Kabanata 10
| Kabanata 10 |
"Luis, kamusta na pala ang inyong mga bagong binhing itinanim na ibinigay ko sa iyo?" tanong ni kuya Lucio.
Tumango naman ang lalaking siniko 'yong isa nilang kasama kanina. "Maayos naman Lucio. Mukhang madaragdagan na naman ng mga pananim sa hacienda, sapagkat nakita kong maayos ang kanyang pagtubo at mataba rin ang mga tanim," sagot niya. Hmm, so siya ay si Luis.
Mukhang magkaedad lang ata sila ni Kuya Lucio. First name basis lang kasi, at hindi nagkuyahan. Ilang taon na kaya sila?
"Masaya akong iyong nagustuhan. Makakatulong iyon sa pagkakaroon ng mga bagong maaani sa hacienda at upang may mas maraming makain ang mga trabahador at mas marami pa tayong iaangkat na mga produkto," ani Kuya Lucio.
Feeling ko panganay rin itong si Luis eh. Mga topic nila, halatang responsibilidad ng mga panganay ang sentimento.
"Aba itong mga ito. Hindi muna natin pag-uusapan ang mga negosyo at kung ano pa man. Narito tayo upang magsaya," singit ni Gabriel. Well, the happy-go-lucky guy/playboy.
"Tama ka, Gabriel, ngunit mukhang may isang taong hindi makakasama natin sa pagsasaya," tugon ni Kuya Lucas, "Nasaan si Joaquin?" tanong pa niya.
Who is Joaquin? By any chance, siya ba 'yong lalaki kanina na nakipagtitigan sa akin? Mukhang siya nga ata. Hindi tayo sigurado pero ang cool naman ng pangalan niya, kasing gwapo ng mukha niya.
Wait–what?! Chestinell, nababaliw ka na, kung ano-ano nalang ang mga sinasabi mo.
"Kani-kanina lang ay umalis siya at sabi niyang siya ay babalik," tugon ng lalaking sinungitan ako kanina.
"Hindi ba niya nabanggit sa iyo, Leon, kung saan siya patutungo?" pagtatanong ni Gabriel sa lalaki, na si Leon pala. Well, it suits him. Masungit na, Leon pa ang pangalan. Masungit naman talaga ang mga leon diba?
"Hindi. Ngunit pabalik na siguro iyon," aniya.
Ngayon ko lang napansin medyo magkahawig silang tatlo. Magkakapatid ba sila? Medyo magkakapareho kasi sila ng mga shape ng mukha at features.
Parang umikot naman bigla 'yong tiyan ko na nagpakunot ng noo ko. Gutom na ako? Ang bilis naman. Anong oras na ba? Mas lalong pang umikot ng tiyan ko nang may natanaw akong isang bowl ng pagkain na dinadala papunta sa long table.
Kaagad kong sinundot si kuya Lucio, "Kuya, nagugutom na ako," bulong ko sa kanya.
Napalingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, "Pwede kang kumain sa iyong silid, gaya ng iyong nakasanayan," tugon niya.
Napasimangot ako ng konti, "Pero nakakahiya naman kay Ama kung mauuna akong kakain." Kumunot naman ang noo niya. Nahiya tuloy ako. Ano ba 'yan, Chestinell, dapat 'di mo nalang sinabi sa kanya.
"Pwede ba akong lumabas? Babalik ako kapag kakain na tayo. Itutuon ko nalang ang pansin ko sa ibang bagay," alok ko habang ngumiti ng konti.
"Sasamahan kita. Hindi ka maaaring mag-isa, hindi ba?" usal niya.
Napa-iling ako, "Kuya, paano naman sila?" tanong ko at nginuso sina Kuya Lucas na nag-uusap.
He smiled kindly, "Ayos lang sila rito," sabi niya. "Ngunit maaari ka namang maunang kumain. Baka ikaw ay malipasan ng gutom," turan niya.
"Ayos lang talaga, Kuya. Hindi naman ako sobrang gutom. Gusto ko rin munang lumabas," ani ko.
Tumango siya, "Kung iyan ang iyong nais. Sasabihan ko muna sila," wika niya at lumingon kina Kuya Lucas.
"Ayos lang ba kayo rito? Kami ay lalabas muna ni Martina. Nais niyang lumanghap ng hangin," pagpapaalam niya.
Napalingon naman sila sa amin. "Ganoon ba? Maaari ba akong sumama? Nais ko ring magpahangin," sagot ni Gabriel.
"Kami rin," sagot ni Luis, or should I say Kuya Luis. Halata naman kasing magka-edad sila ni Kuya Lucio.
"Kung ganoon tayo na?" alok ni Kuya Lucio.
"Teka? Paano si Kuya Joaquin? Baka siya'y maghahanap sa atin?" pagpigil ni Leon. He often talks about Joaquin, close kaya sila?
"Hahanapin ko muna siya at susunod kami sa inyo," dugtong niya pa.
"Siya'y hahanapin ko rin. Magdadala rin ako ng makakain sa labas. Susunod ako," sabat ni Gabriel at nagsimula ng maglakad palayo.
Napa-smirk naman sila sa kanya, "Siguraduhin mong susunod ka at hindi ka pupunta sa mga binibini, Gabriel," nakailing na sabi ni Kuya Luis. Nakangiti naman niya kaming kinindatan gamit ang kilay at naglakad na paalis.
"Sasama na ako kay Leon. Magkikita nalang tayo sa labas," usal ni Kuya Marco nang makaalis na si Gabriel.
"O sya, sige," sambit ni Kuya Lucio at umalis na sina Leon at kuya Marco. Naiwan kaming apat nina Kuya Lucio, Kuya Luis at Kuya Lucas. Pansin ko lang, bakit L ang simula ng mga pangalan nila? Anong meron sa L?
"Tayo na?" ani kuya Lucio. Tumango naman kami at naglakad na paalis.
Medyo marami nga'ng mga bisita at medyo masalimuot na dito. Pababa na kami sa hagdan nang biglang may isang lalaking feeling ko ay nagtatrabaho dito ang lumapit.
"Senyorito Lucio, ipinatawag ka ng iyong Ama," sambit nito, at lumingon siya kay Kuya Luis, "Ganoon din po kayo, Senyorito Luis, ng iyong Ama," dugtong niya. Agad naman siyang yumukod at umalis na. Pareho silang pinatawag? Sino naman kaya ang Papa ni Kuya Luis?
Tumingin silang dalawa sa amin ni Kuya Lucas. "Pupuntahan muna namin sina Ama. Ikaw na ang bahala kay Martina. Kami ay susunod sa inyo maya-maya," wika ni Kuya Lucio.
"Sige, Kuya, walang problema," sagot ni Kuya Lucas sa kanya. Nginitian ko naman sila at tumango.
"Martina, huwag kang lalayo kay Lucas," sabi pa ni Kuya Lucio. Wow, hindi ko na talaga keri 'to. Parang kung saan naman kami pupunta eh nasa bahay lang naman kami. Gano'n ba talaga kapag may kuya, kapag sinabi niyang ilalayo ka niya sa mga lalaking lalapit sa iyo, ilalayo ka talaga?
Tumango nalang ako, "Opo Kuya, walang problema." And with that umalis na sila at naiwan kami ni Kuya Lucas.
"Halika na Martina, baka naroon na ang iba sa labas," usal niya at inalalayan ako pababa ng bahay.
Pagkalabas namin ay agad na sumalubong sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin. Naririnig ko pa ang mga tunog ng mga kuliglig sa kung saan man. Walang katao-tao sa labas at tahimik lang, kumpara sa loob na maingay ang mga tawanan at pag-uusap ng mga bisita. Maaliwalas din ang kalangitan at maraming mga bituin sa langit. Iba ito sa karaniwang gabi back in 2020. I miss home. Miss ko na sina Mama, Papa, at ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya sila? Kadarating ko palang dito pero miss ko na sila. Pamilya ko pa rin sila kahit papaano kaya wala akong karapatan at lakas na loob na magalit sa kanila kahit ano pa man ang gawin nila sa akin.
"Bakit wala pa sila rito? Nasaan naman kaya sila?" rinig kong sabi ni Kuya Lucas ilang sandali kaming naghintay.
"Siguro ay hindi pa nila nahahanap si Joaquin," sagot ko. Agad naman siyang napalingon sa akin at kumunot ang noo niya.
"Joaquin?" takang tanong niya, "Tinatawag mo lang siya sa kanyang pangalan? Malapit kayo sa isa't-isa?" dugtong niya pa na nagpakaba sa akin. Oh C! I forgot the 'Ginoong' thingy, goodness.
"Ah, h-hindi. Mas gusto ko lang tawagin ang mga tao sa pangalan lang. Wala naman siya rito kaya ayos lang 'yon," palusot ko.
Ayos lang naman 'yon diba? Or hindi pwede 'yon dahil term of respect 'yon and is a must sa panahong 'to? Well, according sa teacher na hinire ni Lolo, it is. Depende nalang kung close mo ang tao, pwede ang first name basis.
Tumango naman siya ng konti. "Kung gusto mo Kuya, pwede ka namang tumulong sa paghahanap sa kanya. Pero gano'n ba siya kaimportante para hanapin niyong lahat?" pagtatanong ko.
Bakit ba silang lahat nagsipaghanap sa lalaking 'yun? Prinsipe ba siya? Anak ng Gobernadorcillo? May-ari ng buong bayan? Like you know, pwede naman kahit ngayon lang wala siya diba?
"Martina, marahil ay hindi mo naiintindahan ngunit magkakaibigan kami. Ibig sabihin noon ay kung nasaan ang isa ay naroon ang lahat," aniya, "Bilang magkakaibigan, isinumpa naming magkakasama kami sa kasayahan man o kalungkutan. Dahil iyan ang tunay na pagkakaibigan. Hindi kami buo at masaya kapag kami ay kulang," Paliwanag niya.
Napatitig ako sa kanya. They really treasure their friendship like that. And that is so nice. Does that friendship exist in 2020? Kaya rin pala talaga parang close sila sa isa't-isa. Pero friend din ba nila 'yong si Primitivo at 'yong isa pang binata? Bakit hindi nila pinasama sa amin at hinahanap?
"Ngunit ngayon, dahil nais mo na kaming makasalamuha at maging kaibigan, sana ganoon ka rin sa amin. Itinuturing namin ang isa't-isa bilang magkakapatid, sana ay ganoon ka rin sa kanila," aniya.
I smiled at him widely, "Oo naman, kuya. Pangako iyan," nginitian naman niya ako.
"Baka gusto mong hanapin din siya? Maghihintay ako rito at padadalhan ko kayo ng mensahe kapag may makarating na," I offered again.
Nagtataka talaga ako eh. Bakit ngayon dapat silang magkasama lahat? Pwede bukas nalang? Pero sabi nga ni Kuya best friends sila at dapat kompleto silang lahat wherever they go. Hindi naman siya sumagot at tumitig sa akin.
"Ayos lang ako rito Kuya. Pangako. Kung nag-aalala kang baka may lalapit sa akin, huwag kang mag-alala kaya ko silang patakbuhin palayo ng wala pa akong ginagawa," sagot ko at nginitian siya. Gusto ko rin munang mapag-isa, total wala rin namang tao rito sa labas.
Mukhang na-convince naman siya kaya tumango siya, "Babalik ako kaagad, Martina. Huwag kang umalis at lumabas diyan sa bakod. Alam mo naman na delikado ng lumabas. Naiintindihan mo? Sana huwag kang magpasaway ngayon," tugon niya. Napakunot ang noo ko. Si Kristina pasaway?
Ngumisi nalang ako sa kanya, "Hindi ko gagawin iyon, Kuya," usal ko, kaya tinaasan niya ako ng kilay.
Agad kong itinaas ang kanang palad ko, "Pangako."
"Babalik ako kaagad." And with that umalis na siya.
Agad akong napatalikod sa bahay at pinagmasdan ang buong paligid. Maraming mga ilaw ang nakalagay sa mga poste kaya mas lalong lumiwanag ang paligid kahit gabi na. Napakaganda ng front yard nila. Maraming mga bulaklak na nagpabango sa simoy ng hangin. By columns ang pagtanim nito at halatang inaalagaan talaga ito palagi. Bricks din ang pathway nila na mirror Y shaped mula sa gate papunta sa hagdan ng bahay. Sa gitna ng mirror Y shaped na pathway ay isang flower bush. Masayadong mahilig ata si Ina sa mga bulaklak, kagaya ni Mama. May mga puno rin na may mga kahoy na upuan sa ilalim nito. Napakalawak ng front yard nila na pwede ng gamitin kapag naglaro ng tagu-taguan.
Lumapit nalang ako sa isang puno at umupo sa upuan sa ilalim nito at tumanaw sa madilim na kalangitan. This is my first day and first night here in 1890 at marami na kaagad nangyari at marami rin ang nalaman ko-tungkol sa misyon ko. I just need to live in the fact na nasa taong 1890 ako, kahit alam kong imposibleng mangyari ang bagay na 'to. But here I am, the living proof, that this really happened.
And I'm here to change the history. The history of my family. Hindi ko alam kung kaya ko ba 'yong gawin pero para sa matagal kong pinangarap na masayang buhay sa hinaharap, gagawin ko. And I hope I would be able to do it. Napahawak ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko. "Kakayanin mo 'to Chestinell," bulong ko sa kawalan.
"Ngunit Joaquin!"
Agad akong napalingon nang may narinig akong boses mula sa di kalayuan. Isang babae. And what? Joaquin? As in 'yong hinahanap nina Kuya? Well, only one way to find out. Agad kong hinanap ang pinagmulan ng boses at may nakita akong dalawang pigura sa di kalayuan. This felt like deja vu. Saan ko ba 'to naranasan? Ay! Oo do'n sa San Luisiano. Noong birthday ni Lolo. Napanguso naman ako. Ano naman kaya ang balak ng dalawang 'to?
Agad kong iniyuko ang katawan ko at dahan-dahan na naglakad papunta sa kanila. Maya't-maya rin ang paglingon ko sa paligid kung may tao ba o nakakita sa akin or sa kanila. Dahil kapag nangyari iyon patay ako pero mas lalong patay sila. Nagmukha na akong spy or stalker dahil dito. Pumwesto na lang ako sa puno na ilang metro lang ang layo sa kanila.
"Hindi mo maaaring gawin ito sa akin Joaquin." May galit at lungkot sa boses ng babae ang narinig ko habang magkaharap silang dalawa.
Napasingkit ang mata ko at mataman silang tinitigan. Hindi ko kilala ang babae at hindi ko rin siya nakita kanina sa taas. At 'yong lalaki ay—siya nga! Si Joaquin, ang hinahanap nina Kuya. Hmm. Naku naku naku, andito ka lang pala nagkikipagdate habang 'yong mga kaibigan mo hanap ng hanap sa 'yo. Tss.
"Ginoong Joaquin," malamig na tugon nito na parang kinokoreksiyonan ang babae sa sinabi niya, "At isa pa Binibining Clara, sinabihan na kita tungkol dito," dugtong niya pa. Ang cold naman niya. Eh girlfriend niya ang kausap niya ah. Walang hiya 'to. Napasinghot naman 'yong babae na parang umiiyak.
Ay, LQ sila? Naghiwalay na? Bakit ba kasi ang late kong dumating, ayun tuloy di ko nakita 'yong pagtatalo nila kanina. Ay, ano ba Chestinell? Hindi ka pinalaking gan'yan.
"Tandaan mo Joaquin—"
Nakakunot ang noo at pinandilatan ko sila habang pilit na makinig sa sinasabi ng babae.Teka ano raw?! Hindi ko narinig! Nakakainis naman 'tong mga kuliglig eh. Sa dinami-dami ba naman ng panahon eh ngayon pa nag-ingay? Kairita. Ayun tuloy hindi ko na narinig ang sinabi niyong babae.
Nakita ko nalang na padabog na umalis ang babae at pinahiran ng mukha niya. Nakita ko namang bumuntong hininga ang lalaki at hindi man lang nilingon ay babae. Ays, napaka-iresponsableng boyfriend naman-or ex-boyfriend. Hindi man lang hinatid papunta sa loob? Tss.
Napatalikod nalang ako at sumandal sa puno. Mukhang LQ nga ata, or break na talaga sila. Kayo kasi. Huwag niyong madaliin ang relasyon, slowly but surely dapat.
Napailing kaagad ako, "Ay wow, nagsalita ang may boyfriend. Tss," bulong ko sa ere.
Kaya nga noh? Kailan kaya mangyayari na magkakaboy—don't even think about it, Chestinell. Wala ka pang panahon para diyan. Focus on your mission.
Umiling nalang ako at lumingon doon sa pwesto niyong lalaki. Wala na ito roon. Umalis at sinundan siguro ang babae. Mabuti naman at may puso pa rin naman pala 'yon. Sasabihan ko nalang sina Kuya na nakita ko na siya at may kailangan pang asikasuhin. Isa pa gusto ko ng kumain, baka kumakain na sila doon sa taas. Huminga na ako ng malalim at tumalikod na at naglakad paalis.
"Goodness!" bahagya akong napasigaw sa gulat nang may taong nakatayo sa harapan ko na muntik ko ng mabunggo.
Oh goodness, kinabahan talaga ako do'n akala ko multo o engkanto.
Agad akong napaatras at tinignan kung sino 'yon. Walang iba kundi si Joaquin. Nakatayo ito na nakapamulsa at walang kaemo-emosyong tumingin sa akin. Kahit mga lampara lang ang nagsilbing ilaw sa amin ay kitang-kita ko ang coldness sa mga mata niya. Galit ba siya? Malungkot? O nanghihinayang sa break-up nila? At teka, ano naman ang ginagawa niya rito? Akala ko ba sinundan niya ang girlfriend niya? Or sinundan niya ba? O kaya naman nakita niya ako?
Tumitig siya sa akin kaya ganoon din ako kahit medyo nangawit ang leeg ko kakatingala sa kanya dahil matangkad siya at hanggang balikat lang ako. Ilang sandali rin kaming ganoon at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko habang nagtama ang mga mata namin.
Oh my goodness? Why is this happening?!
Siguro this is the sign na...baka papagalitan ako dahil umalis ako sa kinatatayuan ko kanina at nakita kaming ganitong magkasama dahil bawal 'to sa panahong ito lalong na at wala kaming ugnayan sa isa't isa.
Oh my, no no no. I need to go. Agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko. Aish, akala ko naman kasi wala na siya. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.
"Kalugod-lugod ba sa kalooban habang nakikinig sa usapan ng ibang tao?" malamig at walang kaemo-emosyong tanong niya.
I snapped my head up and looked at him with my brows connected. Ano raw? Ako, masayang naki-chismis? Excuse me, hindi ah. Lumapit lang ako dahil na-curious ako kung sino ang nag-uusap. At isa pa, hindi ko kasalanang malakas ang boses nila kaya narinig ko sila. Pero hello, konti nga lang 'yong narinig ko eh.
"Hindi ako nakikinig sa usapan niyo, okay? Nakita lang kita at tatawagin na sana kita dahil hinahanap ka ng mga kuya ko at mga kapatid mo," napairap akong sagot, "Napaka-feeling mo," bulong ko pa.
"Bakit naman ako maniniwala sa iyong sinasabi?" taas kilay niyang tanong. Aba, itong lalaking ito. "At anong 'okay' at 'feeling' ang iyong sinasambit?" pagtatanong niya pa.
Binigyan ko siya ng blankong tingin, "Nasa sa 'yo na iyon kung maniniwala ka o hindi. At wala ka na do'n kung ano man ang ibig sabihin ng mga sinabi ko," agad akong ngumisi at pinansingkitan siya ng mga mata.
Chismoso rin 'to eh. Nagtatanong pa tungkol do'n? Wala ba siyang pakialam na hinahanap na siya ng mga kaibigan niya? Pero imbis na sumagot siya at tinitigan niya lang ako. Na-awkwardan tuloy ako at uminit ang pisngi ko. Kung makatitig naman 'tong lalaking 'to. May dumi ba sa mukha ko? Ang dilim-dilim na, nakita niya pa 'yon?
Hindi ako nagpatalo sa titig niya kaya tumitig na rin ako sa kanya. Aba, hindi ako magpapatalo noh. Kung contest 'to ng walang pikitan, game ako. Ang unang kukurap makakatikim ng batok. Ang lamig at blanko lang ng tingin niya. Nagandahan ata sa akin dahil na-speechless. I know right. Hindi ako pipikit, hindi ako pipikit.
Tumahimik ang buong paligid. Malamig ang simoy ng hangin na dumaan sa gitna namin. Nanlamig ang buo kong katawan at bumilis ang tibok ng puso ko. Ayan na naman, papagalitan talaga ako nito for sure. Ayoko rin naman bumawi sa tingin niya dahil matatalo ako.
Okay, just a minute nalang. Hihintayin kong kumurap siya at aalis kaagad ako.
"Joaquin, nariyan ka lang pala."
Sabay kaming dalawang nag-iwas ng tingin at lumingon sa nagsalita. Nakita ko sina kuya Marco, kuya Lucas, si Gabriel at si Leon.
"Martina?" taas kilay na tanong ni kuya Marco. Napaharap kaming dalawa sa kanila.
"Nandito na pala kayo, Kuya," usal ko at bahagyang ngumisi. Tinaasan naman nila ako ng kilay na parang may ginawa akong mali.
Agad kong nilingon ang lalaki sa tabi ko, "Ah, nakita ko siya dito kaya sinabihan kong hinahanap niyo, eh ayaw namang maniwala sa akin," wika ko at tinaasan siya ng kilay.
"Oo nga, kuya Joaquin. Saan ka ba nagtungo at kanina ka pa namin hinahanap?" kaagad na sabat ni Leon. Hay, buti may naniwala kaagad.
"Marahil ay kasama niya si Binibining Clara," tukso naman ni Gabriel na nakangisi.
So, magkasintahan nga talaga sila. Hey, why do I sound disappointed with that?
Hindi naman sumagot si Joaquin at tumingin lang sa malayo. Umiling nalang ako. Mukhang break na nga talaga sila ng girlfriend niya. Ayaw pang magsalita dahil nasaktan ng sobra.
Huminga nalang ako ng malalim at lumingon kina kuya, "Nasaan sina kuya Lucio? Pupunta pa ba sila dito?" pag-iiba ko ng usapan.
Umiling si kuya Marco, "Hindi sila makakapunta pa rito. Pinuntahan ka namin dahil tayo ay kakain na raw. At nagbakasali kaming narito rin si Joaquin," sagot niya.
Bigla naman akong nabuhayan nang marinig ko ang salitang kakain kaya agad akong ngumisi, "Talaga? Kakain na? Kanina ko pa 'to hinihintay. Tara na, gutom na ako," tugon ko at mabilis na naglakad paalis. Hay, mabuti naman. Gusto ko na talagang kumain eh.
Naglakad na ako ng mabilis pero nang makarating ako sa may hagdan ay napansin kong hindi sila nakasunod kaya agad ko silang nilingon. Nakatayo lang sila doon at nakatingin sa akin.
"Dali na," sambit ko at sinenyasan silang pumunta na sa loob.
Napakilos naman sila at maya-maya ay naglakad na papalapit. Hindi ko na sila hinintay pang makaakyat sa hagdan at agad na akong naglakad na papunta sa loob. Pagkarating ko ay agad akong napangiti. Tama nga si kuya Marco, kakain na talaga dahil nagsipag-upo na ang mga bisita sa mga mesang mahahaba. Agad kong hinanap si Ina at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.
"O anak, halika, upo ka," nakangiti niyang sabi. Tinanguan ko naman siya at umupo na sa mesang walang ibang umuukupa kundi ako lang. Ganito ba talaga si Kristina kumakain? Mag-isa? Nakakahiya naman kung ako lang mag-isang kakain dito. Nasaan ba sina kuya at Ama?
"Dito ka lang. Ako'y aalis muna, ngunit babalik rin naman kaagad. Hintayin mo ang iyong mga kuya rito," sabi niya ng nakangiti sa akin. Tumango naman ako.
Agad siyang naglakad palayo kaya tinanaw ko siya. Nilapitan niya sina Ama kasama pa rin ang tatlo niyang best friends at sina kuya Lucio at Luis. May binulong naman si Ina kay Ama kaya napatingin siya dito at may sinabi sa mga kasama niya.
"Martina hindi mo man lang kami hinintay." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si kuya Marco na papalapit sa mesa kasama ang apat at isa pang hindi ko kilala.
"Napakabagal niyong maglakad eh," kunwari kong reklamo. Umiling naman siya at nagsipaghanap na ng upuan.
Umupo sina kuya Marco at kuya Luis sa tabi ko. At 'yong tatlo naman sa may harap namin, at may kasama naman silang isa pang binata na ka-edad lang ata ni Leon. Sino naman kaya siya?
Lumanding ang mga mata ko kay Joaquin at nagulat ako nang nakita kong nakatingin pala siya sa akin. Galit ba siya dahil nakita niya ako doon kanina? Eh wala naman talaga akong narinig, konti lang. Bahala nga siya diyan.
Umiwas nalang ako ng tingin at kumuha na ng pagkain. Maya-maya pa ay dumating si Ina kasama sina Ama.
"Narito na pala sila," usal ni Gobernadorcillo. Nagsipagtayo naman sina kuya kaya gumaya nalang din ako.
"Marahil ay nagugutom na sila dahil sa sarap ng luto ni Donya Floren," pabirong sabi ni Don Miguel.
Natawa naman ang apat na mag-bestfriends. Kasabay niyon ang pagdating nina Tiya Arcela kasama ang tatlong Donya.
"O narito na sila. Tayo ay magsi-upo na't upang makakain," imbita ni Ama.
Nagsipagtanguan naman sila kaya nagsipaghanap na sila ng pwesto. Umumpo na si Ama sa dulo ng mesa. Sa kanan sa gilid niya ay si Ina na katabi sina Don Carlos at Donya Victorina. Sa tapat naman nila ay ang Gobernadorcillo at si Donya Mariela at sa tabi nila ay ang mag-asawang Don Miguel at Donya Amelia.
Kami naman ay nasa kalahating dulo ng mesa. Kasunod ni Donya Victorina ay si Tiya Arcela na tinabihan ko naman. Kasunod ko sina kuya Lucio, kuya Lucas at kuya Marco at si Leon. Nasa dulo naman nakaupo 'yong lalaking kasama nina kuya na hindi ko kilala. Kasunod naman ni Donya Amelia si Primitivo which means nasa harapan ko siya, at nakangiti pa sa akin. Tipid ko nalang siyang nginitian at binawi ang tingin ko sa kanya.
Katabi ni Primitivo 'yong binatang kasama nila kanina pagdating nila, na siguro ay kapatid niya dahil magkamukha rin silang dalawa. Kasunod niya sina Kuya Luis, si Joaquin at si Gabriel.
Ang dami naman namin sa isang mesa na 'to. Isa lang ang ibig sabihin nito, close ng pamilya Del Veriel ang pamilyang mga 'to. And the Governor's family rin, kung hindi sila close they're just giving them VIP treatments. But, dahil girlfriend ata ni Kuya Lucas ang anak nito, close siguro sila, plus magkumpare pa sina Ama.
Pinakain naman ni Ama ang ibang mga bisita na nakaupo sa iba pang mga mahahabang mesa sa palibot namin dahil ang mesa namin ay situated in the center. Nagsimula namang kumuha ng mga pagkain ang mga tao sa mesa namin kaya tahimik lang din akong kumuha at kumain na kasabay nila.
_____________
Maraming salamat sa pagbabasa! Hanggang sa susunod na kabanata.
Mula sa puso,
- xxienc💙
Sa Taong 1890
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro