Simula
Hello, readers! This is a Wattpad story so don't worry tatapusin ko po ito rito sa Wattpad from beginning to end. And you can read it for free!
But if you have an extra and you might want to pledge to my Patreon creator page or join my Facebook VIP group for $3 or 150 PHP in Facebook group. To join my VIP group kindly message my Facebook account Rej Martinez or my page Rej Martinez's Stories. And read more of my stories there! Thank you very much for your love and support for me and my stories!
Simula
Ama
Stephanie
"Pasensya na po sa abala, pero alam n'yo po ba kung saan ito?" Pinakita ko ang nakasulat na address.
Medyo hilo pa ako sa biyahe dahil nag-bus at barko lang ako. Hindi na ako nagpuntang airport sa pag-iisip na baka mahal ang ticket sa eroplano. Hindi pa rin ako nakakasakay sa ganoon. Tinuruan lang ako nina Melisa kung paano bumiyahe papunta rito sa Negros. May kamag-anak din daw kasi siya sa ibang bayan naman dito.
"Sa mga Aguirrezabal 'yan." anito.
"Malayo pa po ba 'yan dito?" kabababa ko lang sa may bus terminal at agad nagtanong sa nakasalubong.
"Oo, medyo malayo." Nagtawag ito ng tricycle na mukhang nakapila rin doon. "Ihatid mo siya sa mga Aguirrezabal."
"Ah, sa Karmen." anang may edad na tricycle driver.
Tumango iyong matandang pinagtanungan ko. Bumaling ito sa akin. "Sige na, sumakay ka na at mukhang napagod ka ng husto sa biyahe." Mabait itong ngumiti sa akin.
Ngumiti rin sa akin iyong driver na mukhang mabait din naman.
"Salamat po." sabi ko doon sa matandang babae.
Umiling lang ito at muli akong nginitian. Sumakay na ako sa tricycle.
"Hacienda Karmen..." basa ko sa nadaanan naming arko.
Mula sa sementadong kalsada ay lumiko kami sa medyo mabatubatong daan. Tahimik bukod sa paandar ng tricycle at halos mga tanim na tubo lang ang nakikita ko. "Malapit na po ba tayo?" tanong ko sa driver ng sinasakyang tricycle.
Parang sumasakit na rin ang katawan ko na naaalog din dahil sa dinadaanan namin. Hawak ko ang tanging bag na dala ko na naglalaman ng iilang damit at gamit.
"Oo, Karmen na ito."
Nakatanaw ako ng ilang mga bahay o kubo. Ang sabi sa akin ni Mami bago siya namatay ay Stefano Aguirrezabal ang pangalan ng ama ko. At narito siya sa Hacienda Karmen. Isang mayamang asendero at nagpapalakad ng ekta-ektaryang lupain na plantasyon ng tubo.
Umawang ang labi ko nang natanaw na ang isang mansyon. Bumagal ang takbo ng tricycle hanggang sa tumigil na ito 'di kalayuan. Nag-abot na ako ng pamasahe at hindi na halos naalis ang tingin sa napakalaking bahay sa aking harapan. Isang mukhang guwardiya ang sumalubong sa akin.
"Kuya, rito po ba nakatira si Stefano Aguirrezabal?" tanong ko.
Tumango naman ito kaya napalawak ang ngiti ko. "Puwede na po ba akong pumasok?" na excite na sabi ko.
"Ano ba ang kailangan?"
"Anak po ako ng may-ari ng bahay na 'yan."
Kumunot ang noo nito. "Anak ng Senyor?"
Tumango ako.
May pagdududa naman ako nitong tiningnan. "Ang alam naming mga anak lang ng Senyor ay si Senyorita Beatrice at ang dalawa pang Senyorita Karmela at Karmen."
Senyorita?
Pareho kaming natigilan ng gwardya nang may parating na sasakyan. Tumabi kami at huminto naman ito. Bumaba ang bintana sa likod at sumalubong sa akin ang isang may katandaan nang lalaking sakay nito. Nagtagpo ang tingin namin.
"Ano ang nangyayari rito?" may awtoridad sa boses nito.
Sumagot ang gwardya. "Senyor, ang sabi po-"
"Kayo po ba si Stefano Aguirrezabal?" Lakas loob na akong lumapit.
Natigilan ang gwardiya.
Medyo masakit pa rin sa balat ang init ng araw kahit hapon na. Bahagya ko rin iyong iniinda.
Tiningnan lang ako nito. "Papasukin ninyo." anito pagkatapos sinabihan na ang driver nito na magpatuloy sa mansyon.
Sumunod naman ako at namamangha pa rin talaga sa kagandahan ng puting mansyon lalo nang mas nalapitan ko ito. Isang kasambahay ang sumalubong sa akin papasok ng mansyon.
"Salamat, po." nasabi ko na lang nang kuhanin nito ang bag ko mula sa akin.
"Darating ang mga Lizares kaya maghanda kayo. Sabihan si Lucia na damihan pa ang lulutuin para sa hapunan."
"Masusunod po, Senyor." anang isa pang sumalubong na kasambahay na mukhang nagmadali para masunod agad ang utos.
Ilan kaya ang kasambahay nila rito? Parang kailangang marami sa laki ba naman dito parang andaming lilinisin araw-araw. Ang linis-linis ng loob kahit ang labas pa lang kanina. Parang wala akong makakapang alikabok kahit tingnan ko pa ngayon.
Naghintay lang ako sa likod nito magkahawak ang mga kamay ko. Nang balingan ako nito ay bahagya akong napalunok. Parang ang tapang kasi ng mukha nito. Hindi pa naman ito ganoon talaga katanda tingnan. Masasabi sigurong may edad at isang magandang lalaki. Ang tindig nito ay nagsusumigaw ng yaman at kapangyarihan. Parang hindi mo ito makikitaan ng kahinaan.
Ito ba talaga ang ama ko?
"Ano ang sadya mo, hija?" tanong nito sa akin.
Hindi agad ako nakapagsalita pero tinulak ko ang sarili. "A-Anak po ako ni Ingrid..." Hindi ko na malaman kung paano magsisimula.
Naghintay ito sa sasabihin ko pa. Mukhang hindi nito kilala ang binanggit kong pangalan? Hindi na ba niya naaalala si Mami at ang mga gabing pinagsaluhan nila noon na siya ngang bumuo sa akin?
"Ang sabi...po sa akin ni Mami kayo raw po ang ama ko." deretso ko nang nasabi.
"Nariyan na po ang mga Lizares, Senyor." pagpapaalam ng isa na namang kasambahay.
Tumango ito at mula sa akin ay bumaling doon sa unipormadong kasambahay. "Dalhin mo siya sa isa sa mga guestrooms." Bumaling muli ito sa akin. "Magpahinga ka muna, hija... At mukhang pagod ka sa biyahe."
Tumangutango naman ako. "Opo, nakakapagod nga mag-barko at bus." Natigilan din ako nang maisip ang kadaldalan.
Tumango ito. "Saan ka pa galing?"
"Maynila po..."
Muli itong tumango at bumaling sa kasambahay na naghihintay. "Ibigay ninyo ang mga kailangan niya." Bumaling ito sa akin. "Mag-uusap muli tayo mamaya at may bisita pa ako."
Maagap naman ang pagtango ko. Nilapitan na ako ng maid at giniya sa kuwarto nga siguro. Isang beses ko pang nilingon ang tinatawag nilang Senyor at nakatalikod na ito. Umakyat na kami sa engrandeng hagdanan.
"Kukuha lang po ako ng pagkain para sa inyo. Ano pa po ang kailangan ninyo?" magalang na tanong sa akin ng kasambahay.
Mula sa paglilibot ng tingin sa napakaganda rin kuwartong pinasukan namin ay bumaling ako rito. Mukhang bata pa ito at mas matanda lang siguro sa akin ng ilang taon. "Wala na..." Ayos na 'yong pagkain 'tsaka tubig din talaga dahil kanina pa ako uhaw at nakaramdam na ng gutom.
Tumango ito at nagpaalam na maiiwan muna ako.
Nang mag-isa na lang ako sa silid ay lumapit ako sa malaking bintanang may maputing kurtinang hanggang sahig ang haba. Hinawi ko iyon at napatingin sa mga nagsidatingang sasakyan sa baba at mga tao na lumabas mula roon.
Hanggang sa may pamilyar na mukha akong nakita sa mga dumating. Mabuti at sobrang linaw pa naman ng mga mata ko kahit may kalayuan. Hinawi ko pa lalo ang kurtina.
Siya nga! Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi nang agad maalala iyong laki ng...ano niya. Iyon talaga agad ang naisip ko?! Grabe naman kasi akala ko hindi na ako makakapaglakad pa ulit pagkatapos nang nangyari sa amin noong gabing 'yon.
Mabilis kong nabitawan ang kurtina at napatago pa sa dingding sa tabi ng bintana nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa kinaroroonan ko! Naramdaman sigurong may nakatingin sa kanya.
Nakasandal ang likod ko doon sa dingding at napahawak sa dibdib kong lumakas ang pintig.
Bakit siya nandito? Paano...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro