Kabanata 8
Read more of my stories on Patreon/Facebook VIP group. Kindly message my Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories to join VIP group for 150/month. Thank you so much for your support!
Kabanata 8
Kasal
Naghahanda na rin kami para sa kasal nina Kuya Joaquin at Ate Angelica. Gusto ko na rin siya para sa kuya ko dahil mabait din siya. Bagay din sila ni Kuya Joaquin. Pareho rin silang maganda at guwapo. Sigurado akong maganda o guwapo rin ang magiging anak nila. Na-excite na rin ako para sa future nilang dalawa. At sa magiging mga pamangkin ko.
Dumating na rin ang iba pang mga imbitado sa nalalapit na kasal galing Maynila. Ang best friend ni Ate Angelica ang kaniyang maid of honor. Isa naman ako sa mga bridesmaids. Tapos si Rad ang napili ni Kuya Joaquin na maging best man niya. Nasukat ko na rin ang mahabang satin dress na susuotin ko sa kasal. Hindi ko na rin muna masyadong pinapansin si Rad dahil abala nga rin kami sa magaganap na kasalan.
Sa araw ng kasal ay maaga pa kaming bumangon dahil maaga rin ang oras ng mismong seremonya ng kasal. Sabay-sabay na kaming inaayusan sa mga silid namin pagkarating ng mga makeup artists at hair stylists na mukhang mga kilala na rin ni Tita Christine at suki na rito sa mansyon tuwing may ganitong magaganap na events. Pumikit ako nang sabihang ipikit muna ang mga mata para sa eyeshadow. Hindi na rin naman ito ang first time kong malagyan ng make up sa mukha dahil mahilig din magkolorete iyong si Angelina at ako ang madalas niyang pagpraktisan noon. "Perfect!" puri sa akin ng makeup artist nang matapos niya akong lagyan ng mga makeup.
Napangiti na rin ako sa kinalabasan at sa hitsura ko nang matapos. Simple lang ang makeup at hindi rin masyadong magarbo, tama lang. Ngumiti ako sa artist at nagpasalamat. "Ang ganda mo, Senyorita." anito.
Ngumiti lang ako at pinayuhan na rin niya akong magbihis na. Doon na rin pumasok si Cecil para tulungan ako. "Ang ganda naman, Senyorita!" puri rin sa akin ni Cecil.
Pakiramdam ko naman ay nag-iinit na ang mukha ko sa sunudsunod na mga papuring natanggap. "Handa na rin ba sina Tita Christine, Cecil?" naiba ko ang usapan.
Tumango siya. "Opo, Senyorita, pati ang Senyor at ang kambal."
"Hala, ako na lang ba ang hinihintay nila?" nag-alala ko agad na tanong. Ayaw kong paghintayin lalo ang Papa. Kahit pa nakumpirma nang anak nga rin niya ako at magkadugo kami ay hindi pa rin kami nakakapag-bond ng gaya sa amin nina Tita Christine. Tingin ko ay hindi pa rin kami ganoon kalapit sa isa't isa. Madalas ding abala ang Papa.
"Ayos lang, Senyorita, nag-uusap pa rin naman sina Senyor at Senyora." ani Cecil.
Tumango na lang ako at tinapos na rin ang paghahanda. Sinalubong ako nina Tita Christine sa baba na. Naghihintay na rin ang mga sasakyan sa labas. Ang dami rin sasakyan dito sa mansyon na mukhang mga mamahalin at latest. Mukhang mahilig din ang Papa sa mga sasakyan kaya may collection din siya.
"Ang ganda mo po, ate!" Sinalubong ako ng ngiti ni Karmen.
Ngumiti rin ako sa nakababata kong kapatid. "Ikaw din, kayo ni Karmela at ng iyong Mama."
Ngumiti lang si Karmen at nagkagiyahan na rin kami palabas ng mansyon. Sumakay na kami sa mga sasakyan na maghahatid sa amin sa simbahan. Mas maaga kami at nakasunod lang din sa kay Kuya Joaquin na siyang groom. Napangiti ako sa biyahe habang iniisip ang kasal ng kapatid ko.
Pagkarating sa simbahan ay naroon na rin si Rad at ang mama at Papa niya na sumalubong din sa amin. Mukhang on time din ang mga guests at ang bride na lang ang hinihintay. Nagkatinginan kami ni Rad. Nag-offer siya ng braso niya sa akin. Tahimik na lang akong kumapit sa kaniya paakyat sa mga baitang ng lumang simbahan. "You're beautiful." marahang puri sa akin ni Rad.
Saglit ko lang siyang binalingan at tumango sa harap. "Ikaw din..." sabi ko sa kaniya na nakatingin lang sa harapan.
Nang nagsimula na ang seremonya ay isa-isa na rin kaming nagmartsa sa may kahabaan ding aisle ng simbahan. Nakangiti rin ako habang nakakapit sa partner ko, kapatid din siya ni Ate Angelica. Nasulyapan ko ang tingin sa amin ni Rad. Umiwas na lang ako sa mga mata niya. "You're Stephanie, right?"
Bumaling ako sa partner ko nang magtanong siya. Nakangiti akong tumango. "Oo, ah, ikaw naman si Angelito? Kapatid ni Ate Angelica." sabi ko.
Ngumiti rin siya sa akin hanggang natapos na ang pagmartsa naming dalawa sa gitna. "Just call me Angelo." ngiti niya sa 'kin at tuluyan na kaming naghiwalay. "Talk to you again later." habol pa niya.
Tumango lang ako. Nasulyapan kong muli ang tingin sa amin ni Rad. Bahagya ko na lang kinunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin.
Tumayo kaming lahat at pumalakpak para sa magandang bride nang ito naman ang pumasok sa simbahan at naglakad sa maayos na naka-set na aisle. Ang ganda talaga ni Ate Angelica. Kahit pinagkasundo lang sila ni Kuya Joaquin noong una ng mga magulang nila ay maayos naman ang kinalabasan dahil nagkakasundo na rin silang dalawa at parang naging sarili na rin nilang desisyon itong pagpapakasal. Nagustuhan na rin nilang dalawa ang isa't isa. Natutuwa ako para sa kanila.
"I, Stefano Joaquin Aguirrezabal , take you, Angelica Ossorio, to be my wife. To have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise My love to you. ... And with this ring, I take you as my wife, for as long as we both shall live." si Kuya Joaquin na binigkas ang kaniyang vow.
Pareho silang may magandang ngiti sa mga labi nila para sa isa't isa hanggang si Ate Angelica naman ang nagsabi ng vows niya. "I, Angelica Ossorio, take you, Joaquin Aguirrezabal, to be my Husband. To have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise My love to you. ... And with this ring, I take you as my husband, for as long as we both shall live."
Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya napatingin din ako sa gawi ni Rad. Ilang sandali kaming nakatingin lang sa isa't isa habang nangyayari ang seremonya ng kasal ng kapatid ko. Ako rin ang naunang bumawi.
Nakangiti rin akong pumalakpak nang sinelyuhan na nila ng isang matamis na halik ang kanilang pag-iisang dibdib.
Sumunod na kaming lahat sa wedding reception pagkatapos sa simbahan. Maagap akong sinalubong ni Rad. "Sa akin ka na sumabay pabalik sa mansyon n'yo." aniya. Sa mansyon gaganapin ang reception.
Tumango na lang ako at mukhang abala na rin sina Papa para mapansin pa ako. Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Rad, iba rin itong sasakyan niya ngayon sa madalas niyang sasakyan kapag namamasyal kami sa mga lupain ng mga pamilya namin. Pumasok na ako roon at pumunta na rin si Rad sa upuan ng driver. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niya habang ramdam ko naman ang mga pagsulyap-sulyap niya sa 'kin. "Noon pa kami naghiwalay ni Sarita..." iyon pala ang pangalan ng ex-girlfriend niya. "Noong nagpunta rin ako sa club... Kasama ang isang kaibigan." aniya habang nagmamaneho.
Tumango ako at may natanto. Nakatingin ako sa harap. Broken-hearted pa pala siya noong nagkatagpo kami noon sa club kung ganoon kaya siya naglalasing doon. "Naka-moved on ka na ba sa kaniya-" natanong ko lang.
Mabilis naman ang sagot ni Rad na halos putulin pa ako. "Yes."
Bumaling ako sa kaniya. Bahagya lang akong tumango at binalik muli ang tingin sa harap at sumandal pa sa seat ko. Tahimik na kami hanggang makarating sa mansyon. Naunang lumabas sa akin ng sasakyan si Rad matapos makapag-park doon sa labas ng mansyon at umikot para mapagbuksan na rin ako ng pinto ng sasakyan. "Salamat," tipid ko lang sinabi at tumuloy na kami sa loob ng mansyon. Mayroon ding mga mesa at upuan dito sa labas at sa likod. Wala pa ang ibang mga bisita at mukhang nauna pa kaming makabalik dahil ang iba'y nag-uusap usap pa kanina sa may labas ng simbahan matapos ang seremonya. Mayor din dito sa lugar ang Papa nina Ate Angelica.
Dumami at dumating na rin ang mga panauhin pa kalaunan. "I never thought na mauuna pa sa akin ikasal ang best friend ko." Ngumiti ang matalik na kaibigan ni Ate Angelica habang nagsasalita ito sa harap at may hawak na wineglass. "Angelica's still enjoying her unmarried life, and I didn't thought before that she'll be married soon. Nabigla rin kaming mga kaibigan niya sa Manila. Pero ganoon siguro talaga, when love finds you it finds you. At tingin ko ay nahanap na rin ng kaibigan ko ang love na para sa kaniya. Same with Joaquin, I can see that you guys really love each other. The time doesn't matter. Hindi naman nasusukat ng katagalan o ikli ng panahon ang pag-ibig. Once it's there it's already there." medyo naging emosyonal na rin ito sa gitna ng speech.
"What I say now to the both of you is just continue loving each other with understanding and consideration with each other's flaw. I know you can make it through as husband and wife. I can see that Joaquin is a very responsible person, tama lang para kay Angelica," Napatawa rin ang ilan na nakakakilala talaga sa bride. "Humayo kayo at magpakarami, you both have good genes. I know that your children will be as beautiful and handsome as their Mom and Dad. Cheers." tinaas nito ang wineglass.
Pagkatapos ay sinalubong din ito ng isa pang kapatid ni Ate Angelica, mukhang may relasyon din ang dalawa. Bunso ang napangasawa ni Kuya Joaquin sa tatlong magkakapatid. Nakatatandang mga kapatid ni Ate Angelica sina Angelito at Andres Jose o Anjo Ossorio. Nagkakilala na rin kami.
"Stephanie!" lumapit sa akin si Angelo.
Sinalubong ko rin siya ng ngiti. "Angelo,"
"May I?" naglahad siya ng kamay. Niyayaya niya akong sumayaw.
Hinanap ng mga mata ko si Rad na hindi kalayuan at may kausap pang isa sa matatandang guests at nakatingin din sa amin. Binalik ko ang tingin kay Angelo at tumango sa kaniya. Ayaw ko rin naman maging rude. Nagpunta kami sa gitna at nagsayaw sa marahang musika. "You're really beautiful." ani Angelo.
Ngumiti lang ako at medyo pa nahiya. "Ikaw din, bagay sa 'yo ang suit mo." puri ko na rin sa kaniya. At gwapo rin naman talaga siya.
Ngumiti pa siya lalo. Guwapo rin ang Kuya ni Ate Angelica. Siguro ay magka-edad lang sila ni Rad, tingin ko.
Pagkatapos naming magsayaw ay nagpaalam din siya para sa isang tawag sa phone niya. Mukhang sa trabaho niya yata. Tumango naman ako at hinayaan siya. Mukhang abala rin siyang tao sa sarili niyang business gaya ng nabanggit niya kanina habang nagsasayaw kami.
"Did you enjoy the dance?"
Bahagya pa akong nagulat nang nasa tabi ko na si Rad. "Rad,"
Huminga siya at tumingin sa mga nagsasayawan sa harap, mukhang bad mood. "Galit ka ba?" tanong ko. Pareho kaming nakaupo lang ngayon dito sa mga naka-set na chairs.
Hindi siya nagsalita pero umiling din siya. "Hindi," aniya.
"Talaga? Mukhang galit ka, e." medyo asar ko na rin sa kaniya. Parang nakakatuwa lang ang reaksyon niya. Hindi ko mapigilang mangiti. Parang mas lalo siyang gumuwapo dahil nagsusuplado.
"I'm not mad." kalmado niyang sinabi at nagpakawala ng buntong-hininga bago bumaling sa akin.
Nakangiti na ako. "Gusto mo magsayaw din tayo?" ako na ang nagyaya. Medyo may pagka-usad pagong din kasi yata itong si Attorney Conrad Jr.
Ngumiti na rin siya at tumango habang nakatingin sa akin. Parang na-miss ko rin ito na okay kaming dalawa sa isa't isa. Okay naman kami... "But I want us to dance somewhere else," aniya.
"Ha?" napatanong naman ako. Saan naman niya gustong magsayaw kami gayong nandito naman ang sayawan at music.
"For more privacy." aniya at hinawakan na ang kamay ko at tinangay ako sa kaniya. "I want to be alone with you." amin niya rin.
Ngumisi lang ako at hinayaan siya.
Pumunta kami sa parte ng mansyon na wala masyadong dumadaan na tao. Naririnig pa rin naman ang music dito. Ngumisi ako nang pinaikot ako ni Rad habang hindi niya binibitawan ang kamay ko. Pagkatapos ay sinalo niya rin ako at halos magkayakap na kaming nagsasayaw pa rin ng marahan sa hindi na rin ganoon kalakas na tugtog dito sa kung nasaan kami. "Are we okay now?" marahan niyang tanong.
Unti-unti naman akong tumango, marupok din. "Okay naman tayo..." sabi ko.
"Your birthday's near..." aniya malapit sa tainga ko.
Tumango lang akong muli. "Oo, iyon na ang susunod na paghahandaan nina Papa pagkatapos nitong kasal ni kuya Joaquin."
Naramdaman kong tumango rin si Rad at tuluyan akong niyakap. Sandali naman akong napapikit sa yakap niya. Hanggang sa may tumawag sa kaniya. Binalingan namin iyon at bahagya pa ang panlalaki ng mga mata ng lalaking dumating nang nakita ako. Hindi ko naman ito kilala o matandaan.
"'Di ba siya 'yong..." tinuro ako nito.
Nagpaalam sa akin si Rad at pinuntahan muna iyong lalaki at nilayo sa akin. Hinayaan ko na lang muna sila. Mukhang kaibigan din iyon ni Rad na bagong dating lang. Tinawag na rin ako ni Cecil na kanina pa pala ako hinahanap dahil pinapatawag din ako ni Tita Christine. Tumango ako at sumunod na muna sa kaniya. Hahanapin na lang ako ni Rad mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro