Kabanata 16
Kabanata 16
Client
"Magandang maganda na po kayo, Senyorita." Ngumiti sa akin si Cecil nang bumaling ako sa kaniya.
Kanina pa ako rito nakaharap sa salamin at hindi matapos-tapos sa pag-aayos. Yesterday I was wearing a formal outfit, I was there at the farm for business kaya iyon... Today I chose to wear a more comfortable dress and sandals... Gaya lang din noon sa kadalasan kong suot kapag namamasyal kami ni Rad. He said he likes it when I wear dresses dahil bagay din daw sa akin. I looked at the mirror one last time, pagkatapos ay sumama na rin ako kay Cecil palabas ng kuwarto ko. Isasama ko muli siya sa akin ngayon at ang driver. Although I already know how to drive the car, nag-aalala pa rin ang Papa so he preferred me having a driver instead. Hinayaan ko na lang para hindi na rin ito gaanong mag-alala.
Pagdating namin ay naroon na rin si Rad. Siya ang agad kong hinanap. He's helping the workers again with loading the trucks with fresh fruits and vegetables. "Rad," tawag ko mula sa likod niya. Bumaling naman siya sa akin at sinalubong ko siya ng magandang ngiti.
Pinasunod niya ako sa kaniya at dumeretso muli kami sa kaniyang opisina. Napansin ko ang agad na nadagdag na isang desk pa roon. "You can also work here temporarily, habang inaayos pa rin ang magiging opisina mo. Your brother didn't tell me sooner, kaya hindi rin napaghandaan." Rad said.
Tumango naman ako. "Okay lang," So this means I'll be working here inside Rad's office, too.
May pinakita siya sa 'king mga records nitong farm. Paper works isn't anymore new to me since nakapagtrabaho na rin ako sa company namin. Naturuan na rin ako ni Kuya Joaquin nito and I also learned this while I was still studying abroad. "Okay, I'll handle this." I said confidently. "Thank you." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang nakatingin din siya sa akin, sa dibdib ko... O sa kuwintas na suot ko. He was standing just in front of my desk.
Nakumpirma ko ngang sa kuwintas ko talaga siya nakatingin. My cheeks heated a bit. Mabuti nga nang balikan ko ito sa drawers ng tokador ko ay naroon pa naman at mukhang hindi rin nagalaw. Agad ko na rin sinuot kanina.
"Okay, I'll go outside now." ani Rad.
Marahan naman akong tumango at hinayaan na siya. I checked the records at mukhang maayos naman na iyon. I just took notes, sa mga ideas ko rin para sa farm. I'd been doing research about farming and farmlands, too. At gusto ko rin talagang matutunan ang mga gawain dito, just like what Rad was doing. He's very hands on with everything here. Nakakauwi pa kaya siya sa kanila at nakakagawa ng iba pang mga bagay? He seemed very busy here. Sabagay nasabi nga rin niya sa akin noon na ito rin talaga ang gusto niyang buhay. He just wanted the peaceful life here in the province and doing work at his farmlands. At iyon na nga ang ginagawa niya ngayon. Tingin ko ay wala na rin naman akong gagawin dito sa office ni Rad kaya lumabas na rin ako.
"Aling Fe," sinalubong ko rin ito ng ngiti nang magkita kami. "Si Rad, po?"
"Senyorita," ngiti naman nito sa akin. "Nandoon sa mga manggagawa, tumutulong." sagot nito sa tanong ko.
Tumango ako. "Sige, po."
"Samahan ko na po kayo, Senyorita."
"Salamat, po." Ngumiti pa ako at sinamahan na ako nito sa kung nasaan si Rad. Naabutan nga namin itong abala pa rin sa pagtulong sa mga tao ng farm.
"Ganiyan talaga si Attorney. Abalang abala rito lalo na kapag ganitong harvest. Siya talaga mismo ang nag-c-check at tumutulong pa sa mga kahit mabibigat na trabaho rito sa bukid. Hindi alintana ang mainit na sikat ng araw. Naging moreno na nga iyan kagagawa rin ng mga trabaho rito." ani Aling Fe sa tabi ko.
Napansin ko nga rin iyon kay Rad na parang naging moreno siya. Pero bumagay lang din naman iyon sa kaniya. Kahit ano naman siguro ay bagay sa kaniya. He's still gorgeous in my eyes. Agad akong ngumiti nang balingan niya kami ni Aling Fe at nagtagpo ang mga mata namin. Lumapit siya sa amin. "What are you doing here? Mainit dito." aniyang iniinda rin ang init.
Napahawak ako sa malaki ko rin namang sumbrero. "Ayos lang, umiihip din naman ang malamig na hangin." sabi ko sa kaniya.
Nagpaalam at iniwan na rin muna kami ni Aling Fe. Ang driver naman at si Cecil ay nanatili na muna sa sasakyan. Nalilibang si Cecil sa nilalaro niyang games sa cellphone ko na iniwan ko na rin muna sa kaniya. Wala naman siguro akong paggagamitan noon dito. Kung may tumawag man ay agad din dadalhin sa akin ni Cecil ang cell phone ko. "Gusto ko rin sanang matutunan 'yan." turo ko sa ginagawa nila.
Umiling si Rad. "It's too heavy for you. Dapat ay sa opisina ka na lang..."
Umiling din ako. "Wala na akong makitang gagawin doon. Gusto ko rin talagang matuto sa mga gawain dito sa farm. Uh, turuan mo ako..."
Tumango siya pero bago pa man makapagsalita ay may narinig na kaming tumatawag sa pangalan niya. "Attorney Rad!" Binalingan namin ito. Lumapit din si Rad at sinalubong iyong babaeng hindi ko kilala. Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan silang dalawa na mukhang malapit sa isa't isa...
Sino ang babaeng ito... Hindi kaya ay bagong girlfriend ni Rad... Parang napuno ako ng pait. "Ah, excuse me, sino po iyang babaeng kausap ni Rad?" tanong ko sa dumaan na worker. Nakakaistorbo pa ako sa trabaho nito. Maagap naman itong lumapit sa akin para matugunan ako. "Pasensya na sa istorbo..." bahagya akong ngumiti sa babae.
Umiling naman ito. "Ayos lang po, Senyorita. Iyan po ba? Kliyente po siya ni Attorney. May lupa rin yata na pinaglalaban niya sa korte. Ganitong farm din po yata at nagpapaturo na rin siya kay Attorney sa mga gawain. Madalas din po siya rito." anang manggagawa.
Tumango ako at pinasalamatan na rin ito para makabalik na sa trabaho. "Salamat, po."
"Walang anuman, Senyorita." anito at ngumiti sa akin bago tuluyan nang nagpaalam.
Tiningnan ko si Rad at iyong babae na mukhang bata pa. Ngumiti sa kaniya iyong babae at nakangiti rin siya habang kausap ito. Sabay pa silang nagtawanan sa kung ano. Lalong naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila. Ngayon ko pa lang din nakita na nakangiti ng ganiyan si Rad simula nang nakabalik ako at nagkita kami... Sa huli ay nagbuntong-hininga na lang ako at tinalikuran sila. Babalik na lang siguro ako sa opisina niya o pupuntahan ko na lang sina Cecil at uuwi na lang siguro muna kami sa mansyon. Tutal ay wala na rin naman akong gagawin doon sa opisina. At mukhang ayaw din akong turuan ni Rad sa mga gawain dito... Siguro ay wala na siyang panahon sa akin dahil dumating na iyang client niya, o client lang ba talaga, dahil mukhang maganda rin ang bonding nila, ah. May pagngiti pa at pagtawa habang kausap ang isa't isa.
Hindi na ako matuturuan pa ni Rad ng ibang mga gawain dito dahil nandiyan na iyang babae niya at nagpapaturo rin pala ito sa kaniya sa farming. Dumeretso na lang ako sa sasakyan para makaalis na. Mamaya ay makaistorbo pa ako sa kanila.
"Aalis na tayo, Senyorita?" salubong sa akin ni Cecil. Tumango naman ako at umayos na sa tabi niya sa backseat ng sasakyan. "Osige... Manong, tara na po." ani Cecil sa driver na agad naman sumunod.
Bakit nga ba hindi ko naisip, or I just really didn't want to think, na sa mahabang panahon rin ang lumipas ay baka may ibang babae na rin siyang nagustuhan? At sa nakita kong tuwa sa kaniya habang kaharap niya iyong babae, hindi naman siya ganoon sa akin simula noong muli kaming nagkita kahapon. Mukha pa nga siyang galit. At pormal lang din ang pakikitungo sa akin hanggang ngayon. Hindi rin naman malabo iyon. Na magkagusto siya iba... Lalo sa isa ring magandang babae tulad noong client niya.
Nakita ko pa si Rad na sumusunod ang tingin sa sasakyan naming papaalis na. Nagbuntong-hininga ako at nakahalukipkip na bumaling na lang sa harap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro