Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

| Kabanata 11 |


Nakinig lang ako sa mga pag-uusap nina Ama, in that way makakalap rin ako ng mga kaalaman tungkol sa kanila sa mga taong nasa paligid ko.


Sina Ama, Don Carlos, Don Miguel at ang Gobernador lang ang maingay sa buong mesa namin. Tawa ng tawa sa bawat paksang pinag-uusapan nila. Ang mga Donya naman ay pawang ngiti at tango lang ang ginagawa, pero minsan rin ay sinasali sila ng mga Don kaya nagsasalita sila.


"Compadre, kung ganoon ay mayroon ka na bang balak na ipaubaya ang pamamahala sa iyong hacienda at mga ari-arian sa kamay ng iyong panganay?" pagtatanong ni Gobernadorcillo Timoteo.


Tahimik naman kaming lahat at naghihintay sa kanyang sagot.


"Oo nga, at tiyak na iyo na siyang nasanay at nahubog sa pagiging maayos at magaling na haciendero kagaya ng iyong sarili. Matagal-tagal na rin ang panahon ng kanyang paghahasa," dagdag pa ni Don Carlos at lumingon kay kuya Lucio.


"Wala pa sa isipan ko ang bagay na iyon. Naaaliw pa ako sa pagpapatakbo ng aming hacienda. Ngunit hindi rin naman yata magtatagal iyon, at kailangan na rin niyang hawakan iyon ng siya na lamang at narito nalang ako upang gagabay sa kaniya," tugon ni Ama.


Ngumiti naman si kuya Lucio, "Tama po ang sinabi ni Ama. At saka marami pa po akong nararapat na malaman at matutunan mula sa kanya. Kakailanganin ko pa po ang kaniyang paggabay," aniya.


Ngumiti naman ako kay kuya Lucio, at tumingin kina kuya Marco at kuya Lucas. Bahagyang napakunot ang noo ko nang makita silang tahimik at kumakain lamang, ni hindi man lang sila nagtaas ng mga ulo at tumingin kina Ama. Ano naman kaya ang kanilang problema?


"Mapagkumbaba itong si Lucio, kahit na malinaw ang kaniyang maganda at mahusay na abilidad sa pagpapatakbo ng inyong hacienda," komento ni Don Miguel.


"Exacto! " usal ni Gobernadorcillo Timoteo. "Mukhang ikaw ay masaya sa pamamahala ng hacienda kasabay ang gampanan ang tungkulin bilang Teniente Mayor ng ating bayan, Compadre," dagdag pa niya.


Agad akong napatingin kay Ama. Kung ang gobernadorcillo ng bayang ito ay Si Gobernadorcillo Timoteo, si Ama ay naman ay ang Teniente Mayor? Siya ay Teniente Mayor?!


Sa Philippine History namin last semester ay naturo sa amin na ang isang bayan ay mayroon isang Gobernadorcillo. Kapag may kalakihan ang bayan na iyon ay mayroon siyang mga katulong sa pangangasiwa doon at kabilang na roon ang Teniente Mayor.

Kung ganoon hindi lang pala isa sa mayamang tao sa bayang ito ang Ama ni Kristina kundi isa rin siyang opisyal ng gobyerno. Oh goodness! Napakarami naman atang mga rebelasyon sa loob lang ng isang araw.


"Siyang tunay, Compadre," nakangiting sagot ni Ama.


Kung ang dalawang Don na ito ay may pwesto sa gobyerno, ibig sabihin ba niyon ay ganoon din ang dalawa pang Don na kasama namin?


Tumango namang nakangisi ang Gobernador at tumingin kay kuya Lucio. "Marahil ay nais mo nang lumagay sa tahimik, Senyorito Lucio?" patanong na sabi pa niya.


Napatingin naman silang lahat kay kuya ng nakangiti. Bakas rin sa kanilang mga mukha ang kuryusidad sa magiging sagot ni kuya. Pati na rin ako ay napatingin sa kanya at naghihintay sa sagot niya.

Mag-aasawa na kaya siya? Dati, nag-asawa na kaya siya bago pa man mangyari ang pagkamatay ni Kristina? Ilang taon na naman kaya siya ngayon?


Natawa naman si kuya Lucio, "Wala pa po sa aking isipan ang bagay na iyan. Itutuon ko muna ang aking pansin sa pagpapatakbo ng hacienda at sa pagbabantay at pag-aalaga sa aking mga kapatid, lalo na kay Martina," wika niya at ngumiti sa akin

.

Bahagya akong ngumiti. Napakamaalalahanin naman niyang kapatid. Iniisip niya muna ang kanyang mga kapatid bago ang sariling kasiyahan.


"Napakapalad ng iyong mga magulang at mga kapatid na magkaroon ng isang maginoo at maalalahaning anak at kapatid na kagaya mo," komento ni Donya Mariela.


"Maraming salamat po sa inyong papuri, Donya Mariela. Iyon naman po ay dahil sa maayos at mabuting pagpapalaki ng aming mga magulang sa amin," saad ni Kuya.


Napangiti naman sila at tumango bilang pagsang-ayon. Pagkatapos iyong sabihin ni kuya ay nagbago na naman ang paksa nila. Tuloy lang ako sa pagkain at tahimik na nagmamasid sa paligid. Napatingin naman ako kay Primitivo na nakaupo sa harapan ko. Bahagya naman akong nagulat nang makita kong nakatitig siya sa akin. Nagandahan yata siguro sa akin.

Bahagya ko nalang siyang nginitian at yumuko na para sumubo ng pagkain. Pero naiilang nga talaga ako sa kaniya dahil tumititig siya sa akin maya't-maya, tapos ngumingiti pa. Wala na akong nagawa kundi ngitian siya ng konti pabalik. Mabuti nalang at parang napansin rin 'yon ni kuya Lucio kaya sinali niya ito sa usapan nilang magkakaibigan.


"Naku, Carolino, pauwiin mo na ang iyong kapatid sa lalong madaling panahon. Nalulumbay na ang ating Lucas at nais ng makita si Binibining Guada," usal ni Gabriel.


Ito ay ika-apat na nilang paksa mula noong natanong si kuya tungkol sa pag-aasawa. Mukhang hindi talaga sila nauubusan ng mga kwentong kanilang pag-uusapan.


Natawa naman ang binata na naka-upo sa dulo ng mesa, "Kuya Gabriel, kilala natin si Kuya Lucas, handa siyang maghintay kay Ate Guada," tugon niya.


Kung ganoon siya pala si Carolino. Mukhang kabilang rin siya sa group of friends nina kuya. Hindi na iyon nakapagtataka pa dahil makisig rin ito at siguradong sino mang babaeng makakita sa kaniya ay tiyak na mahuhulog ang loob—maliban sa akin.

Ka-edad lang siya ni Leon kung hindi ako nagkakamali, kaya hindi talaga ka magkakaroon ng feelings sa batang iyan. Hindi ako sugar mommy, okay?

Kahit age doesn't matter pa iyan at guwapo pa. Mestiso ito kagaya ng kaniyang Ina na si Donya Mariela. Mapupungay at masigla ang kaniyang bilugang mga mata. Nakaayos ang kaniyang itim na buhok. Matangos rin ang kaniyang ilong.


"Ikaw lang naman ang mainipin sa atin. Na halos itulak mo na palayo ang isang binibini sapagkat nais mo ng kumawala sa pagkahawak, kahit wala naman, at mawala sa paningin nito upang humanap na naman ng kapalit kahit pa sampung minuto pa lamang kayong nagkasama at nagkausap," dagdag pa niya.


Agad akong napalingon kay Gabriel. Aba, napakapalikero nga naman talaga nitong lalaking 'to. May araw rin 'to sa akin. Tuturuan ko talaga 'to ng leksiyon.


Natawa lang naman siya at umiling, "Kilalang-kilala niyo talaga ako na kahit kilos ko ay nababatid ninyo."


Dahil doon ay nagtawanan naman sila. Napailing nalang ako. Iba talaga 'tong lalaking 'to. Napatingin naman ako kay Joaquin na katabi ni Gabriel, na nakaupo two seats away from Primitivo na nasa harap ko kaya kitang-kita ko siya.


Nakikitawa rin siya pero hindi masyado. Seryoso kasi siya at parang mayroong iniisip. Siguro ay dahil sa away o breakup nila ng babaeng si Clara. Bahagya pang nakakunot ang kaniyang noo. Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali. Hindi ko ipagkakailang makisig siya. Hindi ko naman kasi nakita ang mukha ng Clara na iyon para mahinuha kong bagay ba talaga sila ni Joaquin.


Bigla naman siyang lumingon at seryosong tumingin sa akin. Wala itong kaemo-emosyon at mas lalo pang nangibabaw ang itim na kulay ng kaniyang mga mata dahil sa kaniyang seryosong aura. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo at medyo magkadugtong na ang kaniyang makapal na kilay.


Oh my goodness! Why am I palpitating? I can hear my rushing heartbeat na parang hinahabol ng baliw na aso o di naman kaya'y kabayong nakikipagkarera sa sobrang bilis. Siguro ay dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. And I'm doomed. Oh goodness Chestinell, nakakahiya ka! Bakit mo naman kasi ginawa 'yon?


Kaagad ko siyang nginitian ng konti at mabilis na umiwas ng tingin. Pero kahit pa n'on ay hindi nawala ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang mas lalo pa siyang bibilis kapag kinakalma ko ang aking sarili. Get it over with, Chestinell!


Sinulyapan ko siya ng pagilid at hindi iyon nakatulong dahil mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko, sapagka't nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Oh my goodness! Baka sabihin pa niya crush ko siya dahil nakatitig ako sa kanya ng pasimple? Nakakainis ka, Chestinell! You're ruining it!


Pero hindi ko alam kung bakit ngunit nakita ko nalang ang sarili kong napatitig na rin sa kaniya. Hindi pa rin nawala ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Break it Chestinell. What are you doing?! Break it! Break it! Umiling ako sa loob-loob at kaagad na nag-iwas ng tingin.


Ano ba ang ginagawa mo Chestinell? Baka kung ano pa ang sabihin niya? Sinisira mo ang imahe mo eh. Napahinga nalang ako ng malalim at tumuloy na sa pagkain. Hindi ko nalang pinansin ang pakiramdam na may tumititig sa akin—ramdam kong marami iyon, at nakayuko lang ako at kumakain.


Pagkatapos ng kainan ay may pagtatanghal pa kaming pinanood. Isang grupo ng mga mang-aawit na pinaanyayahan ni Gobernador Timoteo upang kumanta sa kaarawan ni Ama. Isa na rin daw ito sa kaniyang regalo para kay Ama. Ipinagmamalaki pa ni Gobernador Timoteo na isa sila sa pinakatanyag na grupo na mula pa sa Pransiya. Lima sila, dalawang babae at tatlong lalaki. Kita rin sa kanilang itsura na hindi sila galing rito sa Pilipinas. Pinanood namin silang magtanghal at kitang-kita ko sila dahil nasa mismong harapan kami ng mga ito.


Talaga ngang magaling silang kumanta at ang gaganda rin ng mga boses nila. Halos maiyak na nga ako at nagsipagtayuan na ang mga balahibo ko sa braso kahit pa hindi ko alam ang lyrics at mensahe ng kanta dahil sa galing nila sa pagdala ng mga tono at nota. Hinuha ko ay sad love song ito.


Aba, talagang umawit pa sila ng sad love song sa may birthday?


Salitan ang dalawang mang-aawit na babae at lalaki. Ang isang babae ay tumugtug ng byolin, 'yong isang lalaki ay nakigamit sa pyano ng bahay. At 'yong isa ay naka-flute. Mukhang mas matanda lang sila kay kuya Lucio ng ilang taon. Naghahanap kaya sila ng isa pang member? Hindi ako magdadalawang isip na sumali, kahit ako lang ang pumapalakpak sa likod nila para dagdag sa tono at sound effects ay ayos na iyon. Para may sideline ako sa panahong 'to. Baka ito ang magiging dahilan na may madala ako papunta sa future, ang ipon ko sa pagko-concert namin. Diba sabi ng Lola may dadalhin raw ako papunta sa future? Edi ito na 'yon.


"Napakahusay nilang kumanta, hindi ba?" rinig kong sabi ng taong nasa kanan ko, kaya napalingon ako sa gawing iyon.


Nakita ko si Primitivo na nakangiti sa akin at sumulyap sa mga kumakanta. Nakalapit nga talaga siya—ulit. Tumango naman ako, "Tama ka. Totoo ngang mga international singers sila," tugon ko at tumingin sa mga umaawit.


Napalingon naman siya sa akin, "Inter—ano?" naguguluhang tanong niya, "Hindi ko mawari ang iyong sinasambit, Binibini," usal niya pa.


Naalala ko namang hindi pala sila masyadong maalam at bihasa sa Ingles. Kaya napangisi ako at mahinang pinalo ang ere.


"Ah, ang ibig kong sabihin ay mga mang-aawit na tumatanghal sa kahit saang panig ng mundo dahil sa husay at galing nila," paliwanag ko.


Napatango naman siya ng kaunti. "Ah, ganoon ba. Tama ka riyan. Napakagaling ngang maghanap ni Gobernador ng mga magtatanghal. Nais niyang ipamalas ang mga magtatanghal na hindi mo malilimutan ang galing," wika niya.


Tumango ako bilang pagsang-ayon at ngumiti ng kaunti. Nakonsensya tuloy akong hindi ko siya pinansin ng maayos kanina. Mabait naman pala siya. Ang main goal ko pa naman ay makipagkaibigan sa lahat ng tao rito, para walang magtatanim ng sama ng loob at hinanakit sa akin. Para walang magtatangka sa buhay ko.


Hay naku, Chestinell.


"Pri—Ginoong Primitivo, nais ko sanang humingi ng tawad sa iyo," mahina kong sabi.


Napatingin naman siya sa akin ng nakangiti na bahagyang nakakunot ang noo na naguguluhan, "Ano ang ibig mong sabihin, Binibini? Hindi ko mabatid ang nais mong ipahiwatig," nagtatakang tanong niya.


"Eh, kasi kanina. Hindi kita maayos na pinansin," usal ko. Dahil doon ay bahagya siyang natawa. Mahina ang tawa niya na sobrang angelic. Napaka-cute niyang tumawa. Ay, ano na naman ba Chestinell?! Huwag kang ano, okay? Hindi iyon kabilang sa misyon mo.


"Walang problema iyon, Binibini. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil hindi mo naman kami nais makausap, maliban sa iyong mga kapatid lalo na si Ginoong Lucio," aniya.


Ow, mukhang wrong move ata 'yon. Tama nga talaga sina Lolo at 'yong matanda, hindi nga siya madaldal. Pero ayos na rin 'to, nang sa gano'n ay magkaroon ako ng maraming kaibigan at hindi nila maaalalang masama at may ugali si Kristina kapag siya na'y mamamatay. At least she'll remain a legacy if I will be kind and good to others. Legacy?

Nginitian ko nalang naman siya bilang sagot.


"Virtuoso! Napakahusay!" (Excellent!) masayang usal na papuri ni Don Miguel.


Nagsipalakpakan silang lahat at kasabay rin n'on ang pagyukod ng grupo sa harapan. Nakisali na rin naman akong pumalakpak at sumabay na rin si Primitivo.


"Hindi ba't sinabi ko sa inyong sila ay mula pa sa Pransiya. Hindi maipagkakailang napakahusay nga nila," pagmamalaki pa ni Gobernadorcillo Timoteo.


Mukhang nag-eenjoy pa ang mga tao sa pagdiriwang at ni isa ay wala pang umuwi. Sino ba naman kasi ang nais maunang umuwi eh isang Teniente Mayor ang nag-imbita sa iyo sa kaniyang party. Para sa kanila isa ng prebelihiyo dahil ibig sabihin n'on ay may pabor ka sa kaniya, and the likes.


Nauna na akong natulog dahil pinaakyat na ako nina Kuya at Ina. Nakita kasi ako nina kuya na nakaidlip sa may bintana na naka-upo. Nakakahiya naman kasing mauuna akong matulog sa kanila, eh birthday party pa naman ni Ama, dapat kompleto kami. At dahil nga nakatulog ako, isinama kaagad ako nina Kuya papunta kay Ina para ipaalam na matutulog na ako. Napataas pa nga ang kilay ni Ina ng konti nang makita niyang nasa baba pa pala ako dahil akala niya nakatulog na ako sa taas. Pinadala rin naman niya ako kaagad sa itaas para matulog na. Naiwan silang lima at pati si Tiya Arcela na inaasikaso ang mga bisita.


Nakita ko nga sa relo sa leeg ko na malapit ng mag-twelve. Back in 2020, sanay naman akong matulog ng midnights na or kaya malapit ng mag-umaga pero hindi ko alam kung bakit ako inaantok na kahit maingay naman ang paligid. Siguro ay napagod lang talaga ako dahil sa nangyari sa buong araw. At sobrang dami n'on.


Dahil rin sa full force na pagbabantay nina Kuya and friends ay wala ni isang lalaking nakalapit sa akin. Hinarangan kasi nila ako na nakaupo sa may bintana kaya wala talagang makakalapit sa akin. Isa pa alam naman ata ng mga tao na tahimik ako kaya siguro wala ring lumalapit sa akin.


Pagdating ko sa kwarto ay agad na akong napahilata at nakatulog. Ni hindi nga ako nakapagpalit ng damit. Hindi ko talaga alam kung bakit parang na-drain ako ng husto.



Nagising dahil sa mga manok at mga hayop na napaka-ingay. Teka nga lang! May manok na si Papa? Wala naman kaming farm dito sa gilid ng bahay ah?


Agad akong napadilat, at bahagyang kumunot ang noo ko. Lacy curtains sa palibot sa kamang hinihigaan koa ng una kong nasilayan. Napatingin naman ako sa damit ko. Nakita kong nakasuot ako ng isang magarbong baro't saya.


Bakit ako nakasuot ng ganito? Saan ba ako galing?


Agad na nagsink in sa akin ang lahat. Ang lahat ng nangyari, ang pagkapunta ko sa taong 1890 at sa pagdalo ko sa party ni Ama. Kung ganoon, I'm really in 1890? I'm really in 1890! Hindi ba talaga ako nananaginip lang?


Napaupo ako sa kama at huminga ng malalim. Naninibago talaga ako, but kailangan kong mag-adjust dahil parang matagal-tagal ako rito. Goodness, I need to start investigating Kristina's death and today is the day.


Kaagad na akong nagbukas ng bintana sa kwarto. Fresh air entered in my nose. Wala pang kapolu-polusyon. Dati ninais ko rin na makalanghap ng preskong hangin, at ngayon parang natupad na ata siya. Marami na ang mga tao sa labas ng bahay. Naglilinis sa front yard, nagdidilig sa mga halaman, nagtatrabaho sa hacienda at mga taong dumadaan sa harap ng bahay papunta sa kung saan. They look so happy, wearing smiles on their faces, greeting and talking to each other.

People in this time ay parang walang problema. Kahit mahirap sila they still smile. Aside from the Spanish cruel ruling na pinapahirapan sila, they've endure everything. They showed that the blood of the Filipinos are brave, fearless and endures everything. They shouldn't loose hope, dahil pagdating ng panahon magiging malaya rin ang mga tao mula sa mga Kastila.


At kapag nagawa ko ang misyon ko magiging masaya na rin ang buhay ko.


Tumalikod na ako at nagpunta sa banyo at naligo na. Isinuot ko na ang kwintas at lumabas na ako papuntang kwarto para ayusin ang hinigaan ko at maya-maya ay bumaba na papunta sa kainan. Nagugutom na rin kasi ako. Masasarap pa naman ang mga pagkain nila rito, siguradong mabubusog talaga ako ng husto. Pagdating ko sa baba ay abalang-abala na ang mga tao sa buong bahay. Naglilinis at kung ano-ano pa. Maraming kailangang linisin sa buong bahay dahil sa pagdiriwang kahapon.


Anong oras naman kaya sila nagsipag-uwian?


Napatigil ako sa may pintuan ng kainan. Nakita ko sina Ama, Ina, sina Kuya at Tiya Arcela. I smiled inwardly, sila ang magiging pamilya at makakasama ko sa panahong 'to. Sana, sana magawa ko ang misyon ko para magiging maayos silang lahat pag-alis ko. Sana sa panahong makasama ko sila magkaroon sila ng masasayang alaala kasama si Kristina kahit sa katauhan ko man lang. Gagawin ko ang lahat, para sa kanila. At para sa hinaharap.


"Senyorita, nariyan ka na pala."


Narinig kong sabi ng isang tao. Napalingon ako at nakita ko si Isay, kaya agad ko siyang nginitian.


"Bakit, Isay?" tanong ko.


"O anak, nariyan ka na pala. Mukhang hindi ka na naabutan ni Isay."


Napalingon naman ako nang magsalita si Ina. Nakangiti siya sa akin, kaya nginitian ko na rin. Napalingon naman sina Kuya sa akin kaya nginitian ko na rin sila. Si Ama naman ay deadma lang sa akin at parang siya lang nag-iisa sa mesa.

Tss, that's one of the things I will change. Gusto kong magkaayos sila ni Kristina. Napaka-cold naman niya talaga, kaya hindi na ako magtataka pa kung saan nagmana si Lolo Alejandro eh Lolo niya naman ito.


"Magandang umaga po sa inyong lahat," nakangiti kong bati at naglakad papunta sa mesa.


Dahil sa sinabi ko ay sabay-sabay silang napatingin sa akin, pati na rin si Ama na parang nagulat. Pati na rin ang mga tagasilbi ay kahit na nakayuko ay pagilid akong sinulyapan. Well, masanay na ho kayong lahat. Ganito talaga ako eh. Kahit pa sa 2020, medyo madaldal ako. Pero loner lang ako.


"Aba, mukhang tama nga si Leon, nagbago na ang ihip ng hangin," komento pa ni Kuya Lucas pagkaupo ko sa tabi ni Tiya Arcela na kasunod ni Ina.


"Tiya, ano ang iyong ginawa sa kanya sa Fuente Ilaraya?" taas kilay pang tanong ni Kuya Marco.


Bahagyang napangiti si Tiya Arcela. "Wala naman akong ginawa sa kanya, Marco," saad ni Tiya.


Nginitian ko nalang silang lahat. If I will be the opposite Kristina, hindi lahat ng traits niya ay iwawala ko. Magiging mas komplikado 'yon dahil magsususpetsa ang mga tao sa paligid ko. Kaya I'll be 50/50. Limampung porsyentong ako, at limampung porsyento na si Kristina. Or depende na rin 'yon sa sitwasyon. Ang kailangan ko lang malaman ay alamin ang ugali at mga gawi ni Kristina nang sa gano'n ay kahit ako na ito, present pa rin si Kristina.


"Ika'y kumain na, Kristina, anak," wika ni Ina. Tumango naman ako at kumuha na ng pagkain. "Naging maayos ba ang iyong pagtulog?" tanong pa niya.


"Opo Ina, maayos na maayos," nakangiti kong tugon at sumubo ng pagkain.


She smiled sweetly at me. "Mabuti naman kung ganoon," usal niya at sumubo ng pagkain.


Matapos niyon ay ilang sandali ring tahimik ang paligid, at pareho silang lahat na seryosong kumakain. Ganito ba talaga sila ka silent kumakain? In 2020, maingay kasi kaming kumakain, mostly ang mga kapatid ko ang nag-iingay, fighting over something.


"Sya nga pala, Kristina. Batid naming ayaw mong lumabas ngunit nais mo bang sumama sa amin ng inyong Tiya sa pamilihang-bayan?" pagbasag ni Ina sa katahimikan. Mabuti nalang. Mabibingi na ako eh. At ang awkward pang magsalita.


Napasimangot ako ng kaunti at lumingon kay Ina, "Pasensya na po, Ina. May gagawin po ako sa taas eh. Siguro po sa susunod," tugon ko. Ngumiti naman siya.


Why does she always smile at me? Parang mahihiya na ako. I'm fooling her and she doesn't deserve it. Napakabait niyang Ina, and I'm sure of it kahit kahapon ko lang siya nakilala. I can feel how she really love Kristina. Well all mothers love their children naman but the way she talks to Kristina—to me kahit masama ang ugali ni Kristina. How she died because of grief over her daughter's death. It really does hurt her.


"Sa susunod, anak, walang problema," usal niya.


Napatingin naman ako kay Ama at bahagya akong nagulat nang makita kong nakatingin pala siya sa akin ng seryoso. Just like Lolo Alejandro, his stare is so intimidating na parang clear paper ka sa harap niya alam na alam niya ang thoughts mo. His gaze is so piercing na ikaw na ang mauunang babawi ng tingin dahil hindi mo kaya ang powers niya. He has this dark and intimidating aura kahit pa nasaan siya at kahit nakangiti pa siya. Dahil siguro iyon sa posisyon niya or sadyang ganoon lang talaga ang ugali niya. Nginitian ko nalang siya ng konti at bumalik na sa pagkain.


Pagkatapos ng sagot ni Ina ay wala na uli pang nagsalita. Hindi ko alam kung bakit talaga. Being in the dining eating together is a way of bonding na kaya. Si Ama ba ang nagbawal na mag-usap? Napakaano niya talaga.


Pagkatapos kumain ni Ama, na sinabayan ni Kuya Lucio ay umalis na silang dalawa. Narinig kong sabi ni Ama ay sa hacienda. Ginagawa ba nila 'yon araw-araw? Naglilibot sa hacienda? Pero what about Kuya Lucas and Marco? Magmamana naman sila sa hacienda diba? Bakit parang hindi sila onhand sa bagay na 'yon, or alternate ba silang sasama kay Ama?


Maybe, iyon nga siguro.


After na umalis sina Ama ay sabay kaming natapos lima sa pagkain. Umalis na rin sina Ina papunta sa pamilihang bayan na sabi niya. Umakyat na rin ako kaagad papuntang kwarto para maghalungkat ng mga gamit. I hope may naiwang mga clues si Kristina.


Nilock ko kaagad ang pinto at napasandal rito habang pinagmasdan ang buong kwarto. Sana sa laki nito may mahanap akong maraming impormasyon. Naglakad na ako papunta sa bedside table at binuksan ang lahat ng drawers na naroon. Wala akong nakitang eye catching, dahil lahat ng nandoon ay hindi masyadong importante. Suklay, papel, ipit, pluma, mga tinta at mga libro lang ang naroon. Wala ring nakasulat sa mga papel. Ito ata ang papel na susulatan niya. Marami-rami rin ito. Ibig sabihin nito, kung may papel ay may mga sinusulat siya. Ang problema ay kung saan niya nilagay ang mga 'yon. Hey, Kristina send clues.


Nagpunta sa bookshelf niya at pinasadahan ng tingin ang mga libro. Iniisa-isa ang mga kahina-hinalang na mga librong nandoon. Pero wala pa rin akong mahanap. Ang mga libro niya ay may mga love story, tungkol sa mga halaman at bulaklak, at mga etiquettes about being a proper lady, etc. Wala man lang siyang kahit diary.


Kanina pa ako hanap ng hanap dito. Sobrang init pa dahil sa suot ko at wala pang electric fan. Napatingin ako sa relong laket at nakita kong malapit nang mag nine thirty. Kanina pa akong seven nagsimula pero wala pa rin akong mahanap. Kristina, wala ka man lang bang sinulat kahit listahan ng utang?


Makakatulong na 'yon dahil baka isa sa kanila ang magtatangka sa buhay mo. Napahinga nalang ako ng malalim at nagpunta sa wardrobe niya at hinalungkat 'yon, pero ultimo anino ng papel ay wala man lang akong makita. Pati na rin ang  drawer na katabi ng wardrobe niya ay wala pa ring clue. Hinalungkat ko na rin ang gamit na dala niya galing Fuente Ilaraya pero lahat ng nandoon ay mga damit lang. Malakas ang kutob kong may mga isinulat siya at nandito lang 'yon. May lugar lang talaga siyang tinaguan n'on. May mga papel siya't tinta at marami-rami iyon ibig sabihin mahilig siyang magsulat.


Napahilata nalang ako sa sahig at sumandal sa wardrobe niya pagkatapos sarahan iyon. Nakalimutan ko pa kasing itanong kung saan nakalagay ang mga impormasyon sa matandang 'yon. Pero ang sabi niya nandito lang 'yon at ako na ang bahala na humanap no'n. Napaingit nalang ako sa inis.


Saan ko ba hahanapin 'yon?!


Napadausdos nalang ako at humiga na sa sahig. Inihilig ko ang ulo ko at pumikit. Kailangan ko munang huminga sandali. Iniisip ko rin kung saan niya pwedeng itago ang mga bagay na dapat sekreto lang. May secret room ba siya rito? Storage room? Or di kaya nilagay niya doon sa storage floor o basement? Pero kung ilalagay naman niya kasi do'n mas lalo pa 'yon makikita ng mga tao dahil kadalasang nagpupunta ang mga trabahador ni Ama doon.


Iminulat ko nalang ang mga mata ko. Kaagad rin namang kumislap ang mga mata ko nang makita ko ang kama. Isang ideya ang pumasok sa isipan ko at napangisi ako. My final option. Kaagad akong napabalikwas at gumapang papunta doon. Hindi na ako nagdalawang isip pang itaas ang bed sheet na nakalaylay para tignan ang nasa ilalim nito. Bahagya akong mapasimangot nang makita kong madilim ang ilalim nito. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang lampara at inilagay sa ilalim matapos kong sindihan.


Sana naman nandito na ang hinahanap ko.


Napatingin ako sa ilalim nito at napangiwi nang wala akong makita kahit anong bagay. Inilipat ko naman ang direksyon ng lampara sa may ulunan. Hindi naman ako nabigo at napangisi ako, na parang nakakita ng isang milyon sa isang bag o di naman kaya'y kahon-kahon na ginto, dahil may nakita akong isang kahon. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang buo kong katawan kahit pa mainit ang panahon.


Ano bang meron sa kahon na ito? Ito na ba 'yon? Bakit parang may kung anong nagsasabing buksan ko ito? Bakit parang sumakit ang dibdib ko? O baka guni-guni ko lang iyon? Baka nga guni-guni ko lang. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na hinila ang kahong iyon palabas. Medyo nahirapan pa ako dahil may kabigatan ang kahong iyon. Nang mailabas ko na iyon ay napahilata akong umupo sa harap nito. Para siyang isang treasure chest pero flat lang ang takip nito. Isa itong kaban. Makintab ito at halatang mamahalin. May isang metal plate nakalagay sa may pinakababa ng cover nito na kung saan naka-engrave in cursive ang initials ni Kristina.

MGKDV


Kung ganoon, narito ang lahat ng sekreto ng buhay ni Kristina? Sana naman, dahil pagod na akong maghanap pa ng iba. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na nga ba talaga 'yon?


Kaagad ko iyong binuksan at noon din ay lumabas ang napakabagong amoy mula rito at pumasok sa aking ilong. Marahil ay ang pabango ni Kristina. Tumambad sa akin ang tumpok ng mga papel na nakatupi na nakaayos sa kanang parte ng kahon. May mga sobre rin at mga tinta pa at pluma. Sa kaliwa naman nito ay may isa pang kahon na maliit na mukhang may mga lamang mga importanteng bagay.


So ito nga yata ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko. Napairap nalang ako at umiling.


Ay naku, Chestinell bakit hindi mo kaagad naisip na nasa ilalim lang naman pala ng mismong kamang hinihigaan mo nakalagay ang lahat ng mga dapat mong malaman?


Pero kahit na nakita ko ang mga ito hindi rin naman ibig sabihin niyon ay malalaman ko na kung sino ang may kinalaman sa pagpatay kay Kristina, dahil bumalik ako sa panahong wala pang nagplano sa pagpatay sa kaniya o kaya naman ay pinaplano pa lang ito. Ang narito lang sa mga papel na ito ay ang mga sulat niya para sa sarili niya o kanino man. Ito rin ang tutulong sa akin upang manatili pa rin ang Kristina na kilala ng mga tao sa paligid ko.


Sana naman sa pamamagitan ng mga sulat na narito sa kahong ito lalo akong magtagumpay at magawa ang misyon ko.


Sana.


Isa pa, sana naman may nakasulat ang mga papel na nandito para hindi naman masayang ang pagod ko.






Sa Taong 1890

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro