Kabanata 22
Read my other stories on my Patreon creator page Rej Martinez. Or kindly send me a message on my Facebook account Rej Martinez to join my Facebook VIP group. Thank you so much for your love and support for Rej Martinez's stories!
Kabanata 22
Love
Pinasakay na ako ni Angelo sa kotse niya at wala pa rin naman si Rad kaya sinabihan ko siyang sumunod na lang sa bar na pupuntahan namin nina Angelo. Bumaling ako sa kaniya nang kausapin niya ako habang nasa biyahe kami.
"You seem busy with your phone..." Ngumiti siya nang sulyapan ako mula sa pagmamaneho.
"Uh," bahagya akong napatango. "May t-in-ext lang ako. Ayos lang ba na magdala ako ng isang kasama sa birthday ni Anjo?" I asked.
Angelo nodded. "Yeah, sure." aniya.
Ngumiti ako. "Wala pala akong regalo para kay Anjo." sabi ko nang maalala.
Umiling lang si Angelo. "It's okay."
Umiling din ako. "Daan muna tayo sa mall? Medyo maaga pa naman." I just really wanted to buy a gift for Anjo. Kasi noong nakaraang birthday ko ay palagi rin naman silang may regalo para sa akin. Nakakahiya naman kung ako pagdating sa kanila ay wala...
Angelo nodded. "All right." aniya at lumiko para sa dadaanan naming mall.
Ngumiti ako.
Dumaan nga kami sa mall at binilhan ko ng birthday gift si Anjo. Sana lang ay magustuhan niya ang binili kong relo para sa kaniya. Alam kong siguradong marami na rin siya nito pero wala na nga akong maisip na iba pang pwedeng ibigay na regalo sa kaniya. Ang sabi naman ni Angelo ay ayos na raw ito at mahilig din naman ang kapatid niya sa mga relos.
"Pupunta rin sina kuya?" I asked.
Tumango si Angelo habang pabalik na kami sa kotse niya. "Dadaan lang daw sila saglit. 'Di pwedeng maiwan ng matagal ang pamangkin natin."
I smiled and I nodded. "Kayo ni Anjo? Kailan mag-aasawa? Nauna pa si Ate Angelica sa inyo sa pag-aasawa." ngumiti ako kay Angelo.
Ngumiting napailing naman si Angelo sa sinabi ko. Pagkatapos ay halos tumitig siya sa akin. "Ikaw? When do you plan to marry?" he asked me instead.
Nakangiti ako habang naiisip si Rad. "Kahit kailan..." nasabi ko. Dahil hindi pa naman talaga namin napag-uusapan ni Rad ang pagpapakasal...
Ngumisi si Angelo. "Then, magpakasal na tayo?" biro pa niya.
Tinawanan ko lang siya at pumasok na ako sa kotse matapos niyang pagbuksan ng pinto.
Sandali na lang din ang biyahe patungo sa bar. Dahil malapit nalang din iyon. Pagkarating nga namin doon ay naroon na rin sina Anjo at ang girlfriend niya. Siguro mamaya pa ang iba pa naming mga kaibigan. Medyo maaga pa rin naman at nag-order na rin muna ng dinner si Angelo.
Binuksan ko ang phone ko at wala pa namang reply si Rad. Pero agad akong napatayo nang makita ko na siya. I excused myself, sa mga kasama ko sa table na pina-reserved namin. "Rad," salubong ko sa kaniya. I was smiling. I think I already missed him, kahit wala pa namang 24 hours na nagkahiwalay kami.
Seryoso lang naman si Rad. Hinila ko na siya papunta kanila Anjo. Gaya ko ay hindi pa rin siya nakakapag-dinner. Dahil nga magsasabay talaga kami ngayon gaya ng napag-usapan.
"Kanina pa ako nandito. Natagalan ka?" Rad asked.
Tumango ako. "Oo, dumaan pa kasi kami ni Angelo sa mall."
"What did you do at the mall?"
Medyo natigilan ako para harapin siya. Malapit na rin kami sa mesa ng mga kaibigan ko. "Bumili lang kami ng regalo para kay Anjo. Siya ang may birthday. Sabi ko sa 'yo sa message?"
Tumango na si Rad.
"Anjo, Angelo, si Rad nga pala." pakilala ko nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila.
At mukhang magkakakilala na rin pala sila. Sabagay ay sa iisang probinsya lang din silang lahat nanggaling. S-in-erved na rin 'yong dinner namin. "Kain ka," sabi ko kay Rad. Nag-uusap pa sila ni Anjo kaya napangiti na lang ako.
Nang balingan ko naman si Angelo sa kabilang tabi ko ay naabutan kong parang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Rad. "Angelo?" pukaw ko naman sa kaniya. He seemed to be spacing out a bit.
Maagap naman siyang bumaling sa akin. Nagsimula siyang galawin ang pagkain niya. Kumain na rin kami.
Nang palalim na ang gabi ay umingay na rin ang lugar. Lumabas na rin kami at humalo sa ibang nakiki-party. Dumating na rin ang mga kaibigan namin. Kailangan sumagot ng tawag ni Rad para sa trabaho niya siguro kaya naiwan muna ako roon kasama sina Angelo. Nakangiti ako at nag-enjoy kasama ang mga kaibigan. Halos matumba pa sa akin si Angelo. Maagap ko naman siyang hinawakan at inalalayan. Mukhang lasing na isang ito.
Ang aga niya kasing nag-iinom kanina pa. Pagkatapos ay halos hindi pa siya kumain talaga sa dinner namin. "Angelo, okay ka lang?" I asked him worriedly.
Lasing lang siyang ngumiti sa akin.
Huminga ako. "Lasing ka na." sabi ko sa kaniya. Hinanap ko na rin si Anjo. Lasing na itong kapatid niya at mukhang inaantok na.
Niyakap ako ni Angelo na kinagulat ko pa. Pero huminga rin ako at tinapik ang likod niya. Lasing na talaga. Nasaan na ba si Anjo at kailangan nang iuwi itong kapatid niya... Nagtagpo ang mga mata namin ni Rad na nakatayo na roon at nakatingin sa amin ni Angelo habang hinahanap ng mga mata ko si Anjo. Nakatingin siya sa ayos namin ni Angelo. Natigilan din ako habang nakaalalay pa rin sa lasing na si Angelo.
Nakita ko na rin naman agad si Anjo. "Anjo, kailangan nang iuwi itong kuya mo." Nilakasan ko ang boses ko dahil sa music sa lugar.
"Oh," Tinulungan ako ni Anjo sa kapatid niya. May lumapit din na mukhang driver o bodyguard nila.
Nang masiguro na magiging okay na si Angelo ay nilapitan ko na rin si Rad. Pinakilala ko rin siya sa iba pa naming kaibigan. Polite naman si Rad sa pagbati rin sa kanila. Dumating din sina Kuya Joaquin at ang asawa niya. Sandali rin silang nag-usap ni Rad. Nag-stay pa kami roon at nagsayaw din kami ni Rad sa gitna ng mga tao. Nakangiti ako pero parang ang tahimik naman ni Rad. Sa huli ay nagyaya na lang ako na umuwi na kaming dalawa. Mas gusto ko rin na makasama siya sa condo niya.
"Are you sure?" tanong niya sa 'kin nang sabihin kong umuwi na kami. Abala na rin ang mga kasama namin pero magpapaalam naman muna ako sa kanila bago umuwi. Para alam lang din nila. At hindi sila mag-alala na bigla nalang akong nawala. Tumango ako. "Oo naman. Tara, uwi na tayo?" pag-aaya ko kay Rad habang nakangiti rin sa kaniya.
Nakatingin sa akin si Rad. He sighed. Medyo napalayo na rin muna kami ng kaunti sa may kalakasang music sa bar. "Sorry," he said, sighing. "Did I bore you? I'm sorry, Stephanie. Maybe I just feel old for this place..."
Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Ano? Para namang ang tanda-tanda mo na kung makapagsalita ka ng ganyan." ngisi ko sa kaniya.
Bahagya siyang umiling. "I'm sorry. Come on, you can have fun with your friends."
Umiling ako. "Ayos lang, Rad." I assured him. Ayos lang naman talaga. And I think this night's already enough for me, too.
Pero umiling din siya. "Watching you... I saw you were having fun with your friends. I told myself... You're still young. You still have this life. At ayaw kong kuhanin sa 'yo 'to, just because I have a different plan-"
I cut him off. "Paano mo naman nasabing magkaiba ang mga plano natin?" laban ko sa sinabi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Nagbuntong-hininga ako. Inabot at hinawakan ko ang mga kamay niya. "Rad, oo at nag-e-enjoy nga rin ako sa ganito kasama ang mga kaibigan ko. Nag-enjoy din ako noong bumisita kami ni Tita Susanna sa iba't ibang mga bansa. Pero palagi kong naiisip noon na paano kaya kung ikaw naman ang kasama ko?"
Umawang ang labi niya.
"Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Rad? Iba kapag ikaw ang nakakasama ko. Kahit pa wala itong club at music, kahit naroon lang tayo sa farm ay masaya na ako... Sa piling mo." may kuntentong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
Unti-unti na rin napangiti si Rad. Pagkatapos ay inabot niya ang noo ko para mahagkan. Medyo nagtagal pa siya doon. Napangiti na lang ako. Medyo maingay pa rin ang music sa club at nagsasayawan ang mga neon lights pero pakiramdam ko ay kalmado kaming pareho sa mga sandaling iyon.
"Honestly, I was a bit jealous earlier..." pag-amin niya pagkatapos ng ilang sandali.
Tiningnan ko siya. "Ano? Kanino naman? Saan?" Medyo nalito naman ako sa sinasabi niyang nagselos siya.
He sighed. "You seem close with Angelo Osorio... And I think he likes you..." marahang aniya.
Umawang ang labi ko. Papunta na kami sa kotse niya para makauwi. Nakapagpaalam na rin kami. Nang sandaling matigilan sa may parking lot. "Si Angelo?" Naisip ko naman ang kapatid ng sister-in-law ko.
Mabait sa akin si Angelo. At minsan niya rin akong binibiro. But he can't be serious, right? Palabiro rin naman talaga 'yong si Angelo. Ang dami rin kayang babae no'n. At isa pa, si Rad lang talaga... Mula noon hanggang ngayon. Tumitig ako kay Rad.
"Hindi, Rad." Umiling ako sa kaniya. "Magkaibigan lang kami ni Angelo. At," ngumiti ako sa kaniya. "Ikaw lang naman ang mahal ko." pag-amin ko na rin.
Umawang ang labi ni Rad.
Ngumiti pa ako. Pagkatapos ay bahagya akong tumingkayad at niyakap ko siya. Napapikit ako sa mga bisig niya. Naramdaman ko rin ang may pag-iingat niyang yakap din sa akin. Nakangiti ako habang nasa loob ng yakap ni Rad.
Kung hindi ito pagmamahal ay ano pa ba? Ano nga ba ang pinal na depinisyon ng pagmamahal? Love just has a lot of meaning to us. At para sa akin pagmamahal na itong nararamdaman ko para kay Rad. Siya lamang ang unang lalaking nagpadama sa akin ng ganito. Ng ganitong ibang klase ng pagtibok ng puso. At magkahalong mga emosyon kapag magkasama kami. Nangingibabaw ang kasiyahan sa puso ko at pagkatao kapag magkapiling kami. At ito ang sarili kong depinisyon ng pagmamahal.
When you love a person you care for that person and you feel this kind of bliss when you're in each other's arms. Iyong kahit na may mga pangamba ka pa rin lalo para sa hinaharap, but at the same time you're also at ease when you're with that person. Kasi sigurado ka na. Kasi alam mo na ano pa man ang mangyari ay handa kang ipaglaban kayo hanggang sa makakaya mo. Because you know it's worth it.
"I love you, Stephanie."
Lalo akong napangiti. Pagkatapos ng ilang sandali ay hawak ni Rad ang kamay ko hanggang nasa loob na kami ng sasakyan. I just wanted to spend the rest of the night with the man I love ever since.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro