Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

For more stories from Rej Martinez you can pledge $3 monthly to my Patreon creator page Rej Martinez. Or join my Facebook VIP group for 150/month membership that you can pay using GCash/Maya. Just kindly send a message to my Facebook account Rej Martinez to join VIP group. Thank you very much for your love and support for Rej Martinez's stories!

Kabanata 4

Attorney

Dumating ang isa pa naming kapatid. Ngayon lang din ito naipakilala. Ito ang unico hijo ng Papa, si Kuya Joaquin. Ang ina naman nito ay ex-girlfriend daw ng Papa. Naghiwalay noon nang kinasal ang Papa sa ex-wife na nito ngayon, kung saan may kapatid pa kami na siyang panganay. Nagkaroon noon ng affair ang Papa at ang ina ng Kuya Joaquin habang kasal si Papa sa unang asawa na siya ngang bumuo kay kuya. Medyo magulo rin, ano. Iba rin talaga ang Papa.

At saan ko nalaman ang mga ito? Sa mga chismosang katulong dito sa mansyon. Matagal na rin sila rito kaya malamang nasaksihan na rin nila ang mga pangyayari sa buhay ng mga amo nila.

"These are your sisters, Karmela and Karmen, and Stephanie." pakilala ng Papa.

Tumango ang Kuya Joaquin na may ngiti rin. Mukha naman itong mabait. At guwapo rin talaga. Magandang lalaki rin naman talaga ang Papa. Kaya hindi na rin nakapagtataka na sadyang may pinagmanahan kaming magkapatid.

"This is your Tita Christina." pakilala ng Papa sa asawa niya ngayon.

Si Tita Christine na talaga ang forever and ever amen ng Papa. Malaki rin ang agwat ng mga edad nila. Mga eighteen lang din noon si tita nang nagbuntis sa kambal. Nakikita ko rin naman na nagmamahalan talaga silang dalawa. At bukod sa maganda na, sobrang bait din talaga ni Tita Christine.

Binati rin ni tita ang Kuya Joaquin.

Si kuya na pala ang namamahala sa mga negosyo ng Papa. At ngayon lang umuwi rito para na rin sa pagpapakasal sa anak ng kaibigan din ng Papa.

Ang mga Ossorio ay nagmamay-ari ng lupain na karugtong lang din ng amin, parehong asukarera. Kaya kapag kinasal ang Kuya Joaquin at ang nag-iisang anak na babae rin ng mga Ossorio ay magiging isa nalang ang dalawang asukareras at tataas din ang sugar production dahil sa pagsasama ng dalawang pamilya. Kami na raw ang magiging pinakamalaking sugar producer dito sa Negros. Ganoon siguro talaga sa negosyo... Medyo naiintindihan ko rin naman sa mga naririnig din sa usapan.

Naghanda sa mansyon para sa pagkikita ni Kuya Joaquin at ng mapapangasawa niya. Medyo na late pa nga si kuya sa hinandang pananghalian dahil nanggaling pa sa mga Lizares. Kaibigan na rin pala nito si Rad Lizares. Nagkakilala na sila sa Maynila pa lang. May minana rin kasi si kuya sa Mama niya kaya nagtungo sa farm ng mga Lizares para makita kung paano iyon pinapatakbo.

Nakita ko na rin ang mapapangasawa ng kuya. Si Angelica Ossorio, bunso sa tatlong magkakapatid at tanging babae. May dalawang nakatatandang kapatid na lalaki na kasalukuyang nasa Maynila kaya wala ngayon dito. Sobrang ganda rin nito. At tingin ko ay mukhang bagay din naman sila ni kuya.

Naupo na rin si kuya Joaquin. Nagkatinginan na sila ng aasawahin niya.

Nag-uusap ang Tita Christine at Tita Layla, ang magiging mother in law ni kuya Joaquin. Nag-usap na rin tungkol sa business ang Papa at si Mr. Ossorio, kasali na rin si Kuya Joaquin. Habang nasa hapag kaming lahat.

Naging maayos naman iyon. Nagkakasundo ang dalawang pamilya at mukhang nagkasundo na rin ang kuya at ang mapapangasawa niya.

Umalis kami ng Papa at nina tita. May sandaling check up si Karmen sa doktor at mamamasyal din kami at mamimili sa malls!

Maiiwan si Kuya Joaquin dito sa mansyon na abala rin naman sa kuwadra, sa mga kabayo.

Malaking sasakyan ang ginamit namin. Sa pinaka-unahan ang driver at bodyguard. Sa unahan naman namin ay ang Tita Christine at Papa. At sa likod ako kasama ang kambal. Nag-uusap kami ni Karmen na napapagitnaan namin ni Karmela na tahimik naman at nakadungaw lang sa bintana ng umaandar na sasakyan.

Tiningnan ko ang kapatid ko. Madalas siyang tahimik. At ayaw din niyang pinapakialaman siya. Marami na rin itong achievements kahit bata pa lang. Achiever ito sa school at sa iba pang bagay. Proud din ako sa kapatid ko. Kahit hindi pa rin kami nag-uusap talaga...

Naglilibot na kami sa malaking mall kasunod ang bodyguards. Parehong abala ang Tita Christine at Papa kay Karmen kaya nilapitan ko muna si Karmela. Namimili rin ito ng sapatos.

"Mas bagay sa 'yo itong isa," nakangiti kong pinakita sa kaniya ang sapatos na nakita kong una niyang tiningnan kanina.

Suplada niya lang iyong tiningnan at inignora. Sinundan ko pa rin siya. Kasunod din namin ang bodyguard. "Ano ba ang hinahanap mo?"

Mukhang irita niya akong binalingan. "Are you a sales worker here?" mataray niyang baling sa akin.

Bahagya naman akong natigilan. 'Tapos ay umiling ako. "Hindi... Gusto lang sana kitang... tulungan..." sabi ko.

Halos ikutan niya ako ng mga mata. "I'm not Karmen, okay? We're not friends." aniya at muli akong tinalikuran.

Nagbuntong-hininga nalang ako. Ang batang 'to talaga! Trese pa lang pero sobrang attitude na! Akala niya, ha! Sinundan ko pa rin siya.

"Hindi ko naman sinabing si Karmen ka. Siyempre iba ka. Ikaw si Karmela Maureen, oh, ang ganda pa ng pangalan mo tapos busangot ka diyan. Ngiti ka naman. Para lalo kang gumanda!" ngumisi ako sa kaniya.

Sobrang kumunot naman ang noo niya sa akin. "Don't treat me like a kid, because I'm not." pagsusuplada pa rin nito.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Medyo nasanay nga rin siguro ako kay Karmen na parang baby pa talaga. Sila ni Karmela ang bunso ng pamilya Aguirrezabal. Mukhang matured nga rin itong si Karmela kumpara sa kakambal niya.

"Ayaw mo ba sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa 'kin. Ang sabi ni Tita Christine ay kami raw ni Kuya Joaquin ang mas kamukha ng Papa. Ang kambal kasi ay mas nagmana sa kagandahan ng Mama nila. Pero kung titingnan ay makikitaan mo pa rin naman ang mga ito ng hawig sa Papa namin.

Hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin.

Nagbuntong-hininga ako. "Pasensya ka na, ha. Bigla nalang akong pumasok sa buhay ninyo. Kung may iba lang akong option ay hindi naman ako agad susugod sa Papa." umiling ako. "Pero wala, e... Wala akong maisip na ibang pupuntahan..." Natahimik siya. "Galit ka ba sa 'kin, Karmela?"

Bumaling na siyang muli sa akin. Pagkatapos ay unti-unti siyang umiling. "No..." mahina niyang sabi.

Napangiti na ako.

Umiling-iling pa siya. Tumingin siya ng deretso sa akin. "Pero okay na kayo ni Karmen, 'di ba? You like her." aniya.

Tumango naman ako. "Oo..."

"Everyone likes her."

Parang may nahimigan ako sa sinabi ng kapatid ko.

Nilapitan ko pa siya. " Karmela... Oo, gusto ko si Karmen. At gusto rin kita. Siyempre pareho ko kayong mga kapatid."

"I just thought you don't need me anymore. Kasi masaya naman na kayo. Palagi pa kayong nakatawa at mukhang masaya with whatever you two are doing. You're already good without me,"

"Karmela..." nagbuntong-hininga ako at hinawakan na siya. Kahit pa gaano siya umaktong matanda ay bata pa rin siya. Na nangangailangan din ng atensiyon. Napansin ko rin kasi na parang mas naka-focus sina tita at Papa sa kay Karmen. Maiintindihan din naman at sakitin ito at mas mahina. Pero kailangan din ni Karmela ang mga magulang niya... Ngumiti ako sa kapatid ko. "Puwede ka namang sumali sa amin. Alam mo hinihintay ka lang din namin na lumapit. Hinihintay ka lang din ni Karmen. Kapag kasi kami ang lumalapit ay lumalayo ka naman..."

Nakatingin lang sa akin ang kapatid ko. Ngumiti pa ako sa kaniya. Hanggang sa unti-unti ay napangiti na rin siya. Lalo akong napangiti at natuwa sa reaksiyon niya.

"Ate!"

Narinig ko ang tawag sa akin ni Karmen kaya napabaling ako sa isang kapatid.

"Tingnan mo, oh, gusto naming bilhin ng Mama para sa 'yo. Nagustuhan mo ba?" pinakita nito sa akin ang isang maganda at mukhang mamahaling bag.

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman, Karmen. Thank you!" sabi ko sa kaniya.

Bumaling ako kay Karmela sa tabi ko. Nakatingin din ito sa akin. "Ikaw, may napili ka na ba?" tukoy ko sa mga sapatos na tinitingnan niya kanina.

Ngumiti siya at tumango. "Oo, 'yong napili mo kanina para sa 'kin."

Tumango ako at ngumiti rin.

Nilapitan na rin kami ni Tita Christine. "Okay na ba, girls? Ibigay n'yo na ang mga iyan at hayaan n'yo nang sila ang bumuhat." anito na kasunod din ang isang mukhang empleyado o manager pa siguro nitong mall.

Tumango kami at namili pa ng iba. Mukhang sanay din ang Papa na samahan ang kaniyang mag-iina sa pag-s-shopping. Anang Tita Christine ay minsan lang din daw ito at abala sila ng Papa sa asukarera at maraming bagay.

Nang nakauwi kami ay naabutan na naming naroon sa mansyon si Angelica Ossorio. At mukhang nagkakamabutihan na rin si Kuya Joaquin at ang mapapangasawa niya .

Saktong lumabas ako ay may dumating na pamilyar na sasakyan. Bumaba ang sakay nito at nakita ko si Rad.

"Good afternoon," binati ako nito.

"G-Good afternoon, din..." nabigla kong bati sa kaniya pabalik.

Mukha lang naman siyang pormal at may sadya rito sa Hacienda Karmen.

"Nasa loob ba ang Senyor?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo, nasa study niya ang Papa."

Tumango siya. "May inutos lang sa akin ang Papa ko." aniya.

"Uh... S-Sige, samahan na kita? Sa Papa..." bahagyang nataranta ko pang sabi.

Tumango muli siya.

Nagpatiuna na ako. Nakasalubong din namin ang isang katulong pababa sa hagdanan. "Ang Papa?" tanong ko rito.

"Nasa taas kasama ang Senyora." anito.

Tumango ako at giniya na si Rad.

Kumatok muna ako. Narinig ko nga ang Papa sa loob. Binuksan ko ang pintuan ng library. "Papa, narito po si... Rad..."

Sinalubong kami ng Papa. "Oh, hijo."

Bumati rin si Rad. "May inutos lang po sa akin ang Papa."

Tumango ang Papa. Tumayo na rin si Tita Christine na naroon at mukhang iiwan na muna namin sila ni Rad at ang Papa para makapag-usap.

"Nagkakilala na kayo ni Attorney, hindi ba?" kausap sa akin ni Tita Christine nang naglalakad na kami sa mga pasilyo ng mansyon.

Bumaling ako kay Tita at tumango. Attorney pala siya? Bongga naman. Ang alam ko ay mahirap din mag-aral ng pag-aabogasya.

Attorney Conrad Lizares Jr.

Ngumiti sa akin si tita . "Kumusta ka naman dito? Puwede kang maglibot sa mga lupain ng iyong Papa. Hindi ka nga lang namin masamahan at abala pa sa ngayon." nanghihingi ng paumanhin itong tumingin sa akin.

Tumigil kami sa malaking sala at sandaling nagkuwentuhan. Ang mga gamit dito ay mga antique at nahaluan na rin ng mga modernong bagay.

Bumaba na rin ang Papa at si Rad kalaunan. Sandali lang din silang nag-usap. Tumayo kami ni tita para na rin salubungin ang mga ito.

"Sinasabi ko rito kay Stephanie na maglibot din siya sa hacienda. Hindi pa halos lumalabas itong anak mo, Stefano. At palagi lang narito sa loob ng mansyon." anang Tita Christine.

Tumango ang Papa at bumaling sa akin. "Papasamahan nalang muna siguro natin siya kanila Damian." ani Papa.

"Puwede ko rin po siyang samahan maglibot..." boluntaryo ni Rad na bahagya rin natigilan.

Bumaling kami sa kaniya.

"Hindi ka ba abala, hijo?" ang Papa.

Umiling si Rad. "Hindi naman po..." mula kay Papa ay lumipat ang tingin niya sa akin.

"Kung ganoon," ngumiti ang Papa kay Rad.

Ngumiti rin si Tita Christine. "Alam din ni Rad ang pasikot-sikot dito. Puwede mo rin siyang dalhin sa farm ninyo, hijo." anito na bumaling kay Rad at balik muli sa akin. "Paborito rin pumunta roon ng mga kapatid mo." sabi nito sa akin. "Para makapamasyal ka. At baka nababagot ka na rin dito sa atin." ngiti sa akin ni Tita.

"Hindi naman po..." sabi ko.

Ngumiti lang si Tita Christine.

Tumango-tango na ang Papa at nag-usap pa sila ni Rad.

"Sige po. Babalik nalang ako rito bukas ng umaga..." sumulyap siya sa akin.

Tahimik lang naman ako.

Tumango ang Papa. "Bueno,"

Ako na rin ang naghatid kay Rad sa labas nang paalis na siya. Tahimik akong sumunod sa kaniya palabas ng mansyon at papunta na sa sasakyan niya.

Bumaling pang muli siya sa akin. "I'll be back here tomorrow morning." aniya.

Tumango ako. "Okay... Salamat." sabi ko sa kaniya.

Magkahawak ang mga kamay ko sa isa't isa habang hinihintay siyang makaalis.

Nagkatinginan pa kami.

Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang mga pisngi ko.

Tumango siya. "Okay..." aniya.

"Okay..." marahan din akong tumango.

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya. Binaba pa niya ang bintana para makita ako nang makapasok na siya doon. Nginitian ko nalang siya.

Hinintay ko hanggang tuluyan nang nakaalis ang sasakyan niya. At pumasok na rin muli ako sa mansyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro