Kabanata 20
Kabanata 20
Missed
"I can do it." pigil ko kay Rad nang tutulungan niya sana ako sa pag-akyat sa kabayo. But I can also do it myself. "I already learned this abroad." I told him.
Tahimik lang siyang tumango. Pumunta at sumampa na rin siya sa kabayo niya. This way mas madali namin malilibot ang malawak na farmlands. "Who taught you?" tanong niya habang magkatabi lang din ang mga kabayo namin at marahan ang mga lakad.
Bumaling ako sa kaniya. "Naturuan ako ni Angelo, brother ni Ate Angelica. Mahilig din kasi 'yong maglaro ng Polo." sabi ko.
Tumango lang siya at natahimik kaming muli. Minsan ay tinatanong ko siya tungkol sa mga nadadaanan naming mga tanim at sumasagot din naman siya. Naalala ko noon na balak niya rin akong turuan sumakay ng kabayo. Pero hindi na natuloy iyon dahil sa mga nangyari...
"Meryenda po muna kayo, Attorney, Senyorita." salubong sa amin ng ilang mga nagtatrabaho sa farm na naroon sa ilalim ng malaking puno para makasilong na rin.
Bumaba muna kami ni Rad sa mga kabayo at tinali niya muna ang mga ito sa tabi, one of the worker helped him with the two horses. Lumapit na rin ako kanila Aling Fe. "Kumakain pa rin po ba kayo nito, Senyorita?" offer nila sa akin ng kakanin.
Tumango naman ako at ngumiti. "Oo naman, po." sagot ko at kumuha na rin doon. I remembered I also ate these food before, noong birthday din ni Rad dito sa farm noon... Memories...
"Upo po kayo, Senyorita." pinaupo rin nila ako roon at sumunod din si Rad sa tabi ko. Bahagya pa kaming nagkatinginan at inabutan ko na rin siya ng pagkain.
"Thanks," aniya.
Bahagya lang akong ngumiti.
"Ang tagal n'yo rin po nawala, Senyorita." anang isang tauhan.
Bumaling ako kanila Aling Dolores. I nodded my head. "Opo, doon na rin ako nag-aral sa Amerika." I said to them.
Ngumiti ito sa akin. Napabaling naman ako kay Rad at nagkatinginan kami.
Ganoon lang hanggang sa nagdaang mga araw sa farm. Madalas akong nasa office at si Rad naman tumutulong din sa mga gawain sa labas gaya ng pagkakarga ng mga produkto ng farm. Hands on din talaga siya. Hindi na kami uli nagkausap. Naging abala rin kasi talaga sa farm.
"Rad, pasensya na. Alam kong kababalik ko lang halos pero kailangan ko kasing lumuwas sa Maynila. Kailangan ako ni Kuya Joaquin sa company. Approved na rin kasi iyong project na sinimulan ko." pagpapaalam ko sa kaniya isang araw. It was really an urgent matter.
Tumango naman siya. "Are you going alone?" he asked.
Tumango ako. "Oo, ako lang mag-isa. Abala rin sina Papa sa asukarera."
"We can go together. May kailangan din akong kunin sa Manila."
"Sa isang kaso ng client mo?" I asked.
He nodded.
Tumango rin ako at ngumiti na sa kaniya.
Cecil helped me pack my things. Dito na rin ako susunduin ni Rad sa mansyon at magsasabay na nga kami patungong Maynila. "Ayos na kayo ni Attorney, Senyorita?" ngumiti sa akin si Cecil.
Tumango ako ngunit umiling din. Sa huli ay nagbuntong-hininga na lamang ako. "Hindi ko alam, Cecil..." And it's the truth.
Tumango ang katulong at parang nalungkot din para sa akin. "Naalala ko noon..." panimula niya. "Noong dumating si Attorney dito sa mansyon ay nakaalis na kayo, Senyorita..." Nagkatinginan kami. "Gusto niya kayong habulin pero sinabi kong nakalayo na siguro kayo at kaninang kanina pa kayo nakaalis. Nahuli na talaga siya..."
Napababa ako ng tingin.
"Noon pa man ay madalas ko na rin makita si Attorney dito sa hacienda. Malapit ang mga Aguirrezabal at Lizares sa isa't isa. Kaya madalas din siya rito kapag narito ang kaniyang Mama at Papa. Naging malapit na nga rin siya sa kambal na Senyorita. Medyo suplado o seryoso... Bukod sa pagiging guwapo." Ngumiti sa akin si Cecil. "Iyon ang tingin naming mga katulong dito sa mansyon sa kaniya. Pero mukhang mabait din naman siya. Ang seryoso at pormal niyang mukha ang nakasanayan kong makita sa kaniya. Pero noong araw na iyon... Dito sa Hacienda Karmen, nang nakaalis ka na... Unang beses ko rin siyang nakitaan ng ibang reaksyon. Mukha siyang...nalungkot at bigong-bigo..." ani Cecil.
Ramdam ko ang emosyon sa dibdib ko. Muli akong nag-angat ng tingin kay Cecil at nagkatinginan kami. "Tingin mo ba, Cecil... Mali iyong ginawa ko noon?" Mali siguro talaga ako na basta ko nalang iniwan noon si Rad... Na wala ni anumang paliwanag o kahit simpleng pagpapaalam nalang...
"Hindi ko po kayo pwedeng husgahan, Senyorita. Hindi ko alam ang nararamdaman n'yo nang mga sandaling iyon. At sa nangyari, tingin ko ay tama lang na lumayo muna kayo. Bata ka pa noon at ganoon ang nangyari. Siguro ay naiintindihan din naman iyon ni Attorney... Sana lang ay kahit nakapagpaalam po kayo sa kaniya noon na aalis kayo... Pero tapos na po iyon, Senyorita." maagap din niyang bawi sa naunang nasabi. "Siguro pag-usapan na lang po ninyo..."
I appreciate Cecil's careful thoughts and truthfulness. She's like a loyal servant to her lady of the old times.
Tumango ako. We really need to talk. I and Rad. O kung hindi ay... Hihingi na lang ako ng sorry sa kaniya dahil umalis na lang ako noon...
Bumaba na rin kami ni Cecil pagkatapos. Saktong naroon na rin si Rad na kausap pa ang Papa at si Tita Christine. Lumapit ako sa kanila at nagpaalam na rin kami. Deretso na ang tungo namin sa airport. May dalang sasakyan at driver si Rad na maghahatid sa amin doon.
Magkatabi kami ni Rad sa backseat ng sasakyan. Parehong tahimik. Hanggang nakarating na kami sa airport at nakapasok sa mismong eroplano ng flight namin. Magkatabi rin kami sa airplane. "Do you need anything?" Rad asked.
Bumaling ako sa kaniya at umiling.
"Just tell me if you need to go to the restroom." aniya. Nakaupo siya malapit sa aisle habang nasa tabi naman ako ng bintana ng eroplano. Hapon ang flight namin at siguro ay gagabihin na rin pagkarating ng Manila.
Ang farm ay iniwan na muna namin sa mga pinagkakatiwalaan.
"Matutulog ka ba?" I asked.
Umiling siya. Hindi rin naman siya mukhang inaantok. "Are you?"
Umiling din ako. Konti lang din ang pasahero ng eroplano. May private chopper kami at ganoon din ang pamilya nina Rad. Pero pinili ko rin na mag-booked na lang din kami ng flights namin at hindi rin naman kami masyadong nagmamadali. Tingin ko ay okay iyong gamitin kapag emergency siguro. Pero kung ganito lang ay tinanggihan ko na rin ang Papa. Dahil ayos lang naman.
"Saan ka tutuloy?" tanong sa akin ni Rad nang nag-land na kami.
I turned to him. Siya ang may hawak sa pareho naming luggage. Hindi naman talaga kami magtatagal dito sa Manila kaya konti lang din ang dala. "Sa condo ko na. Bukas ay magkikita kami ni Kuya Joaquin sa company." I'm also meeting Tita Susanna because she said she misses me. Napangiti ako nang naalala ang Mama ni Kuya Joaquin. "Ikaw?"
"My condo, too." aniya.
Nakatingin kami sa isa't isa. Tumango ako. "Okay..."
Nag-offer si Rad na ihahatid muna ako sa condo ko bago siya umuwi rin sa kaniya. But before that nagkasundo rin kami na kumain muna ng dinner. Kahit papaano ay nag-uusap naman kami kahit tungkol lang sa mga gagawin namin dito sa Manila habang kumakain sa isang restaurant.
Pagkatapos ay hinatid na nila ako ng sasakyan din at driver na sumundo sa amin kanina sa airport. Siguro ay may bahay din sila ni Rad dito sa Manila. Ang alam ko ay nandito rin ang parents niya pagkatapos noong birthday nina Karmen at Karmela na naroon sila. Hindi rin talaga ako pwedeng magtagal dito dahil kasal na rin ni Karmen at Elian. Kaya kailangan din bumalik agad sa hacienda.
"Hala," sabi ko nang naisip na sinabihan nga pala ako ni Kuya Joaquin na hindi available ngayon ang condo ko at may mga pinaayos sila roon.
"What's wrong?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at bumaling kay Rad. "Pasensya ka na, Rad, pero pwede bang sa bahay nina kuya n'yo na lang pala ako ihatid? Hindi pa pala ayos itong condo ko ngayon." Nakakahiya pa dahil nandito na kami sa building. "Puwede rin naman akong mag-taxi na lang din papunta roon." mabilis ko rin dugtong sa naunang sinabi.
Umiling si Rad. "It's okay, ihahatid ka na namin sa kapatid mo." he said.
Tumango ako. "Thank you, Rad."
Kaya nag-drive muli kami patungo kanila kuya. Pero nagkaroon ng aksidente sa daan kaya dumoble pa yata ang traffic na na stuck na kami roon. Tumawag si Kuya Joaquin at sinabihan akong lumiko na lang kami at makituloy na lang muna ako kanila Rad. Nakakahiya naman! "Pasensya ka na talaga, Rad." I said. Alam kong sobrang nakakaabala na ako sa kanila ng driver niya at lalo na sa kay Rad kaya nakakahiya talaga!
"It's okay." he assured me instead.
Tutuloy sana kami sa kanila pero medyo nahihiya pa ako sa parents ni Rad kaya minabuti kong sa condo na lang muna niya kami umuwi. Kung iisa lang ang kuwarto niya ayos lang, because I can sleep on his couch. Pero pagdating namin doon ay malapad ang condo niya at may second at third floor pa. Malaki rin iyong condo ko, but his was bigger. "This is your room." dinala ako ni Rad sa isang guestroom.
Tumango ako. "Salamat, Rad. Pasensya ka na talaga abala..."
Umiling siya. "Don't worry about it."
Pagkatapos ay iniwan na rin niya ako at pumunta na rin siya sa kuwarto niya para magpahinga na rin. I used the bathroom and changed into my comfortable silky sleepwear. Terno ito na spaghetti strap at shorts. Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas na muna ako sa kuwarto para magtungo sa kusina. Natutulog na siguro si Rad...
Natigilan ako sa may hamba ng kitchen dahil naabutan ko siyang naroon din at halos kakatapos lang uminom ng tubig. "Uh, nauhaw ako kaya..." I said and tried to explain when our eyes met.
He nodded.
Lumapit na rin ako at marahang kumuha ng baso roon. We're alone in his condo. "Matagal na 'tong condo mo?" I asked para lang hindi naman kami tahimik dahil hindi pa rin siya umaalis.
Umiling siya. "I've lived here since I went to college and then law school." aniya.
Tumango ako. Hawak ang baso matapos sumimsim doon ng konti. Nakita kong nag-iwas siya ng tingin sa akin. Doon ko lang din na realized na wala nga pala akong suot na bra at tanging itong sedang pantulog lang! Nakaramdam din ako ng hiya kay Rad. "U-Uh, sige, mauna na ako. Goodnight!" At mabilis ko na rin siyang tinalikuran. Nakita na nga niya ang cleavage ko, halata rin siguro ang nipples ko! Medyo malaki pa naman 'tong hinaharap ko kaya halata! Nakakahiya!
"Stephanie," Rad called.
Natigilan ako at unti-unting bumaling sa kaniya. Bahagya ko na lang tinatakip ang mga braso ko sa dibdib. "Ano 'yon?" I faced him.
Nanatili ang tingin niya sa mukha ko. "Do you... like someone now?" he asked, a bit hesitantly.
Tinatanong ba niya ako kung may nagugustuhan ako ngayon? Meron naman... Noon pa man... Siya. Unti-unti akong tumango.
Tumango rin siya at mukhang lalabas na rin ng kitchen. "Rad," pigil na tawag ko sa kaniya. Tumigil din siya sa tawag ko. Nakaharap na sa akin ang likod niya. "Noon ba... Noon ba gusto mo na ako?" I asked straightforwardly. Hindi ako magaling magtago na tao. If I want to know something I really ask. Dahil hindi ko nakakayanang may matagal na gumagambala sa isip ko...
As for Rad, hindi siya iyong deretso na tao. Mahilig lang siyang makiramdam at maghintay. Gaya ng paghihintay niya lang din sa akin noon. I remembered initiating our kiss before, noong madaling araw na pinuntahan niya ako sa hacienda noong birthday ko. Hindi niya ako pinangunahan. He chose to wait until I was ready. He made me feel comfortable first.
Hindi siya agad nakapagsalita. Nanatili ang likod niyang nakaharap sa akin. "Kung nagustuhan mo na ako noon-"
Hinarap niya ako. "Yes, I liked you even then. It's not hard to like you." he said it straightforwardly that made breathing stopped a little. "You were simple and sweet..." may maliit na ngiti na sumilay sa mga labi niya.
Habang pabilis naman ng pabilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin din sa kaniya. "I-I'm sorry, Rad..." my lips quivered. "Hindi ko na nagawang magpaalam man lang sa 'yo noon... Basta na lang akong umalis... Nasaktan ba kita...?" Sumakit ang dibdib ko sa sariling mga tanong.
Nakatingin lang din siya sa akin. He slowly nodded his head. "I was hurt... I was angry, o nagtampo lang siguro ako..." he told me honestly. "But then I realized that you were still young then..."
I nodded. "I got scared, Rad. I had doubts..." I told him truthfully. Namuo ang luha sa mga mata ko.
He nodded as if he understood. "Bata ka pa noon... So it's okay." Tumango-tango siya. "It's not your fault." he reassured.
Umiling ako. "Gusto mo pa rin ba ako hanggang ngayon?" Enough with these questions in my head. Nandito na ang mga tanong na ito simula pa lang noong unang tapak ko muli sa farm at nakita ko siya roon. O kahit noong nasa ibang bansa pa ako. There was not a day, na hindi ko siya naiisip. Despite all the doubts I had. I'm letting these questions out now. Kasi ang hirao na may kinikimkim ka sa loob mo. Ano man ang maging sagot ay tatanggapin ko. Basta lang ay malinawan na rin kami pareho...
He nodded his head slowly but he didn't speak.
"Gusto rin kita, Rad... Gusto kita kahit noon pa man. Gustong-gusto pa rin kita." I almost shout the words with my overwhelming feelings for him. After all. My tears fell without warning.
It's not really easy to confess. Lalo na kapag totoo. At lalo na kapag matagal mo nang nararamdaman...
He was looking at me. Maagap niya rin akong nilapitan at marahang dinala sa dibdib niya para yakapin. Pinatahan niya ako. "Shush... It's okay..."
Yumakap din ako sa kaniya. "Hinintay mo ba ako?" I asked him another question.
"Hinintay kita..." he answered. "Kahit walang kasiguraduhan. I chose to understand you. I chose to wait. And I'm glad I did." may tuwa na sa boses niya ngayon.
I hugged him tighter. Nanatili rin ang yakap niya sa akin. "Paano kung iba na pala ang gusto ko noong bumalik ako?" naisipan ko lang tanungin.
"It's okay... As long as you're happy. Magpapatuloy lang ako sa pag-aalaga ng farm." aniya.
Kumawala ako sa kaniya. "Ano? Hindi ka na mag-aasawa?"
Umiling siya.
"Rad..." Para akong namroblema para sa kaniya. Sayang naman ang lahi niya! Sobrang guwapo pa naman! "Ang boring naman 'pag gano'n..."
He nodded. "Maybe I'm really a boring person, I just want to live in the province... Have my own family and take care of them." aniya.
Napangiti ako. Kaya rin siguro niyaya na niya noon si Sarita na magpakasal sila. Kasi handa na siyang bumuo ng pamilya. "Seryoso ka rin noon kay Sarita Medel?" I still asked him.
Parang nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin ba niya ang tanong ko pero sa huli ay tumango rin siya. "I was always serious with every relationship I had. I don't do girlfriend just to..." nagkibit-balikat siya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. "Everytime I have a girlfriend, iniisip ko na rin ang kasal. I plan to retire early and have a peaceful life in the province. Is that bad?"
Umiling ako. "Ilan na pala naging girlfriend mo?" I asked.
"Three," sagot niya.
Tumango ako. "Lahat 'yon inaya mo ng kasal?"
Umiling siya. "My first girlfriend, we were young. Second, LDR, did not work. Sarita, she wasn't ready to marry me." sagot niya.
"At ako?"
He was looking at me. May ngiting gumuhit sa mga labi niya. "I don't know... I know you were young but I was willing to wait. Ilang taon tayong hindi nagkita, you were abroad, but I still waited..."
"Kahit pa hindi naman kita pinaghintay?" bahagya akong nagtaas ng kilay sa tanong ko sa kaniya.
He nodded.
"Paano kung yayain mo akong magpakasal 'tapos hindi pa ako handa?"
"I'll wait." sigurado niyang sagot.
Napangiti pa ako lalo at niyakap siya muli.
Pagkatapos ng yakapan namin ay nagkatitigan kami. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. "Stephanie..." as if he's warning me.
Pero ngumiti lang ako at inabot ang labi niya. Medyo mabagal din talaga si Rad. I kissed him and he kissed me back. We were kissing passionately until he carried me in his strong arms. "Please tell me to stop." aniya.
Pero umiling ako at nagpatuloy sa halikan namin. "No one's stopping." I said.
I missed him. I missed his presence, I missed his scent, I missed his smiles, I missed his kiss, his touch, I missed everything about him. Ngayon lang muli ako nakaramdam ng ganito... At tanging sa piling niya lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro