Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

Hello! You can now read A Week Of Romance (Villa Martinez Series #5) on Patreon/Facebook VIP group for 150/month and we have membership promo as well. Message Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories to join. Thank you for your support!

Kabanata 9

Kwintas

"Magbabanyo lang muna ako, Cecil, mauna ka na." sabi ko kay Cecil. Tumango naman ito at hinayaan na muna ako. Pumasok na rin ako sa common restroom dito sa unang palapag ng mansyon para umihi. Pagkalabas ko ay may naabutan akong dalawang ginang na pinag-uusapan ang Papa at si Tita Christine.

Hindi nila ako nakita at abala sa pagtsitsismisan. Alam kong hindi tama ang pakikinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na at ang pamilya namin ang pinag-uusapan nila. "Ang dami namang anak sa iba't ibang babae ni Stefano. Hindi na ako magugulat kung may isa o dalawa o higit pa ang dumating dito at magpakilala na namang anak ng Aguirrezabal. At parang wala lang kay Christina!" anang isa.

"Ano naman ang sasabihin niyang si Christina. Siyempre ay ayos lang sa kaniya hangga't nagdodonya donyahan siya rito sa hacienda." ang isa naman.

"Tama ka. Kaya nga siguro hiniwalayan ni Agatha iyang si Stefano dahil sa pagiging babaero! Ito namang si Christina ay tanggap ang lahat. Ano ba naman ang magagawa niya? Nakaasa lang naman siya sa pera ng mga Aguirrezabal. Hindi naman siya gaya ni Agatha na galing din sa mayamang pamilya. Galing lamang sa hamak na pamilya ang babaeng iyan. Kaya nga rin inayawan iyan noon ng Donya Karmen."

Patuloy pa sila pero tumalikod na ako para makaalis. Ang tao talaga, inimbitahan mo na nga at pinakain sa okasyon n'yo may masasabi pa rin sa 'yo. Para namang hindi rin sila kumain sa handa n'yo. Pag-uusapan ka pa sa likod mo.

Kung tama ang alam ko si Agatha Valiente ay galing din sa mayamang pamilya rito sa Negros at ang unang naging asawa ni Papa. May isang anak sila na babae na nagngangalang Beatrice. Iyon din ang panganay ng Papa. Hindi ko pa sila nakikita dahil nasa Maynila sila namamalagi. Nakapag-asawa at may sarili na rin pamilya ang panganay ni Papa at may mga apo na rin siya doon.

Ang sinasabi naman nila tungkol kay Tita Christine ay hindi makatarungan. Magaling din si tita sa negosyo at pamamalakad ng asukarera at ng hacienda. Kung wala rin siya ay walang katulong ang Papa. Napailing na lang ako sa mga taong ito.

Kulang pa ang pinag-aralan ko pero tingin ko sapat na iyon para maging mabuti akong tao at huwag pag-usapan ang iba sa likod nila. Kahit lumaki ako sa hirap naturuan naman ako ni mami ng magandang asal. Hindi nga naman sapat na kumpleto ka sa edukasyon upang magkaroon ng pakiramdam sa iba bilang tao. Hindi nga nabibili ng pera ang marami pang ibang mga bagay gaya na lang ng mabuting asal.

Ang pag-ibig, pagkakaibigan, respeto at simpatya sa kapwa ay hindi nababayaran ng pera. At sana ay manatili itong ganoon.

"Ayos ka lang, Stephanie?" salubong sa akin ni Tita Christine.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya pagkatapos ng mga narinig kanina. "Ayos lang po ako, tita."

Marahan siyang nagpakawala ng buntong-hininga. "May mga naririnig ka ba sa paligid mo?"

Alam na niya... Unti-unti akong tumango. "Pinag-uusapan po ang pamilya natin, kayo ng Papa..."

Tumango lang si Tita Christine. "Huwag mo na lang pansinin. Iisipin ng tao ang gusto nilang isipin." aniya, mukhang nasanay na rin sa asal ng ibang tao.

Tumango na lang ako. Giniya na rin niya ako patungo kay Papa upang mapakilala na rin sa iba pa nilang mga kakilala maging sa politiko. Ipapakilala rin ako sa lahat bilang isa rin sa mga anak ng Papa sa eighteenth birthday ko na malapit na rin. Nauna lang itong kasal ni Kuya Joaquin kaya pinapakilala na rin ako sa mga nandito.

"Ang ganda rin nitong isa mo pang anak, Stefano. Parang naaalala ko sa kaniya ang Donya Karmen." anang isang madam.

Ngumiti naman ako at magalang na nagpasalamat. Tumango naman at sumang-ayon ang Papa. "Naaalala ko nga rin sa kaniya ang Mama." ani Papa na nakangiting nakatingin sa akin.

Bumaling ako sa kaniya at nagkatinginan kami. Nakangiti ang Papa at lalo akong napangiti sa kanya.

Tinawag na rin ang ilan para sa wedding bouquet ni Ate Angelica. Nasali na rin ako at tinulak din ako ni Tita Christine sa gitna. Umiling naman ang Papa. Bahagya lang siyang tinawanan ni tita. Nagkakatuwaan lang din naman kami.

"Okay, ready," ani Ate Angelica na nakangiti. Ang ganda niya talaga lalo ngayong araw ng kasal niya.

Hindi naman talaga ako sumubok na makasalo ng bouquet pero iyon ang nangyari at sa akin pa rin napunta. Medyo nagulat pa ako sa nangyari at hawak-hawak na ang mga bulaklak sa kamay ko. Nilapitan at niyakap ako ni Ate Angelica. "Sorry, Anja, mukhang hindi pa kayo ni kuya ang susunod na ikakasal." ngumisi siya sa kaniyang best friend.

Pabiro lang namang sumimangot ang kaibigan ni ate. Napangiti na lang din ako. Pagbaling kong muli kanila Papa ay umiiling na siya sa kaniyang mga amigo na nangingiti naman. Mukhang umiiling ang Papa at sinasabi sa mga kaibigan niyang hindi pa ako ikakasal. Napangiti na lang din ako kanila Tita Christine na nakangiti rin sa akin at mukhang tahimik pang inaasar ang Papa sa kaniyang tabi.

Si Angelo naman ang nakakuha sa garter. Kaya nagkatuwaan at nagbiruan na lang kami. Nawala lang ang ngiti ko nang habang nakaupo roon at sinsuot sa 'kin ni Angelo ang garter ay nakita ko si Rad na nakatayo doon at nakahalukipkip na pinapanood kami. Mukhang nawala na naman siya sa mood. Ngumisi ako pero tumalikod naman siya. Napailing na lang ako. Hindi na rin gaanong tinaas pa ang garter sa leg ko dahil nandoon din ang Papa at pabiro o seryoso bang binantaan si Angelo.

Pagkatapos ay nagpaalam na rin muna ako doon habang nangyayari ang cake cutting para sundan na si Rad kung saan man siya nagpunta. Bilis talagang... magselos ng lalaking 'yon... Napangiti ako nang maisip na baka nagseselos nga siya.

"Rad," tawag ko nang makita ko na siya sa tabi ng sasakyan niya. "Aalis ka na ba?" sunod kong tanong.

Umiling siya.

Lumapit ako. "Okay ka lang?"

Parang nagdadalawang-isip pa siyang tumango. Ngumisi na ako. "Nagseselos ka ba sa amin ni Angelo?" dineretso ko na.

Hindi siya nagsalita kaya nakumpirma ko lang. "Seloso mo naman pala!" bahagyang asar ko sa kaniya.

Sumimangot lang siya na kinangisi ko pa. Ang cute din pala ng lalaking 'to! Lumapit pa lalo ako sa kaniya at marahan siyang hinalikan sa pisngi niya. "Huwag ka nang magselos..." malambing ang boses ko.

Tumingin sa akin si Rad pagkatapos at nakita kong mukhang nagbago na ang mood niya at okay na uli siya. Ngumiti ako. "Bumalik na tayo sa loob ng mansyon. Hindi pa tapos." sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya at nagpahila na sa akin.

"Nasaan na nga pala iyong kasama mo kanina? Kaibigan mo ba 'yon?" tanong ko.

Tumango si Rad. "Yeah, he's here to see me. Balak din niyang mag-invest sa gusto kong mangyari sa farm kaya gusto niya rin makita." aniya.

Tumango ako. "Nasa'n na siya? Sana inimbita mo sa loob at nang makakain na rin. Madami pa ang pagkain." ang dami-dami naman kasing handa sa mansyon ngayon para sa wedding reception nina kuya at ate.

"Ayos lang. Kakaalis lang din niya. Pinaderetso ko na lang siya sa mansyon namin. May mga kasambahay naman siyang maabutan doon. We will talk later when I get home." sabi ni Rad.

Tumango na ako.

Ang sumunod ay naging abala naman kami para sa nalalapit kong kaarawan. Excited na rin ako. Nakaalis na sina Kuya Joaquin at Ate Angelica para sa kanilang honeymoon at babalik na lang dito sa Hacienda Karmen sa mismong birthday ko.

Handa na ang lahat para bukas ng gabi at kailangan ko na lang matulog ngayon para may sapat ako na pahinga para hindi ako haggard bukas sa birthday ko. Iyon nga ang ginawa ko. Maaga akong nakatulog pagkatapos ng mga bilin ko kay Cecil.

Nga lang nagising din ako nang mga around 12AM dahil ginising ako ng tawag ni Rad. Sinagot ko ang tawag niya nang makagisingan ko at nakita ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Bigay din sa akin itong mamahaling phone nina Papa. "Rad," inaantok ko pang sagot sa tawag.

"Hey, sorry to wake you up. I'm just here to greet you a happy birthday." batid ko ang ngiti sa mga labi niya ngayon. Napangiti na rin ako at unti-unting nawawala ang antok. "Happy birthday." bati niya.

Lalo akong napangiti at napaalis na rin sa kama. "Thank you, Rad..." sabi kong nangingiti.

"Uh, puwede ka bang dumungaw sa bintana ng kuwarto mo?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Ha, bakit?" pero ginawa ko. Nilapitan at hinawi ng isang libreng kamay ko ang makapal at mahahabang kurtina ng bintana rito sa kuwarto ko.

"Tingin ka sa baba." instruction niya.

"Okay..." Nanlaki ang mga mata ko nang nakita siya roon sa baba sa tabi ng sasakyan niya. Nakangiti pa siyang kumaway sa akin.

"Rad!" suminghap ako. "Ano'ng ginagawa mo rito..." kumuha na ako ng roba at sinuot 'yon para mapuntahan na si Conrad. Ang lalaking 'to talaga!

"Ano'ng ginagawa mo rito sa ganitong oras, Rad?!" salubong ko sa kaniya nang makalabas na rin ng mansyon. Binaba ko na rin ang tawag.

Nakangiti siya. "I'm just here to give you my gift." sabay lahad niya sa kaniyang regalo.

Parang nag-iinit naman ang puso kong tinanggap 'yon. "Open it." aniya kaya kagat ang pang-ibabang labi ko na iyong binuksan. Bumungad sa akin ang isang napakagandang kuwintas. "Rad..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ngumiti siya.

"Ang sabi ni Mama maganda raw panregalo ang kuwintas dahil malapit ito sa puso." aniyang kinuha sa akin ang regalo niya at sandali akong pinatalikod sa kaniya para masuot iyon sa leeg ko. Napahawak naman ako sa hugis puso na pendant. "Ang totoo kaya rin nandito noong nakaraan si Attorney Francisco ay dahil inutos ko rin ito sa kaniya. Hindi kasi ako makaalis sa farm at harvest din ng ilang pananim." tinutukoy niya iyong kaibigan niyang abogado rin na nakita ko na noon sa reception ng kasal nina Kuya Joaquin. "Bukod sa sadya niya rin ditong pagtingin sa farm."

Pagkatapos niyang masuot sa 'kin ang kuwintas ay hinarap ko na siya para mayakap. "Salamat, Rad..." huminga ako sa dibdib niya. Niyakap din niya ako pabalik. Ngayon lang din ako nakatanggap ng ganitong regalo galing sa kaniya. Lahat na yata ng firsts ko ay sa lalaking ito na. At sana ay siya na rin ang maging huli ko... Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pagkatapos at unti-unti kong pinaglapit ang mga mukha namin, ang mga labi namin...

Mukhang hindi pa inasahan ni Rad ang pag-initiate ko ng halik namin pero gumanti rin siya. Inalala ko lang iyong unang karanasan ko rin sa paghalik na siya rin ang nagturo sa akin noon, iyong gabi sa club ni Madam Gigi. Inalala ko iyong halik at sumabay lang din ako sa galaw ng mga labi ni Rad hanggang sa lumalim ang halikan namin. Tumigil siya at hinalikan ako sa noo. "I like you, Stephanie Ingrid Aguirrezabal. I really do." amin niya habang niyayakap ako at nakatingin din kami sa mga mata ng isa't isa.

Ngumiti naman ako at humigpit din ang yakap ko sa kaniya. "Gusto rin kita, Attorney Conrad Lizares Jr." pag-amin ko na rin na halos itago naman ang mukha ko sa malapad niyang dibdib dahil sa kilig o hiya pa rin.

Ang sarap sa pakiramdam na nasusuklian ang iyong pagtingin. Ang malaman na gusto ka rin ng taong iyong nagugustuhan.

Kumalas din kami sa isa't isa pagkatapos. "You should go back to your sleep. I'll see you again later on your party." ani Rad.

Nakangiti pa rin akong tumango. Ngumiti rin siya at nilagay ang ilang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. "Sige... Magkita na lang uli tayo mamaya."

Tumango na kami sa isa't isa at humiwalay na rin muna ako sa kaniya para makabalik sa loob ng mansyon. Hindi ko lang alam kung makakatulog pa ba ako pagkatapos nitong nangyari. "Ingat ka." bilin ko sa kaniya.

"Go back to sleep." bilin niya rin sa akin.

Tumango ako at nauna nang pumasok ng mansyon dahil hihintayin daw muna niya akong makabalik sa kuwarto ko bago siya umalis at umuwi na rin muna sa mansyon nila. Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay muli ko siyang dinungaw sa salaming bintana ng kuwarto ko. Kumaway pa kami sa isa't isa at pumasok na rin siya sa sasakyan niya na tiningnan ko rin hanggang tuluyang nakaalis. Ngumiti ako sa sarili ko at muling hinawakan ang pendant ng kuwintas na regalo sa 'kin ni Rad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro