Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

Kabanata 7

Girlfriend

Tumingin sa 'kin 'yong babae. Hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko sa nangyari. Nagpaalam na rin si Rad na ihahatid ako. Hinawakan at dinala na niya ako sa sasakyan niya. Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan habang pauwi na ako sa Hacienda Karmen. Nang makarating ay agad akong nagkalas ng seatbelt. "Salamat." sabi ko lang at mabilis na rin binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Stephanie," pigil sa akin ni Rad.

Binalingan ko muna siya. Hindi tulad noong hinatid niya rin ako galing sa mansyon nila kung saan naisipan ko siyang halikan sa pisngi niya pagkatapos magpasalamat ay hindi ko na naisip gawin iyon ngayon. May girlfriend pala siya.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "I'll talk to you tomorrow." aniya.

Tahimik lang akong tumango at tuluyan na rin bumaba ng sasakyan niya. Nagtuloy-tuloy na rin ako papasok ng mansyon. Sinalubong ako nina Cecil. Binati ko pa rin sila ng ngiti. "Magpapahinga na muna ako sa kuwarto ko, Cecil." sabi ko at maagap naman na tumugon ang kasambahay.

"Mukhang napagod kayo ngayon sa lakad ninyo, Senyorita." Ngumiti sa akin si Cecil habang inaayos pa ang kama ko.

Tumango at pilit na ngumiti lang din ako sa kaniya. "Sige, Cecil, magpapahinga na muna ako." sabi ko.

Tumango naman siya at iniwan na akong mag-isa sa kuwarto ko. Nagbuntong-hininga ako.

Nagpaturo pa rin ako kay Tita Christine mag-bake nang hindi siya abala kahit wala na rin akong balak gawan pa ng cake si Rad gaya ng sinabi ko sa kaniya noong birthday niya. Sina Karmen na lang siguro ang ipagbebake ko. Okay din ito at may natutunan akong bago. "Tama na po ba ito, tita?"

Nakangiti at tumango sa akin si Tita Christine. Nandito kaming dalawa ngayon sa kusina at abala siya sa pagtuturo sa akin. "Okay na iyan. Mamaya ay tikman natin ang kalalabasan." anito.

Ngumiti na rin ako at na-excite. "Salamat po, tita. Sana ay hindi ko po kayo naaabala ngayon."

Maagap naman siyang umiling. "Hindi, Stephanie, huwag mong isipin 'yan. Ayos lang." ngiti niya sa akin.

Ang bait talaga ni Tita Christine. Tapos ang ganda, ganda pa. Ang suwerte rin ni Papa sa kaniya.

"Tita," tawag ko.

"Hmm?" attentive naman siya sa akin.

"Salamat po kasi tinanggap ninyo ako sa pamilya n'yo..." sabi ko.

Umiling si Tita Christine. "Huwag mo nang masiyadong isipin, Stephanie. Anak ka rin ni Stefano kaya may karapatan ka rito. Pamilya ka na rin namin."

"Salamat po, tita." sabi ko at ngumiti.

Ngumiti rin siya. "Walang anuman." aniya.

"Ah, ayos lang po ba sa inyo ito? Ang ibig kong sabihin ay bata pa kayo at talagang maganda. Si Papa naman ay marami na rin karanasan at may iba pang mga anak sa ibang mga babae..." umiling ako. "Hindi naman po masama ang ibig kong sabihin. Sigurado akong marami rin ang nanligaw noon sa inyo pero si Papa ang napili mo..." ngumiti ako.

Tumango si Tita Christine at ngumiti rin na parang nagsasabi ring naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. "Si Stefano lang ang nakitaan kong may purong pagmamahal at intensyon sa akin. Hindi kagaya ng ibang mga lalaking lumapit sa akin noon na ang hangad lang ay ang mapasakanila ako dahil sa gandang mayroon ako. Hitsura lang ang nakikita nila sa akin." Umiling si Tita Christine. "Minsan hindi rin talaga purong biyaya ang hatid ng kagandahan." ani tita.

Tahimik lang muna akong nakikinig sa kaniya.

Pagkatapos ay binalik niya ang ngiti sa mga labi. "Pero ang Papa mo, nakita niya ako higit sa kung ano lang ang hangad sa akin ng iba. Nakita niya rin ang mga gusto at hilig ko. Nakita niya ang mga pangarap ko." ngiti niya.

Napangiti na rin ako at kinilig na rin! Iba nga ring talaga ang Papa.

"Hindi lang din naman kasi tayo bastang mga babae, Stephanie. Marunong din tayong mangarap para sa mga sarili natin at mga mahal natin." dagdag ni tita.

Nakangiti ako at tumango.

Sa sumunod pa na araw ay bumisita si Rad sa mansyon. Ilang araw din kaming hindi nagkita. Siguro ay dahil naging abala siya sa girlfriend niya. "Stephanie," agad siyang tumayo nang makita pa lang akong bumababa sa hagdanan namin.

"Napadalaw ka, Rad." pormal na salubong ko sa kaniya.

Tumango siya. "I'm here..." parang hindi pa niya malaman ang sasabihin at nakatingin lang sa akin. "I'm here to, uh, remember about the cake?" pagpapaalala niya sa 'kin.

Tumango naman ako.

Bahagya siyang ngumiti. "Sabi mo igagawa mo ako...?" aniya.

"Matagal nang natapos ang birthday mo, pero hmm, sige igagawa pa rin kita. Ngayon na ba?"

Unti-unti siyang tumango. "If it's all right..."

Tumango rin ako. "Sige, halika sa kusina at magsisimula ako ng mixture para sa cake mo. O ayos lang ba sa 'yo na maghintay lang muna rito?" tukoy ko sa malapad na salas ng mansyon kung saan kasalukuyan kaming naroon.

"I'll go with you." ani Rad.

Tumango ako at hinayaan na lang siyang samahan ako sa kitchen. "Upo ka." Tinuro ko sa kaniya ang isang silya. Kaming dalawa lang ang naroon at ilang oras pa lang din matapos ang tanghalian. "Nakapagtanghalian ka na ba?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Oo, tapos na ako." sagot niya.

Tumango ako at naghanda na ng mga gagamitin. Tahimik lang ako at inabala ang sarili sa ginagawa. Tahimik lang din si Rad at mukhang nananantya. Sinusundan niya lang ang bawat galaw ko.

Nang natapos ay nilapag ko sa harapan niya ang galing pa lang sa oven na tinapay, umusok pa at mabango naman. Kumuha na rin ako ng para naman sa icing at iba pang kailangan. "Sana ay magustuhan mo. Hindi pa ako expert sa pagbebake at tinuruan lang din ako nina Tita Christine." Nag-practice rin naman ako dahil wala rin magawa rito sa mansyon. Ang mga kapatid ko at sina manang ang laging tumitikim at kumakain ng gawa ko at anila ay okay naman daw.

Nakatingin sa akin si Rad at mukhang nananantya pa rin. Pormal lang ang pakikitungo ko sa kaniya. Ngumiti lang ako nang maglagay pa ng kandila sa cake niya bago iyon nilapit pa sa kaniya. "Make a wish?" sabi ko matapos din namin sindihan 'yong candle.

Tumango si Rad at pinikit saglit ang mga mata. Napatitig naman ako sa mukha niya. Masiyado na rin pala kaming malapit sa isa't isa dahil naka-lean din ako sa may kitchen counter. Habang nakaupo naman si Rad sa stool doon. Sa gitna namin ay ang cake niya. Bahagya rin akong umiwas ng tingin nang bumukas na ang mga mata niya at agad noong nahanap ang akin. "Sige, tikman mo." Kumuha ako ng platito at pinaghiwa siya ng cake.

Hinintay ko pa ang reaksiyon niya sa unang tikim. Tumango-tango siya at ngumiti. "It's good. It's delicious, thank you." aniya.

Tumango ako at bahagya na lang din nangiti. Pinagsalin ko na rin siya ng juice.

Hindi rin naman nagtagal si Rad lalo at hindi rin naman ako ganoon kadaldal ngayon. Hinatid ko na siya sa labas sa sasakyan niya. Hindi pa rin nakakauwi sila ni Papa. "You're quiet today..." ani Rad, napuna rin ang katahimikan ko.

"Wala rin kasi akong masasabi..." sabi ko lang.

Huminga siya at tumango na lang din. "Gusto mo bang bumisita muli sa farm? Hindi pa rin pala kita nalilibot sa farm house..." aniya.

Naalala ko iyong farm house nila. Malaki nga rin iyon at maganda. Mukhang presko rin sigurong tumira roon. Pero ang alam ko sa mansyon pa rin nila umuuwi si Rad kaya may nangangalaga lang din doon.

"Ang girlfriend mo? Ilang araw ka rin hindi nagawi rito, naging abala ka sigurado sa kaniya." sinubukan kong ngumiti kahit tipid.

Umiling si Rad. "She's my ex-girlfriend. Wala na kami. She stayed in our mansion, sa guestroom. Nakaalis na rin siya kanina." aniya.

"Oh, kailan pa?" tukoy ko sa breakup nila.

Umiling siya. "Matagal na..."

"Talaga?" may duda sa tono ko.

Sasagot pa lang sana siya pero nakita naming dumating na rin ang sasakyan nila ni Papa. Bumaba ang mga sakay no'n at sinalubong ko na rin sila. Sumunod at bumati na rin si Rad. Nagkausap pa sila ni Kuya Joaquin kaya nagpaalam na rin akong sasabay na kanila Tita Christine pabalik sa loob ng mansyon. Iniwan ko na si Rad doon na nakita kong mukhang gusto pa akong makausap.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro