Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Other Rej Martinez's stories are also available in my TypeKita profile! Note that not all of my stories are posted here in Wattpad. Some are also exclusive on Patreon/Facebook Group. Thank you!

Kabanata 17

Bitterness

"You're home early." Sinalubong ako ni Karmela na naabutan kong naroon pa sa mansyon. I nodded and kissed her cheek, too. "You don't look good, are you okay?" she asked.

I nodded and tried to smile at my sister. "I'm fine, Karmela. Napagod lang siguro."

"You should rest. Sumabak ka kasi agad sa trabaho." anang kapatid ko.

I nodded again. "Yes, aakyat na rin muna ako sa kuwarto ko."

She nodded, pero ang mga mata niya ay nanunuri pa rin sa akin. "Or is it Attorney Rad Lizares?" hula pa niya.

I sighed and turned to my younger sister again. Mapanuri talaga si Karmela. Hindi ka bastang makakapagtago ng kahit ano sa kaniya especially when you're a transparent person, too. Siguro ay halata rin sa hitsura ko at alam din niyang galing ako sa farm kung saan naroon din si Rad. "I'm okay, Karmela. Don't worry about me." I assured her. Her eyes remained on me. She's really beautiful, too. She looked like an angel just like her twin sister, Karmen, kung hindi lang din siya palaging nagsusuplada. I sighed again. "I think... May bago na siyang nagugustuhan... He's probably liking that girl at malalaman ko na lang na may bago na rin pala siyang girlfriend." I smiled bitterly. Hindi ko rin talaga maitago ang pait sa akin.

Lumapit muli sa akin si Karmela. "Did you two talked?" she asked.

I nodded. "Nakapag-usap na rin kami tungkol sa farm..."

She shook her head. "Ate... you know what I mean." Nagkatinginan kami.

I sighed and nodded. "Hindi pa... Rad was acting formally... He's civil. Hindi rin siya nagtatanong... And he's busy with the new girl. Sa dalawang araw ko nang nagpunta sa farm at nagkikita kami roon ay palagi lang siyang abala. Ni hindi niya ako matingnan ng matagal... Siguro ay nakalimutan na rin niya iyong mga nangyari sa amin noon..." It saddened me to think na ganoon na nga siguro. Kasi ako hindi ako nakalimot. I had met good guys back abroad and even in Manila. Pero hindi pa rin ako napasok sa pakikipagrelasyon. The closest experience that I had with a relationship was the ones I had with Rad. Hanggang ngayon siya pa rin talaga. Even with the doubts I had with me, palagi ko pa rin siyang naiisip noon kahit saan man ako magpunta hanggang ngayon. Iba talaga kapag si Rad. There were things or feelings, na sa piling niya lang mararamdaman ko.

But I can't always expect na may babalikan ako, can I? Ako rin naman ang umalis at hindi pa nagpaalam man lang ng maayos sa kaniya. And it's been years. What do I expect? Marami na rin ang nangyari... At wala naman akong pinanghahawakan sa kaniya. He did not promised or said that he would wait for me. Hindi nga kami nagkausap noon. Noong tanungin ko si Kuya Joaquin tungkol sa kaibigan niya ang sabi lang nito ay hindi pa naman daw nagpapakasal si Rad. Naisip ko rin kasi iyon since ilang taon na rin ang lumipas, and he's already of age to get married and have his own family. Pero siguro nga naging abala pa muna talaga siya sa pagpapalakad ng farm na ngayon niya pa lang maiisipan ang pakikipagrelasyon muli at pag-aasawa... Parang may nalunok naman akong pait sa pag-iisip sa babae kanina.

"Sigurado ka ba roon sa babae? Na may kung ano talaga sa kanila ni Attorney Rad?" Karmela asked. Tahimik ang malaking living room ng mansyon at doon na kami nagkasalubong.

"Ang sabi ay client daw niya. At nagpapatulong na rin at may sariling farm din 'yong babae. At mukhang close din sila..."

Karmela was listening and looking at me. Parang siya pa itong nakatatanda sa ayos namin ngayon. "Si Attorney Rad ang nagsabi?" she asked again.

Umiling ako. "No, sabi lang sa akin ng isang empleyado roon sa farm nang tanungin ko rin." I said.

Karmela shook her head. "Try to talk to him, you two should really talk. May nakaraan kayo kaya nararapat lang din siguro na mapag-usapan pa rin ninyo iyon... For closure..." she was as if watching my reaction.

Tumango na lang ako sa kapatid ko at muli na rin nagpaalam na aakyat lang muna sa kuwarto ko. She nodded and let go of me. Aalis din siya at may pupuntahan sa kung nasaan din ang Papa ngayon. Wala pa rin siyang pasok sa eskuwela. Sumunod din sa akin si Cecil. Inisip ko ang nangyari nang araw na iyon at ang naging usapan namin ni Karmela habang nagpapahinga na ako sa kuwarto ko.

What if Rad and that girl really have something now? Wala naman akong pinanghahawakan sa kaniya. The only thing we have was what we had in the past... I heaved a sigh. Sinubukan ko na lang itulog iyon. At nakalimutan ko na rin palang kumain. Pagkagising ko ay dinner na. Ginigising na rin ako ni Cecil. Bumaba na ako matapos makapag-ayos ng kaunti.

"Papa," binati ko sila ni Tita Christine. Ngumiti rin sa akin si tita.

Naupo na rin kami doon at kompleto na sa mesa. Si Papa at si tita, ang kambal, ako at si Maurice. Nagtatagal na rin dito sa mansyon ang pangalawang apo ng Papa sa kay Ate Beatrice at mukhang dito na rin tutuloy ng college sa pasukan. Pinagsisilbihan kami ng mga katulong.

"Tumawag ka na ba sa iyong Mama?" baling ng Papa kay Maurice.

Tumango si Maurice. "Yes, Lolo."

Mabuti rin at mukhang pinapayagan din naman ni Ate Beatrice ang anak niya na manatili rito sa hacienda. Mabait din naman si Maurice.

The next day I went to the farm again. Kung hindi si Rad ay puwede rin naman akong magpatulong sa mga tauhan dito. Bahala na siya riyan kung abala man siya. Sinalubong niya rin ako nang dumating ako roon ay naroon din siya. Dumeretso kami sa office niya. Ni hindi ko siya halos binati. Tahimik lang din siyang sumunod sa akin. "Ang aga mong umalis kahapon..." aniya.

Saglit ko lang siyang sinulyapan at bumaba na ang tingin ko sa table ko na wala namang gawain. Nilapag ko na lang doon ang bag ko. "Sumama ang pakiramdam ko, pasensya na." I reasoned. I knew that lying was bad pero parang sumama na rin naman talaga ang pakiramdam ko kahapon matapos ko silang makita noong babae. Nandito kaya 'yon ngayon? Nakatingin lang sa akin si Rad at para bang pinagmamasdan ako.

"How are you feeling now? Kung masama pa rin ang pakiramdam mo sana ay hindi ka na lang muna pumunta ngayon. You should rest." he said. He even looked concerned. Or was it just my imagination?

Umiling ako. "Ayos na ang pakiramdam ko."

Nabigla pa ako nang lapitan niya ako at biglang kinapa na lang ang noo ko. Bahagya akong umiwas at parang napaso pa sa hawak niya. "I'm fine, Rad." iwas ko sa kaniya. He nodded and didn't bother me of being sick anymore. Hindi rin naman ako mainit. Wala naman akong lagnat.

"Nasaan na nga pala ang mga papel na nilagay mo rito sa desk ko kahapon?" I asked.

"It's done. Let's go outside?" pag-aaya niya sa 'kin.

Nagkatinginan kami. Hindi ko nga lang matagalan ang mga mata niya. I nodded and went out with him. Sinarado na lang muna namin ang opisina at iniwan ko lang din ang bag ko roon. Biglang may nilagay na sumbrero si Rad sa ulo ko. Nabigla na naman ako. I didn't bring my hat with me today because I planned to just work inside the office the whole day...

"Attorney, Senyorita," nakangiting bati sa amin ng mga workers.

Ngumiti rin ako sa kanila. "Magandang umaga po sa inyo." I greeted politely.

"Here," inabutan ako ni Rad ng dried mango.

"Uh, thank you..." marahan ko 'yong tinanggap mula sa kaniya...

Nagpatuloy ang paglilibot namin hanggang nangunguha na rin kami ng gatas mula sa mga baka. Ngiting-ngiti ako habang ginagawa iyon, and I really enjoyed doing it. "Puwede siguro natin itong ihalo sa tsokolate?" suhestyon ko kay Rad. Naalala ko kasi dati hinahalo rin ni Mommy ang nabibili lang din namin sa tindahan na powdered milk sa powdered chocolate drink din. At gusto ko rin 'yon.

Rad nodded, he stayed beside me. Ngumiti pa ako. At nagpatuloy lang kami sa ginagawa. Nanguha rin kami ng mga fresh farm eggs mula sa mga inahing manok. I really did enjoyed everything we did that day. At parang hindi ako nakaramdam ng pagod. Mabuti na lang at nakasimpleng pants at blouse lang din ako at flats. Hindi sagabal ang suot ko sa paglilibot namin ni Rad sa farm at paggawa ng ilang trabaho roon. Palagi lang din casual ang suot ni Rad kapag nandito siya sa farm. Para rin siguro mas madali rin siyang makakilos dito at tumutulong din talaga siya sa mga gawain.

"Aakyat ka?" nabibigla kong tanong nang makita si Rad na naghahanda sa pag-akyat sa isa sa mga puno ng mangga.

He nodded. "Yeah,"

"Nako, Rad, baka mahulog ka!" pag-aalala ko.

He turned to me and our eyes met. "Matagal na." he said.

And my heart still raced at what he said, kahit parang ang corny rin... "Ano, nahulog ka na rin dati sa pag-akyat sa puno?" nagtanga-tangahan ako kahit medyo nakuha ko na rin na may ibang laman din iyong kakasabi niya lang. O baka assuming lang din ako. Ewan ko.

Rad just chuckled as if he find the situation amusing... Nagsimula na rin siyang umakyat sa puno. I was really worried, habang nasa taas siya ng puno. Pinapatabi niya ako tuwing may ilalaglag siyang bunga ng mangga para hindi ako matamaan. Pero sinusubukan ko rin saluhin 'yon dahil baka masira rin dahil deretso lang ang bagsak ng prutas sa lupa. "Don't," bahagyang sigaw sa 'kin ni Rad mula sa taas. "Baka masira, Rad! May nasira na nga kasi tinatapon mo lang deretso sa lupa." sabi ko naman sa kaniya. Pinatabi niya akong muli at bigla niya ring nabitawan iyong isang mangga na hindi ko rin nasalo kaya tumama na iyon sa noo ko. Agad akong napahawak sa ulo at ininda ang pagtama.

Mabilis na bumaba si Rad sa puno para daluhan ako. "I told you. Ang tigas ng ulo mo." he scolded.

Ngumuso ako. "Hindi naman masakit..." I said, touching my forehead.

Inalis ni Rad ang mga kamay ko sa noo ko, to check it himself. "Namumula," aniya. Ang laki din kasi ng mangga!

I looked up at him and our eyes met. Sobrang lapit na ng mga mukha namin. My lips parted...

"Attorney, nandito ka lang pala."

Bumaling kami sa dumating, and it was the same girl from yesterday. Ngiting-ngiti ito kay Rad. At maganda sa suot na bestida. I looked away and the bitterness I tasted yesterday came back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro