Kabanata 19
Kabanata 19
Gusto
Aalis si Melisa ngayon para harapin ang asawa niya. Hindi ko siya masasamahan dahil walang maiiwan sa mga bata. Kasama rin niya ang pinagkatiwalaang kaibigan ni Rad. "Melisa-"
"Huwag ka nang mag-alala, Stephanie. Kaya ko na ito. Haharapin ko ang gagong 'yon at hindi na ako natatakot. Tapos na ang pananakit niya sa 'kin." matapang na sabi ni Melisa.
Bahagya akong napangiti at niyakap ang kaibigan.
"Maraming salamat, Stephanie. Hindi mo kinalimutan ang mga dati mong kaibigan."
Umiling ako kay Melisa. "Huwag mo nang isipin, Melisa. Alam kong kung ako rin ang nasa ganitong sitwasyon ay hindi ka rin magdadalawang-isip na tulungan ako." I certainly said.
Niyakap pa ako ni Melisa. "Pasensya na talaga, ha. Ayos lang ba talaga sa inyo na maiwan sa mga anak ko? Nakakahiya rin kay Attorney..." baling niya kay Rad.
Gaya ko ay umiling lang din si Rad na buhat pa ang bunso ni Melisa. Ang cute nga ni Rad noong una dahil parang takot pa siyang humawak ng baby. Pero pinilit ko rin siya kaya 'yan at mukhang na enjoy naman niya ang pag-aalaga ng bata. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya bago muling bumaling sa kaibigan. "Ayos lang, Melisa. Walang problema. Kami na muna ni Rad ang bahala sa mga anak mo. Basta tumawag ka agad kung ano man." sabi ko.
Tumango si Melisa. "Maraming salamat, Stephanie. Maraming salamat sa inyo ni Attorney."
Tumango lang naman si Rad. And I gave my friend a reassuring smile.
Nandito na rin ang kaibigan ni Rad na makakasama ni Melisa. "Mag-ingat kayo." Hinatid ko ang kaibigan ko hanggang sa mababang gate ng bahay nila. Naroon na rin sa labas ang naghihintay na sasakyan para sa kanila.
Binati rin ako ng lalaking kaibigan ni Rad na mukhang Attorney din siguro gaya niya o ibang trabaho na related. Basta siya ang bahala at makakasama ni Melisa ngayon. Ngumiti at tumango rin ako rito. Pagkatapos ay pumasok na sila ni Melisa sa sasakyan. Sinarado ko na rin ang gate pagkatapos. At bumalik na ako sa loob ng bahay nina Melisa. Nang masiguro naming hindi na muna makakalapit dito ang ama ng mga bata ay pinili ni Melisa na iuwi na rin muna rito sa bahay nila ang mga anak niya.
Ngumiti agad ako nang madatnan si Rad na bukod sa inaaliw ang baby para hindi umiyak ay sinusubukan niya rin turuan ang anak ni Melisa sa mukhang assignment nito para sa pasok sa eskuwela sa lunes. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagkatagpo ang mga mata namin. Matagal kaming nagkatinginan. Lumapit ako sa kanila ng mga bata. "Ayos ka lang? Kaya mo? Ako naman." Kinuha ko sa kaniya si baby. "Hello!" Tumawa ang baby nang buhat ko na. Napangiti rin ako ng malaki sa reaksyon nito. "Ang ganda naman ng mood ng baby na 'yan! Busog kasi, 'no?" Ramdam kong pinagmamasdan ako ni Rad. But I just tried to focus my attention on the child I was holding.
Tinapos niya ang pagtuturo kay Jelay, ang panganay ni Melisa. Pagkatapos ay lumapit din siya sa kinatatayuan ko. Sinalubong ko rin siya ng tingin. He was smiling. "You look good with kids." Bahagyang kumunot sandali ang noo niya pero nakangiti parin.
"Ako rin kasi ang madalas mag-alaga noon sa anak nina Kuya Joaquin. Kapapanganak pa lang kasi no'n ni Ate Angelica and kuya was sometimes busy with the business. So I needed to help with caring for my nephew. Kaya natuto na rin akong mag-alaga ng baby." Ngumiti ako.
Nakangiti pa rin sa akin si Rad. He nodded. He looked satisfied as he watched me taking care of the kids.
"Ikaw? First time mo lang bumuhat ng baby?" Bahagya akong ngumisi. I was again teasing him a bit for his reaction a while ago with the children. Bago pa siya naging tuluyang komportable sa mga bata.
Napailing si Rad. Tumango siya. "It's my first time. I don't remember myself carrying a small child before."
Tumango ako. "Isipin mo na lang na practice mo na rin ito." I grinned. "Paano kapag sariling anak mo na? Matatakot ka pa rin kargahin?"
Rad shook his head. "I won't." aniyang sigurado at nakatingin sa akin. "Hindi nga ako matatakot gumawa. Of course, dapat lang hindi rin ako matakot sa pag-aalaga." he was smiling, medyo pilyo.
Bahagya naman kumunot ang noo ko at ngumuso na lang ako. Bumaling ako kanila Jelay. We stayed the whole day. Kagabi rin ay sa inn na lang kami nakatulog ni Rad kasama sina Melisa. We've been helping my friend and her kids. Kasama ko si Rad na walang reklamo.
Nang masiguro kong magiging okay na sina Melisa at ang mga anak niya, nagpaalam na rin kami ni Rad kinagabihan. Patuloy siyang tutulungan noong kaibigan ni Rad sa kaso nila. "Tumawag ka lang sa akin, Melisa. Pupunta agad ako." bilin ko sa kaibigan.
Tumango siya. "Maraming salamat, Stephanie." yumakap siya sa akin. I patted her back.
Pagkatapos noon ay tuluyan na rin muna kaming nagpaalam ni Rad. We rode his car back to our hacienda. Ihahatid niya muna ako sa Hacienda Karmen bago siya uuwi na rin sa kanila. "Thank you, Rad." baling ko sa kaniya habang nasa daan na kami. "Salamat sa pagsama sa akin simula pa kahapon."
Saglit niya lang din akong binalingan dahil nagmamaneho. "You're welcome... Gusto mo bang mag-dinner muna tayo sa madadaanan?" he asked.
I looked at the time on my wristwatch. I nodded. Malapit na rin pala ang oras ng hapunan. "Sige,"
Tinigil muna ni Rad ang sasakyan niya at nag-parked sa tabi at labas ng nadaanan naming magandang kainan. "Nakakain ka na rito dati?" I asked him.
Umiling siya. "Hindi pa... Pero mukhang okay naman dito, gusto mo bang maghanap pa tayo ng iba?"
Umiling ako. "Ayos na dito." The place looked good, too. At sa dami rin ng nakikita kong kumakain na rito ay siguro masarap din ang pagkain nila na madalas ay inasal o inihaw. We were in the province kaya wala ka rin masyadong makikita ritong parang pang-five star hotel restaurant talaga. Nakahanap na rin kami ng libreng mesa ni Rad. Umupo na kami roon at binigyan din ng menu. Mga less than an hour na lang din naman ang biyahe or even less than 30 minutes na lang kami sa uuwian. "Mukhang masarap itong chicken inasal nila." sabi ko.
Tumango si Rad at nagsabi na rin kami ng orders namin sa waitress na mukha pang hindi maalis ang tingin sa mukha ng kasama ko. Nagbuntong-hininga na lang ako. Rad was really handsome. Kaya hindi na nakapagtatakang marami rin talaga ang makakapansin sa hitsura at katawan niya. I can't blame him, too. Hindi naman niya kasalanan kung mukhang ganyan siya ka espesyal kay Lord at binigyan siya ng ganyang mukha. At mabait pa siya... Marunong makisama sa kapwa, responsable. Any woman who would know his other qualities aside from his good looks might fall for him in an instance. Ako nga ay mabilis lang din nahulog ang loob sa kaniya noon...
Kumain na rin kami nang dumating ang pagkain. "Hey, you're... quiet, are you okay?" puna ni Rad sa parang biglaan ko nga namang katahimikan.
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. "Oo naman, ayos lang ako. Ang sarap ng pagkain nila." I said.
"How are you..." marahang aniya pagkatapos ng ilang sandali.
Mula sa pagkain na patapos na rin kami ay nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya. "Ha?"
"How was your life abroad?" he started asking.
Sandali pa akong medyo natigilan pero ngumiti rin. "Naging maayos naman... Doon na ako nag-aral at nakatapos..." I feel like I have much to share to him about what my life had been in the past years...that we're apart... But I didn't feel comfortable yet...
"Hmm," tumango siya. "You finished business?"
Bahagya pa akong natigilan dahil alam niya. Pero siguro alam niya... Tumango ako. "Oo, gusto ko rin kasi sanang tumulong kanila kuya at Papa sa mga negosyo namin." sabi ko.
He nodded his head again. "You'd like to work?" Tinanong niya ako kung gusto ko rin ba ang pagmamanage ng business namin.
Tumango naman ako. "Oo," ngumiti ako. "Bukod sa nakakatulong ako sa pamilya ko, nagugustuhan ko rin talaga." ngiti ko.
Ngumiti si Rad habang nakikinig sa akin. "Can you tell me more?" Mukha pa siyang nakikiusap sa akin na magkuwento pa sa kaniya ng mga pinagdaanan ko sa Amerika.
Parang may naramdaman akong iba sa puso ko. Ngumiti ako at tumango. "Nagkaroon ako ng ilang mga naging kaibigan noong nag-aaral pa ako."
"Boys?" he sounded a bit bitter.
I can't help but laugh a bit. Umiling ako. "Wala namang masyado..."
Ewan ko kung sumimangot ba siya na natakpan lang sa muli niyang pagsubo ng pagkain. I can't help but smile. "May ilang pinakilala lang din sa akin noon sina Ate Angelica..."
"You dated one of them? Or two?" he asked.
Tumango ako pero dahandahan. Hindi ko sigurado kung sasabihin ko rin ba sa kaniya ang parteng iyon. Yes, I tried dating men before, pero date lang naman talaga na nakikipagkilala. At abala na rin talaga ako noon kaya hindi ko rin masyadong pinagtuunan. And...no one really got my attention the same way how Conrad Lizares Jr got me. "Minsan..." sagot ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin, seryoso. "Uh, kumakain lang kami ng dinner, ganiyan..." I added.
He just nodded his head and I think he let out a breath quietly.
"Uh, nakapunta na rin ako sa ibang mga bansa pa." pag-iiba ko. "Si Tita Susanna, ang Mama ni Kuya Joaquin, siya ang nagdadala sa akin kung saan-saan. Ang laki pala talaga ng mundo. Noon hindi ko naisip na puwede rin palang makapunta ako sa ganoong ibang mga lugar pa." sabi ko.
Unti-unti nang bumalik ang ngiti ni Rad habang nakikinig sa akin. "I'm proud of you." aniya.
Bahagya naman ako muling natigilan. "Uh, salamat..." We were looking at each other.
"Sorry, I wasn't there during your graduation... I wish I was there... I'll watch you go up the stage and I would clap my hands for your achievement. I would give you flowers... I was just... I wasn't sure if I'm allowed to be there." Hindi na siya nakatingin sa akin.
Habang nanatili naman ang mga mata ko sa kaniya. I can feel my emotion. "A-Ayos lang 'yon, Rad..." I said softly.
Nag-angat ng tingin sa akin si Rad at may konting ngiti na muli sa mga labi niya. "I'm glad you were able to achieve the things you wanted, gusto mo noon pa man na makapagtapos ng pag-aaral... I remember you telling me that."
Tumango ako. "Salamat..." Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.
Tinapos namin ang pagkain at pagkatapos magbayad ay lumabas na rin kami at bumalik sa sasakyan niya. We were quiet the whole ride after that. Wala nang nagsalita sa amin. Hanggang mahatid na niya ako sa hacienda. Nasa harap na kami ng mansyon namin. Binalingan ko siya. "Rad... I also wished you were there..." Nagkatinginan kami. I gulped and shook my head. Bahagyang umawang ang labi niya habang nakatingin din sa akin. Napababa ako ng tingin. "Ikaw ang isa pang naging dahilan kung bakit nangarap pa ako. Sabi ko noon sa sarili ko gusto ko rin may maabot sa buhay gaya mo. You were already responsible even then. You have plans... You are independent. Gusto ko rin maging gaya mo. Kaya rin ako nagsikap pa..." I looked at him.
Nanatili ang tingin niya sa akin. He sighed a bit. "It's getting late... You should rest now. I know your tired." marahan niyang sinabi at nauna nang lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako. "I'll see you tomorrow." aniya na tinanguan ko. "Good night..."
Tumango ako. "Good night, Rad... Salamat uli sa pagsama sa akin mula pa kahapon."
He only nodded at sinalubong na rin ako ni Cecil sa labas ng mansyon. Ginabi na rin kami ng uwi. Natawagan ko na rin kahapon pa si Papa at alam nila ang naging pag-alis ko papuntang Escalante noong isang araw. Bumalik na si Rad sa loob ng sasakyan niya hanggang sa tuluyang nakaalis. Hindi ko na rin siya naimbita pa sa loob ng mansyon. May mga gusto pa sana akong sabihin at itanong sa kaniya...
Gusto ko siyang tanungin kung nagalit din ba siya sa akin... Na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya noong umalis ako. Kung sumama rin ba ang loob niya sa akin. Kung ayos lang ba sa kaniya ngayon na nagkikita kaaming muli. Kung ano ang nararamdaman niya... Napalunok ako at pumasok na rin sa loob ng mansyon.
Bukas ay maaga pa ako sa farm.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro