok sa isip ko? Makakalimutin na ba ako?
Pero no'ng namatay ang kapatid ng Lolo ni Lolo, si Kristina, ay hindi na sila humawak ng posisyon sa gobyerno. At gaya ng sabi ni Lolo ay namuhay sila ng payapa ng walang pinapakialaman na kung sino pa man. Matagal na rin kasi 'yong kinuwento sa akin ni Lola, elementary pa ako. At hindi ko rin 'yon masyadong inintindi at inisip kaya nakalimutan ko na.
Sina Kuya Lucas at Kuya Marco naman ay madalas wala sa bahay. Nagpupunta kasi sila sa bayan at may mga inaasikaso, hindi ko alam kung ano pero mukhang tumutulong rin sila sa mga problema sa bayan. At ako, lagi akong naiiwan dito sa bahay. At alam kong ganito rin si Kristina no'ng narito pa siya. Pero siguro nasanay na siya, at isa pa mas gusto niya naman siguro ang ganito dahil mapag-isa nga siya at tahimik. Siguro ay nagbabasa lang siya rito at nagsusulat.
Eh ako, hindi naman ako sanay ng gano'n dahil napakaboring n'on, lalo na at wala pang cellphone or internet, o kaya naman mall at friends. Hindi nga ako nakikipaghalubilo sa iba pero hindi naman ibig sabihin no'n hindi na talaga. Nakikipag-interact naman ako pero hindi nga masyadong palagi. Thrice a week lang akong sumasama sa kanila, tapos I prefer going to malls or kung saan man ng mag-isa. Hindi porke't loner ako wala na akong friends, ang ibig ko lang sabihin na wala akong friends ay ang mga true friends. Marami akong casual friends sa school pero hindi ako sumasali sa groups nila dahil alam ko naman kung anong gusto nila sa'kin.
Kanina pa ako nagbabasa ng libro rito pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Hindi ko maintindihan. Naiinip na talaga ako eh. Umalis silang lahat at ako lang ang narito kasama ang mga nagtatrabaho at ang mga taga-silbi sa bahay na nasa ibaba. Hindi ko alam paano nakayanan ni Kristina ang ganito ka-boring na buhay. Napaisip tuloy ako na kapag siya lang mag-isa dito roon niya kaya nilalabas ang galit niya, at sinasaktan niya ang mga narito dahil walang ibang tao? Naalala ko naman no'ng nagtanim kami ni Mang Kardo at ako lang mag-isa no'n dito dahil umalis silang lahat.
Tama!
Nagulat sina Kuya nang makita akong kasama ni Mang Kardo at sinabi niyang baka sinasaktan ko na naman ito. Kung ganoon tama nga talaga ang hinala ko. Sa mga oras na ito nagtatantrums siya at ipinapakita niya ang masama niyang ugali. Sa tuwing wala ang pamilya niya nagiging maldita siya. Naipakita niya ba kaya 'yun sa pamilya niya? Aish, ikaw talaga Kristina oh.
Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo dala ang libro at isinauli sa bookshelf. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Napakatahimik ng palapag na ito. Wala man lang akong mahagilap na kahit isang tagasilbi. Bumaba nalang ako papunta sa ikalawang palapag. Doon ko nakita ang mga taga-silbi na naglilinis sa salas at naglakad parito at paroon. Tahimik sila habang ginagawa nila 'yon, pero mayroon namang ibang nagbubulongan habang ginagawa ang trabaho nila.
Agad naman silang napalingon sa akin nang mapansin akong parating dahil tumunog ang sapatos ko. Nagsipagtigil sila at nagsipagyukod na parang natatakot. Mukhang tama nga talaga ang hinala ko. Noong mga nakaraang araw kasi ay nasa kwarto lang ako kaya hindi ko sila nakita sa mga oras na 'to. Gusto ko pa nga sanang magtanim kasama si Mang Kardo pero natapos na kasi siya sa pagtatanim at nag-aayos at nagdidilig nalang siya sa mga pananim araw-araw.
"Magandang araw, Senyorita," sabay-sabay pang bati nila. Nginitian ko naman sila para at least mawala 'yong takot at kaba nila.
"Magandang araw rin sa inyo," tugon ko. At sa nakasanayan na, napatingin sila sa akin sa gulat. Ngumiti nalang ako at hindi na iyon pinansin.
Napalingon naman ako nang makita kong lumabas si Isay at si Iluminada, ang Mayor Doma ng mga Del Veriel. Sa tingin ko ay nasa 65 na ito, may katandaan na pero malakas pa rin. May mga puti na itong buhok at may kaunting wrinkles na rin pero matuwid pa rin ang tindig. Mabait siyang tignan pero strikta kapag trabaho ang pinag-uusapan. Nakita ko siya no'ng kaarawan ni Ama na abala sa pag-aasikaso ng mga bisita at sa kusina.
Napalingon naman sila sa akin at napayuko kaagad, "Magandang araw po, Senyorita," sabay na bati nila.
Nginitian ko na rin at nilapitan sila. Napansin kong nakadala ng bayong si Isay kaya napatingin ako sa kaniya, "Sa'n ka pupunta, Isay?" taka kong tanong.
Agad naman siyang napalingon kay Lola Iluminada na parang nanghihingi ng tulong. "Ah ako po ay paroroon sa pamilihang bayan, Sen–senyorita," nakayukong sagot niya.
Agad akong napangiti. Pamilihang bayan? Ibig sabihin lalabas siya?
"Gano'n ba? Hintayin mo ako rito ha, may kukunin lang ako sa itaas. Sasama ako," excited kong sagot at bago pa man sila makatugon ay napatakbo na ako papunta sa itaas at dumiretso sa kwarto.
Sa wakas makakalabas na rin ako!
Nagpunta ako sa aparador ni Kristina at kumuha ng isang pamaypay. Mainit kasi sa labas. Nagpunta naman ako kaagad sa vanity table at nilagyan ng kaunting polbo ang mukha ko para fresh, at bumaba na. Hindi na ako nagbihis pa dahil maganda naman 'tong suot ko eh. Dahil lahat ng mga damit ni Kristina ay magaganda at mukhang pang-okasyon at panglakad lang. Kulay lila ang camisa ko na sinamahan ko ng panuelo na kulay lila rin pero mas dark at terno ang kulay sa mahabang saya na suot ko na may burdang mga bulaklak.
Nadatnan ko silang nakatayo pa rin doon sa iniwanan ko sa kanila. Ang mga taga-silbi ay nagsibalik na rin sa mga ginagawa nila. Nakalapit na ako sa kanila pero tahimik lang sila. "Tayo na," sambit ko at naglakad na papalabas. Excited na akong maglakwatsa.
"Kayo'y mag-iingat sa daan, Senyorita. Isay, iyong alagaan ang Senyorita," narinig kong sabi ni Lola Iluminada.
"Opo, Inang," usal ni Isay. Napalingon naman ako sa kanila.
"Huwag po kayong mag-alala, Lola Iluminada, kaya ko po ang sarili ko at makakauwi po kami ni Isay ng ligtas," tugon ko. Bahagya naman siyang napatulala sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Nginitian ko nalang siya at tumingin kay Isay, "Tayo na, Isay," usal ko at naglakad na pababa ng bahay.
"Opo, Senyorita," rinig kong usal niya at sumunod rin siya.
Nadatnan ko sa baba na may kalesa ng nag-aantay sa amin sa harap ng bahay. Kaagad na akong sumakay. Ito ang ikalawa kong pagkakataong makakasakay ng kalesa sa panahong ito. Una ay 'yong pauwi na kami galing sa kung saan man noong natransport ako rito. Sinara naman ni Isay ang kalesa at nagpunta sa kung saan. Maya-maya pa ay umusad na ang kalesa at lumabas na sa gate ng mansyon. Teka, akala ko ba pupunta si Isay sa pamilihang bayan? Bakit hindi siya nakasakay rito?
Agad kong inilabas ang ulo ko sa bintana at tumingin sa labas. Nakita ko si Isay na naglalakad ng nakayuko kasunod ang kalesa. Napakunot naman ang noo ko. Ano ang ginagawa niya? Teka? Maglalakad ba siya papunta sa pamilihang bayan?
Napasimangot ako at napalingon sa kutsero, "Tigil! Sandali lang." Medyo napalakas ang tawag ko kaya nagulat naman ang kutsero na agad niyang napahinto ang kalesa. Pati ang mga gwardiya ay napatingin sa amin.
Nilingon ko si Isay, "Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka sumakay?"
Napatingin naman siya sa akin at kaagad na yumuko, "Maglalakad po ako, Senyorita," usal niya.
Napakunot ng noo ko, "Ano?!" gulat kong sambit. Bahagya siyang napaigtad dahil sa pagtaas ng boses ko. Is she crazy? Maglalakad, seriously? Gaano ba kalayo o kalapit ang pamilihang bayan? Bakit maglalakad siya?
"Sumakay ka rito. Huwag kang maglalakad," pagpigil ko.
Napaangat naman ang ulo niya at bahagyang nag-iwas ng tingin, "Hin–hindi po iyan maaari, Senyorita," mabilis na salungat niya. "Ako ay taga-silbi lamang at hindi karapatdapat lumulan sa kalesa kas–kasama kayo," dagdag niya.
Napataas ng bahagya ang kilay ko. Napaka-oa naman n'on. Sabagay sa panahong 'to malayo talaga ang agwat ng mga tagasilbi sa amo nila. Pero hindi dapat gano'n, they should experience luxury man lang at kaginhawaan sa buhay.
"Wala akong pakialam, basta sumakay ka rito."
Napailing naman siya ng bahagya.
"Kung ayaw mo, edi iiwan natin itong kalesa at maglalakad tayong dalawa," sabi ko pa, at akmang bubuksan ang pinto nang mapasigaw siya.
"Hindi maaari, Senyorita!" aniya. Bahagya namang namilog ang mga mata niya, marahil ay napagtanto niyang nasigawan niya ang kaniyang Senyorita.
"Paumanhin po, Senyorita. I-iyon ay hindi ko po sin–sinasadya. Pakiusap huwag niyo po akong parurusahan," pagmamakaawa niya.
Napangisi ako, "Kung ayaw mong parusahan kita, sumakay ka rito," utos ko na gamit ang seryosong boses.
Nanginginig siyang tumango at binuksan ang pinto at sumakay saka umupo sa tapat ko sa may sulok. Isinara niya ang pinto at doon sa harap ko ay naistatwang nakaupo habang nakayuko. Umusad na ulit ang kalesa. Agad kong pinagkrus ang mga hita ko sabay sandal sa likuran ko at nagcross arms saka siya pinagmasdan. Tahimik pa rin siya sa biyahe at nakayuko pa rin. Naawa tuloy ako sa kaniya. Sigurado akong sinasaktan rin siya ni Kristina dahil ganoon nalang ang iwas niya kahit pa pinaglilingkuran niya ako.
Napabuntong hininga naman ako at nagsalita, "May kasalanan ka ba sa akin?"
Hindi naman siya tumingin at nakayuko pa rin, "Wala–wala po, Senyorita," aniya at napasinghap.
"Kung gano'n bakit yuko ka ng yuko?"
"Iyon po ang nararapat na gawin la–lalo na at ako'y ay isang taga-tagasilbi lamang, Senyorita," aniya.
Napataas ang dalawa kong kilay. "Kung gano'n, simula ngayon hindi ka na dapat nakayuko. Ituwid mo ang katawan mo at huwag kang yumuko. Dahil kapag yuyuko ka ibig sabihin no'n may kasalanan ka sa akin. Naiintindihan mo?" utos ko.
Kailangan kong ayusin ang relasyon ni Kristina at ni Isay. Kahit pa tagasilbi lamang siya, importante pa rin siya. Tao rin siya. Hindi siya dapat sinasaktan porke tagasilbi lang. Hindi siya umimik at nakayuko lang.
"Isay, naiintindihan mo ba?" pagtawag ko sa kaniya.
"Opo–opo, Senyorita," pabulong na sagot niya at bahagyang itinaas ang ulo niya.
"Mabuti. Utos ko iyon," bahagyang nakangiti kong sambit, "At isa pa pwede bang huwag kang matakot sa akin? Hindi naman ako nangangain ng tao," dugtong ko na sinabi ang sinabi ko kay Mang Kardo.
"Opo, Senyorita," tanging nasambit niya. Napangiti naman ako at may isang ideyang pumasok sa isipan ko.
"Isay, pwede ba kitang maging kaibigan?" tanong ko. Dahil do'n ay bigla niyang inangat ang ulo niya at namimilog ang matang tumingin sa akin. Nginitian ko siya.
"Po?" gulat na sambit niya.
"Ang sabi ko pwede ba kitang maging kaibigan?" pag-uulit ko. "Alam kong mabait ka. Hiling kong magkaroon ng isang kaibigan. Isang tunay na kaibigan. Tutuparin mo ba ang kahilingan ko?" dugtong ko.
Nakatitig pa rin siya sa akin na hindi makapaniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala kapag gano'n ang sitwasyong napasukan mo? Pero gusto ko ring maranasang magkaroon ng kibigan. Lalo na siya dahil siya lang din ang medyo kalapit sa akin sa bahay.
"Ayos lang, Isay, hindi kita pipilitin kung ayaw mo," sabi ko at nginitan siya.
Agad naman siyang napailing na halos matanggal na ang ulo niya, "Hin–hindi sa ganoon, Senyorita. Hindi ko lamang mawari. Subali't kung iyon ang iyong nais Senyorita, sino ba ako upang tumangi," aniya na napayuko pa. Akala niya siguro ay pinagti-tripan ko siya. Napailing nalang ako. Mukhang mahirap siya kumbinsihin e. Dahil na rin siguro 'yon sa trauma niya.
"Huwag kang mag-aalala, Isay, totoo ang sinabi ko. Hindi kita sasaktan, okay?" pagtitiyak ko at hinawakan siya sa balikat na siyang ikinaigtad niya sa gulat. "Kaya simula sa araw na ito magkaibigan na tayo. Naiintindihan mo?" excited na wika ko.
Dahan-dahan naman siyang tumango, "Op–opo, Senyorita," aniya.
Napasimangot naman ako nang makita siyang nakayukod na naman, "Hindi ba, Isay, ang sabi ko huwag ka na uli'ng yumukod? Masakit 'yan sa likod. Kapag ginawa mo pa uli 'yan magagalit ako sa iyo," bahagyang may pagtatampo sa boses ko. Kaya naman ay agad siyang napatuwid ng pag-upo at itinaas ang ulo niya. Napangiti ako.
"Paumanhin po, Senyorita," usal niya. Ngumiti nalang ako sa kaniya bilang ganti. Pero takot nga talaga siya kapag nagagalit si Kristina. Hay Isay, kawawa ka naman pala.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang napakalawak na taniman sa labas. Ito iyong sinabi ni Ina na pagmamay-ari ng mga Del Veriel noong hindi ko akalaing napalakas pala ang pagtanong ko kung sino ang may-ari ng napakalawak na lupain na ito. Maraming mga trabahador ang nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw. Sa kaliwa ay pinyahan at sa kanan naman ay kapehan. At sa sumunod naman na mga ektarya ay iba na naman ang mga pananim. Napakayaman nga naman talaga ng mga Del Veriel, noh?
Maya-maya pa ay may nakita na akong dinaanan namin na parang mga stall houses, mga malalaking gusali at mga bahay. Maraming mga tao ang narito. Teka, ito 'yong lugar na kung saan ako natransport ah. Ito ba ang pamilihang bayan nila?
Napalingon ako kay Isay na nakatingin rin sa labas ng bintana. "Saan ka unang pupunta?" tanong ko. Lumingon naman siya sa akin at bahagyang iniwas ang tingin nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya.
"Sa palengke po ako paroroon, Senyorita. Ngunit kung saan niyo po nais na pumaroon ay akin ko kayong sasamahan," aniya.
"Hindi, sa palengke tayo," sagot ko at inilabas ang ulo sa bintana at tumingin sa kutsero. "Pakihinto po manong. Dito na kami." Saglit naman na nag-alangan ang kutsero pero inihinto rin naman niya sa gilid ng kalsada ang kalesa.
Ipinasok ko na uli ang ulo ko at tumingin kay Isay, "Oh halika na," binuksan ko na ang pinto.
"Ngu–ngunit Senyorita, mas mainam na ika'y huwag na lamang pumaroon sa palengke. Masikip roon, mabaho, at maingay. At mas mainam rin na huwag ng maglakad. Tiyak akong kayo'y maiinitan at magkakaalikabok. Iyon po ang ayaw ninyo," wika niya. Dahil do'n ay natawa ako na siyang ikinakunot ng noo niya. Napaka-oa naman n'on. Gano'n ba si Kristina? Hindi lang siya maldita, maarte pa?
"Ano ka ba, kaya nga ako sumama dahil gusto kong makapaglakad-lakad at makaliwaliw," natatawa kong sagot. "Halika na." Tuluyan na akong lumabas na sa kalesa at inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
I just can't imagine that I'm in the era of spanish colonization!
Nagsimula na akong maglakad kasunod si Isay. Maraming tao ang nakikita ko kahit saan at patungo sa kung saan. Nakasuot ng mga kamisa at saya, kamisa de chino at pantalon na nakatupi sa dulong baba, mga mamahaling baro't saya at mga nakalong sleeve at coat na halatang mga mayayaman sila. May mga nakasuot lang ng mga kayumanggi lang na mga damit at walang kabuhay-buhay ang mga kulay ng iba, marahil ay mga trabahador o di kaya'y mga utusan.
May mga kalesa na parito at paroon. May mga tsino rin akong mga nakikita na naglalako ang iba dala ang mga paninda nila. Ang mga tao ay may masasaya, karamihan nito ay mga taong nasa mataas na antas ng lipunan. Nagkakasalubong sila ay nagbabatian, nagkukumustahan at may iba na magkakasama at nagtatawanan.
Makikilala mo sila kaagad dahil sa mga kilos at mga suot nila. May malulungkot naman, na kadalasan ay ang mga nasa ibabang estado ng lipunan. Karamihan ay ang mga naglalakad na parang walang mga patutunguhan, mga gusgusin at mga marurumi pa ang mga damit. Sila 'yong mga naghihirap na mukhang wala na silang makita pang paraan para bumangon. At may mga galit—iyon ay mula sa mga sugal sa harap ng mga stalls na mukhang natalo sa mga pustahan.
Napakaraming mga tindahan rito na sari-sari ang iniaalok sa mga tao. Lahat ng mga istraktura rito ay masasabi mo nga talagang nasa Spanish Era ka. At napakaastig tignan ng mga 'yon, na sa present ay kakaunti nalang ang mga ganitong estrakturang makikita. Kung sana lang nadala ko ang cellphone ko, makukuhanan ko ng litrato ang lugar na ito.
May napansin naman akong mga gwardiya, na kagaya noong nasa bahay na nagbabantay, na nagroronda at may iba namang nakastandby lang sa mga gilid. Mukhang sila ay mga gwardiya sibil ng bayan na ito. Tumingin nalang uli ako sa paligid. Mukhang ito ang city proper nila at hindi lang pamilihang bayan. Ito ang sentro ng bayan. Pansin kong narito na lahat eh. May nakita akong mga gusali ng mga kainan, may mga opisina ng mga abogado, ospital ng bayan, mga opisina ng mga manggagamot, at may mga bahay tuluyan. May plaza rin at kung ano-ano pa man.
Doon kasi sa may bahay ng Del Veriel ay kadalasan mga mansiyon lang ang nado'n at sigurado akong mga mayayaman ang may-ari ng mga iyon dahil malalaki rin kagaya ng sa mga Del Veriel. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan lugar kami naroon. Nasa San Luisiano kaya kami? Iyon lang naman kasi ang lugar ng ancestry ng mga Del Veriel eh. Siguro nga.
Naalala ko naman si Isay na nakasunod lang sa akin, kaya nilingon ko siya. "Tayo na sa palengke," usal ko. Tahimik naman siyang napatango.
Actually, hindi ko alam kung saan ang daan papunta sa palengke, dahil of course ngayon pa lang ako nakapunta rito. Pero tumahimik nalang ako at nagmasid sa paligid at naghahanap ng clue. Baka magtaka kasi si Isay kapag sinabi kong hindi ko alam na alam ko namang alam 'yon ni Kristina.
May napansin naman akong mga mukhang kargador dahil may mga pasan silang mga kahon at sako na mukhang mga goods kaya sinundan ko sila. Hindi naman nagsalita si Isay sa likod ko so baka ito nga ang daan papunta sa palengke. Sumunod lang ako sa mga kargador at maya-maya pa ay napangiti ako nang matanaw ko na ang palengke. Palengke siya dahil may mga nagtitinda sa gilid ng mga daanan na may display na mga gulay, isda at mga manok na buhay na nasa loob ng mga crates.
Salamat naman at nahanap ko rin.
Naglakad na kami papasok sa palengke nila. May arko kasi 'yon na mukha siyang entrance ng palengke kahit wala namang gate. Tama nga si Isay, maingay rito. Kung saan-saan nagmumula ang mga ingay ng pagtatawag ng mga kostumer. May mga nakaratay na mga isda na ang ilan ay mga buhay pa, may mga karne at syempre ang mga gulay.
Nilingon ko si Isay, "Anong bibilhin natin?"
Nagulat naman siya sa tanong ko, "Hindi iyon maaari, Senyorita!" bulalas niya kaya nagsipaglungunan ang mga tao sa amin.
Agad naman siyang napayuko, "Paumanhin po Senyortia, iyo–iyon ay hindi ko sinasadya. Ngunit, hindi na kayo nararapat na mag-abala pa. Ito'y gawain ng isang taga-silbi."
Napabuntong-hininga ako at tinaasan siya ng dalawang kilay, "Isay, kaya nga ako sumama dahil nais kong tumulong. Nasaan ang listahan, may listahan ka ba?" inilahad ko pa ang kamay ko sa harap niya at nagpaypay naman sa kabila.
Medyo mainit na kasi ang suot ko. Nakayuko nman siyang dumukot sa bulsa niya at may inabot na pirasong papel sa akin na agad ko ring tinaggap.
"Isay, anong sabi ko sa pagyuko?" paalala ko sa kaniya kaya agad naman siyang napatuwid at itinaas ang ulo.
"Hindi ko na uulitin pa 'yon. Kaibigan ang turing ko sa iyo simula ngayon at hindi taga-silbi kaya huwag ka ng yuko ng yuko," paalala ko. "At, huwag mo akong tawaging Senyorita, okay? Ayokong ipahalata sa kanila na...mayaman ako, at ang anak ng Teniente Mayor," dugtong ko at ibinulong ang huling linyang sinabi ko.
Nabigla naman siya sa sinabi ko at napatingin sa akin, "Hin–hindi po iyan maaari, Senyorita. Iyon po ang nararapat kong itawag sa inyo. Dahil iyon po kayo," aniya.
Kulit mo, Isay. Pramis!
Napasimangot ako, "Eh, ayoko ko nga eh, lalo na rito sa labas. Ang awkward," usal ko.
Kung makatingin kasi ang mga tao sa akin parang hinuhusgahan kaagad ako eh. Mukhang ang iba sa kanila ay may galit sa mga mayayaman, na ang sama pa ng tingin sa akin, pero may iba naman na blanko lang ang tingin.
"Ok–okward?" dugtong kilay na sambit niya.
"Awkward, ibig sabihin nakakailang."
Mas lalo pa siyang nagtaka, "Bakit naman po iyon nakakailang? Iyon po ang titulo ninyo, isang Senyorita," aniya at bigla naman siyang napasinghap na mukhang nagulat sa sinabi niya. At hindi ko alam kung bakit.
"Ay basta, huwag mo akong tawaging, Senyorita," sumimangot ako.
Napatango naman siya, "Hindi ko po iyon pangangahasang gawin. Ngunit kung iyon ang iyong nais ay tatawagin ko nalang kayong Bini–binibini," aniya kaya napangiti ako.
"Ayan, iyan na lang, much better!" sambit ko. "Halika na."
Naglakad na ulit ako habang siya naman ay nasa likuran ko lang. Nilingon ko naman siya at hinawakan sa braso niya at pinatabi sa akin na siyang ikinagulat niya.
"D'yan ka sa tabi ko maglakad. Sasakit ang leeg ko kakalingon sa iyo kung may sasabihin ako. Isa pa kaibigan kita, hindi tagasilbi," nakangiti kong wika.
Sa unang pagkakataon ay bahagya siyang ngumit at tumango, "Opo, Se—Binibini."
Mas lalo akong napangiti, "Ayan, mabuti. Halika na, mamalengke na tayo," at binasa ko ang nakasulat sa papel habang naglalakad.
Una kaming nagpunta sa mga gulayan at doon bumili ng kung anong isinulat sa papel. Ako ang taga-basa ng mga bibilhin at si Isay naman ang nakikipag-negosasyon sa nagtitinda. Tumatawad rin siya na siya namang pinapayagan ng ilang tindero, pero may ilan na hindi dahil nakita nila ang suot ko na pangmayaman. Eh wala na akong magagawa eh, ganito ang mga damit ni Kristina.
Bumili rin kami ng mga pampalasa, mga sibuyas, kamatis, bawang at iba pa. Sunod naman ay sa karnehan at isdaan. Bahagya pang nag-alala si Isay nang makalapit na kami doon dahil malansa at medyo masangsang ang amoy dahil sari-sari na ang naroon pero hindi ko na iyon inalala pa.
Napansin ko ring ako lang mag-isa ang nandito na, let's say na galing sa mayamang pamilya. Ang mga nakikita ko kasi ay mga nakasimple lang ang suot gaya ng kay Isay. Kaya nga rin halos lahat ng mga narito ay napapalingon at napapatitig sa amin, pero hindi ko nalang pinansin.
Nag-eenjoy rin kasi ako sa pamamalengke. Medyo maganda sa pakiramdam 'yong makakarinig ka ng mga tawanan ng mga nagtitinda at 'yong mga nagtatawaran sa mga presyo. Pero hindi pa rin maiiwasan ang mga tingin sa akin ng mga tao at lalo na ang mga nagtitinda na binibilhan namin. May mga tingin ng pagtataka, gulat at blanko lang. Hindi ko nalang 'yon pinapansin at tinutulungan nalang si Isay sa pagpili ng mga maayos, presentable at presko pa na mga bibilhin.
Malapit na kaming matapos ni Isay, at papaalis na sa palengke. Napansin ko naman sa di kalayuan ay may daungan at mga barko. Pier ba 'yon? Mukhang pier nga iyon. Kompleto nga ang bayan na ito sa lahat ng kailangan nila. Duh Chestinell, mahirap naman yatang ang isang bayan na mayaman ay walang daungan. Paano na ang kalakalan through sea, aber?
"Ayos na po ang lahat, Binibini."
Napalingon ako kay Isay nang magsalita siya. Inayos na niya ang dala niyang bayong na puno sa lahat ng pinamili namin.
"Okay, halika na," tinupi ko na ang pamaypay at naglakad na kami paalis sa palengke.
Naglibot ang panigin ko sa buong lugar. Nakalayo na kami sa palengke at nasa may mga shops na kami. Saan ba magandang puntahan? Tsaka ano naman ang bibilhin ko? Nasaan din kaya sina kuya? Lagi kasi silang narito sa sentro ng bayan kung wala sila sa bahay. Napalingon naman ako kay Isay at nakita siyang parang nahihirapan na siya sa mga dala niya.
"Ayos ka lang? Tulungan na kita," usal ko at akmang aabutin ang bayong nang kaagad siyang umiwas.
"Hindi maaari, Binibini. Gawain ito ng mga tagasilbi. Hindi niyo na ako nararapat na alalahanin," aniya.
"Sigurado ka ba? Mukhang nabibigtan ka na niyan eh," duda ko.
"Hindi niyo na ako nararapat na alalahanin pa, Binibini," tugon niya. "Saan niyo po nais pumaroon?" dugtong niya. Tinitigan ko naman siya saglit at lumingon sa paligid.
"Ihahatid muna natin 'yan sa kalesa, tapos mamamasyal na tayo," tugon ko at inalalayan siya sa balikat at hinatak na palakad ulit.
"Huwag na po, Binibini. Kaya ko po itong dalhin," pangungumbinsi pa niya. "Saan niyo po nais pumaroon?" ulit niyang tanong. Binigyan ko siya ng seryosong tingin at tumigil sa paglalakad. Matigas din ang ulo nitong si Isay ha.
"Hindi ako mamamasyal kapag dala-dala mo 'yan," seryoso kong tugon, at nagcross arms saka nagpaypay at tumingin sa buong paligid. Mukha tuloy akong batang galit dahil ayaw pagbigyan sa gustong bilhin.
"Kung iyon ang inyong nais, ito'y ihahatid ko sa kalesa, Binibini. Susunod na lamang ako sa iyong paroroonan," suhestiyon niya pa. Napansimangot akong tumingin sa kaniya na siyang ikinagulat niya.
"Hindi. Sasamahan kita," matigas kong saad at inabot ang bayong para tulungan siya sa pagbubuhat. Hindi ako papayag na mahirapan siya, kahit pa Senyorita ako sa panahong ito.
Agad naman niyang iniwas iyon at umiling, "Huwag po, Binibini. Hindi po iyon nararapat. Isa kang Senyorita," aniya pa.
Nagpameywang ako at mas lalo ko siyang sinimangutan, "Isay—"
"Binibining Kristina?"
Sabay kaming dalawang napalingon nang may nagsalita sa likuran ko. Nasilayan ko ang isang babaeng bahagyang nakaismid at tinaasan pa ako ng kilay. Maganda siya at sopistikada at masasabi kong mula siya sa mayamang angkan dahil sa tindig at suot niya. Isang terno ng mamahalin at eleganteng baro't saya na dark red ang kulay. Maputi rin siya at may mga suot na mga alahas. Kaheight ko lang siya at mukhang kaedad ko rin. Sino siya? At bakit ganiyan ang tingin niya sa akin? At bakit niya ako kilala? Kaibigan ba siya ni Kristina?
Napansin kong nakakapit siya sa taong kasama niya kaya agad kong tinignan kung sino 'yon. Mas lalong nagdugtong ang mga kilay ko nang masilayan ko kung sino ang kaniyang kasama. Walang iba kung hindi si — Joaquin?!
Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwalang nakita ako. Bahagya ring nakakunot ang noo niya. What is he doing here?!
Ang dalawang sistema ng utak ko ay nagtatalo habang binigyan siya ng kunot-noong tingin. Hinarap ko naman silang dalawa at bahagyang napangiti ang babae.
"Ikaw nga! Ako ay hindi magkakamali," aniya at kumunot ng noo. "Ngunit anong himala at ika'y napadpad rito sa sentro ng bayan?" dugtong niya na bakas sa tono ng pananalita na niya ang pang-aasar. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Binibining Clara," saway ng malamig na boses ni Joaquin.
Clara. As in iyong girlfriend niya?! Palipat-lipat ng tingin ang ginawa ko sa kanila. Mukhang nagkaayos na ata sila dahil magkasama na. At mukhang may date sila.
"Bakit?" usal niya at lumingon kay Joaquin, at taas kilay na bumaling sa akin, "Hindi naman talaga pumaparito ang Senyorita. Sapagkat nais niya lamang magmukmuk na lamang sa kaniyang silid. Hindi ba't nais mo lamang pumirmi sa inyong tahanan at ipakita ng kagaspangan ng iyong ugali?" uyam niya.
Aba, itong babaeng 'to. Nakakaimbyerna ito ah. Kagaspangan ng ugali? Ibig sabihin alam niya rin na maldita nga si Kristina? Eh bruhilda nga itong Clara na ito eh.
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Ano naman ngayon? May angal ka?" sagot ko. "Eh mukha mo nga mas magaspang eh," bulong ko.
Isa lang ang sigurado. Hindi siya kaibigan ni Kristina. At ayoko rin naman siyang maging kaibigan noh. Unang kita ko palang sa kaniya na nakaismid alam kong bruhilda ang ugali niya. Hindi ba siya nahiya sa kasama niya? Pero hindi na siya mahihiya pa eh boyfriend niya ang katabi niya.
Napangisi naman siya at tumingin kay Isay at sa dala niya na nasa may likuran ko at napataas ang kilay. Hindi niya ata narinig iyong sinabi ko.
"Pumaroon ba kayo sa palengke?" hindi makapaniwalang usal niya at napatingin sa akin. "Hindi ko lubos maisip na si Senyorita Kristina ay nagpunta sa malangsa, maingay, nakakadiri, mabaho, marungis at kahiya-hiyang lugar na iyon," natatawa at maarteng dugtong niya na may halong pandidiri.
Tumikhim naman si Joaquin para sawayin siya. Ang mga tao nga sa paligid namin ay napalingon dahil sa sinabi niya. Sarap bigwasan nito ah! Napaka-over ng speech, akala naman niya malinis ang mukha niya.
Sinamaan ko siya ng tingin ng kaunti saka siya tinaasan ng kilay, "'Yong mukha mo ang palengke," pabalik ko at inirapan siya. Sana makuha niya ng nais kong ipahiwatig.
Lumingon ako kay Isay at hinawakan siya sa braso, "Halika na," usal ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?" matigas na sabi ni Clara. Bumaling naman ako sa kaniya at nakita kong nakakunot ang noo niya at nakataas ang kilay.
Bahagya akong natawa na kinainis niya, "Napakahina naman ng utak mo," usal ko, "Ikaw na ang bahalang tumuklas ng ibig sabihin n'on."
Sinamaan naman niya ako ng tingin at bahagyang nanlilisik ang mga mata at huminga ng malalim sa galit pero halatang nagtataka pa rin sa sinabi ko. Lumingon naman ako kay Joaquin na nakatingin lang sa aming dalawa at sinasaway si Clara. Ay naku, ihulog mo kaya sa ilog iyang babaeng kasama mo o kaya doon sa daungan. Mabuti naatim mo ang ugali niyan noh?
Inakay ko na si Isay at naglakad na paalis. Bago ko siya malagpasan ay nilingon ko siya, "Mukha mo palengke, " pabulong kong singhal uli.
Lumingon ako kay Joaquin at nginitian siya ng kaunti. Bahagya naman siyang yumukod bilang tugon. Naglakad na kami palayo pero ramdam ko pa rin ang mga talim ng tingin na ibinigay sa akin ng Clara na iyon.
"Narinig mo iyon, Joaquin? Ano ang kaniyang ibig sabihin?!" rinig ko pang galit na sabi niya. Napakaover acting niya. At napakaslow niya rin.
Nilingon ko siya at nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin kaya binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti saka tinaas ang palad at kinawayan ko siya gamit ng pinaalon kong mga daliri. Binawi ko na ang tingin ko at lumayo na kami doon.
Naalala ko tuloy si Yana. May enemy ako sa 2020. At ngayon may enemy na rin ako sa 1890.
Hindi ko na kasalanan iyon eh inunahan niya ako eh. Edi papatulan ko siya, hindi ko naman 'yon kapatid. At hindi ko nanaising maging kapatid ko ang babaeng iyon.
Never.
At kailangan kong maghanap ng sulat ni Kristina tungkol sa kaniya para makilala ko pa ang babaeng 'yon.
Kung hindi ko man pinatulan ang kapatid ko sa mga ginagawa niya sa akin, hindi ako magdadalawang isip na patulan ang Clara na iyon, dala at gamit ang inis ko sa kapatid ko.
Sa Taong 1890
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro