Kabanata 5
Kabanata 5
Date
Gabi pa lang ay hindi na ako magkandaugaga sa paghahanap at pagpili ng damit na susuotin para kinabukasan. Kailangan ko pang matulog nang maaga para hindi naman ako haggard bukas. Basta gusto ko lang na maayos naman akong tingnan... Medyo kinakabahan pa ako. Makakasama ko si Rad! At maglilibot kami sa hacienda.
"Itong bestida po, Senyorita. Baka gusto ninyo." suggestion ni Cecil na nandito ngayon sa silid ko.
Binalingan ko iyong tinukoy niya. Pinakita ko 'yon sa kaniya. "Ito?"
Nakangiti siyang tumango. "Kahit ano naman po ay siguradong babagay sa inyo."
Tumango ako at tiningnan ang sarili sa salamin.
"Sasakay po ba kayo ng kabayo, Senyorita, o sa sasakyan muna ni Attorney?" tanong ni Cecil.
"Hindi pa ako marunong sumakay ng kabayo, Cecil. Kaya baka gagamitin nga namin ang sasakyan niya."
Nakangiting tumango si Cecil. "Mag-enjoy po kayo bukas." bilin pa nito.
Ngumiti naman ako nang malapad.
Hanggang sa pagtulog ay nasa isip ko pa rin si Rad kaya nga medyo naalala ko pang napanaginipan ko na rin siya. Kinabukasan ay maagang maaga rin akong nagising. Naunahan ko pa nga si Cecil na noong pumasok sa kuwarto ko ay naabutan akong tapos nang maligo at makapagbihis. Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang bati na rin. "Magandang umaga sa 'yo, Cecil!" ngiti ko. Good mood at excited sa mangyayari ngayong araw.
"Magandang umaga rin po, Senyorita," napangiti na rin ito sa akin. "Anong oras po ba ang usapan ninyo ni Attorney?" tanong niya habang kinuha na sa akin ang tuwalya at tinulungan ako sa pagpapatuyo ng buhok ko. Pakiramdam ko pa nga ay alagang-alaga niya ako.
"Hmm, wala namang sinabi..." napaisip ako nang maalala. "Basta ang sabi niya ay babalik daw siya rito ngayong umaga." sabi ko.
Napangiti lang si Cecil sa nakikita kong repleksiyon niya sa salamin. "Baka mamaya pa po iyon, pero puwede rin namang maghanda na rin po muna kayo ng pagkaing babaunin ninyo sa lakad n'yo, Senyorita, at may panahon pa naman." aniya.
Hindi ko naisip iyon. Tumango ako. "Tama ka, Cecil. Kailangan nga rin siguro namin ng baon," alangan naman ano ang kakainin namin, ang isa't isa?
Napailing-iling ako sa mga naiisip.
"Marunong po ba kayong magluto, Senyorita?"
Umiling ako kay Cecil. "Hindi masyado..."
Tumango siya at ngumiti. "Magpapaluto na lang po tayo. Sasabihan ko sina Manang Lucia sa baba." paalam nito.
Tumango ako. "Salamat, Cecil."
Ngumiti lang ito sa 'kin.
Humarap ako sa salamin ng tokador at tiningnan ang sarili at ayos. Mas mahaba na ngayon ang medyo kulot kong buhok. Ang natural na kurba ng mga pilikmata ko ay maaring dahil din sa kulot kong buhok. Ang mga kilay ko ay sakto lang din ang kapal na bumagay sa saktong kapal at haba rin ng mga pilikmata ko. Ang kulay ng mga mata ko ay brown. Ang ilong ko naman ay perpekto na gaya ng kay Papa. At ang mga labi ko naman at pisngi ay may natural na kulay na nagpapatingkad sa mukha ko. May konti rin nagpapakitang freckles sa mga pisngi ko pati sa ilong. May ganito rin ang kambal. Ilan sa pagkakapareho naming magkakapatid.
Marami na rin ang nagsasabing maganda ako... Si Rad kaya nagagandahan din sa akin...? Nagbuntonghininga ako. Bakit ba kung ano-ano na lang ang iniisip ko.
Mukhang napaaga nga ako sa pag-aayos at wala pa naman si Rad. Bumaba ako at tumulong na lang din muna kanila manang para sa dadalhin kong baon namin ni Rad.
"Wala ka na bang iba pang gagawing paghahanda, hija? Hinayaan mo na lang sana kami rito at kami na ang bahala. Ang dami namin dito." ani manang.
Tumango ako. "Ayos lang, po. Wala na rin naman akong gagawin." sabi ko.
Ngumiti ito sa akin. Ngumiti na rin ako. "Ang ganda mo, hija. Naalala ko ang Donya Karmen sa iyo." anito.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Nakita ko na ang lola sa mga pictures at painting dito sa mansyon. At ang masasabi ko lang ay ang ganda, ganda nito! Lalo noong kabataan. Nakaramdam naman ako ng hiya. "S-Salamat, po..." hindi ko alam ang sasabihin. Nakakatuwa rin malaman na kahit papaano ay may nakikita silang pagkakahawig ko rin sa Mama ng Papa. Mas lalo ko lang nararamdamang parte nga talaga ako ng pamilyang ito.
"Senyorita, narito na po si Attorney." pagpaalam sa akin ng katulong.
Bahagya naman akong nataranta kung hindi lang ako pinaalalahanan ni Cecil. "Dahan, dahan lang po, Senyorita. Kakarating lang din naman ni Attorney at tapos na po kayo sa lahat ng pag-aayos n'yo." ani Cecil.
Huminga ako at tumango. Ngumiti sa akin si Cecil at giniya na ako kasunod ang isa pang katulong dala dala na nila ang basket na may lamang mga pagkain. Sumunod din sa amin si manang.
"Attorney," nakangiting bati ni Manang Lucia kay Rad na guwapong-guwapo at presko ang ayos sa umagang ito.
"Manang," magalang din bumati pabalik si Rad at ngumiti pang nilipat sa akin ang tingin.
Sandali kong nakagat ang labi.
"Good morning." bati niya sa akin.
"Uh, good morning!" bati ko rin at nakagat muli ang labi.
"Pababa na rin ang Senyor at si Christina, hintayin n'yo na lang sandali." ani manang.
Tumango naman kami.
Nang makababa ang Papa at si Tita Christine ay nagpaalam na rin kami ni Rad. "Hindi na ba muna kayo mag-aagahan, Rad?" si Tita Christine.
Nagkatinginan kami ni Rad. "May baon din po kami, nagpahanda ako kanila Manang." sabi ko.
Ngumiti si Tita Christine at tumango. Tumango na rin ang Papa at binilin pa ako kay Rad. Pagkatapos ay tuluyan na rin kaming lumabas ng mansyon at sumakay sa sasakyang dala ni Rad.
"Are you comfortable here?" tanong niya nang makasakay na kami.
Tumango ako. "Oo,"
Tumango siya at nagmaneho na pagkatapos din ayusin sa likod ang mga dala namin.
"Thanks, nag-abala ko pa." tukoy niya sa pagkaing hinanda ko. "Hindi ko naisip, my bad. Next time ako naman ang magdadala ng pagkain natin." aniya.
May next time pa!
Ngumiti ako. Ang bait pala ni Rad. Iba sa Rad na una kong nakilala. Siguro ay dahil medyo lasing naman siya noon. "Thank you nga pala, sa pagmamagandang loob na ilibot ako ngayon sa lupain. Wala ka bang ibang gagawin? Baka may mahalaga ka pang gagawin," medyo nag-alala ako sa pag-iisip. Baka nakakaabala pa pala ako sa kaniya.
Umiling naman siya. "No, don't worry about it. Wala naman akong ginagawa." aniya.
Tumango ako. "Uh, sa Maynila ka ba nagtatrabaho?" nagtatanong ako habang nagmamaneho siya.
Mula sa dinadaanan namin ay sinulyapan niya ako. Tumango rin siya.
"Attorney ka pala, ilang taon ka na?" natanong ko pero bahagya rin natigilan. Ang dami ko naman yatang tanong. Nakakahiya!
Sinagot niya naman. "27,"
Napatango-tango ako. Malayo rin pala ang agwat ng mga edad namin. Hindi ko rin naisip noon. Mukhang bata pa rin naman kasi siyang tingnan.
Tinuturo sa akin ni Rad ang mga nadadaanan namin. Ekta-ektaryang taniman ng tubo. Tina-transport ang mga ito sa Victorias para sa further refining sabi sa akin ni Rad. Naging interesado na rin akong malaman ang tungkol sa pagpoproseso ng tubo at maging asukal. Nakakapukaw din pala ng interest. "May ganito rin ba kayo? Ang narinig ko lang ay may farm kayo." bumaling muli ako kay Rad.
Umiling siya. "Siguro noon, pero naibenta na nina Mama at Papa at pareho silang walang interest sa pagmamanage noon. But we have a farm. Iyon na lang ang naiwan at hiniling ko rin kay Papa. Binigay naman nila."
Ang alam ko ay parehong nagtapos din ng pag-aabogasya ang parents ni Rad. Kaya siguro sumunod na rin siya. "Ikaw ang nag-aasikaso sa farm n'yo?" tanong kong muli.
Tumango siya.
"Paano 'yon? Hindi ba't lawyer ka pa tapos sa Maynila?"
Tumango muli siya. "I can manage." aniya. Walang bakas ng pagiging mayabang sa kaniya.
Napangiti ako at parang naging proud pa sa kaniya. "Ang galing mo naman pala. Hindi ko pa maisip..." tumingin ako sa maraming maraming tanim na tubo na nadadaanan namin. Hindi ko pa maisip kung paano mag-manage nito pero nagagawa naman ng maayos ng Kuya Joaquin. At hindi lang ito. May iba pang negosyo ang Papa.
Tinigil ni Rad ang sasakyan at bumaba kami at sumilong sa isang malaking puno. Nag-set up na rin siya doon ng mga dala namin. Para kaming nagkaroon ng picnic dito. Ang ganda pa ng tanawin sa paligid. "Ang ganda dito." nasabi ko at nilanghap pa ang sariwang hangin.
Ngumiti si Rad habang tinitingnan ako. Tumango lang siya. Lumapit na rin ako sa kaniya at umupo roon sa nilatag niyang sapin. "Ngayon lang siguro ako nakaapak sa ganito. Malayong-malayo sa polusyon ng Maynila." nasabi ko.
Tumango si Rad at sumang-ayon. Inabutan na rin niya ako ng pagkain. "Salamat," sabi ko at tinanggap. Nagkangitian pa kami.
"Simula ba noong bata ka pa lang gusto mo nang maging lawyer? Ako kasi ang iniisip ko lang noon gusto ko lang makapagtapos sa pag-aaral para makaalis na kami ni Mami doon sa club..." bigla akong nalungkot nang maalala ko si Mami. Hindi ko na rin namamalayang napunta na pala ako sa topic na ito.
"Hey," tawag sa akin ni Rad kaya nabalik sa kaniya ang atensyon ko. "My parents are both lawyers and they wanted me to become one, too, so..." aniyang halos nagkibit-balikat.
Tumango ako. "Gusto mo rin naman?" ngumiti ako.
Nagkibit-balikat lang siya. "Yeah... But, mas gusto kong sa farm na lang. Mas tahimik at mas nakakapag-isip ka ng maayos. And I enjoy growing crops and rearing animals." aniya.
Ngumiti lang ako habang nakikinig sa kaniya. Ilang sandali kaming natahimik pagkatapos. Tumingin siya sa 'kin. "How about you... Bakit ngayon mo lang na meet ang Papa mo?" tanong niya.
Nagbuntong-hininga ako. "Ayaw kasi noon ni Mami..." umiling ako. "Lumaki akong kaming dalawa lang ng nanay ko. Siya lang ang nagpalaki sa akin. Hanggang nagkasakit na nga siya at lumala pagkatapos tinago niya lang at wala pa kaming sapat na pera. Kaya nga rin napilitan na akong..." nahiya akong bahagyang nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Huminga ako. "Mabuti na lang nga nagkita pa sila ng Papa mo." binalik ko ang ngiti para kay Rad. "Nabigay pa sa 'min itong address kung nasaan ang Papa ko."
Tumango si Rad. "Papa knew your Mom."
Tumango rin ako. "Oo, nagkakilala na sila noon nang magkakilala rin ang Mami ko at si Papa." Nilibot ko ang tingin sa paligid namin. "Ganito rin siguro kalawak ang farm n'yo o mas malaki pa?" baling ko sa kaniya na naabutan kong nakatingin din sa akin.
"Hmm," tumango-tango siyang bumaling din sa paligid. Wala nang mga tanim na tubo rito at malawak na lang na lupain. Tahimik talaga at maganda ang paligid. Makakapag-relax ka talaga rito.
"Marami kayong inaalagaan na hayop doon?" medyo curious kong tanong.
Tumango si Rad. "Yeah,"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa curiosity na nahaluan na rin ng excitement. "Mga manok at baka? May kambing din?"
Napangiti ng malapad si Rad sa reaksyon ko. "Yes." ngiti niyang nakatingin lang sa akin. "You wanna go there?" tinanong niya ako.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Puwede?"
Nakangiti siyang tumango. "Of course."
Ngiting-ngiti na ako. "Thank you, Rad!" my tone became excited!
"You're welcome." ngiti rin niya sa akin.
Ang gaan kasama ni Rad. Parang ang bait bait naman niya. Basta parang kapag siya ang kasama ko protektado ako at walang makakapanakit sa akin. Ewan ko ba sa mga nararamdaman ko.
Sa hacienda lang naman kami naglibot nang araw na iyon. Pagkatapos ay hinatid na rin ako ni Rad pabalik ng mansyon. "Salamat, Rad." sabi ko sa kaniya.
Sinalubong na rin kami ng ilang kasambahay at kinuha iyong dinala rin namin kanina. Sa paglilibot na rin kami inabot ng pananghalian mabuti na lang madami rin 'yong baon naming pagkain. Salamat kanila manang. Kaya hapon na akong nauwi ni Rad. Halos buong araw ko rin pala siyang nakasama. Parang ang bilis lang din. Sabi nga nila kapag nageenjoy ka pa parang ang bilis lang. Tapos kapag nasasaktan parang ang bagal matapos...
"Sunduin ulit kita bukas? Ipapasyal kita sa farm," si Rad.
Mabilis naman akong tumango. "Oo! Ah," bahagya akong tumikhim. "Salamat," ngumiti na lang ako sa kaniya. "Nag-enjoy ako sa araw na 'to." ngiti ko.
Ngumiti rin si Rad. "See you again tomorrow." paalam na niya. Wala rin yata sina Papa sa loob ng mansyon ngayon o si Kuya Joaquin na kasama naman ang fiancee niya.
Tumango ako. Nakangiti pa rin at hindi na yata mabubura. "Sige, ingat ka. Salamat ulit!"
Tumango lang si Rad at pumasok na sa sasakyan niya. Sinalubong na rin ako ni Cecil sa tabi ko. Hinintay lang naming tuluyang makaalis ang sasakyan ni Rad at pumasok na rin kami sa loob ng mansyon.
"Pakiramdam ko ay nag-date kami ngayong araw, Cecil!" Binagsak ko ang likod sa malambot na kama. Hindi nabubura ang ngiti sa mga labi ko. "Date na ba iyon?" Bumangon ako at bumaling kay Cecil na nakangiti lang naman sa akin.
"Siguro, Senyorita," ngiti niya. "Ah, gusto n'yo po ba si Attorney-"
"Halata ba?" Hindi na napagpatuloy ni Cecil ang sinasabi dahil naputol ko na siya. Napahawak din ako sa mga pisngi kong nag-iinit. Nahalata rin kaya ni Rad na mukhang nagkaka-crush na nga ako sa kaniya? Napaisip ako. Sobrang guwapo naman kasi niya! Bagay pa ang mukha niya sa katawan niya. Tapos mabait pa. Ang perfect lang. Nakakahiya naman tuloy kung baka naiisip na niyang may gusto ako sa kaniya! Muli akong pabagsak na humiga sa kama ko. "Nakakahiya naman..." huminga ako.
"Huwag n'yo na pong isipin, Senyorita." lumapit pa sa akin si Cecil para aluin ako. "Wala pa naman po siguro kayong sinasabi?" Umiling ako. Wala pa naman... Ngumiti siya. "Tingin ko ang mahilig lang naman maunang mag-assume ay tayong mga babae. Ang mga lalaki ay naghihintay pa ng mga salita mula sa babae..." aniya.
Tumango ako at muling bumangon. Tinulungan na rin ako ni Cecil para makapagpalit na rin ako ng kumportableng pantulog. "Huwag na po kayong masyadong mag-alala, Senyorita. Masaya ako na nag-enjoy din kayo ngayong araw." ngiti sa akin ni Cecil.
Ngumiti rin ako. "Salamat, Cecil." At niyakap ko pa siya na mukhang hindi pa niya inasahan. Sa huli hinayaan niya na rin ako. Para ko na rin siyang kaibigan simula noong dumating ako rito sa Hacienda Karmen at siya na ang umaasikaso sa mga kailangan ko at nag-aalaga sa akin. Kaya pinapasalamatan ko rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro